"I think I have to go." Nakangiti kong paalam at agad na tumayo sabay kinuha ko ang Channel bag ko.
"Aalis ka na agad? Halos hindi mo nagalaw ang pagkain mo?" tanong ni Charley upang pigilan ako sa agad kong pag-alis."I lost my appetite, ayoko nang magtagal Mr. Charley, kung makatingin kasi iyang anak mo parang ako iyung gusto niyang kainin," sagot ko na ikinalaglag ng panga nila. Parang gusto ko tuloy bumalinghawit ng tawa."You... " saad ni Stefan habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa 'kin na tila tinatantya ako."I'm just kidding," bawi ko sa sinabi ko sabay pahaplos kong hinawakan ang balikat niya.Kahit na hindi niya ipahalata, naramdaman ko ang naging reaksyon niya dulot ng pag-hawak ko sa kanya."Don't touch me," angil niya sa 'kin ngunit nginisihan ko lang siya at mas inilapit ko ang sarili ko sa kasalukuyan niyang nakaupong pigura."I'm sorry, allergic ka nga pala sa mga magaganda," pangaasar ko pa at saka ko binalingan muli si Charley na mataman lang kaming pinapanuod."Mr. Charley, thank you for inviting me to join you, but I really have to go," saad ko sa kanya na ikinatango niya na may kasamang banayad na ngiti."You are always welcome, if you're free let's have lunch or dinner together," paanyaya nito sa akin na ikinalaki ng mata ni Stefan at hindi makapaniwalang tiningnan ang ama niya."Dad! Are you insane?" saad ni Stefan kay Charley na may kalakasan ang boses kaya pinagtinginan kami ng mga taong naririto."What's wrong? I want to know her more? Five years naman na wala ang Mommy mo, siguro naman ay hindi na kalabisan ang kumilala ng babaeng gaya ni Ruby?" tanong ni Charley sa anak na may kasamang pangangatwiran.Tinamaan na ng alindog ko ang lintek.Lihim akong napangisi..."Ika nga nila, age doesn't matter, bakit mo ipagkakait sa Daddy mo ang kaligayahan matagal niya nang hindi nararamdaman?" singit na panggagatong ko."Shut up, woman!" bulyaw sa 'kin ni Stefan.Kung si Stefan ay nanggagalati sa mga oras na ito, kabaliktaran naman si Charley, parang kusang nangingislap ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko."But, you know what Mr. Charley, I think your son is right, the idea of having a date with you is kind a inappropriate," saad ko na may pekeng himig ng lungkot sa boses na ikinadilim ng mukha ni Charley at saka binalingan si Stefan."Don't interfere, Stefan," banta ni Charley sa anak kaya sinamaan ako nito ng tingin."You will regret this, for entertaining her," saad ni Stefan at marahas na tumayo at padabog na lumabas ng restaurant.Naiwan kaming dalawa ni Charley at kita kong lumambot ang ekspresyon niya sa pag-alis ng anak."I'm sorry about that," hinging paunmanhin niya sabay pinag-saklob ang dalawang palad."Palagi ka na lang nag-so-sorry, hindi naman ikaw ang may kasalanan," saad ko at seryoso ko siyang tiningnan."Because he's my son, but I can't help myself, I'm mesmerized by your beauty. Since I saw you at the party, I couldn't sleep, even in the morning, I daydream of you," paghahayag ni Charley.Naupo akong muli sa silya at pinakatitigan ko siyang mabuti, sa loob-loob ko, lihim akong nagdidiwang dahil ang dali ko lang nakuha ang loob niya."So, do you really like me?" tanong ko."It's freaking obvious, sweety," tila nahihiya pang sagot niya na ikinatawa ko ng pagak. He's blushing at his age.Pero kung titingnan sa edad niyang 52, he looks five years younger, may asim pa rin. Matanda siyang version ni Stefan, parehas silang mayroong kakisigang taglay na hindi maipagkakaila. Para lang silang mag-kuya kapag nagdikit."Ang kaso lang... hindi ako ganu'n kadaling makuha... " saad ko sa mapanukso kong tinig habang nakadukwang sa harap niya.Kita ko ang mga mata niyang hayagang nakatutok sa gitnang hiwa dibdib ko, kaya lumawak ang ngisi ko."If you want to touch it then, you have to work hard for it," naghahamon kong kondisyon."You're playing hard to get, huh?" saad niya at unti-unting ngumisi na tila naaaliw siya sa 'kin."Of course, a man who can afford me, ay siya lang ang makaka-angkin sa 'kin, let's say this is a game of bet," saad ko sa maharot kong boses."I don't need to bet my money, just name your price, and be my woman," diretsuhang niyang saad na wala nang patumpik-tumpik pa.Mas lumawak ang pagkakangisi ko sabay dahan-dahan akong sumandal sa sandalan ng silya habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya at nag-crossed arm na parang parehas kaming nagbabasahan ng iniisip ng isa't isa."Kaya mo kaya ang halaga ko?" naghahamon kong tanong na ikinangisi niya pa lalo sabay nag-labas ng cheke mula sa isang maliit na itim na pouch bag at saka iniabot sa akin."Write down your price, then warm my bed," utos niya sa mapang-angking tinig.Napataas ang isang kilay ko, at napa-hugis O ang bibig ko dahil sa agresibo niyang aksyon na kahit inaasahan ko nang mangyayari ito.Akalain mo nga naman... Ang mag-aamang Solevan, nabihag sa alindog ko, this will be such an exciting.Umpisa sa bunsong si Harley, ang ama nilang si Charley na nag-uumpisa mabaliw sa 'kin at huling-huli si Stefan, na kahit hindi niya man aminin, kita ang lihim niyang pagnanasa sa 'kin base sa paraan kung paano niya 'ko tingnan."Ang kaso, hindi pera ang tinitukoy ko," saad ko sabay itinulak ko ng daliri ang blangkong cheke pabalik sa kanya na ikinakunot ng noo niya at naguguluhan niya 'kong tiningnan."I don't get it," kunot noo niyang saad habang nilaro-laro ko lang ang buhok ko at kita kong pilit niyang inintindi kung anong gusto ko."Court me," utas ko na ikinabigla niya."Court you?" hindi makaniwalang bulalas niya dahil ang inaasahan niya ay pera lang ang katumbas ko.Kung papayag ako sa pera, masiyadong magiging mabilis, at magkakaroon siya ng pagkakataong gawan ako ng bagay na hindi ko naman hahayaang gawin niya. Kaya, I have to think wise, dahil once na magkamali ako ng hakbang, yari ako."Muka lang akong madaling makuha, but I'm a fan of romance, kaya nga ang sabi ko kanina, if you want to touch me, then work hard for it," saad ko na ikinabigla niya."I'm literally surprised," manghang saad niya at unti-unti nang bumalik ang magiliw niyang eskpresyon."I told you," taas kilay kong saad sabay inom ng kape kong lumamig na."So, I'm going to start sending you flowers?" kimi niyang tanong na ikinatawa ko ng pagak."Seriously? You're asking me?" biro ko kaya napakamot siya sa ulo.Nakikita ko sa kanya ang bunso niyang anak na si Harley, sa paraan niya ng mga kilos at pananalita, pero hindi sila magka-mukha, si Stefan ang xerox copy niya, gwapo at very appealing.Lahat naman sila may maipagmamalaki. At sa katanuyan nga p'wede pang makakuha ng teenager ang may edad na lalaking 'to.Kung hindi lang malaki ang atraso mo sa pamilya ko Charley, baka p'wede pa kong maging mabait sa 'yo. Pero likas ka nang masamang tao, at isa kang mapag-panggap na animal ka."Nakalimutan ko na kung paano manligaw sa edad kong 'to, because I used to use money if I wanted a woman to warm me," prangka niyang saad na hindi ko na ikinagulat.Sa itsura naman kasi nilang mag-aama, babae na talaga ang kusang lalapit ang magpapayad pero iba ako, I'm far from being a whore."So, if you don't want to court me then, this will be our last conversation," seryosong saad ko at tumayo na para sana umalis na ngunit maagap niya 'kong pinigilan at hinawakan sa braso.Ramdam ko ang diin ng pagkakahawak niya, ngunit hindi naman masakit, sapat lang para hindi ako makawala."Tell me your address, and I will fetch you tomorrow," seryoso niyang saad habang matamang nakatingin sa 'kin."Alamin mo kung saan ako nakatira, I won't tell you," pag-iinarte ko sabay kunwari mataray na umirap."You are now playing the role of being pakipot, huh? Be thankful that you are so beautiful, kung hindi, I will not do this," saad niya na parang isa talagang challenge ito para sa kanya na ikinahagikgik ko."I'm not forcing you to court me, it's still your choice not to," saad ko ngunit ngumiti lamang siya."Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng kagaya mo na mukang game sa kama pero hindi pala," diretsuhang saad niya na ikinangisi ko.Lumapit ako sa kanya at itinapat ko ang bibig ko sa tainga niya."Hindi ako pumapatol kung kani-kanino lang, pumipili ako," bulong ko at saka ako lumayo at umayos ng tayo."You're making me turn on, ika nga nila mas masarap ang isang epesyal na putahe kapag pinaglalaanan ng mahabang oras," saad niya na may ibig ipakahulugan."I agree, hindi masarap kapag minamadali," saad ko na sinangayunan niya."You're so naughty," biro niya."This naughtiness will make you go crazy," saad ko sa mapangakit 'kong boses sabay dukwang ko sa kanya at kita ko ang pigil niyang reaksyon."Ngayon pa lang binabaliw mo na 'ko, I will make sure na sa 'kin ka babagsak," hayagan niyang sambit na ikinalawak ng ngisi ko."Bring it on," saad ko na may paghahamon."Ang usapan, si Charley Solevan lang ang magiging target mong akitin! Hindi kasama pati iyung dalawa niyang anak!" frustrated na saad ni Dana sa 'kin habang nagpapaikot-ikot sa living room ng condo ko."Relax, okay? Alam ko ang ginagawa ko," saad ko na may pangungumbinsi sabay irap dito.Nabanggit ko na rin sa kanila ni Mike ang tungkol kay Harley na kalilipat lang dito sa tapat ng condo unit ko. At gaya ng inaasahan laking gulat nilang malaman na may isa pa palang anak si Charley sa labas."I can't believe na tatlong Solven ang mahuhulog sa 'yo," singit ni Mike, ang nakakatanda kong kapatid.Panganay sina Dana at Mike sa 'kin, pero hindi ko sila nakaugaliang tawaging Ate o Kuya, kahit na ako ang bunso at pinaka-bata."Bakit parang hindi kayo nangangambang dalawa? Ruby, alam mong hindi sila bastang mga tao lang! P'wede nila gawin sa 'yo kung ano ninanais nila," inis na saad ni Dana."H'wag ka ngang nerbyosa masiyado, para saan pa ang paghahandang ginawa ko? Akala mo ba hindi ko naiisi
"Ruby, sa tingin ko kailangan mong lumipat ng ibang location na matitirahan, hindi p'wedeng malapit ka sa anak ng target, malalaman niya ang bawat galaw mo," suhestyon ni Mike na ikinatahimik ko.Napapaisip din ako, tama siya hindi p'wedeng malapit ako kay Harley, hindi ko mawari kung sinadya niyang lumipat dito sa condo building na tinitirhan ko katapat pa mismo ng unit ko matapos niya 'kong makita nung gabi ng party. O baka naman coincidence lang ang paglipat niya? Ah basta! Kailangan ko pa rin mag-ingat."Pero hindi ba mas magiging madali kung kukunin ni Ruby ang loob at tiwala ni Harley para mas makakalap pa tayo ng impormasyon tungkol sa pamilya niya?" suhestyon naman ni Dana.May punto rin naman si Dana, kung tuluyan kong makukuha ang tiwala ni Harley, pwede ko siyang gamitin laban sa sarili niyang ama.Pinagiisipan kong mabuti kung anong mas tamang gawin."Tutal, gusto ka rin ni Charley, bakit hindi mo na lang kaya samantalahin ang pagkakataon, kaysa lumipat ng tirahan na mas m
Nagising ako dahil sa sunud-sunod na tunog ng door bell mula sa labas at naramdaman kong sumakit ng bahagya ang ulo ko dahil sa biglaang pagkakagising pero agad din kong bumangon at tumungo sa pinto.Hindi na ako nag-abalang tingnan sa intercom kung sino ito at agad ko na lang na binuksan ang pinto habang sapo ko ang gulo-gulo kong buhok.Pagbukas na pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Charley habang may bitbit na isang bouquet ng red roses. Kapwa rin kami nagkagulatan. ""Mr. Charley!" gulat kong bati at pupungas-pungas ang mga mata kong nagpa-lipat-lipat ng tingin sa kanya at sa hawak niyang isang bouquet ng red roses.Kita kong nabigla din siya sa itsura ko dahil naka-crop top lose sando lang ako at white pants idagdag pa ang messy kong buhok."Good evening, beautiful. Flowers for you," magiliw niyang bati sabay bigay sa 'kin ng hawak niyang bulaklak at agad ko namang kinuha mula sa kamay niya."I didn't expect you at this hour, ang bilis mo naman akong matunt
"Awww... you are jelous!" panunukso ko."Yes, I admit I'm jelous because I like you too and I also want to have you so bad, very, very bad," diretsuhan nitong paghahayag kasabay ng pag-kislap ng kanyang mga mata."Don't worry we didn't f*ck yet, nag-usap lang kami at niyaya niya lang akong mag-dinner nang kami lang dalawa," paglilinaw ko na nag-mukang isang paliwanag."Not yet? So, may balak ka talaga magpagamit sa kanya?" seryosong tanong niya."Yes, bakit? May masama ba do'n?" saad ko kasabay ng pagtaas ng isa kong kilay na ikinaigting ng panga nito."Magpapagamit ka lang sa may edad pa. P'wede naman sa 'kin na lang? Na hindi nalalayo sa edad mo," saad niya na ikinahagalpak ko ng tawa.Nasapo ko ang tiyan ko habang siya nangunot naman ang noong pinapanuod ako hanggang sa tumigil ako at umayos ng tayo at hilam ang luhang tiningnan siya."You are making me laugh Harley, alam mo ba kung bakit Daddy mo ang gusto ko? Balita ko kasi ang lalaki, habang umi-edad mas lalong sumasarap," pilya
Bumangon na 'ko mula sa pagkakahiga sa sofa at binigyan ko siya ng mapang-asar na ngisi sabay hagod ko ng mahaba kong buhok at umayos ako ng upo at in-ekis ang dalawa kong makikinis at mapuputing hita, kita kong sabay na nagtaas-baba ang kanilang mga Adam's apple."Bakit ka nandito Kuya?" tanong ni Harley nang balingan niya na ito."Hindi ba may usapan tayong magkikita sa bar? I went here to fetch you because you took so long, tapos ito pala ang aabutan ko, kasama mo ngayon ang babae ni Dad," sagot ni Stefan ngunit ang atensyon niya ay nasa akin."Hindi siya babae ni Dad," pagtatanggol sa 'kin ni Harley ngunit tinaasan lang siya ng kilay nito at saka muli akong binalingan."Binabalak mo pa talagang pagsabayin ang ama at kapatid ko, you're such a greedy woman," pang-iinsultong saad ni Stefan."I didn't know na kapatid mo siya... na anak din pala siya ni Mr. Charley," saad ko at pasulyap kong tiningnan si Harley na naningkit bigla ang mga mata."Really?" hindi naniniwalang tugon ni Stef
STEFAN'S POV~"You should avoid her from now on, Harley," utos ko sa kapatid kong mukang naguumpisa nang mabiktma ng babaeng 'yon na kaaalis lang."Why would I? I told you, I like her," saad niya na ipinipilit pa rin ang gusto kaya naman pinakatitigan ko siyang mabuti."Hindi mo ba nakikita kung anong klaseng babae siya? Una, si Daddy pangalawa naman ikaw? Is it okay with you, na share kayo ni Dad sa iisang babae?" panggigising ko sa kanyang kahibangan."Wala pa naman siyang pinapatos sa isa sa 'min ni Dad, she's playing hard to get, wala pa namang nangyayari sa kanila, at ganu'n din sa 'min," saad niya na ikinatigil ko."What do you mean?" naguguluhan kong tanong kasabay ng pangungunot ng noo ko."She wants us to court her," sagot niya na nakapagpataas ng isa kong kilay. Is she planning to create a war between them?"Wait, alam ba 'to ni Dad na nagkakamabutihan kayo ng babaeng 'yon?" tanong kong muli dahil may gusto lang akong alamin."No, he didn't know yet," sagot niya kaya nasapo k
STEFAN'S POV (2)Pagkapasok ko pa lang ng mansion ay agad akong sinalubong ng galit na si Dad, till now galit pa rin siya? Sometimes, this old man makes me sick."Stefan! Where have you been? I'm calling you but you didn't pick up your phone!" sigaw nito na ikinasalubong ng kilay ko."Easy, Dad. I went to my brother's new condo, nagkasalubong tayo nang palabas ka na ng building at sa sobrang init ng ulo mo kanina hindi mo 'ko napansin," saad ko na ikinakunot ng noo niya."Your brother is a headache! Kung hindi ko lang siya dugo't laman dinispose ko na siya!" Galit siyang naupo sa sofa sabay pinagsaklob ang dalawa niyang mga palad, habang ako, nakapamulsa siyang pinapanuod.He is too harsh when it comes to my brother. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa ugali ng makasarili naming ama."Puso mo, baka atakihin ka," saad ko sa mapangasar kong tinig kaya sinamaan niya 'ko ng tingin."I have no time for your jokes, Stefan!" bulyaw niya sa 'kin, at sabi na nga ba ako ang pagbubuntunan niya
"Ruby," tawag sa 'kin ni Alvin, isa siya sa mga trabaho ko at isa rin siyang spy agent at kasalukuyan kaming nandito ngayon sa base."Yes?" baling ko sa kanya habang nakaupo ako at abalang tinitingnan ang nakakalat na mga pictures ng Solevan sa ibabaw ng lamesa."Hanggang ngayon ipinaglalaban mo pa rin ang justice para sa namayapa mong ama, 'di ka talaga sumusuko," saad niya na ikinatigil ko at tiningnan ko siya ng blangkong ekspresyon."Walang rason para sumuko, Alvin. Nandito na 'ko, unti-unti na 'ko nakakapasok sa buhay ng mga Soleven, ngayon pa ba ko titigil?" saad ko at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo ito sa silyang katapat ko."All of us here are concerned about you, at alam naman namin ang pinagdaanan niyong mga pagsubok na magkakapatid," saad niya at kita naman ang sinseridad sa kanya."Alam niyo naman pala, pero bakit isa ka sa mga pumipigil sa 'king gawin 'to? I already told you na sumugal na 'ko, wala na 'tong atrasan pa," buo ang loob kong saad at saka muli k