Share

Chapter 2

"Congratulations, Maxine!" masaya at masiglang bungad ni Helen kay Maxine, kasabay ng pagpapaputok nito ng party popper.

"Congrats, Maxine!" masayang bati rin naman ni Marikris kay Maxine habang dala-dala ang isang cake.

"Thank you!" masayang wika naman ni Maxine sa dalawang sumalubong sa kanya.

"I am so proud of you, Max," nakangiting sabi ni Helen sa kanya at masaya niya naman itong h******n.

"Thank you, Tita Helen," tugon niya rito.

Helen Choi is her manager. Ito ang nagtiyaga at tumulong sa kanya sa larangan ng showbiz. Nakilala niya ito noong nag-enroll siya sa isang acting classes noong labing-siyam na taong gulang pa lamang siya. Isa kasi si Helen sa naging guest speaker noon. Isa rin kasi itong writer at mabilis naman na gumaan ang loob niya rito.

"Halika na at kumain na tayo," yaya sa kanila ni Marikris at dumeretsyo na ito sa may dinning table. Agad naman silang sumunod dito.

Marikris is her auntie. Ito ang ina ng pinsan niyang si Summer at ito na rin ang nag-alaga sa kanya magmula noong umalis siya sa pudar ng kanyang ama.

Umalis siya sa bahay ng ama niya noong maka-graduate siya sa high school. At si Marikris na nga ang nag-alaga sa kanya kasama ng pinsang si Summer.

"Wow! Ang dami naman nitong inihanda mo, Nay," wika ni Summer nang makalapit na ito sa hapag-kainan at manghang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahain.

"Syempre, kailangan kasi nating mag-celebrate para kay Maxine," nakangiting tugon ng kanyang tiyahin.

"Sa susunod niyan ay main role naman ang makukuha mo. Sigurado ako diyan," sabi naman ni Helen sa kanya.

"Bilib na bilib po talaga kayo sa akin."

"Aba syempre naman. Nakikita namin na sisikat ka rin bilang artista. At kapag nangyari 'yon, malaki ang chance na makatrabaho mo si Lucas Ridge!" singit naman ng kanyang pinsan.

"Sang-ayon ako diyan," pagsang-ayon ng kanyang Auntie Marikris.

Napailing na lamang siya habang natatawa sa mga ito. But at the back of her mind ay nagdadasal na siya na sana ay magdilang anghel ang mga ito, at nang sa ganoon ay magkatotoo nga na makatrabaho niya si Lucas Ridge. Wala namang masama sa pangangarap kaya lulubusin na niya.

Natapos ang kwentuhan at tawanan nilang apat habang kumakain. Nagpaalam na sa kanila ang manager niyang si Helen at umakyat na rin siya sa kwarto niya upang magpahinga na.

Humiga siya sa malambot niyang kama habang pinagmamasdan ang mga malalaking larawan ni Lucas na naka-display sa kanyang kwarto.

"Hintayin mo lang ako, darating ang araw at mamahalin mo rin ako," pagkausap niya sa mga larawan ng binata.

Ilang sandali pa nang makarinig si Maxine ng tatlong sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto.

"Pasok," tugon niya sa taong naroon. Bumungad naman sa kanya ang pinsang si Summer na may dala-dalang tray at baso.

"Milk?" alok ng pinsan niya sa kanya saka ito tumuloy sa kanyang kwarto.

"Thank you, love mo talaga ako 'no?" natatawang sabi niya rito at inabot niya ang baso na may lamang gatas saka ininom.

"Gusto ko lang na ma-relax ka. Super excited din kasi ako para sa'yo bukas."

"Thank you for everything, Sum. Sa pagsuporta mo sa akin mula pa noong una."

"You are always welcome, Max. You know how much I love you, right? At susuportahan kita hanggang dulo."

Tunay nga na napakapalad niya dahil biniyayaan siya ng pinsan slash matalik na kaibigan na katulad ni Summer.

"Kung buhay lang si Mommy, sasabihin ko sa kanya kung gaano niyo ako kamahal ni Auntie."

Matagal na kasing patay ang kanyang ina. Winakasan nito ang sariling buhay noong pitong taong gulang pa lamang siya. Hindi niya alam ang eksaktong dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang ina. Ang tanging naaalala lang niya ay ang laging pagtatalo ng kanyang mga magulang.

And that's why she hates her father. Tumatak kasi sa isipan niya na umiiyak lagi ang Mommy niya dahil dito—dahil may ibang babae raw ito. At para sa kanya, ang Daddy niya at ang babae nito ang pumatay sa mommy niya.

Kaya naman sobrang lapit din ng loob niya sa Auntie Marikris niya at sa pinsang si Summer. Ito na lang din kasi ang natitirang alaala ng Mommy niya sa kanya.

H******n siya ng kanyang pinsan at bumulong ito sa kanya. "Mahal kita, Max."

***

"I HEARD nagpakuha raw kayo ng litrato ni Maxine? Totoo ba iyon?" tanong ni Nathan kay Lucas pero ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata dahil abala ito sa pagbibilang habang nagbubuhat ng dumbbells.

Nathan Flores is his actor friend at pareho silang nasa pangangalaga ni Oliver Sanchez.

"Hey, Lucas. Come on! Sagutin mo naman ako," reklamo ng kanyang kaibigan sa kanya.

Tumigil siya sa pagbubuhat at tagaktak ang pawis na inabot nito ang bottled water sa tabi.

"What now? Don't tell me fan ka rin niya?" tanong niya sa kaibigan bago ito uminom sa bottled water na hawak niya.

"Yes and I like her. Para siyang diyosa sa sobrang ganda!" masiglang tugon ng kaibigan.

Aminado naman siya na maganda nga talaga si Maxine. Kahit siya ay nabighani rito noong una niya itong masilayan. Matagal na niyang naririnig ang pangalan ni Maxine dahil lagi itong pinag-uusapan ng mga lalaking kasama niya sa trabaho. Pero noong isang araw niya lamang ito nakita sa personal at nakapagpa-picture pa nga siya rito dahil sa P.A niyang fan din nito.

"Yea. She's beautiful and gorgeous," pagsang-ayon niya kay Nathan.

"But, Dude, she's mine okay?" agap ng kaibigan niya sa kanya.

"Paano namang naging sa iyo?" kunot-noong tanong niya rito.

"Dahil mas nauna ako kaysa sa iyo. Matagal ko na siyang fino-follow sa social media accounts niya dahil lagi siyang nagpo-post ng mga larawan niya roon."

Napailing na lamang siya. "Ang sabihin mo ay babaero ka lang talaga."

"Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa kanya?" Pumalatak siya sa kaibigan.

"Ako."

"Really, Dude?" hindi makapaniwalang tanong ni Nathan sa kanya.

"Oo maganda siya but she's not my type," simpleng tugon niya sa kaibigan.

"Sa bagay, mas okay na rin 'yon. At least alam kong hindi kita magiging karibal sa kanya," nakangising sabi pa sa kanya ni Nathan.

Pagkatapos nila sa gym ay dumeretsyo si Lucas sa SongSong Entertainment para sa meeting niya dahil may bago siyang proyekto na gagawin.

"You're here," bungad sa kanya ni Oliver nang makapasok siya sa meeting room.

"Sorry kung napaghintay ko kayo," wika niya.

"No, it's okay. Have a seat," tugon naman ni Director Kim sa kanya. Naupo nga siya at nakinig sa mga pinag-uusapan nila at ilang sandali pa nang tanungin siya ng Direktor.

"Who do you want to be your female lead? Choice mo this time."

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi. Halos lahat na kasi ng sikat na artistang babae ay nakapareha na niya. And this time, gusto niyang subukan kung ano ang magiging outcome kung papareha siya sa baguhang artista. Kaya naman isang pangalan ang pumasok sa isipan niya nang mga sandaling iyon.

"Maxine Willow," saad niya.

"I liked her too," nakangiting tugon naman ni Director Kim sa kanya.

Lahat na lang ay tila gusto siya, kaya naman nacu-curious tuloy siyang mas makilala pa ang dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status