Share

Chapter 3

"I love you, Max!"

"Maxine Willow, you're the best!"

"We love you, Maxine!"

Hindi makapaniwalang tinitingnan ni Maxine ang lupon ng mga taong pilit na sumasalubong sa sasakyan nila. Panay pa ang pagtawag ng mga ito sa pangalan niya habang may mga bitbit na larawan niya.

"Totoo ba ang lahat ng ito?" manghang tanong niya.

"Hindi ito panaginip, Max! Sikat ka na! Ang dami mo ng fans," masiglang tugon sa kanya ni Summer.

"Deserve mo naman talaga na makilala ng mga tao, Maxine. Maganda ka at napaka-talented mo pa," komento naman sa kanya ng kanyang manager na si Helen Choi.

Katatapos lang niyang mag-guest sa isang talk show kasama ang mga kapwa artistang nakatrabaho niya sa pelikula. Kasulukuyan silang paalis ng SongSong Entertainment at nahirapan ang sasakyan nila dahil sa dami ng mga taong humaharang dito upang makita siya.

Ito na nga ang simula ng pangarap niya. Unti-unti na siyang nakikilala dahil sa naging successful na pelikulang kinabilangan niya. At ngayon ay patungo naman ang grupo nila sa isang mall sa Batangas dahil sa mall show nila roon.

"Oh my gosh! From 250k followers, mayroon ka na ngayong 800k followers sa i***a!" kanda-tili ni Summer sabay pakita nito sa kanya ng cellphone na hawak mula sa passengers seat.

"I am so proud of you talaga sa lahat ng achievements mo ngayon," nakangiti namang sabi ni Helen sa kanya habang nagmamaneho ito ng sasakyan.

"Hindi naman ako makakarating dito kung hindi rin naman dahil sa inyong dalawa." Matamis niyang nginitian ang dalawang babae sa kanyang harapan.

"Dahil sa pagsusumikap mo rin ito, Max," her cousin said at tanging ngiti na lamang ang naitugon niya rito.

Halos isang oras ang naging biyahe nila papuntang Batangas at mainit naman silang sinalubong ng mga tao roon. Kasama ni Maxine sa maliit na entablado ang mga kapwa artistang katrabaho niya, nagbibigay aliw sa mga taong nanonood at dumumog sa kanila.

Inimbitahan nila ang mga tao na patuloy na suportahan ang pelikula nila sa takilya.

Natapos ang buong maghapon ni Maxine na pagod na pagod ang katawang lupa niya. Masakit din ang mga panga niya dahil sa paulit-ulit na pagngiti na ginawa niya sa maghapon sa harap ng maraming tao. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagod niya ay masayang-masaya ang puso niya dahil sa wakas ay unti-unti na siyang nakikilala bilang artista. At patuloy pa rin siyang umaasa na hindi malabong makatrabaho niya in the future ang lalaking kanyang kinababaliwan.

Kinuha niya ang picture frame na nasa side table ng kanyang kama, saka ito niyakap ng mahigpit habang suot ang napakatamis na ngiti. Hindi niya maiwasan na hindi mag-imagine ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang dalawa ni Lucas. Kung may makakakita man sa kanya ngayon ay tiyak siyang mapagkakamalan siyang baliw dahil sa itsura niya.

Naputol ang mga isipin niya tungkol sa kanila ni Lucas nang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid. Marahan niyang itinabi ang picture frame ng binata at umayos ng pagkakaupo.

Nagpatikhim pa siya bago magsalita. "Come in." Iniluwa ng pintuan ang kanyang pinsan na si Summer.

"Alam kong pagod ka, pero baka gusto mo lang sumama mag-chill?" nakangiting alok ng pinsan niya.

Hindi naman siya nagdalawang isip pa. Mabilis siyang nag-ayos ng sarili upang sumama sa imbitasyon ng kanyang pinsan.

Black ripped jeans at gray halter crop top ang suot niya habang naka-spaghetti strap tank dress na red naman si Summer.

Pasado alas dyis ng gabi nang makarating sila sa exclusive bar ng mga Cortiz. Summer has a friend who is a news anchor—Anna Mae Cortiz. Actually, matalik na kaibigan niya ito noon sa college at paminsan-minsan tulad ngayon ay lumalabas at nagkikita sila para gumimik.

Kilala rin naman ni Maxine ang kaibigan ng pinsan at kasundo niya rin ito kaya naman madalas din siyang sumama sa mga night out ng dalawa.

Pagpasok nila sa nasabing bar ay sumalubong sa kanila  ang masaya at nakaka-engganyong musika. Naroon ang mga taong masayang nagku-kwentuhan at nag-iinuman.

"Hey, Summer!" bati ni Anna Mae na siyang papalapit sa kanila. "Glad you're here too, Maxine. Congrats nga pala, napanood ko 'yong mga TV guesting mo," sabi pa nito sa kanya nang makalapit na ito sa kanila.

"Thank you, Anna Mae," nakangiti niyang tugon sa babae.

"Tamang-tama, nandito ang mga new friends ko. Ipapakilala ko kayo!" excited na sabi pa ni Anna Mae sabay hila sa dalawa patungo sa isang table na kung saan ay may grupong nagkakasiyahan doon.

Bigla namang kumabog ang dibdib ni Maxine nang lumapat ang kanyang mga tingin sa isang pamilyar na lalaki. Napalunok siya at lalong nagwala ang puso niya nang salubungin ng lalaki ang mga titig niya. Ngayon, kapwa na silang nakatingin sa isa't isa.

"Hi guys, my girl friends, Summer and Maxine," pagpapakilala ni Anna Mae sa kanila. "I'm pretty sure some of you already know Maxine."

"Shit!" Lahat sila ay napalingon sa lalaking nagmura. "I'm a fan!" masayang wika ng lalaki sa kanya sabay lahad ng kamay. "Nathan," pagpapakilala nito sa kanya.

Kahit na naiilang siya ay mainit niyang tinanggap ang kamay ng lalaki at matamis itong nginitian.

"Thank you and nice to meet you, Nathan."

Kilala niya ang lalaki. Ito si Nathan Flores. Isang sikat na aktor tulad ni Lucas Ridge.

"Hindi mo naman sinabi sa amin na may mga artista ka ritong kasama," narinig niyang bulong ng pinsang si Summer kay Anna Mae.

"Hindi ko rin kasi inasahan na pupunta sila ngayon," ganting bulong naman ni Anna Mae kay Summer.

Magalang na binitiwan ni Nathan ang kamay niya at kahit na sandaling natuon ang atensyon niya sa iba ay patuloy pa rin sa pagwawala ang puso niya, dahil ramdam na ramdam niyang nakatitig pa rin sa kanya ang pamilyar na lalaki—si Lucas Ridge!

Yes, Lucas Ridge is here! Kabilang sa grupo na ipinakilala sa kanila ni Anna Mae. At kahit na nakakaramdam siya ng pagkailang ay tuwang-tuwa naman ang puso niya.

Binigyan sila ng espasyo ng mga tao roon upang makapwesto silang magpinsan. At sinuwerte naman siya dahil magkaharapan sila ngayon ni Lucas.

"Lucas Ridge, right?" tanong ni Summer. Ngumiti naman si Lucas dito saka tumango. "Nagkita na rin tayo before, remember?" dagdag pa ni Summer dito.

"Yea. Of course, sino ba naman ang makakalimot sa tagpong iyon," malalim na tugon ni Lucas kay Summer sabay sulyap sa kanya and with that, naramdaman niyang tumalon ang puso niya.

"Nakakainggit! Buti pa kayo may picture kayo ni Maxine," biglang singit naman ni Nathan.

"Pwede naman tayong magpa-picture ngayon, 'di ba?" nakatawang tanong naman ni Kevin—ang boyfriend ni Anna Mae.

"Oo naman!" tugon sa kanila ni Summer at panay nga ang pagpapa-picture ng mga ito sa kanya.

Bigla niyang nalimutan na masakit ang mga panga niya dahil sa maghapon na pagngiti sa mga tao. Ngayon kasi, dahil kay Lucas, pakiramdam niya ay punong-puno na naman siya ng enerhiya. At hindi siya magsasawang ngumiti ng matamis ngayon dahil nasa harapan niya ang lalaking kanyang kinababaliwan!

"Let's dance!" narinig niyang masayang yaya ni Anna Mae sa nobyo nitong si Kevin. At pagkuwan ay mabilis ngang lumisan ang dalawa at nagtungo sa dance floor.

"Nathan, right?" tanong naman ni Summer kay Nathan. Tumango ang binata kay Summer at mabilis na tumayo si Summer upang daluhan si Nathan. "Sundan natin sila!" yaya ni Summer.

"I'm good here—" tugon ni Nathan na agad ding pinutol ni Summer.

"Come on, let's go!" pilit sa kanya ni Summer at hinila siya nito patayo mula sa kinauupuan. Sa huli ay wala na ngang nagawa pa si Nathan kung 'di ang magpatianod sa dalaga.

Sa pagkakataong iyon ay tanging si Maxine at Lucas na lamang ang natira sa pwesto nila. Sa pasiwari ni Maxine ay sinadya ng pinsan niyang paalisin doon si Nathan, upang mabigyan sila ni Lucas ng pagkakataon na magkausap at magkakilanlan.

Kaya lang, hindi naman siya kasing tapang ng pinsan niyang si Summer. Hindi niya alam kung paano iha-handle ng normal ang ganitong sitwasyon. Bukod doon, hindi niya magawang makapag-isip ng tama dahil sa patuloy na pagwawala ng puso niya. Sino ba naman kasi ang hindi magwawala ang kalooban? Isang Lucas Ridge ang nasa harapan niya ngayon! Sikat at batikang aktor! Pinapangarap at pinagpapantasyahan ng halos lahat ng kababaihan!

"Aren't you dancing?" kumislot ang puso niya nang marinig niya ang tinig ng binata habang mainam itong nakatingin sa kanya.

"H-Huh?" tanging lumabas sa mga labi niya.

"Baka gusto mong sumunod sa kanila?" marahan at pormal na tanong ng binata sa kanya.

Napatikhim siya at pilit na kinalma ang puso. "I'm fine here." Pinilit niyang maging pormal sa tugon niyang iyon. "How about you? You can join them if you want to."

"Nope, I'm fine here too," nakangiting tugon sa kanya ni Lucas at muli na namang nawala sa katinuan ang puso niya.

Magsasalita pa sana siya para maging tuloy-tuloy ang usapan nila ng binata, nang bigla namang dumating si Nathan at tumabi sa kanya.

"Hi, Maxine!" nakangiting bati nito sa kanya."Would you mind to join me in dance?" tanong pa nito sa kanya. Naamoy niya ng bahagya ang alak mula rito.

"Uhm... I'm sorry pero... wala kasi ako sa wisyo para sumayaw," tugon niya rito.

Ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang bigla siyang hawakan ni Nathan sa palapulsuhan niya.

"Come on! I really want you to join me. Don't worry, you will not regret it and I will make sure you will enjoy this."

Tumayo si Nathan at pilit din siyang itinatayo nito. Aangal na sana siya nang biglang may kamay na pumigil sa binata, at nang iangat niya ang kanyang mukha upang tingnan kung sino ito ay muli na namang nagsisimigaw ang puso niya sa nakita. Si Lucas Ridge! Habang may seryosong tingin kay Nathan at pagkuwan ay bumalin ito sa kanya.

"Pasensya ka na, mabilis kasi siyang tamaan ng alak." Pagkasabi no'n ni Lucas ay inihiwalay nito ang kamay ni Nathan na nakahawak sa kanya.

"Anong nangyayari rito?" tanong ni Summer na kadarating lamang.

"Don't worry, mabuting tao si Nathan, nagiging makulit lang kapag nalalasing," sabi ni Lucas.

"Okay lang," tugon niya sa sinabi ni Lucas.

"Hindi pa ako lasing, Dude!" reklamo naman ni Nathan. "Sinabi ko naman sa'yo 'di ba? Gusto ko si Maxine! Napakaganda niya," narinig niya pang bulong ni Nathan kay Lucas.

Nakita naman niyang napangiwi ang pinsan niyang si Summer at napabigkas ng 'manyak'.

"Sa tingin ko, kailangan ko na siyang iuwi," paalam ni Lucas sa kanila.

"Huh? Aalis ka na agad? Baka naman pwedeng patulugin na lang natin 'yan dito at mag-stay ka pa," awat ni Summer dito.

"Gusto ko pa sana talagang mag-stay," tugon ni Lucas sabay sulyap sa kanya at dahil do'n ay kumabog na naman ang puso niya. "But it's hard to handle him when he's drunk."

"S-Sige. Ingat kayo," saad niya at nginitian naman siya ni Lucas.

"Kayo rin. Ingat sa pag-uwi niyo mamaya." Iyon lang at tumalikod na nga ito at inalalayan si Nathan palayo sa kanila.

Napangiti na lamang siya ng matamis habang pinagmamasdang unti-unting lumalayo ang binata sa paningin niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status