Mabilis kong itinaas ang ulo ko sabay sandal at bitaw kay Mr. Coldwell. Tila naestatwa, pinanuod ko ang pag-alis niya sa harapan ko at pag-upo nang maayos sa driver’s seat. Narinig ko ang pagtikhim niya bago pinaandar ang sasakyan.Nang makalayo na kami sa Coldwell Corporation, napapikit ako nang mariin habang ramdam ang malakas na kabog ng dibdib. Gusto ko ng bagong simula pero patong-patong na kahihiyan na agad ang nangyari sa loob lang ng isang araw. Hindi ako sigurado kung paano ko pa maaayos ang imahe ko kay Mr. Coldwell – o baka mas maganda na rin ito… para hindi na niya subukan pang ituloy ang kung anumang relasyon namin noon. Ang hirap lang talaga ng sitwasyon ko dahil boss ko siya. Of course, it’s normal to care about what he thinks of me. After all, siya ang nagpapasahod sa ‘kin. Kaya kahit gusto kong manahimik at maglaho sa mga oras na ito, napilitan akong magpaliwanag.“Uhm… sorry, sir. Hindi ko po sinasadya. May mga empleyado kasing dumaan. Baka ano lang ang isipin nil
Bakit ba parang walang nakakakilala kung sino si Mrs. Coldwell? Tuloy ay pati ako napagdiskitahan ng media. Saan ko naman huhugutin ang impormasyon tungkol dito kung sarili ko ngang alaala burado na?Huminga ako nang malalim bago nakangiting sumagot, “Malaki lang po ang tiwala sa ‘kin ng boss ko.” Mas simple ang sagot, mas ligtas. Ie-excuse ko na sana ang sarili nang may pahabol pa ang kaharap ko.“Kung malaki ang tiwala ni Mr. Coldwell sa ‘yo, malamang pinakilala na niya sa ‘yo ang asawa niya,” tinaas-baba niya ang kanyang kilay na para bang may ibang ibig ipahiwatig.Alam ba niyang kabit ako ni Mr. Coldwell?!Napalunok ako at parang may nagbara sa lalamunan. Kung tatanggi ako, maari niyang ikonekta rito ang pagiging kabit ko. Kung sasang-ayon naman ako…“Ah oo naman po! Nagkita na kami noon,” may kumpyansang balik ko. Wala naman sigurong masama kung magpapanggap ako.Nakita ko ang interes sa mga mata ng kaharap ko. “Really? By the way, I’m Bob. I just want to know, and don’t worry,
Nahirapan akong matulog sa kabila ng pagod. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng tyan o sadyang ‘di ako kumportable sa sariling kwarto. Nakailang bangon din ako hanggang mag umaga. At nang makita ang liwanag sa labas, pinilit ko nang mag-asikaso kahit nangangalumata. Mas mabuti na ito kaysa maulit ang nangyari kahapon.Wala namang nagbago sa umaga ko. Naisipan ko lang mas maging pormal ngayong araw kaya nagsuot ako ng olive green pencil skirt at may pagka-orange na floral top. Bago lumabas ng unit, sinilip ko ulit ang dala kong bag: Wallet? Check. Cellphone? Check! Company ID… hindi ko ito mahanap kaya mukhang susundin ko na lang muna ang instruction ni Vivienne. Pinapakuha niya ako ng temporary ID sa lobby habang hinihintay namin ang pagdating ng request kong bagong company ID ngayong Linggo.Dahil hindi pa rin ako sanay mag commute at ayaw kong sumugal ngayong araw, balak ko ulit mag-taxi papuntang Coldwell Corporation. Ayaw ko na rin kasi makaabala ng ibang tao. Lumabas na ako
Mukhang manika si Mrs. Coldwell. Mahaba at blonde kasi ang kanyang buhok, dinamayan pa ng kulay asul niyang mga mata. Para tuloy akong nakatitig sa dagat. Naputol lang ito at nabalik ako sa wisyo nang hawakan niya ang mga dala-dala kong folders. Inangat niya ang mga ito isa-isa na para bang may hinahanap. “Here you go,” sabi niya nang nakangiti sabay hinto. Kinuha niya ang isang folder galing sa mga hawak ko. Naiiba ang kulay nito, at sa likod, kita ang mga salitang MindTrace Research Group. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil folder lang pala ang tinutukoy niyang kanya na napunta sa ‘kin. Mukhang nabitawan din niya ito nang magkabanggaan kami at nahalo sa mga hawak ko.“Ah sorry, Mrs– I mean, sorry Ma’am. Hindi ko po napansin. Tsaka sorry po sa pagbangga. Hindi ko sinasadya,” may kahabaan kong saad. Muntik pa ‘kong madulas na kilala ko siya!“No worries, Ms. Del Rosario. It was just an accident,” may lambing niyang balik. “Just be careful around the office. Baka kasi sa susun
“Ah yes, sir! Hindi pa talaga ‘ko uuwi!” halos mautal ako nang bawiin ang mensahe ng kanta. Mala-robot ang tawa ko nang kuhanin ang mga papel sa printer. Buti na lang at tapos na ‘ko pagdating ni Mr. Coldwell. Kaya bago pa siya magsalita ulit, nagmadali na ‘ko pabalik sa area ko at dito nagtago. Wala naman na akong narinig na kahit ano. At makakampante na sana ‘ko sa katahimikan nang maalala ang kailangan ko sa boss ko. Dapat pala sinamantala ko na noong magkaharap kami!Napapikit ako nang mariin bago napilitang tumayo ulit. Wala na si Mr. Coldwell sa printing area at pagbaling ko sa kanyang opisina, awtomatikong nagsara ang kurtina. Nilakasan ko na ang loob ko lalo na’t lunch break. Wala naman na sigurong problema kung ngayon ko hihingin ang gamit ko.Dire-diretso akong nagpunta sa opisina ni Mr. Coldwell. Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata sabay talikod. I just saw Mr. Coldwell’s well-defined back! Sakto kasing naghubad siya ng polo pagpasok ko. Pati ba naman pagkatok s
Mr. Coldwell’s POV"We expect you to attend this time, Prescott,” umalingawngaw sa opisina ko ang maawtoridad na boses ng aking mama.Napilitan akong ibaba ang phone ko sa lamesa at pindutin ang speaker mode para makatapos ng trabaho. I still have a pile of documents awaiting my review and signature."If not, I will be forced to arrange more dates for you. How does a week sound? You can have one for breakfast, lunch, and dinner.” Natigilan ako sa pahabol ng mama. Inihilamos ko ang isang kamay sa mukha bago sumandal sa swivel chair at bumuntong-hininga. “Don't test my patience; I have a roster of potential matches waiting for you.”Alam ni mama na ayaw ko ang ganitong setup dahil aksaya sa oras. Kaya nga itinataon nila sa company events ang pagpapakilala ng mga babaeng gustong ipareha sa ‘kin.As the CEO of Coldwell Corporation, my bachelorhood is seen as a liability by shareholders and board members. Finding a suitable partner, settling down, and producing an heir are not just persona
Pagdilat ko’y sinalubong ako ng matinding pagsakit ng ulo. Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang alalahanin ang nangyari sa ‘kin.Malamang ay galing na naman ako sa isang failed job interview. At pagkatapos ay naisipan kong maghanap ng part time job. Pero dahil sa gutom, pagod, at kawalan ng sapat na tulog—Napadilat ako agad at dito nasilaw sa liwanag. Malakas ang kabog ng dibdib, sinubukan ko ulit tingnan kung nasaan ako. May puting kisame? Mukhang hindi pa naman ito langit kung ganuon. Pagsinghot ko’y nakaamoy ako ng panlinis o kakaibang kemikal. Nakarinig din ako ng tunog galing sa tabi ko kung saan may monitor na sa ospital ko lang madalas makita.I’m in a hospital room, I guess?Ilang segundo akong nakahinga nang maluwag bago nagtaka. Ano naman kasing ginagawa ko sa isang ospital? Bago ito masagot, napunta ang atensyon ko sa batang lalaking halos tumalon sa ibabaw ko.“Mommy!” masayang sigaw niya habang nakatitig sa ‘kin.Natigilan naman ako. Pinagmasdan ko nang mabuti ‘
“Prank ba ‘to? Nasaan ‘yung mga camera?” magkasunod kong tanong na nagpahinto sa pag-uusap ng doktor at mga nurses. Napatingin silang lahat sa akin, bakas ang pagtataka sa mga mukha. Ngunit imbes na seryosohin ay tinawanan ko sila, “Naks! Grabe ‘yung effort. Para sa TV ba ‘to o social media?”Nadepina ang lukot sa noo ng doktor, “Mrs—”“Kung hindi ‘to prank. Don’t tell me na nag time travel ako at nakarating ng 2024?” pagputol ko rito. I could feel my frustrations building up. Kaya nga wala na ‘kong pake kahit nandito pa rin sa kwarto ‘yung lalaking kamukha ni Henry Golding. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakikiusyoso.Kahit alam kong maaari nilang isiping nababaliw na ‘ko, itinuro ko ang ang kalendaryo sa pader. “Latest ba ‘yan? Kasi ang alam ko, nasa kalagitnaan pa lang ako ng 2019—” Napasinghap ako sabay takip ng bibig. “Baka nasa alternate universe ako!”Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng paliwanag sa sitwasyon ko. Sa gilid ng mga mata ko, napansin ko ang dahan-dahang pagla