Share

Chapter 4

Chapter 4

Helena Kelandra's POV

It's a busy Tuesday. Mag-aalas-dose na nang tanghali bago namin marating ang NAIA, nakipagsiksikan ako sa departure area. Marami ang nakaabang. Dala ko ang malaking slogan ng pangalang susunduin ko.

Mr. MICHAEL BRENT ROBERTSON.

Nangangalay na ako sa high heels na sandal suot ko. 'Bat ba kasi 'eto pa! Reklamo ko sa sarili ko dahil sa suot na sapatos. Kanina pa kasi kami naglalakad ni mang Allan sa NAIA at chine-check kung saang banda ang Terminal na darating si Mr. Michael. Nakamasid ako sa malayo, tinatantya ko ang bawat amerikanong lalabas sa terminal, pero wala akong makitang puting lahi.

Ano ba naman. Himutok ng isip ko. Kakangalay na maglakad. Mayamaya, lumapit sa akin ang matangkad at morenong lalaki at nakatitig sa akin ng diretso.

"I'm Michael," saad nito na suot ang halos nagpang-abot niyang kilay. I just raised my right eyebrow. Nang-go-good time yata 'to ah, wala sa hitsura nito ang pagka-amerikano, pinoy na pinoy ang hitsura nito maliban sa matangos na ilong at angking magagandang mga mata. Hindi ako umimik, tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa, tapos ay ibinaling ko muli ang aking tingin sa ibang nagsisilabasan na tao sa terminal.

Pero pansin ko pa rin na hindi siya natinag at nandito pa rin sa aking harapan. Nang-go-good time yata ang mokong na'to, pero infairness yummy din ito kahit may pagkasuplado ang dating. Dagdag na satsat ng isip ko.

"Hey? excuse me, benge ka ba? I'm Mr. Robertson!" Diin na pagkakasabi ng lalaki sa harap ko.

Hinarap ko siya habang naka-crossed arms.

"Gan'on po ba? pero inaantay ko po ang ibang Mr. Michael Robertson," pagmiminaldita ko, kasi naman sabi ni Mr. Francisco ay amerikano ang iho-host ko pero anlayo naman sa hitsura nito, pero baka nga ano? Tatawagan ko na sana si Mr. Fransisco para sana magtanong ng eksaktong detalye, kasi naman hindi ko naitanong ang hitsura. Basta ang sabi nito kanina ay kababata niya ito sa America.

"Seriously?" Sambit ko sa kaniya habang kinakapa ko ang aking telepono sa aking bag na dala. Pero mayamaya ay may tinawagan ito sa phone niya, at tila kinabahan ako dahil, nakipagkumustahan ito at narinig ko ang salitang 'Kamusta ka na pareng Nathan!'

Patay!

Si Mr. Nathaniel Francisco yata ang tinawagan niya. Ang boss ko mismo! Ang tanga mo talaga Kelly! Naiinis kong sabi sa aking sarili.

"Ahm, hello po sir..Michael," binati ko ito.

"Oh? akala ko ba hihintayin mo ang Mr. Michael Robertson mo?" Wika nito pabalik na akin suot ang ano-ka-ngayon-look. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya, para aking nabuhusan ng malamig na tubig.

"Eh..pasensya na po, first day ko pa po sa work ngayon kaya kinakabisado ko pa," sabi ko rito.

Sarkastikong nag-crossed arms ito sa aking harap habang tinitingnan ako na tila binabasa ang aking bawat galaw. "Gan'on ba? Well, let's not discuss it now, maybe later. By the way, I talked your boss, my bestfriend. I told him na magaling ang pina-assign niya sa akin na kumuha ngayon, kaya don't worry hindi ka sasabonin n'on," wika pa nito sa akin pagkatapos ay ngumiti ito ng nakakaloko na may makahulugang tingin. Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam pero parang mas nakahinga ako ng maayos sa sinabi niya.

Naku! kung 'di ka lang customer ko kanina pa kita tinadyakan! Satsat ng isip ko.

Pilit akong ngumiti at sumunod sa noo'y papalayong lalaki kasama ko rin si mang Allan na noo'y bitbit ang mga bagahe ng aming iho-host. Sakay kami sa kotse, nakaupo ako sa front seat katabi si mang Allan habang si Mr. Michael naman ay nakaupo sa likuran na tila abala sa pag-swipe ng telepono nito, wala kaming imikan. Nakakabinge ang katahimikan, traffic din nang mga oras na 'yon. Minabuti kong makipagkwentuhan kay mang Allan.

Nalaman ko na hiwalay na pala ito sa asawa at namumuhay ito sa Maynila ng mag-isa. Meron daw itong anak sa probinsya at ngayon ay may asawa na. Napatigil ang pag-uusap namin ni mang Allan ng magsalita si Michael.

"Manong, iparada mo muna saglit sa susunod na kanto, d'yan malapit sa kainan. Kain muna tayo, gutom na ako." Saad nito habang hawak ang sikmura na tila kanina pa ito gutom, nakalimutan kong tanungin o icheck kung nakakain na ba ito.

Ano ka ba naman Kelly! Satsat ng isipan ko.

Tumango lang si mang Allan, habang ako naman ay walang imik na nakamasid sa harap ng salamin ng kotse at tinitingnan si Michael.

"Yes Miss? Why you're looking me like that? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong nito na may sarkastikong tono.

"Wala lang sir, kasi I thought na amerikano ang susunduin ko, sabi kasi ni boss Francisco, amerikano ang susunduin ko," pagmamaktol ko.

"Gan'on ba? so gusto mo palang maka-customer ng amerikano?" He looked at me like nothing, 'yong parang mapanuya. Teasing like hell.

"Hindi po sa gan'on!" Maagap kong sabi.

"Well, I'm proud to be pinoy, pero nakapag-asawa si mama ng amerikano kaya naging US citizen ako.." He clarify.

"Ganoon ba, 'san na pala ang totoong papa mo?" Wala sa isip na tanong ko. Hindi ko naisip na napaka-daldal ko na pala that time, parang na sense kong ayaw na niya itong pag-usapan.

"Hmm. Let's not discuss na lang Miss," putol na saad niya sa akin.

I looked at him through mirror reflection at nakita ko na naging seryoso ang mukha nito habang tanaw ang bintana. Malayo ang tingin sa kung saan.

"Ms. Helena, Helena Morata," pakilala ko sa sarili ko kahit na alam kong hindi ito nakatingin.

"Ah. Ms. Helena." Narinig kong sabi niya.

Hindi ako komportableng tawaging Helena, mas ginagamit ko ang palayaw na Kelly bilang pagpapakilalang pangalan pero sa unang pagkakataon, Helena ang naisambit ko sa kaniya..Siguro panahon na rin para baguhin ang pangalang kilala sa mga kasalanan at siguro panahon na para makilala bilang Helena na may ambisyon at may pangarap. Saad ng utak ko.

Nakita namin ang malapit na dinners cafe kaya pumarada si mang Allan at noo'y pumasok kaming tatlo para kumain. Magaan kausap si Michael, kahit unang impresyon ko dito ay sarkastiko at hambog. Pero maginoo pala ito at may malasakit lalo na sa mga matatanda.

Maasikaso ito na parang galing din ito sa hirap o nakaranas ito ng kahirapan dati. Bago naging isang nakakaangat sa buhay. Nag-obserba lang ako habang kumakain.

"Helena, want wings? or legs?" Tanong nito sa akin na tila iba ang pagkakaintindi ko.

"Thank you sir Michael pero okey na ako rito.."

Satsat ko habang abala ako sa kinakain kong gulay at fries.

"Sir Michael? ang pormal naman, Michael na lang." Sabi nito sa akin na ngayo'y ngumingiti na. Kita ko pa ang mga napakagandang dimples nito sa magkabilang pisngi. Ngumiti naman ako pabalik dito. Naging magkasundo kami ni Michael, gan'on din si mang Allan.

Naging komportable kami sa isa't-isa. Matapos naming kumain ay nagtungo na kami sa hotel ni Michael at sinamahan namin ito para sa mga gamit niyang dala at para na rin malaman ang susunod na appointments nito sa upcoming trip. Room 166, 8th floor ng Larkin Hotel, deluxe suite ito at kumpleto ang kagamitan sa loob. Parang flat studio style. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ni Michael ay nangibabaw ang masculine style at mga arkong design sa ceiling na dumagdag sa dark serene ambiance ng kwarto nito. Idagdag pa ang napakalapad na mirror view sa veranda nito na matatanaw ang napakaraming ilaw ng syudad.

A city life!

Mamamalagi si Michael sa pinas ng mga tatlong buwan para sa business at personal na bagay. Kaya naman matagal tagal din kaming magsasama nito bilang tourist aide slash personal atchay at etc. Napangiti ako sa iniisip ko. Ah basta! Napaka green minded ko talaga.

Nakasaad kasi sa kontrata ko na kung kailan mamamalagi ang nakatukang tourist or pagsisilbihan na person ay gan'on din katagal ang assessment ko bago i-assign sa ibang customer. Exciting ang trabaho ko kasi hawak ko ang oras hindi gaanong stress.Makakatrabaho pa ako ng ibang extra gabi-gabi, at 'yon ang pagiging Kelly ko, my other dark side.

***

Flashback earlier.

Michael's POV

"Thanks Nate sa info. Maraming salamat talaga!" Sabi ko sabay baba sa aking telepono.

Ngayon, alam ko na kung nasaan ang ipinapahanap ni Duke Simon. Ang babaeng dalawang taon ko ng hinahanap, ang kaniyang pamangkin. It's time to payback Duke Simon's genuine hospitality. Hindi ko mararating ang estado ng buhay na meron ako ngayon, dahil sa kaniya. Wait for me mílady, sabi pa ng isip ko habang tanaw ang larawan ng isang Club na pinapasukan ng babaeng gusto kong makita.

...itutuloy.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status