Share

Chapter 4

Chapter 4

"Ano naman ang pakialam mo?" masungit na sabi ko.

He chuckled. "I can help you."

Dumaan ang roaming waiter at umabot ng dalawang goblet si Eleur. Inabot nito ang isa sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Come on, Thara. Kahit ngayon lang. H'wag mo akong pagsungitan."

Napabuga ako ng hangin bago tinanggap ang goblet.

"Jaric is already married," he said.

Umangat ang kilay ko dito. Ano bang gusto nitong iparating?

"I know he's married. Sinabi niya sa akin," malamig kong sabi.

He shrugged. "Just trying to warn you, so that you'll not fall in to trap."

Napairap ako. Kailan pa ito nagkaroon ng pakialam?

Sa halip na patulan ito. My eyes searched for Ireem, ngunit iba ang nahagip ng mata ko. At dahil ilang dipa lamang ang layo nito sa kinatatayuan namin ni Eleur. Kitang-kita ko kung paano dumilim ang mga mata nito sa pagkatitig sa akin lalo na kay Eleur.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Naapektuhan ako sa tingin niya. At may hinala akong sinusundan nito ang bawat kilos ko.

Napasinghap ako ng maalala ko kung saan ko ito nakita.

Ito 'yong walang modong lalaki na ayaw humingi ng tawad sa batang babaeng nakabangga nito.

He look breathtaking, I hate to admit. Sa gitna ng maraming tao. Lahat ay napapatingin sa kanya lalo na ang mga kababaihan.

Kumunot ang noo ko nang may magandang babaeng lumapit dito. She looks at him with tenderness.

I feel a burning sensation burst from within me and I don't know why.

Iniwas ang tingin dito at inisang lagok ko ang laman ng hawak kong goblet.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Eleur nang magsimula na akong lumakad paalis.

"Uuwi na."

"Wait, Thara..."

Hindi ko na ito pinansin patuloy ako sa paglalakad papalayo dito.

Dumaan ako sa mga tao habang hinahanap si Lowie at Ireem. Gusto ko ng umuwi. It was almost one o'clock in the morning.

Nasa labas na ako at patungo sa lanai. Akala ko makikita ko ang isa sa kanila dito pero walang tao kahit ni isa. Lumakad ako sa kabilang entrance door para pumasok ulit sa loob.

Sinalubong ako ni Mommy nang makita niya ako at pinakilala ako sa kasamang niyang lalaki. A man in his early forties.

"Thara, hija." Hinila niya ako papalapit sa kanya. "I want you to meet Governor Rodriguez."

Agad na naglahad ng kamay ang Governor. Hindi ko ito tinanggap.

Nang mapansin 'yon ni Mommy. Bumulong siya sa akin.

"Be a good girl, Thara. H'wag mo akong ipahiya."

Napalunok ako bago tinanggap ang kamay nito.

"Tama nga ang sinabi mo, Cianlondra. Napakagandang dalaga nitong si Thara."

I smiled obligingly. Marahang hinila ko ang kamay dito nang mapansing walang balak bitiwan nito ang kamay ko.

"It's a pleasure meeting you, Gov," sabi ko.

I heard he's one of the wealthiest in the country and no one knows his net worth but that isn't my busines.

Saglit na nagpaalam si Mommy dahil may kakausapin siyang kakilala.

Dumaan ang roaming waiter malapit sa amin. Kumuha ng dalawang goblet si Governor at inabot sa akin ang isa. Nag-aalangan akong kunin 'yon. Hindi ko gustong malasing ngayong gabi ngunit hindi ko pwedeng tanggihan ang Governor.

I took a little sip from my glass. Habang nagkukwento ang Governor, I was bored but managed to show it. Matindi ang pagpigil ko na hindi humikab. Puro pagyayabang lamang sa mga ari-arian ang sinabi nito kaya mas lalo akong inaantok.

Nang makita nitong wala ng laman ang goblet ko ay umalis ito at kumuha ng panibago.

Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong nilapitan nito si Mommy. Kumunot ang noo ko nang ilapit nito ang bibig sa tenga ni Mommy. Bakit kailangan magbulungan? Kahit naman mapalakas ang boses nila walang makakarinig dahil maingay ang paligid.

Lumingon si Mommy sa akin at bahagyang nagulat nang makitang nakatingin ako sa kanila. Mukhang hindi niya inasahan 'yon. Isang alanganing ngiti ang ibinigay nito sa akin.

Hindi ako makangiti pabalik. Para may kung anong umahon sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

"You're not enjoying, hija. Nakikita kong gusto mo nang umalis," nakangiting sabi ng Governor na hindi ko namalayang nakatayo na sa harapan ko.

"I'm sorry, medyo inaantok na ako," nahihiyang pag-amin ko.

Natawa ito. "I think you need more glass of champagne."

"I had two shots already, Gov."

"Wala namang pinagkaiba kung iinom ka pa ng isang shot, Thara," he urged.

Napilitan akong tanggapin ang goblet at dinala sa aking bibig. Sumimsim ako ng kaunti, at bago ko pa maibaba may lumapit ng mag-asawang kakilala ng Governor.

Napunta ang atensyon nito sa dalawa kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yon para itapon ang ibang laman ng goblet sa ilalim ng mesang nasa tabi ko.

Lumipas ang ilang sandali umalis din ang mag-asawa. I covered my mouth with my hand and yawned. Mas lumala yata ang antok ko ngayon.

"Sleepy?" nakangiting tanong ng Governor.

Tumango ako biglang sagot.

"No problem, darling. Maraming available na suite sa hotel na ito. Maaaring kitang samahan papunta doon."

Suite? Gumapang ang kaba sa aking dibdib. Nangyari na ang ganito sa akin apat taon na ang nakalipas. Eighteenth birthday ko 'yon nang mag-aya si Lumi ng mag-bar.

Coach namin sa volleyball ang nag-offered ng guest room nang makitang inaantok na ako matapos mainom ang binigay nitong alak.

Buti nalang nandoon sina Lumi. Kaagad nila akong inuwi sa bahay.

And now it was happening again. Pinipilit kong labanan ang antok. Nagtaka ako dahil sobrang antok na ang nararamdaman ko. Bakit inaantok ako ng ganito?

Nang mapagtanto ko kung anong dahilan bakit ako nagkaganito. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Paano kung nilagyan ng pagpatulog ang goblet na ininom ko?

"Hija, kaya mo pa bang maglakad?"

Umatras ako nang hawakan nito ang braso ko.

"N-no! Hindi ako s-sasama," I said, panic rose in my throat.

My eyes searched for Mommy. Ngunit wala na ito sa lugar kung saan ito nakaupo kanina.

Kahit umiikot na ang aking paningin pinilit kong makalabas sa hotel. Wala akong pakialam kahit tinatawag ako ng Governor.

Tumakbo ako papalayo sa reception area. Huminto lang ako nang maramdamang natutumba ako.

sinubukan kung humanap ng maaaring makatulong ngunit walang katao-tao sa lugar na kinaroroonan ko.

"Help me, please..." mahinang bulong ko bago dumilim ang paningin ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status