Share

Chapter 5

Chapter 5

HINDI ko alam kung ano ang nagpagising sa akin. Parang tunog ng isinarang pinto.

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. For a while I was disoriented. Kumunot ang noo ko at sandaling inikot ng aking mga mata sa paligid. Nasa loob ako ng isang hindi pamilyar na silid at nakahiga sa malapad na kama.

Nang mapatitig ako sa malaking salamin na nasa gilid ng hinihigaan kong kama, napasinghap ako nang makita ang sarili.

Mabilis na hinablot ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan. Pasimpleng niyuko ko ang sarili. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ilalim ng kumot iba na ang damit na suot ko, isang malaking white shirt at tanging underwear lang ang suot ko sa ibaba. Sinong nagbihis sa akin?

Bigla akong kinabahan. Naalala ko ang nangyari kagabi...

"Iniisip mo bang pinagsamantalahan kita?" tanong ng isang baritonong boses.

Marahas akong napalingon dito. At nang makita ko ang pamilyar na lalaki ay bigla akong napabangon at naupo sa gitna ng kama. Bahagya akong napapikit nang makaramdam ako ng pagkahilo.

"Mukhang naparami yata ng nainom," puna nito.

My eyes darted to him. "W-what happened?" I asked hoarsely.

His brows raised mockingly. Prente nitong isinandal ang likod sa settee.

"Dapat ako ang magtatanong niyan," anito.

Kagaya ng una naming pagkikita. Ang arogante pa rin nitong manalita!

Akala siguro nito nakalimutan ko na ang ginawa nito sa kawawang bata. Bakit ba kasi sa dinami-daming pwedeng makakita sa akin,  itong lalaki pa na halos isumpa ko na sana hindi na magtagpo ang landas namin?

Nag-iwas ako ng tingin dito. At pilit pinapakalma ang sarili sa harapan nito. He was just a man. Wala itong pinagkaiba sa mga lalaking nakilala ko. Pagkatapos ng nangyari kagabi, I had learned my lesson well. Tingin ko mahihirapan na akong pagkatiwalaan ang mga lalaki.

At itong lalaking kasama ko sa loob ng silid. Lalong hindi ko dapat pagkatiwalaan.

"Tell me, bakit ka nawalan ng malay sa gitna ng daan?" he asked in deep tone.

Palihim akong napalunok sa naging tanong nito. Pero sa halip na sagutin ito iniba ko ang usapan.

"I presume d this is your shirt," I said without looking at him.

Sa sulok ng aking mga mata alam kong sinusundan nito ang bawat kilos ko.

"T-thank you." Sinikap kong tumingin ng deritso dito.

Umangat ang kilay nito. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Tingin ko hindi ko kailangang sagutin 'yan," I said, a corner of my lips twitched in a faint smile.

If I tell him now what exactly happened, I don't think paniniwalaan ako nito. Lalo na at respetadong tao ng El Allegres ang lalaking muntik na akong pagsamantalahan.

Umigting ang panga nito at matiim akong tinitigan. Magsasalita sana ito ngunit hindi natuloy nang may kumatok sa pinto.

"Come in," malamig nitong sabi.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki, tingin ko ay tauhan nito.

"Master, nakahanda na po ang silid," magalang nitong sabi.

Silid? Anong ibig sabihin niyon?

"You can leave," the arrogant guy muttered.

Tumango ito bago lumabas ng pinto. Hinintay ko muna na mawala ito sa aking paningin bago nagsalita.

"Uh... pwede ba akong humiram ng... isusuot pang-ibaba? A shorts maybe or a jeans. At kung pwede sana... magpapahatid ako kung saan maaari akong kumuha ng sasakyan pabalik ng Villa Las Heras."

Isang mahabang tingin ang ibinigay nito sa akin bago sumagot. "Hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo..."

Dismayadong nagbaba ako ng tingin. Siguro kailangan ko nang simula ang paglalakad ngayon. Magpapaturo na lang ako kung saan ang malapit na sakayan ng bus o jeep.

"You're staying here for two weeks, Ms. Guanzon," he said in an irritating casualness.

Nanlaki ang mga matang tinignan ko ito.

"P-paanong..."

"I know everything about you," putol nito sa iba ko pang sasabihin.

I was stunned, ngunit hindi ko ipinahalata 'yon.

"No, I'm not staying here with you!"

"It's not your choice. If you disagree, your family would suffer the consequences," he threatened.

Kumabog ang dibdib ko. Bakit biglang nasali ang pamilya ko dito? And how do he even know this much about me?

"Why are you even doing this?"

"I have to teach you a good lesson."

"You basta—" pinigil ko ang sariling murahin ito. Wala sinumang nakapagpa-init ng ulo ko ng ganito.

Ang lakas na loob nitong sabihin na tuturuan ako ng leksyon! Sino ba ang walang modo sa aming dalawa?

"Listen, I'm not staying here with you! Kaya pakawalan mo na ako bago pa ako tumawag ng pulis," I told him with my head held high.

Umangat ang sulok ng mga labi nito. "Subukan mo. Tingin mo ba may maniniwala sa 'yo?"

"Huh! Kaya lang naman malakas ang loob mo dahil may pera ka!" I yelled.

Napalunok ako ng tumayo ito.

"No one speaks to me in that manner. No one!" he snarled.

Hindi ako nagpasindak dito. Kung kailangan kong makipagsigawan sa lalaking 'to, gagawin ko.

"Well, I'm not no one! I'm Thara Guanzon! And I'm not going to let you hold me here against my will!"

He scoffed, slipping his hands into his pockets.

"Matapang ka. But let me tell you something, woman. I'll be the one to quench that pride!" he gritted out.

I furrowed my brows in confusion. "Ano bang ginawa ko sa 'yo? Bakit parang umaakto kang may malaking kasalanan akong nagawa and you're out for revenge or something."

"You haven't seen anything yet," he uttered tersely.

Bahagyang akong napasinghap. What did he mean by that?

"Dana!" he yelled.

Immediately, one of the maids rushed out.

"Yes, master," she said softly.

"Sa inyo siya matutulog! She'll be the one to take care of the horses."

Nanlaki ang mga mata ko. "Wait?! You can't do that!"

Hindi ako nito tinapunan ng tingin.

"Dana, take her to the maid quarters and make sure she has a work uniform."

Naglaglag ang panga ko sa narinig. Mas lalong nagpupuyos ako sa galit.

Kaagad na sumunod ang babae. "Yes, master,"

Lumapit ito sa akin. At nang akmang hahawakan ng babae, umatras ako.

Galit na hinarap ko ang lalaki. "You're a psychopath! I won't be your slave! Just you wait, I'll get out of here! And when I do, I'll sue you and watch your stupid ego!"

His expression goes blank as he clenched his jaw and fist his hands.

I closed my eyes, trying to calm myself down. "Ano ba talaga ang kailangan mo? Bakit mo 'to ginagawa?"

"Malaki ang kailangan ko sa 'yo, Ms. Guanzon. Hindi ka aalis hangga't hindi ko nakukuha 'yon."

"Wala kang karapatang ikulong ako dito! I can sue you for that!" I screamed.

"Sue?" he chuckled.

Naalarma ako nang magsimula na siyang maglakad papalapit sa akin.

"Really? No one can sue me, Bambina."

Huminto ito sa paanan ng kamang hinihigaan ko.

"Dana, I've had a change my mind," sabi nito.

I gave a sigh of relief. Thank, God.

"Lahat ng gamit na binili mo para sa kanya, dalhin mo sa silid ko. She'll be sleeping there. With me. On the same bed."

My eyes widened even more. "What?!"

He gave a satisfied evil smirk.

Wala sa sariling napatayo ako at titignan itong naglakad papalayo sa akin.

Yet again, my mouth never failed to make my life miserable.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status