Share

Chapter 15

Bakit ba parang walang nakakakilala kung sino si Mrs. Coldwell? Tuloy ay pati ako napagdiskitahan ng media. Saan ko naman huhugutin ang impormasyon tungkol dito kung sarili ko ngang alaala burado na?

Huminga ako nang malalim bago nakangiting sumagot, “Malaki lang po ang tiwala sa ‘kin ng boss ko.” Mas simple ang sagot, mas ligtas. Ie-excuse ko na sana ang sarili nang may pahabol pa ang kaharap ko.

“Kung malaki ang tiwala ni Mr. Coldwell sa ‘yo, malamang pinakilala na niya sa ‘yo ang asawa niya,” tinaas-baba niya ang kanyang kilay na para bang may ibang ibig ipahiwatig.

Alam ba niyang kabit ako ni Mr. Coldwell?!

Napalunok ako at parang may nagbara sa lalamunan. Kung tatanggi ako, maari niyang ikonekta rito ang pagiging kabit ko. Kung sasang-ayon naman ako…

“Ah oo naman po! Nagkita na kami noon,” may kumpyansang balik ko. Wala naman sigurong masama kung magpapanggap ako.

Nakita ko ang interes sa mga mata ng kaharap ko. “Really? By the way, I’m Bob. I just want to know, and don’t worry,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dani(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠
Thanks Miss Jade! ♡
goodnovel comment avatar
nida pascua
thanks ms.jade..Sana daily update na 2..magnda kasi..kKaiba ang kwento..sana mg update kana din s isa mong novel.m
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status