Share

HER POISONOUS RED LIPS
HER POISONOUS RED LIPS
Author: Fiercelywrites

CHAPTER ONE

"Good evening, Ladies and gentlemen. I just want to thank all of you for coming tonight to celebrate with my family on my special day, so please feel yourself and enjoy the party," saad ni Charley sa tapat ng mikropono, ang may edad nang lalaki na siyang target ko ngayong gabi.

Kasalukuyan na itong pababa mula sa stage habang ako ay tahimik lang na nakatingin sa gawi nito habang hawak ko ang kopita na naglalaman ng red wine.

Kanina pa ako sentro ng atraksyon dahil sa suot kong magarang backless red gown at idagdag pa ang mapuputi at makikinis kong balat na lalong mas naging kapansin-pansin.

"Hi, Ms. Beautiful, nag-iisa ka ata?" Tanong sa akin ng lalaking hindi ko kilala at bahagya pa 'kong nagulat nang hapitin niya 'ko sa baywang.

Imbis na magpumiglas ako, isang ngisi lang ang namutawi sa aking pulang-pulang mga labi. Diretso ko siyang tiningnan sa mata at itinapat ko ang bibig ko sa kanyang tainga.

"Get away from me, and if you don't, you will regret it," mapanganib kong bulong sa kanya.

Ngunit imbis na matakot ito ay humagikgik lamang ito na parang tingin niya ay nagbibiro lamang ako.

"Woah... rawr! Is that a threat? Alam mo babe, sumama ka na lang sa 'kin, paliligayahin na lang kita. Sayang naman ang ganda mo mag-isa ka lang lalangawin dito," nangaasar na saad nito kaya hindi ko na napigilang tumawa.

Nagtataka ang mukha nitong tiningnan ako habang ang kamay niya ay nasa baywang ko pa rin.

"Sure, doon tayo sa madilim, iyung walang makakakita sa 'tin," bulong ko sabay kindat.

Lumawak ang pagkakangiti nito saka ako hinila palabas ng pinagdadausan ng party patungo sa madilim na sulok ng garden na walang taong ni-isang makakakita sa amin.

Marahas ako nitong isinandal sa pader at paspasang hinalikan sa leeg. Ramdam ko ang kamay nito na paakyat na sa parteng dibdib ko kaya naman automatiko akong napa-irap sa hangin, pare-pareho lang talaga ang mga lalaki.

Bago pa man niya mahawakan ang pribadong parte ko ay agad kong pinilipit ang mga daliri niya sabay sipa sa kanyang pagkalalaki kaya napaluhod ito sa sakit.

"B*tch!! You'll pay for this!" galit niyang sigaw ngunit walang emosyon ko lang siyang tiningnan.

Akmang tatayo na sana siya para gantihan ako nang maagap kong pinilipit ang leeg niya kaya naman humandusay ito sa sahig dahil sa pagkawala ng malay.

"I told you, you will regret it," tipid kong saad sabay inayos ko ang nagulo kong buhok at tumalikod na para bumalik sa loob.

Mabuti na lang dahil sa dami ng tao ay walang nakapansing lumabas ako kasama ng lalaking iyon, kundi mapupurnada ang plano ko sa gabing ito.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina na parang walang nangyari at kumuha ng panibagong red wine mula sa dumaan na servant.

Tahimik akong nakikiramdam sa paligid, habang ang mga mata ko ay bumalik sa gawi ni Charley. Abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa iba't ibang bigatin tao na naririto hanggang sa dumako ang tingin niya sa gawi ko, kaya automatiko akong napangisi.

Itinaas ko ang kopitang hawak ko bilang pagbati habang ang mga mata ko ay hindi humihiwalay sa kanya. Kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata dulot ng pagkamangha habang pinagmamasdan ako.

"Who's that beautiful lady?" pabulong na tanong ni Charley sa kanyang nag-iisang anak na kasalukuyan niyang katabi kaya napadako rin ang tingin nito sa gawi ko.

Nasa akin na ngayon ang atensyon nilang mag-ama, hindi ko napansing katabi pala ni Charley ang nag-iisang lalaking anak nito na si Stefan, ang lalaking walang puso at nuknukan ng arogante.

Lihim kong naikuyom ang isa kong palad ngunit hindi ko ipinahalata ang pagtatangis ng kalooban ko at sa halip mas nilawakan ko pa ang peke kong ngiti habang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang mag-ama.

"She's just one of the random whores who's seeking attention for money," sagot ni Stefan sa ama na tila hindi interesado sabay ibinalik ang atensyon sa pakikipag-usap sa ibang bisita.

Kahit ilang dipa ang distansya ko sa kanila ay rinig ko ang hindi magandang sinabi ng binata sa akin kaya naman naningkit ang mga mata kong tiningnan siya, samantala kabaliktaran naman ng ama nitong si Charley na malawak ang pagkakangiti habang papalapit sa akin.

"Hello dear, are you with someone?" tanong ni Charley nang tuluyan na itong makalapit sa akin.

"Good evening, Mr. Solevan. Let me greet you a happy, happy birthday," magiliw na bati ko at mas lumapit ako sabay b****o na bahagya niya pang ikinagulat. "And no, I'm alone," dagdag ko.

"Thank you, gorgeous," Nakangiting pasalamat naman nito.

"How much do you want?" tanong ni Stefan sa akin na kalalapit lang sa kinaroroonan namin habang walang emosyong mababakas sa mukha.

"Stefan! Don't be rude, she's our guest. Be gentleman," angil ni Charley sa anak ngunit hindi siya nito pinansin at sa halip, mataman lang itong nakatitig sa akin.

"Uulitin ko, magkano ang kailangan mo para dumistansya ka?" tanong muli ni Stefan sa akin kaya unti-unti sumilay ang kakaibang ngiti sa mapupula kong mga labi.

Hindi nakaligtas sa akin ang mga mata nitong lihim na dumako sa labi ko, kaya sinadya kong dilaan ito sabay pahapyaw na kinagat, gusto ko tuloy matawa nang mapansin kong napalunok ito.

My red lips are one of my best assets, no man can resist it, and no man can resist the beauty of Ruby Red Mandelly.

"You repeat the rude question twice, it looks like no one teach you how to treat woman in a nice way," sagot ko sa malamya kong tono.

"I know women like you, you are after the money, so name your price," nang-iinsulto nitong saad kaya mas lalong lumawak ang ngisi ko.

Mas lumapit ako sa kinatatayuan niya para makipag-sukatakan ng tingin habang ang mga mata ko ay hindi ko inaalis sa makisig niyang mukha.

"Hindi mo afford ang halaga ko, so back off," sarkastikong sagot ko na ikinabigla nito at ikinaawang naman ng bibig ni Charley.

"You!" gigil nitong saad habang ako nakangisi pa ring nakatingin sa kanya at kita ang sarili niyang pagkapahiya.

"I just wanna greet your father a happy birthday but here you are, you confronted me as if I'm going to be your future stepmother," pangaasar ko pa sabay inom ng red wine mula sa kopitang hawak ko.

Halata sa mukha ni Charley na gusto nitong matawa dahil sa narinig nilang lumabas mula sa bibig ko, ngunit hindi na lang nito itinuloy dahil kasalukuyan nang umuusok ang ilong ng kanyang anak.

"Get out, the party is over. You're not welcome here," kalmadong pagtataboy ni Stefan sa akin ngunit halata ang galit sa tinig.

"H'wag mong pansinin iyang anak ko, stay here as long as you want, enjoy the party," saad naman ni Charley sabay ngiti ng malawak.

"I really don't mind," saad ko at pasimple ko sinulyapan si Stefan na hanggang ngayon nakatitig pa rin sa akin.

"What's your name? I forgot to ask," tanong ni Charley habang pinagmamasdan ang kabuan ng mukha ko.

"I'm Ruby Red Mandelly," pakilala ko.

"What a beautiful name, it suits you very well," puri pa nito.

"Thanks Mr. Solevan, I know," pagmamalaki ko.

"Maiwan na muna kita, puntahan ko lang ang iba ko pang mga bisita. Enjoy the party huh, don't leave yet, I will be back to you," paalam na ni Charley na may kasama pang haplos sa makinis kong braso na alam ko na ang ibig sabihin.

Akala siguro ng matandang ito, makaka-isa siya sa akin, pero pasalamat ako at umaayon ang lahat sa plano, this is such a great start.

"Ruby, right?" malalim ang boses na tawag sa akin ni Stefan, hindi pa pala ito umaalis ang akala ko ay sumunod na ito sa ama niya.

Nagtataka ko siyang binalingan ng tingin habang hindi pa rin napapalis ang kakaibang ngisi sa mukha ko.

"Yes?" tugon ko.

"Are you planning to get f*ck by an old man?" seryosong tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"What if, yes? What will you do?" patanong kong sagot habang nakikipagsukatan pa rin ako ng tingin sa kanya.

"I will not let anyone take advantage of my father, he is too kind, he doesn't deserve to get used by gold diggers like you," depensa nito na ikinahagalpak ko ng tawa.

Nasapo ko ang tiyan ko dahil walang tigil kong pagtawa kaya nagtataka siyang tiningnan ako na para na akong nababaliw.

"Acting like a protective son, huh? I don't think your father is too kind, maybe he is but not as in," makahulugan kong saad na ikinaigting ng panga niya.

Umayos ako ng tayo, at inayos ko ang sarili sabay muli ko siyang binalingan at dumako ang tingin ko sa braso kong hanggang ngayon ay hawak pa rin pala niya.

"Do you like my soft skin? It looks like you want to hold me forever?" pangaasar ko pa kaya agad niya na akong binitawan.

"Let me warn you, keep yourself in the distance," banta ni Stefan sabay talikod.

Akmang aalis na sana siya nang magsalita ako na ikinatigil niya.

"This is the first time we have met, but you talked too much, you looked bothered by my presence, or... You are just one of those men who's attracted to my beauty?" makahulugan kong saad habang hindi mapalis ang pilyang ngisi sa aking mukha.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
cge awayin mo yan c stefan
goodnovel comment avatar
Carnation Rane
Yaahhh bijjj slaaayy!! ipahiya mo ang Stefan na yan! HAHAHAHA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status