Share

Kabanata 73

“Justin,” hagulgol ko habang yakap-yakap na rin siya ng mahigpit. “Ang lamig-lamig sa labas, Justin. Ano ba ang pumasok sa utak mo, at sumugod ka rito?”

“Shh… ‘wag ka nang umiyak,” nanginginig nitong bulong.

“Paano akong hindi iiyak? Nabugbog ka na nga, nag-palamig ka pa. Paano kung magkasakit ka?" humihikbi kong sabi kasabay ang pagtaas at baba ng kamay ko sa likod niya. Alam ko kasi na giniginaw siya. Ang lamig ng pisngi at labi niya na ngayon ay dumidiin sa leeg ko.

"Gusto nga kitang makita, my nerd. Gusto kitang makasama. Wala akong pakialam kung gaano man kalamig sa labas. Wala na rin akong pakialam, mahuli man ako ng mga magulang mo, at lalong wala akong pakialam, bugbugin man ulit ako ng kuya mo. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. Hindi ko na hahayaan na may humadlang pa sa ating dalawa, kahit buong angkan mo pa ang makakalaban ko.” Parang maiiyak nitong sabi.

“Justin," bumitiw ako sa pagyakap sa kanya, at kinulong sa mga palad ko ang pisngi niya, at saka maingat ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
WOW! Ang Ganda na Lalo Ang kwentong ito at sana matauhan si Eman sa ginawa ni Myra at sabaysabay silang magpakasal.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status