"Pangit ka na nga, bobo ka pa!" sigaw ni Kuya Eman habang paulit-ulit na dinidiin ang daliri niya sa noo ko. "Didn't I tell you, 'wag na wag mo akong lalapitan, especially when I'm with my friends! Pero ang bobo mo—"
"Eman!" sigaw ni Mama. She ran up to us in panic and hugged me right away, nang mapansin niya na hirap na akong huminga dahil sa pigil na pag-iyak. "Bakit mo inaaway ang kapatid mo?" she asked as she stroked my hair."Napahiya po ako, Ma! Nasira ang araw ko dahil sa pangit na 'yan—""Sumusobra ka na, Eman!" sikmat ni Papa habang dinuduro na rin ang kapatid ko."Siya po ang sumusobra, Pa. Ang simple lang naman ng utos ko, hindi niya pa magawa! Ang bobo-bobo—""K-kuya, sorry na po, hindi ko naman po talaga gustong lumapit sa'yo—""Shut up and get lost, or better yet, die so that I will not be in shame because of you!" he yelled as he slammed the door shut."Erica, tahan na. Intindihin mo na lang ang kuya mo. Alam mo naman nagbibinata na—"Napabalikwas ako sabay ang pahapyaw na tawa, ngunit pumapatak naman ang mga luha. "Ano ba? Bakit ayaw akong tantanan ng alaalang 'yon?" Marahas kong pinahid ang mga luha ko, sabay ang mabilis na pagbangon.Nakakainis na hanggang ngayon, hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mga masakit na salita na binitawan ng kapatid ko. Ang eksenang 'yon ang parang alarm clock na gumigising sa akin tuwing umaga.Paano ko nga ba makakalimutan ang pangyayaring 'yon? Iyon nga ang dahilan kong bakit ako lumayo.Tatlong taon na ang lumipas, mula nang lisanin ko ang Batanes at ang aming tahanan. Pero 'yong hinanakit ko sa kapatid ko, nandito pa rin sa loob ko. Nakabaon pa rin sa puso ko.Hindi ko gustong umalis, hindi ko gustong iwan ang mga magulang ko, pero iyon naman ang gusto ng kuya ko, kaya ginawa ko.I really wish, masaya na siya dahil wala na ako. Wala na ang kapatid niya na hindi niya tanggap at ikinahihiya niya.Tatlong taon na nga akong hindi nag-e-exist sa buhay nila, malamang masayang-masaya na siya. At heto ako, pinipilit na mabuhay na mag-isa, kahit ang hirap.Tumayo ako at humarap sa mga collection ko, saka umupo at binuksan ang computer. Ang tahimik at ang lungkot ng buhay ko, pero sa tuwing haharap ako sa computer, napapangiti ako.Ito muna ang ginagawa ko bago simulan ang araw ko sa labas ng apartment. Unang araw na naman kasi ng klase, kaya mapipilitan na naman akong lumabas.Isang malakas na buntong-hininga muna ang ginawa ko, bago binuksan ang pinto at lumabas.Hinanda ko muna ang aking sarili dahil mamaya, panigurado na sandamakmak na mga demonyo na naman ang kahaharapin ko.Yuko ang ulo at mabagal akong naglakad papunta sa coffee shop na nasa harap ng school kung saan ako nag-aaral.Ayoko kasing pumasok ng napakaaga, baka maaga rin na masira ang araw ko, kaya dito sa coffee shop na 'to ako tumatambay at naghihintay ng oras ng klase."Ahh, shit... ang sarap.""Ano ba, 'tol? Boses mo! May tao sa likuran natin. Hindi ka ba nahihiya? I'm sure, naririnig niya tayo.""Sorry, 'di ko mapigil, 'tol.""Grabe ka, hinaan mo naman ang ungol mo, 'tol."Napailing at napatakip na lamang ako ng tainga, as I heard the men behind me whispering grunts and moans.Gusto ko lang naman sana ng tahimik na lugar kaya pinili ko ang pinaka-corner nitong coffee shop, pero dumating ang mga binata na akala ko ay tatambay at magkakape lang din gaya ko, but no, nag-group study sila. Ay mali, nag-group ungol pala.Iyon yata ang pinag-aaralan nila, kung paano magbasa habang nasasarapan. Nagbabasa lang naman kasi sila, pero sumasabay na ang ungol nila."C.R. na muna ako, tol.""Aww!"I was forced to face the man, nang hindi niya sinasadyang mahagip ang ulo ko sa kamay niyang parang nakagat ng langgam at hindi na maperme."I'm sorry..." pubulong nitong sabi habang gulat at nanlaki ang mga mata na sumulyap sa akin.Ang sarap din pitikin ng ngalangala niya para lumakas ulit ang boses gaya no'ng umu-ungol siya sa harap ng laptop niya kanina."Later na lang pala ako pupunta sa toilet," sabi ng lalaki na nagtakip pa ng bibig at bumalik sa upuan, pero nasa akin pa rin ang tingin niya.Napailing na lang ulit ako at nagbaba ng tingin."Ikaw talaga. Nakita mo lang si Erica, nawalan ka na ng gana," pabulong na sabi naman ng kasama niya na may kasabay pang tawa."Lahat naman siguro, Tol, kapag nakita ang pagmumukha ng babae na 'yan ay siguradong mawawalan ng gana," madiin na sabi naman ng lalaki na nakasagi ng ulo ko.Napabuga na lang uli ako ng hangin at kibit-balikat na tumayo. Iniwan ang mga lalaki na diring-diri sa pagmumukha ko.That’s how my classmates and schoolmates treated me. Pinandidirihan, pinagtatawan, nilalayuan, at binu-bully ako ng lahat.And I was no longer surprised or hurt because I had gotten used to hearing such words from my classmates and schoolmates."Welcome to hell, Erica," I muttered quietly, habang papalapit na sa classroom ko, which I regard as hell because of my classmates' demonic behavior towards me.'Yong narinig ko kanina mula sa mga binata sa coffee shop. Wala lang 'yon sa mga maririnig ko kapag nakapasok na ako sa classroom.Pero kahit nag-aapoy pa ang classroom na papasukin ko, at alam ko na mga demonyo ang kahaharapin ko, matapang pa rin akong papasok doon, hindi ko hahayaan na masira ang pag-aaral ko dahil sa kanila. Kunti na lang kasi; kunting push na lang at makakaalis na ako sa impyernong school na 'to.Pero nakatatawa rin, pinili kong lumayo sa kapatid na siyang number one bully ko noon, pero nagtitiis ako sa pambu-bully ng ibang tao.Sandali muna akong nagtiim ng mga mata, saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hinanda ko lang ang sarili sa pagsuong ko sa mala-impyernong classroom na papasukin ko."The Nerd!" mala-demonyong mukha ang kaagad sumalubong sa akin.Sikreto akong napangiti, hindi dahil sa ang gwapo ng demonyo na kaharap ko ngayon, kung hindi dahil ang ganda ng bati na narinig ko. The nerd–'yon ang tawag ng karamihan sa akin. "I missed you so much, The Nerd," sabi niya pa sa pinalambing na boses. Kung ibang babae siguro ang nilambing niya ng gano'n, siguradong magtitili sa tuwa na parang mga kiti kiti. Yumuko ako, as I walked to my former seat, ignoring Justin, the bully's leader—one of the demons that were continually causing havoc in my life."Ayaw mo pa rin akong pansinin, The Nerd? Did you not miss me? Kasi ako, na miss kita, sobra-sobra," madiin nitong sabi na parang bata ang pinanggigilan. Kulang na lang, pisilin niya ang pisngi at kurutin ang singit ko. Pero dahil sanay na ako dito sa mga pinagsasabi niya na walang kwenta. Manigas siya! Pero sa totoo lang, napangiti naman ako, sa isip ko nga lang. Paanong hindi ako ngingiti sa isip ko, miss na nga raw niya ako. At alam kong totoo 'yon. Miss na niya akong bully-hin, gawi
Hindi agad ako nakapagsasalita. I merely gazed at Myra before slowly resting my head.Ni minsan, hindi pumasok sa utak ko na gumanti, against those who bullied and humiliated me. Mas magiging magulo lang ang buhay ko kapag ginawa ko 'yon."Don't you want our classmates to treat you differently, Erica?" seryosong tanong ni Myra. "Are you just going to let them bully you for as long as they want?" Hindi pa rin ako sumagot, pero sandali naman akong sumulyap sa kanya. "Kasama mo na ako, Erica. May kaibigan ka na tutulong sa'yo kapag may umapi sa'yo," pangungumbinsi pa rin niya. "Alam mo, Myra, masaya ako dahil gusto mo na maging kaibigan ako sa kabila ng pagiging ako. Pero ni minsan, hindi ko naisip na gumanti. Kung gagawin ko kasi ‘yon, wala na rin akong pinagkaiba sa mga taong kinaiinisan ko.""Okay, fine, I won't make you take revenge. Pero pwede ka naman sigurong lumaban? Ang ibig kong sabihin, if they throw a rock at you, batuhin mo rin sila ng mas malaking bato!" maangas nitong sa
Napapailing ako. Ano ba ang pumasok sa isip ng Reynald na 'yon at biglang nag-iba ang timpla? In three years na naging magkaklase kami, wala namang ibang ginawa ang grupo nila sa akin, kung hindi puro pambubully at panlalait. "Anong pumasok sa utak ng isang 'yon?" hysterical na tanong ni Myra. Patalikod niya pa na itinuro si Reynald, pero nasa akin naman ang tingin. " 'Tsaka tama ba ang rinig ko? Gagawin niya ang lahat, to win your heart? Nabaliw na ba 'yon?" Umangat ang hulmang-hulma na mga kilay nito habang nagtatanong. "Grabe, nabara ko lang kanina, ngayon biglang type ka na?" Sekreto akong napangiti sa naging reaction niya. Gulat na gulat kasi. "Akala ko ba, bully ka? Sabi mo pa nga, alam mo ang likaw ng mga bituka ng mga bully na 'yon, pero hindi mo pala maintindihan ang bagong tactic niya." Nagkamot sa ulo si Myra, humaba pa ang nguso. Parang tanga nga, pero ang ganda pa rin—ang gandang tanga na dahilan kung bakit maraming napapalingon sa akin ngayon. Syempre, nagtataka si
"W-wala… wala akong kasama," utal-utal kong sabi, sabay ang pag-lock ng pinto. "Tara na, hindi ba sabi mo. Sabay na tayo kumain." "Teka nga lang, may kasama ka, narinig ko—"“W-wala nga akong kasama. Mag-isa lang ako rito. Tingin mo, sinong may gusto na makasama ang gaya ko?” putol-puto kong sabi. “Hindi e… may narinig ako,” akmang ididiin niya pa ang tainga sa pinto pero hinila ko na siya. “Bakit ba ang kulit mo? Halika na nga.” “Hoy, Erica—” Panay lingon pa rin siya, kahit hila ko na siya palabas."Alam mo, Myra. Gutom ka lang, kaya kung ano-ano na lang ang naririnig mo. At saka, kanina pa nga rin ako gutom. Tiyan ko lang siguro 'yong narinig mo," palusot ko habang ni-lo-lock ang pinto."Ito naman, masyadong malihim. Talaga namang may narinig ako–" Kamot na naman niya ang ulo sabay haba ng nguso. “ 'Wag ka ngang praning. Sino naman kaya ang magkakagustong makasama ako—” halos pabulong kong sabi. Nasa labas na nga kasi kami. “O, bakit biglang tahimik ka na naman?” nagtatakang ta
“Hoy, ano ba, Myra?” My hands were trembling, habang tinatapik-tapik ang likod ni Myra. Sobra akong nagulat nang bigla siyang sumalpak sa lupa at umatungal na parang bata. Wala na nga rin siyang pakialam sa lugar kung nasaan kami ngayon, hindi niya alam, kung gaano ka dumi ang inuupuan niya. Sapo niya ang mukha, umiiyak at parang hindi na ako naririnig.“Tumayo ka na, Myra.” Umupo ako sa harap niya at tapik na naman ang balikat niya. “Tahan na, hoy, bilib pa naman ako sa’yo kanina. Ang tapang-tapang mo. Nagkukunwari ka lang pala,” parang maiiyak na alo ko sa kanya.“Ang sakit-sakit… mahal ko ang gagong ‘yon. Ni minsan, hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ‘to. Akala ko, mahal niya rin ako, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako nagkulang, Erica,” halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Puro ngawa niya ang naririnig ko.“Gano’n? Kahit maliit ang manhood niya, mahal na mahal mo pa rin siya?” sandali niya akong sinulyapan, saka humaba na naman ang nguso. Hindi ko kasi alam
"Erica?” bulaslas ng lalaking nabangga ko. “Nasaktan ka ba?" tanong niya pa.“H-hindi—” sagot ko, pero nanlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking napatungan ko—si Reynald. Kapag minalas nga naman. Ang dami namang lalaki na pwede kong mabangga, ito pang ungas na demonyo na ‘to."S-sorry… hindi ko sinasadya," utal-utal kong sabi at yumuko.Ngumiti kasi ang demonyo ng kakaiba at ayoko ang klase ng ngiti niya—ngiting manyak. Sumabay pa ang paglapat ng palad niya sa balakang ko na lalong ikinaasiwa ko. Pero nag-init naman ang bunbunan ko at gusto ko na siyang sakalin. Hahawak-hawak pa talaga ang sira-ulo."Ayos lang, you don’t need to apologize. Sa lahat ba naman ng atraso ko sa’yo, kulang pa itong pagsalo ko sa’yo para mabawasan ‘yon. At saka, ang mahalaga, hindi ka nasaktan dahil pumatong ka—" He pursed his lips, alam niya kasi na hindi ako natutuwa sa sinabi niya, lalo na sa ayos namin ngayon. Ang sarap na ngang hambalusin ang pagmumukha niya. "Sana nga, nasaktan na lan
"Honestly, Pinsan, I didn't expect her to smell so good. Her scent is so addictive; I feel like I am on cloud nine when she is on top of me," Reynald said as if he were dreaming. "The next time I bump into her, I'll make sure; ako naman ang la-landing sa ibabaw niya." Hindi ko napigil ang sarili, napalingon ako kay Reynald. Muntik na rin akong hindi makapagtimpi at gusto na sana siyang hambalusin. “Ang lakas ng tama mo, Reynald!” natatawang sabi ni Myra. “Hindi ko alam kung sinasabi mo lang ‘yan, for you to boast your kamanyakan o totoong tinamaan ka lang.” Mabuti na lang at resbak naman kaagad itong kaibigan ko. Kung nagkataon na hindi siya nagsalita, baka tinadyakan ko na ang pagkalalaki ni Reynald at nakita ng lahat ang pagsabog ng nerd. “Don’t tell me..." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Justin sa pinsan niya at kay Myra. “Siya ang pumatong sa’yo?” Turo niya si Myra, pero na kay Reynald ang tingin. Pero imbes na sumagot si Reynald, tumawa na parang baliw. “Gago ka, sumagot ka,
"What did you do, Justin?" Gulat na napalingon si Justin nang biglang sumulpot si Reynald. Ang tangkang pagtulong nito sa akin ay hindi na rin natuloy. Tumayo siya ng tuwid, humalukip, at sumandal uli sa locker. "Anong ginawa n’yo kay Erica?" Nilapitan ako ni Reynald at umupo sa harapan ko. Ang talim din ng tingin nito sa pinsan niya at kung makasinghal kuno ay parang totoong galit. Alam ko namang um-acting lang siya. "Erica, what did they do to you?" I was writhing in pain, at hindi ko kayang sagutin ang fake niyang concern. "Erica…" Hinawakan nito ang kamay ko na hinayaan ko lang. "Masakit ba?" hinihipan niya pa iyon na sandaling ikinalaki ng mga mata ko. Impaktang Shaira. Alam kong nagseselos siya dahil sa paglapit-lapit nitong si Reynald sa akin, kaya niya ginawa sa akin 'to. Ito nga rin kasi ang ginagawa nila sa mga babaeng umaaligid-aligid dito sa malanding lalaki na 'to. "Sumosobra na kayo. Hindi na tama itong ginagawa n'yo!" Na kay Justin na ang tingin niya. Matalim at ma