Share

CHAPTER 7

WARNING: NOT SUITABLE FOR MINORS! THIS CHAPTER CONTAINS MATURED CONTENTS.

Seira Anthonette's P. O. V.

Nakahawak sa beywang ko si Raiko habang si Gil naman ay hawak ang braso ko. Lumabas kami ng bar, dahan-dahan kaming naglalakad habang nasa harapan namin si Vinalyn at Jairus. Hindi naman ako lasing, pero nahihirapan na ako ibalanse ang katawan ko dahil inaantok na ako.

"Seryoso, may problema ka ba talaga?" tanong ni Raiko sa akin.

"Wala."

"Kanina pa 'yan, ininom ba naman yung alak ko," ani Gil.

Huminto kami sa kotse ni Vinalyn. Tignan mo, may kotse naman pala ang babaeng 'to tapos nagpapahatid at sundo pa kay Jairus. Mabuti na lang at hindi siya lasing, makakapag-drive pa si Vinalyn.

"Ingat kayo, I'll go now. Have a good night, guys!" sigaw ni Vinalyn at kumaway sa amin bago pumasok sa kaniyang kotse.

Pilit akong ngumiti. Tinanggal ko ang suot kong leather jacket at inabot kay Raiko.

"Mauna na rin kami, mga 'Tol. Itong si Sammy, babagsak na," ani Luke.

"Sige, pre. Ingatan mo 'yang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status