"Sorry, Ma'am. Religious po ang school namin. Hindi po kasi magandang balita ang umabot sa'min tungkol sa inyo." Tumagilid ang ngiti ng Principal.
I tried my luck at this private school. May kalayuan na sa dating school ko pero umabot pa rin sa kanila. Panglimang school ko na iyon na ni-apply-an. Pare-pareho lang ang reaksyon na binibigay nila. Pare-pareho ang sinasabi.
I don't know how many people have watched my video. O kung gaano na iyon kumalat. Baka hanggang sa probinsya namin ay umabot na rin iyon. May pakpak pa naman ang balita. Ang pagiging kabit nga nakarating sa kanila, iyon pa kaya.
"Ma'am, hindi naman po 'yon basehan para husgahan ang buong pagkatao ko."
Binigyan ko siya ng nangungusap na tingin, umaasang magbabago ang desisyon nito ngunit bumuntong hininga lamang ito.
"I'm really sorry, Miss Israel. Mag-re-reflect pa rin kasi iyon sa image mo
Paano ako lalabas sa lugar na ito na hindi nila ako makikita? May karamihan ang tao at pulos mga kalalakihan. Isang hakbang lang palabas ay mahahalata nila ako.Bahala na!Imbis na palabas ay pabalik sa kwartong linabasan ko kanina ang lakad ko. Nagliwanag pa ang mukha ni Alexa matapos akong makita."Payag ka na?" Mabilis ako nitong linapitan at niyugyog sa balikat."May maskara ba?"Kahit iyon na lang basta makapagtago ako. Alam ko naman ang pinapasok ko. Mas mabuti na ito kaysa ang mahuli niya.I will never be ready to face that man."Oo. Sandali, mag-ayos ka na. Ikaw na ang sunod. Basta igiling mo lang 'yang bewang mo."Inabot ulit nito sa akin ang dalawang kapirasong tela kasama na ang isang kulay gintong maskara."Sige na. Bilisan mo ah!"Tinulak-tulak ako nito sa banyo. Hindi mapuknat ang malaking ng
Sa pangalawang araw ko ay sinubukan kong maging normal ang trabaho ko kahit alam kong hindi iyon legal. Hindi normal na tarabho. At paniguradong hindi lahat ng nandito ay gusto ang ganitong trabaho.Kahit ilang pa rin ay sinubukan kong mag-ayos. Marahan ko pang linagyan ng lipgloss ang mga labi ko upang magkaroon iyon ng kinang mamaya. Huling hagod pa ng lipgloss bago napukaw ang atensyon ko sa cellphone kong umiilaw.Karl calling...."Bakit, Karl?" bungad na tanong ko.Pinapatayan ako ng cellphone ni Mama at mabuti na lang ay tinawagan ako ngayon ni Karl, ang nakababatang kapatid ko. Ni hindi ko alam kung paano sila kakausapin."Ate," mahina ang boses nito at dinig ko rin ang mahinang iyak ni Letlet."Bakit?"Kinabahan ako at napatayo. Napakapit pa ako sa upuan at doon kumuha ng lakas. Sa tono niya ay paniguradong hindi magandang balita ang hatid niya."Ano, galit si Tatay," halos bulong na sabi niya.Napabuntong
Nakatitig lang ako sa repleksyon ko, hindi mawari kung mangangamba ba ako na bumalik dito si West. Malabo naman siguro na makilala niya ako sa likod ng mascara.Umiling ako at pilit inalis iyon sa isipan ko. Hinayaan kong magsawa ang mga mata ko sa suot na pulang brassiere. May design 'yon na butterfly sa likod at sa harapan naman ang lock. Ang pang-ibaba ay manipis at lace na design sa bawat gilid.Hindi ko lubos akalain na magtatrabaho ako sa ganitong lugar at magsusuot ng mga ganitong damit.Tama na, Frey. Huling gabi ko na ngayon. Titigil ka na."Kapag tinawag ang stage name mo. Diretso ka agad sa stage para agad tayong makauwi. Mag-aalas diyes na." Tiningnan pa nito ang relo sa bisig niya tsaka ako tinulak nang bahagya palapit sa pintong nakakonekta sa stage.Nilukob muli ng kaba at takot ang dibdib ko. Ngunit sa isiping huling gabi na ay nagkakalakas ako ng loob."It'sa brilliant night. Get ready to wave your money and throw it a
"Itigil mo na ang sasakyan!"Sumigaw na ako at lahat ngunit hindi siya kumikibo. Nagpatuloy lang sa pagmamaneho kahit na halos maghisterya ako."Please, itigil mo na," binaba ko ang tono ng boses ko upang mapukaw ang konsensya niya ngunit hindi pa rin ito kumibo.Masyadong bato!Napagkrus ko ang mga kamay sa harap ng aking dibdib at sumusukong napabuntong hininga. Inirapan ko pa ito at pinanatili ang tingin sa bintana.Pinanganak yata itong bossy!Nagpapasalamat naman ako at hindi nasamang nahuli ng mga pulis. Swerte rin na hindi nahagip ng media kung meron man. Inaalala ko lang ay si Alexa, baka nahuli. Paano ang mga anak niya kapag nagkaganoon?Bakit naman kasi basta na lang sumusulpot 'tong lalaking 'to! Parang mas maganda pang mahuli ng pulis kaysa manatili sa sasakyan niya. Para tuloy binabalot ng lagim ang looban ng sasakyan sa aura
"Think about my offer, Miss Rosie Frey Israel," mahinahong bigkas niya na tila nilaro lamang sa dila niya ang pangalan ko.Ilang beses ko yata siyang inirapan upang ipakitang hindi ako interesado sa offer niya. Ang gusto ko lang ay umuwi ng... single."Hatid mo ko sa apartment ko," sinabi ko ang address sa kanya na ikinatango niya ngunit walang ibang sinabi.Napahinga pa ako nang malalim at napasandal sa bintana. I felt tired. Nakapapagod ang araw na ito. Gusto ko ng umuwi sa probinsya pero hindi pa raw pwede. Ayoko rin naman na maging ulo ng balita roon kapag nalamang umuwi ako.Sa pakiramdam ko lalo lamang akong mabuburyo sa apartment ko sa mga susunod pang mga araw. Wala akong pagpipilihan.I looked out at the quiet road. Wala pang ibang sasakyan sa daan bukod sa sasakyan niya. I stared outside and let myself fall asleep. I need a break. I need to rest. This day is exhausting and eating all of my energy. And the man in the passenger seat is the
I had a very good night'ssleep. His bed is very comfy and soft. I yawned and sat in the middle of the bed. Nagkusot pa ako ng isang mata bago humikab ulit.My sight dropped with this silk robe I was wearing. I don't know who owns this. He just handed this to me, together with some underwear. Sinuot ko. Wala naman akong bitbit na damit. I have no choice but to wear what is available.I sighed. I even rolled my eyes around the room, and I don't think if this guestroom is for use. Walang ibang gamit bukod sa kabinet at kama. May kurtina naman pero walang mesa at T.V. Very plain and empty.I headed straight to the bathroom to at least brush my teeth, but I was horrified to know that there was no single thing for hygiene inside. Literal na banyo lang. Linibot ko pa ang tingin ko. Nagbabakasakaling may kabinet na may gamit pero wala.I sighed and walked straight to the mini sink. Napalingon pa ako sa kaharap na salamin at napatitig sa sariling repleksyon.
Napabuga ako ng hangin at lumibot na lamang ang tingin sa malawak niyang lupain. Maybe, there are thousands of coconut trees here. Nakalulula ang dami at tila walang hangganan. Hitik din sa bunga at nagtataasan. May buko naman sa probinsya namin pero hindi ganito karami.Ngunit kahit yata malamig sa mata ang paligid ay hindi niyon kayang pawiin ang kanina pang inis at insultong nararamdaman ko para kay West.How dare he talk to me so boldly? Nakalimutan niya yatang may atraso siya sa akin!"Ahm Ma'am, damit po."Nalingunan ko ang babaeng maaaring nasa trenta pataas ang edad. Maliit at malaman. Maliit din ang buhok at may pagkachinita. Siya siguro si Ate Fe.Nakalahad sa harap ko ang hawak niyang mga nakatuping damit. Nanginginig pa nang bahagya ang kamay niya at mukhang nahihiya. Umiiwas din minsan ng tingin."Salamat po." Ngumiti ako at kinuha ang damit na inaabot niya.Kung sa kanya ito, duda ako kung kakasya sa akin. I am a bit tal
I've been wearing his shirts and boxers. Binili nga niya ako ng maisusuot ay puro underwear naman. Does he love seeing me wearing his clothes?Makasalanan nga talaga!Napailing ako at pinusod ang buhok ko. Hanggang ngayon hindi pa dumadating ang mga gamit kong pinakuha niya. Ni hindi ko nga sigurado kung talagang pinakuha niya!I want to apply to this town's private schools. Kaya lang wala akong dokumento. Nabuburyo na ako sa bahay niya at napakinang ko na sa linis. Malinaw na nga niyang nakikita ang sariling kagwapuhan sa sahig. Tsk!"Frey, Hija. Pweding patulong?" si Nay Lina na nakasilip ang ulo mula sa kusina."Sige po." Bitbit ang walis ay linapitan ko ito. Tinabi ko lang ang walis sa lagayan nito sa gilid ng lababo."Ano po ba?" magalang kong tanong.Nilibot ko pa ang tingin ko sa mesa na puno ng mga basket at isang may kalakihang styro box.