Share

Chapter 6

CHAPTER 6

Helena Kelandra's POV

Maaga akong dumating sa hotel room ni Michael, may sariling susi ako kaya dire-diretso akong pumasok. Madilim ang kwarto. Nakasarado ang mga bintana at tanging dim light lang ang nagpapailaw sa roon. Hinahanap ko ang switch pero hindi ko makita.

Nagawi ako sa kama ni Michael, ang sarap ng tulog nito. Tinitigan ko ito nang maigi. Maganda ang hugis ng mukha nito. Mabalbon ang mga pisngi at matangos ang ilong, may dimples sa magkabilang pisngi at perpekto ang mga eyebrows nito na nakadadagdag sa maamo niyang mukha, idagdag pa ang kulay Pinoy nito sa maskuladong katawan.

How I wish I could be his girlfriend.

Hindi ko natapos ang pag-iimagine ko dahil biglang humarap ito sa akin at tumambad ang kaniyang central heating point.

Ang sentro ng kaniyang mga hita. Diyos ko! Napakamalaman nito. Napalunok at nag-iinit ako sa nakita. Nag-iimagine ako sa eksaktong parte ni Michael, iniisip ko ang mga ilang lalaking inaaliw ko noon, kung kagaya rin ba ni Michael ang mga ito.

Kelly! Ano bang iniisip mo! 

Tumatawag pansin ang pagkakatakam ko sa katawan ni Michael na tantya ko ay walang saplot sa ilalim ng kumot na tumatabon sa pagkalalaki nito.

"Sir M-Michael," marahan ko siyang ginising. Hinimas ko ang balikat niya. He looked so damn perfect. Like an Adonis figure.

"S-Sir, bangon na po. Mag-aalas otso na, may meeting pa po kayo ng alas nwebe," dagdag ko.

Michael's POV

Minulat ko ang aking mga mata. Nakita kong nakatayo si Helena sa gilid ng aking kama. Naka-uniporme ito, kahit medyo madilim ang paligid ay nakikita ko ang nakakaakit na pigura nito. May kinuha itong remote sa gilid ko at noo'y nagbukas ang mga ilaw. F*ck! I forgot that I'm not wearing anything beyond my sheets.

***

Helena Kelandra's POV

"Good morning, Ms. Helena," bati niya sa akin. Tumayo siya sa kama para dumiretso sa banyo. Laking gulat ko sa nakita, hubo't hubad itong naglakad sa harap ko habang tinitipa ang cellphone na parang walang taong nakatingin dito.

Liberated din ito. Oh, Diyos kong mahabagin! He smirked at me na tila nanunuya, parang wala lang sa kaniya na nandito ako sa harap niya.

Suddenly, he just stared at my face suot ang anong-problema-look. Napailing naman ako na tila nababasa ang ibig niyang sabihin. Dire-diretso si Michael sa banyo at nagshower. Naiwan ako sa may mini sala nito habang inaayos ang mga folder na kailangang dalhin, nandoon din ang mga gadgets ni Michael. Mahilig itong mag dokumento gamit ang pag-video sa camcorder nito.

May high-end lens camera ito na tantya ko ay mula pa sa States. Dahil sa kuryusidad ay inusisa ko ang camera nito. Marami itong mga kuhang larawan sa byahe.

Mahilig itong kumuha ng mga scenery, panorama views, at mostly, nature lover ito. Halata sa mga kuhang dagat, ibon, flowers.

Natigilian ako sa pagsa-swipe dahil nakita ko ang larawan ko sa camera nito. Napakahimbing ng pagkakatulog ko sa kama nito. How could it be? Pinipicturan ako ni Michael habang tulog ako? Bakit?

Mayamaya ay tumawag ito sa akin gamit ang telepono nito kahit nasa loob lang ito ng banyo. Madali kong pinatay ang camera bago mahalatang pinakialaman ko ito. Kinuha ko at sinagot ang aking telepono.

"Helena, please call some food delivery para maihanda before tayo umalis."

"Okay, sir. C-Copy,'' responde ko rito bago nag-order ng pagkain through delivery service. Nag-swipe ako sa aking phone at um-order sa website ng isang kilalang food chain. Nag-order ako ng buffet at dumating naman ito sa tamang oras. Tamang-tama ang dating nito.

Katatapos lang ni Michael sa pagligo. Naka-bathrobe ito at pinapatuyo ang buhok gamit ang maliit na tuwalya habang nakatitig sa akin. Nararamdaman ko nanaman ang kuryente sa aking puson.

Oh, my God, Kelly!  Konti na lang at baka mabaliw ako dahil sa angking kagwapuhan ni Michael.

Hindi ko napansin na kanina pa pala kami naka-eye-to-eye contact ni Michael. Umiwas ako at nagsalita, "R-Ready na po, sir," sabi ko rito habang nakatayo ako sa harap ng mesa sa kusina at katatapos ko lang ilapag ang foods.

"Okay, great!" saad nito. He moved closer to me at gaya noong nakaraang araw ay mismong siya ang nagsandok para sa akin. Imbes na ako dapat ang magsandok para sa kaniya. Kumain kaming dalawa, and at the same time naglilista na rin ako ng mga schedules namin.

After attending the meeting for Eco-Tourism Entrepreneurs ay may free three weeks kami ni Michael at isinet ko na rin ang travel namin going to Palawan. Ang saya!

Atat na atat na akong makapunta sa Palawan for the first time. Nag-iimagine ako habang isunusubo ang kutsara, napansin ko na hindi pa rin maalis ni Michael ang tingin niya sa akin, parang binabasa nito ang lahat ng galaw ko, or assuming lang talaga ako.

Ibinaling ko muli ang aking mata sa papel na hawak ko. Nag-busy busyhan ako dahil nate-tense ako sa kakatingin sa akin ni Michael. May dumi ba ako sa mukha? Biglang hinawakan ni Michael ang kamay ko, tila alam nito na nanginginig at wala ako sa sarili.

"Hey, don't worry, may connections naman ang company travel agency nila Nathan doon for the guest house and facilities. Don't stress yourself," marahan na sambit ni Michael sa akin. I don't know if saan ako nate-tense, kung sa excitement ko ba na makapunta sa Palawan, o dahil sa kamay niya na ngayon ay nakahawak sa kamay ko.

''Exciting, right?" tanong nito na tila may makahulugang titig sa akin. Mabilis kong binawi ang mga kamay mula rito. Hindi ko mapigilang mag-isip kung ano nga ba ang nakaka-excite. Ang palawan ba o siya na magiging amo at makakasama ko roon.

Ngumiti lang siya habang binabasa ang sinusulat ko kanina.

"Okay, Ms. Helena, after our trip sa Palawan, let's have some time to go in my place sa Pampanga," sabi nito sa akin habang nakangiti pa rin.

"Taga Pampanga ka rin, sir?" tanong ko na hindi makapaniwala sa narinig. What a small world.

"Oo, nandoon ang papa ko. I want to visit him," dagdag ni Michael at sumilay ang dimples nito sa pisngi. Okay! Inaamin ko na. Napakagwapo talaga ni Michael. Ilang porsyento na lang at tuluyan na akong mahuhulog dito. Nakakatukso. Ang sayang bumalot sa akin kanina ay napalitan ng kung anong mabigat sa loob nang narinig ko ang destinasyon namin pagkatapos sa Palawan.

"P-Pero, ano po kasi—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil naalala ko ang isang pamilyar na mukha sa aking isipan, ang mukha ng taong umalipin sa bata kong katawan noon. Naging seryoso at dumilim ang aking mukha.

"Oh? Anong problema?" nag-alalang tanong ni Michael sa akin. Umiling ako.

"Wala naman, sir. May mga bagay lang ako na gusto kong kalimutan sa Pampanga," paliwanag ko.

"Don't worry, kasama mo naman ako, eh. And besides, hindi naman tayo magtatagal doon," paliwanag naman ni Michael sa akin. Bumalik ang ngiti sa aking labi at nagpatuloy kami sa pagkain at nagsimulang maghanda sa pupuntahang meeting. Excited na ako sa trip namin ni Michael, excited ako dahil first time kong magtravel sa Palawan, ang place na inaambisyon kong mapuntahan since bata pa ako. It's my dream place. Plus points dahil may yummy boss akong kasama.    

...itutuloy.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status