Share

Chapter 2

Chapter 2

Helena Kelandra's POV

Kasalukuyan.

"Ang tagal naman!" Bulyaw ko sa pinto ng banyo, mag-iisang oras na akong nakapila para sana maligo. Keng Ina naman oh! Iritableng sabat ng utak ko.

Late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabahong inaplayan ko noong nakaraang linggo. Kung hindi ko lang nakalimutan mag-set ng alarm. Dumagdag pa ang hang over na nafe-feel ko ngayon dahil sa birthday blow out ni Shenna kagabi, hindi naman ako pwedeng mawala sa event ng aking one and only bff friend. Tch.

"Bwesit naman oh! Kanina pa ako dito ah! 'bat ang tagal naman? Baka natulog ka na riyan, Toper!?" Dagdag ko pang bulyaw kay Toper sa loob na tila nakatulog o kung anong may pinapanood ito sa loob.

"Aish! Ano ba yan! Scandal na naman ba?"

Iritableng bulyaw ko dito habang kating-kati nang makaligo, dala ko ang isang plastic tray na pinaglalagyan ko ng sabon at shampoo.

Kapag minamalas ka nga naman. Isa pang himutok ng isip ko. Nakiki-upa lang ako sa maliit na bording house ni aling Bebang, dito na ako nakatira simula third year college hanggang nakapagtapos na ako at ngayon nga ay magtatrabaho na. Ang daling umikot ng panahon, at ngayon nga'y twenty two na ako.

Isa lamang itong maliit na paupahan sa gilid ng malaking ilog ng Pasig. Squater Area ika nga sabi ng iba.

Pero para sa akin, okey na 'yon kaysa walang matuluyan dito sa napakalaking syudad ng Maynila. Sanay na naman ako sa hirap. Kinakatok ko ng walang tigil ang pinto nang biglang nagresponde si Toper.

"Teka..lang Kelly!" Ani Toper na nagtotootbrush.

Lumabas ito na nakatapis ng tuwalya lang. Madali akong pumasok para makaligo. Laking squater lahat ang tao dito at kabilang na ako roon. Simula pagkabata ay dama ko na ang karalitaan, lumaki ako sa poder ng nakatatandang kapatid ng aking ina, kina tiya Lourdes.

'Di ko na nakita ang aking Ina dahil pumanaw ito noong sanggol pa lang ako habang ang ama ko naman ay hindi ko kilala. Sabi ni tiya isa lamang itong customer ng aking ina noon at ang tanging natatandaan nila ay ang palayaw na 'Bong'. So, kumbaga nabuntisan lang daw ang mama ko at ako nga ang naging bunga ng isang customer-GRO-tandem. Ang swerte diba?

Oo, GRO ang nanay ko at hindi ko ikinakahiya 'yon, pati nga tiya Lourdes ko ay GRO rin, iba iba ang ama ng anak nito.

May anak siyang Hapon, si Yuki. May anak siyang Amerikana, si Hanna, at si Eshan, anak niya sa isang nakilalang Bombay na naging suki nito sa bar dati. Ganiyan lang ang buhay namin

Kayod kalabaw.

Kaya nang makatapos ako sa high school ay lumuwas ako galing sa probinsya ng San Luis at pumunta sa sentro ng lungsod ng Maynila, para dito ko masimulan ang pagwo-working student habang kada gabi ay nagtatrabaho ako ng kung anu-ano.

Nagtitinda ng barbeque, balot o kwek-kwek.

Suma-sideline din ako sa mga pageant at mga patimpalak sa mga baranggay. Isali pa ang extra ko na raket, naging cigarrete vendo, nakapag cashier sa karenderya, nagpromodiser ng mga cologne, nag-ahente ng mga appliances, naging raketerang model sa isang sardinas at pati na rin ang pagiging escort girl ng mga matatandang mayayaman.

Iyon ang the best raket ko sa lahat. Escort girl.

No choice 'eh. Doon madali ang kitaan.

Hindi man aminin pero marami akong qualities na nakakapalibog sa kalalakihan. Pero sige lang ng sige. Kumbaga kapit patalim ang uri ng trabaho ko..Oo, 19 years old pa lang ako noon nang mawala ang pagka birhen ko, unang pagkakataon 'yon na magtrabaho ako bilang escort girl. Sinamahan pa nga ako ni tiya Lourdes noon.

Hinding-hindi ko malilimutan 'yon, ang araw na nakuha ako ni ginoong Damian, ang lalaking kumuha sa pagkabirhen ko.

Malapit ako actually sa kaniya kasi siya nga halos ang nagpatapos sa akin sa pag-aaral noong nag 4th year na ako sa high school at noong magkolehiyo na ako.

Nakilala ko siya sa isang textfriend bulletin sa isang dyaryo noon, looking for a friend, kaya naman sinubukan ko at sakto naman na napakagalante nito kahit na napaka aktibo o m*****g.'Yong tipong mahilig humimas, napaka-touchy pero okey lang kasi siya rin naman ang nag-finance sa napili kong kurso na Tourism nang magkolehiyo na ako. Praktikal lang.

So, kumbaga, sugar daddy ko si Damian. Yes, why not? Walang commitment. Give and take lang, 'di ba?

Nag-iimagine ako sa harap ng salamin, matapos maghanda sa aking sarili ay agad na akong naglakad papaalis sa isang makitid na eskenita. Napaisip ako habang tanaw ang malayong bukana ng highway na tinatahak ko.

Mayamaya pa ay narinig ko na naman sila.

"Wetwew!" Satsat ng mga lalaki sa eskinitang halos araw-araw yatang inaabangan ang beauty ko. Habang dinadaanan ko ang kalye ay nagsisipolan ang mga tambay sa suot kong uniporme, sexy corporate attire ito at bakat na bakat ang kurba ng aking dibdib. Nakapasok ako bilang tourist agent sa isang kilalang kompanya na nagke-cater ng mga tourist sa lungsod ng Pasig at ina-assist namin sa mga destinations na nakatalaga kung saan ang mga ito.

Just a decent job for my morning routine.

"For my morning, puta!" Sabi ko pa sa pagkakabigla. "Pst sexy, pakiss naman!" Satsat ng isang tambay sa akin. Habang naglalahad ng dila na tila nilalaro sa labi nito. Yuck!

Kamukha ni Tokmol! Naalala ko ang lasenggero naming kapitbahay sa San Luis. Inirapan ko lang ito, sanay na akong bastusin ng mga ito, ikaw ba naman halos araw-araw na napapasubo sa daan at matyempohan ang mga ito. Halos kilala kasi ako sa Pasig bilang prangkadera at 'yon nga, bilang escort girl na kung titingnan sa lipunan ay napakababang uri ng babae, ika nga ng ilan kalevel ng GRO kumbaga.

Well, baliwala lang sa akin 'yon at least may degree na ako ngayon at 'yon ang unang hakbang ko na makaahon sa kinasasadlakang kahirapan na kinamulatan ko since bata pa ako.

Sakay ako ng taxi papuntang trabaho, halos trenta minutos lang ang layo nito sa lugar ko pero dahil nga late na ako ay nagpasya akong magtaxi na lang.

Ibinaba ako ng matandang driver na kanina pa nagpapapansin sa t'wing nagtatama ang mga mata namin sa salamin. Pansin ko pa ngang hinipuan niya ang kamay ko nang mag-abot ako sa bayad. Napaputok ng wala sa oras ang kanina ko pang nginunguyang bubblegum.

Keng Ina! Naglipana na talaga ang mga maniac!

...itutuloy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status