Rosie Frey Israel
"Please pass your papers from the right side to the left, then forward. Time is up and no more extension."
Pinagkrus ko ang braso sa harap ng aking dibdib bago sinuyod ng tingin ang buong classroom. I smirked when I saw how panic they are.
Mabilis silang gumalaw at nagkagulo pa. May iilan na ayaw ibigay ang papel at pilit sinasagutan ang ibang items.
Napailing ako sa nakita. Kung nag-review lang sila nang maayos ay hindi sila maguguluhan. But what else can I do? Nothing, but to extend time.
Lumakad ako papunta sa harapan ng mesa at pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib ko. I arched my brow, and looked at them a little sharply. I may be strict, but considerate.
Chance, Frey! Chance!
"Okay, fine. Five minutes more," sumusukong sabi ko.
I know my questions are difficult and all situational. Hindi naman sobrang mahirap, but you need to read it with comprehension. I am not into the printed lesson, but more on life lesson. Books are just books, but the experiences will make you survive.
"Ma'am, Kailan po 'yong deadline ng project?" si Anne.
Napanguso ako. Kakabigay ko pa lang noong project ngunit deadline agad ang nasa isip niya.
I can say she's the smartest, but not my favorite. Well, I don't have one though, but she's somewhat too nosy.
Bumuntong hininga ako at ngumiti ng maliit, "I'll give you a week to finalize and furnish it."
I grouped them to make a video, anything about ethics. I am not that demanding, so I want them to do what pleases them.
Hindi naman siguro mahirap gawin ang bagay na gusto mo talagang gawin.
"Can I do it alone... Ma'am?"
My one brow automatically raised. Sa nakikita ko ay wala siyang pakikisama. May grupo na siya at mukhang mas gusto niyang iwan iyon.
Walang nangahas na umimik o gumawa ng reaksyon sa sinabi ni Anne. Ang paligid ay natahimik. Silang lahat ay nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.
Agad na dumako ang tingin ko kay Marjorie na kagrupo niya. Tumango ito at ngumiti nang tipid.
I rolled my eyes unintentionally, just a sign that I give up. Seems like, they don't get along well.
"Fine, do it alone then."
Kita kong ngumiti siya at proud na tinapos ang exam niya. She's conveying that she gets want she wants. Not a good habit!
Umayos ako nang tayo at lumapit sa pinakagitnang upuan. Nginitian pa ako ni Marjorie. She's shy and timid. Napanguso ako dahil doon. Mukhang ayos lang sa kanya kahit na umalis ang isa sa grupo niya.
I shrugged that off and check the time. Nang makitang oras na ay nilahad ko na ang palad ko.
"Pass your papers, please." Iminuwestra ko pa ulit kung paano ang pagpasa.
Tumalima sila at inayos ang pagpasa ng papel. Kinuha ko iyon at inayos nang mabuti.
"You can go now, and leave the premises quietly. Good day."
Nangunot nga lang ang noo ko sa pagbati nilang wala sa tono. Paglingon ko pa ay nag-unahan na silang lumabas at may iilan pang nagtulakan.
They are senior high school, but they still act like a child. Sa edad na ito ay dapat nasa college na sila.
Patience, Frey!
Nagpapasensya akong pumikit. Pagmulat ko ay agad kong sinara ang zipper ng bag ko bago inayos ang buhok kong abot siko.
No stress, Frey!
Nag-aayos ako ng gamit upang makalabas na rin ng classroom. Naagaw nga lamang ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone kong nasa mesa. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ang caller.
Rico Calling....
Rico is my long-time boyfriend, we've been together for five years. College pa lang, kami na. After all those years, I never surrender myself to him. I don't know, hindi ako kumportable kahit lagi nyang hinihingi iyon. I am sure he's my end game, but still, I am keeping myself pure until my wedding day.
I stopped with my thoughts and just answered the phone call.
"Hey!" bungad na sagot ko.
I was never sweet. Hindi talaga kahit kanino. Sa tingin ko ay hindi naman kailangan.
"Are you done, Babe? Nasa store ako ng buko pie. Sunduin kita?" sa malambing na boses.
He's gentleman and thoughtful. I fell in love with him because of his thoughtfulness. I never saw any wrong about him, or I have not yet discovered it. He never asks my hand for marriage, that's why I am not yet giving myself to him. Iyon na lang naman ang hinihintay ko.
"Huwag na, dadaan muna akong faculty. Baka may gusto kang ipakuha?"
We are both teacher, sa physical education siya at sa ethics naman ako. We studied in the same campus and department, iba nga lang ng major.
"Hm. Wala naman. I-oorder na kita ng pagkain, I know you're hungry. Mwah, see you!"
Napangiti ako at hindi na sumagot. Bagkus ay nauna pa akong magpatay ng tawag sa kanya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napailing. Lagi ko iyong ginagawa pero hindi siya nagagalit o umaangal. At sa palagay ko ay ayos lang sa kanya.
Winaksi ko iyon sa isipan. What matter is we value our relationship.
Agad kong tinungo ang faculty upang hindi maghintay nang matagal si Rico. I don't want to take advantage of his goodness. I respect him, kahit na minsan hindi ako mabait na girlfriend. Inaamin ko naman!
"Ma'am Frey! Lunch break mo na ba?" si Ma'am Jasmine.
Kumunot ang noo ko nang makitang mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo sa mesa ni Rico. May hawak itong libro mula sa mesa ni Rico at agad iyong binitiwan. Doon pa napako ang tingin ko ngunit agad ko ring linipat kay Ma'am Jasmine.
"Yes, Ma'am Jasmine. May kailangan ka ba kay Rico?" Tinaas ko pa nang bahagya ang kilay ko.
Linagpasan ko siya at dumiretso sa area namin. Parehas silang P. E teacher kaya magkalapit ang mesa nila pero ang upuan ang mesa ng co-teacher mo, is a sign of disrespect. Sa tingin ko ay alam naman niya iyon ngunit ginawa niya pa rin.
"No, I just noticed his new book." Tinaas nito ulit ang librong hawak.
Nakabalot iyon ng pula kaya hindi kita ang pamagat. I am not a reader, but I know when the book looks interesting. And I doubt that is interesting.
Or maybe she thinks that book is a mystery?
"Hihiramin ko sana kaso wala pa siya kaya baka mamaya na lang, Ma'am." Binalik nito ulit ang libro sa mesa ngunit hindi pa umalis doon.
Nanatili ang titig ko sa libro. How come she's too interested in the book?
"Saan ba tungkol iyan, Ma'am?" kuryosong tanong ko.
I am curious. She shows too much interest on the book. Ako nga ay hindi pa iyon nabubuksan kahit na boyfriend ko si Rico.
Lumikot ang tingin niya at hindi agad nakasagot. Tumaas ang isang kilay ko at liningon pa ulit ang libro bago siya.
"Sige, Ma'am. Tanong ko na lang kay Rico," sabi ko na lamang nang hindi siya makapagsalita.
Nahuli ko ang pag-irap niya ngunit binalewala ko. Umalis siya sa mesa at bumalik sa pwesto niya. Hindi na niya ako liningon at tinutok na lamang ang mata sa laptop niya.
I shrugged that out. Binalik ko na lang ang iilang gamit sa sariling mesa bago nagtungo sa store ng buko pie. My hunger is much important than Jasmine.
Tanaw ko pa lang sa malayo ang buko pie store ay kumalam na ang sikmura ko. The store bestseller is buko pie, but they sell other dishes too. It is complete package, parang canteen na rin dahil halos kumpleto ang tinda.
Pagkapasok pa lang ay may iilan ng mga estudyante at mga gurong kumakain. This store theme is like a shore view. May painting ang dingding ng mga buko at shell. Maging ang mga mesa at upuan ay may disenyong ganoon. I just know that the owner loves coconut.
And I love their buko pie!
"Babe!"
Umani iyon ng iilang tingin. Tinukso pa ako ng iilang estudyante at kinawayan ng mga guro. Nahihiya akong ngumiti sa kanila at kumaway pabalik.
Yumuko ako at tinawid ang distansya sa pagitan namin ni Rico.
"Bakit ka naman sumigaw? Nakita naman kita." Linapag ko pa ang bag ko sa mesa niya at umupo.
Tumayo pa ito at inayos ang mga pagkain. Linapit sa akin. Lumibot doon ang tingin ko. Agad na napanguso noong walang makitang buko pie.
"Baka lang hindi mo ko napansin," may himig ng tampo ang boses nito na kinakunot ng noo ko.
"What? bakit naman?"
Hindi ko siya tiningnan ngunit ramdam ko ang buntong hininga niya. Tila sumusuko at ayaw nang magpaliwanag pa.
Hinayaan ko siya at nilingon muli ang mesa. May adobo at sinigang sa mesa. Bumagsak ang balikat ko nang masiguradong wala ngang buko pie.
"May gusto ka pa ba?" naniniguradong tanong niya.
Nilagyan niya ng ulam ang gilid ng kanin ko bago nilagyan ang sa kanya. Sinundan ko iyon ng tingin bago binalik sa kanya ang tingin ko.
"Buko pie," I whispered.
Gusto ko niyon at nahihiya akong sabihin dahil baka magdamdam siya. Ayaw niya kasing kinukulang ang asikaso niya sa akin. At ayaw ko rin mag-demand, but I want buko pie!
Akmang tatayo na siya ngunit mabilis kong pinigilan ang braso niya. Liningon pa niya ako at binigyan ng nagtatanong na tingin.
"Ako na lang ang bibili. Wait me here." Tumayo na ako at inunahan siya sa counter.
Hindi ko na siya nilingon kahit pa alam kong gusto niyang humindi sa akin. But I won't take advantage of that. Kaya ko naman!
Binaling ko ang atensyon sa mga naka-display nilang buko pie. Amoy pa lang ay natatakam na ako. Masarap ang buko pie nila at lagi ko iyong binibili sa tuwing kakain ako dito. Hindi yata ako magsasawa.
May dalawang estudyante sa pila at pilit akong pinapauna ngunit tinatanggihan ko. Kaya ko namang maghintay.
"Hindi na. Okay lang, kaya ko namang maghintay." Nginitian ko pa sila para makumbinse ko.
Ayos lang naman talaga, hindi pa naman ako gutom. Hindi naman dahil isa akong guro at estudyante sila ay gagamitin ko na ang posisyon ko. Nauna sila kaya sila na muna ang maunang bumili.
"Sige po, Ma'am. Salamat po." Ngumiti pa ito bago sinabi ang order niya.
Ibang tindera ang nandoon at mukhang day-off noong isa. Medyo bata kasi ang nandoon kahapon at ang ngayon naman ay nasa mid forties na.
Natapos bumili ang dalawang estudyante at noong ako na ay napakamot ito sa noo.
"Sandali lang po, Ma'am. Tatawagin ko lang si sir. May emergency po kasi ako sa bahay."
Hindi pa ako tumatango ay tumalima na ito habang hawak ang cellphone niya. Wala akong nagawa kun'di ang hintayin ang magiging tao sa counter.
Sinulyapan ko ang relo ko. Hindi ako pwedeng maghintay nang matagal kaya lang gusto ko ng buko pie. Kahit isang slice lang. Okay na sa akin kahit kalahating slice lang. Hindi naman siguro maiinip si Rico kahihintay.
Liningon ko si Rico, bored itong nakasandal sa upuan habang nakatutok ang tingin sa akin. Sumenyas pa ako ng sandali lang na tinanguan niya. Alam kong hindi siya susubo hangga't wala ako sa mesa.
Pagbalik ng tingin ko sa counter ay nawala ang ngiti ko. Seryosong kulay berdeng mga mata ang nakatingin sa akin. Nangatal ang dila ko at namawis ang palad ko. Nakahihiyang magsalita at tila mas gusto kong titigan siya. Maberde ang mga mata niya at matiim kung tumitig. Tila kinukuha nito ang buong atensyon ko, at sa tingin ko ay nagtatagumpay siya kahit wala siyang gawin.
"Ma'am, sorry for waiting. Can I get your orders?"
Swabe ang boses nito na humagod sa kalamnan ko. Natulala pa ako at hindi agad nakasagot sa kanya. Natutok lamang sa labi niya at magandang panga ang paningin ko.
So luscious, Frey!
Nabalik lang ako sa huwisyo nang makitang tumaas ang gilid ng labi niya. Napakurap ako at nahiya na baka nahuli akong nakatitig sa mga labi niya.
Pag-angat ng tingin ko ay nasalubong ko ulit ang tingin niya na may aliw. Tumaas din nang bahagya ang kilay niya na may kakapalan at mukhang nais iparating ang pagkainip.
Ni hindi ko mahanap ang boses ko upang sabihin ang order kong buko pie. Sa huli, tumikhim ako at linibot ang tingin sa hilera ng mga buko pie. Sinundan din niya iyon ng tingin bago naglabas ng platito at kutsara. Inayos niya iyon sa tray bago ako binalikan ng tingin.
Tumikwas pa ang kilay niya at waring nais akong magsalita. Huminga ako nang malalim bago bumuka ang mga labi ko.
"Isang slice ng buko pie," halos bulong lang iyon na lumabas sa bibig ko.
Ngunit alam kong narinig niya. Tinanguan pa ako bago yumuko at kuhanin ang order ko.
Nakabantay ako sa bawat kilos niya. Ang bawat galaw niya ay tantiyado at halatadong sanay sa ganitong gawain. Ni hindi kababakasan ng pagkalito.
Napatitig pa ako nang lumabas ang mga ugat sa braso at kamay niya. Nadepina lamang ang bawat igting ng mga iyon.
Gwapo si Rico pero hindi kasing kisig nito. His fair skin with little moles attracts my eyes more. Gusto ko rin naman ang kayumangging kulay ni Rico ngunit mas nahahalina ako sa balat ng lalaking kaharap ko.
Why does he look more manly than Rico?
Shut it, Frey. May boyfriend ka!
Pinilig ko ang ulo ko at tinuon ang atensyon ko sa hawak niya. Napaawang pa ang mga labi ko nang makitang dalawang slice ng buko pie ang nasa tray. Dalawang platito na iyon at may isang basong buko juice pa.
"Here's your order, Ma'am." Linapag nito sa counter ang tray at linapit sa akin.
Nag-alinlangan ako at napakagat sa labi ko. Hindi ba niya narinig ang order ko?
"Hindi, isang slice lang ng buko pie ang order ko," inulit ko iyon nang may kalakasan.
Binalik ko nang bahagya ang tray sa kanya upang bawiin ang isang slice ng buko pie ngunit hindi siya kumilos.
"I know. Libre ang isa at ang buko juice dahil naghintay ka. Sabi nga, those who waits will be rewarded." Binalik niya sa akin ang tray bago pinatong ang dalawang siko sa counter at tinitigan ako nang maigi.
Napakurap ako at nagbukas-sara pa ang mga labi. Hindi ko na yata mahahanap ang boses ko at basta na lamang matatameme sa harapan niya.
Nailang ako at nanginig pa ang kamay ko sa pagkuha ng pera. Bukod sa nakababahala ang mga titig niya ay ayoko na magalit si Rico lalo na at kanina pa siya nakatitig din dito.
May boyfriend ka, Frey! Bawal lumandi sa iba!
Sa kaba ko ay mabilis kong linapag sa counter ang fifty peso at umalis doon. Hindi ko na siya liningon kahit ramdam ko ang init ng tingin niya sa akin. Malaking pagpipigil sa sarili ang ginawa ko.
Ayaw ko pong magkasala!
Hindi nga lang ako naging kumportbale dahil nang makabalik ako sa mesa ay ramdam ko ang mga titig niya.
Kung hindi lang pinuna ni Rico ay hindi pa ako matatauhan.
"Sino 'yon?" Masama ang timpla niya at masama ang titig sa counter.
Kinunot ko ang noo at pinagkibit-balikat, "Hindi ko alam. Bagong tindero nila?"
Hindi ko naman din kasi kilala ang tao. Baka nga bago nilang tindero. Winala ko iyon sa isipan at sinimulan nang sumubo. Ayokong magalit si Rico lalo na at hindi maganda ang hilatsa ng itsura niya. Marahil ay nainip sa paghihintay.
Bumuntong hininga siya bago nagsimulang sumubo na rin. Nang hindi na siya nakatingin ay sumulyap ako sa counter. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa akin pa rin ang titig ng lalaki.
His green, menacing eyes are slightly pinching my soul. Tagos yata sa balat ko ang titig niya.
Pinilig ko na lamang ang ulo ko at hindi nais na magkasala pa. Kahit na gusto ko siyang lingunin ay pilit kong binaling ang atensyon ko kay Rico. Ngunit hinahatak talaga ako pabalik ng tensyong nararamdaman ko sa lalaking may berdeng mga mata. And so, once again, I took a glance to where he is.
|Y_S|
"Do you think conscience is part of ethics?" Sinulat ko sa white board ang salitang conscience.It is very obvious, but I want them to read this, and put it in their minds.Lumibot ang tingin ko at nakitang nagtaas ng kamay si Anne."Okay Anne, share your thoughts."Tumayo ito at binaba nang bahagya ang uniform niyang bahagyang nalukot."Ma'am, of course. Obvious naman po na ang konsenysa ay parte ng ethics. You shouldn't ask the obvious, Ma'am."Hindi nakatakas sa mata ko ang pag-ingos nito at pag-ikot ng mga mata.Naningkit nang bahagya ang mga mata ko at naghintay ng reaksyon mula sa mga kaklase niya ngunit tahimik ang paligid at walang nagsalita.Dumukwang ako sa mesa at tinitigan siya sa mata."Did you feel the conscience... now?" Hindi ako kumurap na nakapagpaatras ng dila niya.I arched my brow and patiently waited for her answer, but nothing came. She felt the conscience. Maybe?Umayos ako nang tayo
Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Rico at mas lalo na ang lalaki sa canteen. Kung hindi pa tumawag si Mama ay hindi yata talaga iyon mawawaglit sa isipan ko."Anak, kaunti na lang tapos na itong grocery store natin."Napangiti ako sa balitang narinig mula kay Mama. Hindi ko mapigilang matuwa na mula iyon sa naipon kong pera.Malapit ang grocery store sa palengke para naman hindi na lumayo pa ang mga mamimili sakaling kailangan nila ng dry items."Talaga ba, Ma? Gusto ko na pong umuwi," humina ang boses ko at hindi maiwasang tumakas doon ang lungkot.I've been living here in the city since I was in college. Iilang beses pa lang akong nakauwi sa probinsya.I struggled to get to where I am now. I have the license, but I am stuck in this private school. Okay naman ang sahod kaya hindi na ako lumipat."Kaunting tiis na lang, Nak. Pagkatapos nito, kahit hindi ka na magtrabaho
Tila ako nilipad at halos hindi malaman kung saan ako dinala. I am disoriented and can't barely recognize where I am. Maging ang maalala pa sa kung paano ako napunta rito ay malabo na sa isipan ko.Ang alam ko lang ay sumakay akong kasama ang lalaki."Hmm." Kumapit nang kusa sa kumot ang kamay ko dahil sa nararamdamang init.Kumot lang yata ang makakapitan ko sa kakaibang nararamdaman. This is new to me. I have never felt this hot before."P-lease, s-top." I protested, not knowing what I was protesting and what he was doing.I felt him pin my hands above my head. I can't even make strong movements to take them back.Kusang nagmulat ang mga mata ko at binalik na naman sa ayos ang kaisipan dahil sa ginawa niya.But everything is blurry. I was awake and yet I felt so sleepy.Kusang nangilid ang aking luha at sumikip ang dibdib. Hindi ko lubos
I filed for sick leave to heal my wounds but not my mind. The freshness of the memory is still there. I cannot afford to see Rico. I might be tongue-tied or remain silent. I cannot justify what happened.Sandaling panahon lamang iyon at kailangan ko na ulit pumasok sa paaralan. My final project pa akong kailangang i-check.Going back to school is a struggle. I cannot stop thinking about what happened to my life. It was ruined.Pilit na bumabalik iyon maging ang kataksilan ni Rico.How did Rico afford to cheat?Hindi ko lubos maisip na ang lapit lang din ng babaeng pinagpalit niya sa akin. Kabilang mesa lang pala ng faculty room!Hindi pala si Rico ang end game ko. Kung sa larong chess ay naagaw siya ng ibang reyna habang ako ay nahuli ng ibang hari. Kung binigay ko ba sa kanya, maghahanap kaya siya ng iba?And will I be miserable like this? Will I lose it
Nangangatog ang binti ko sa kaba. Halos ayaw ko na ngang pumasok sa opisina niya. I know that once I get inside, I will lose everything. Whatever the reason behind it, they will still kick me out. Sana lang ay hindi ako mawalan ng lisensya. Ngunit maging iyon ay nanganganib."Ma'am Frey, I know you know why you were called."Seryoso ang Principal na nakasandal sa upuan niya. Walang ngiti at malalim ang tingin.Huminga ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili ko. Hindi pweding mag-panic at baka lumala lamang ang lagay ko. I should think of ways to change his mind."I'm sorry, Sir. Pero hindi ko po iyon ginusto. I w-as forced," humina pa ang boses ko sa dulo.Natahimik ito at hindi nagkomento. Hindi ko alam kung magandang senyales iyon o hindi."Are you sure?" Pinaningkitan ako nito ng mata na kinaatras ko."Y-es. I was there in the bar drinking. They offered their free drink and the next thing I know, I am wildly dancing.""
"Sorry, Ma'am. Religious po ang school namin. Hindi po kasi magandang balita ang umabot sa'min tungkol sa inyo." Tumagilid ang ngiti ng Principal.I tried my luck at this private school. May kalayuan na sa dating school ko pero umabot pa rin sa kanila. Panglimang school ko na iyon na ni-apply-an. Pare-pareho lang ang reaksyon na binibigay nila. Pare-pareho ang sinasabi.I don't know how many people have watched my video. O kung gaano na iyon kumalat. Baka hanggang sa probinsya namin ay umabot na rin iyon. May pakpak pa naman ang balita. Ang pagiging kabit nga nakarating sa kanila, iyon pa kaya."Ma'am, hindi naman po 'yon basehan para husgahan ang buong pagkatao ko."Binigyan ko siya ng nangungusap na tingin, umaasang magbabago ang desisyon nito ngunit bumuntong hininga lamang ito."I'm really sorry, Miss Israel. Mag-re-reflect pa rin kasi iyon sa image mo
Paano ako lalabas sa lugar na ito na hindi nila ako makikita? May karamihan ang tao at pulos mga kalalakihan. Isang hakbang lang palabas ay mahahalata nila ako.Bahala na!Imbis na palabas ay pabalik sa kwartong linabasan ko kanina ang lakad ko. Nagliwanag pa ang mukha ni Alexa matapos akong makita."Payag ka na?" Mabilis ako nitong linapitan at niyugyog sa balikat."May maskara ba?"Kahit iyon na lang basta makapagtago ako. Alam ko naman ang pinapasok ko. Mas mabuti na ito kaysa ang mahuli niya.I will never be ready to face that man."Oo. Sandali, mag-ayos ka na. Ikaw na ang sunod. Basta igiling mo lang 'yang bewang mo."Inabot ulit nito sa akin ang dalawang kapirasong tela kasama na ang isang kulay gintong maskara."Sige na. Bilisan mo ah!"Tinulak-tulak ako nito sa banyo. Hindi mapuknat ang malaking ng
Sa pangalawang araw ko ay sinubukan kong maging normal ang trabaho ko kahit alam kong hindi iyon legal. Hindi normal na tarabho. At paniguradong hindi lahat ng nandito ay gusto ang ganitong trabaho.Kahit ilang pa rin ay sinubukan kong mag-ayos. Marahan ko pang linagyan ng lipgloss ang mga labi ko upang magkaroon iyon ng kinang mamaya. Huling hagod pa ng lipgloss bago napukaw ang atensyon ko sa cellphone kong umiilaw.Karl calling...."Bakit, Karl?" bungad na tanong ko.Pinapatayan ako ng cellphone ni Mama at mabuti na lang ay tinawagan ako ngayon ni Karl, ang nakababatang kapatid ko. Ni hindi ko alam kung paano sila kakausapin."Ate," mahina ang boses nito at dinig ko rin ang mahinang iyak ni Letlet."Bakit?"Kinabahan ako at napatayo. Napakapit pa ako sa upuan at doon kumuha ng lakas. Sa tono niya ay paniguradong hindi magandang balita ang hatid niya."Ano, galit si Tatay," halos bulong na sabi niya.Napabuntong