Share

Chapter 3 First Loop

Benj Pov.

" What? What does it mean?" 

" Bakit hindi mo alamin?" Isang makahulugang ngiti ang namuo sa labi niya. Pumalakpak siya ng dalawang beses at biglang naglaho sa harap ko.

Nandito parin sa park umupo ako sa bench habang nag iisip sinusubukang intendihin ang mga nangyari.

" Miss nakikita mo ba ako?" Tanong ko sa isang babae na umupo sa tabi ko.

Nakita ko na kumunot ang noo niya bago tumango ibig sabihin wala na ako sa loop na sinasabi ng batang babae. Pambihira this is to much to handle parang mababaliw na ako.

Tumunog ang cellphone ko kaya natauhan ako galing sa malalim na pag iisip.

Venice is calling..

Dahan dahan kong ipindot ang answer botton

" Kuya na saan ka?" Tanong niya sa kabilang linya

" Huh!! nasa park ako ngayon" tugon ko

" What's wrong bakit ganyan ang boses mo sandali hulaan ko kinakabahan ka baka hindi magustuhan ni Kuya Nick ang hinanda mong surprisa tama ba"

" Huh! Kuya Nick surprisa?"  Sabi ko dahil sa gulat

" Oo diba ngayon ang 6th year anniversary niyo" sabi niya na mas ikinagulat ko.

" Sandali ibig sabihin buhay si Nick?"  Sigaw ko sa kabilang linya.

" Aray huwag ka ngang sumigaw ang sakit sa tainga" reklamo nito sa akin.

" I'm sorry" paghingi ko ng tawad

" Kuya mukhang kailangan mo ng malakas na suntok o sampal para magising ka" saad ni Venice

"Tama ka kinakabahan lang ako pabalik na ako diyan" sabi ko bago binaba ang hawak kong phone.

Tiningnan ko ang oras at taon ngayon ay august 13 2010, bumalik ako 2 years ago bago siya nagpakamatay. Dali dali akong tumakbo pabalik ng parking space para bumalik ng mansion pagdating ko sinalubong ako ni Mommy, Daddy at Venice.

" Benj bakit umuwi ka agad hindi ka pumasok sa school?"  Tanong ni Mommy naaalala ko tinanong niya rin ako dati.

" Mom I'm sorry hindi kita masasagot may gagawin pa ako" tugon ko habang naglalakad paakyat sa taas.

" Mom abala si Kuya sa paghahanda sa surprisa niya para kay Kuya Nick" sabi naman ni Venice.

Pumasok ako sa kwarto para tawagan ang resort kung saan nakahanda ang anniversary surprise.

" Hello Sir tatawagan palang sana kita about sa ipinahanda ninyo" sabi ng babae sa kabilang linya.

" Pwede bang gawin niyo ng mas maaga pupunta kami diyan mamaya ng alas 4 ng hapon"

" Yes sir kung yan ang gusto niyo" tugon niya

" Thank you"

Matapos kong maibaba ang telephono lumabas ako ng kwarto at bumaba ng first floor.

" Benj kumain ka muna" alok ni Daddy sa akin

" Thanks Dad pero may gagawin pa ako kita nalang tayo mamaya sa address na ipapadala ko sa inyo" saad ko saka lumabas ng mansyon.

Pumunta ako ng mall para bumili ng singsing, pinuntahan ko ang jewelry store kung saan ko nabili ang diamond ring.

" Miss kukunin ko to ito"  sabi ko saka itinuro ang singsing

Kinuha ng babae ang diamond ring at nilagay sa harap ko, kinuha ko ang wallet sa bulsa para kumuha ng pera. Binigyan ko siya ng 200 thousand bilang bayad saka umalis agad sa mall.

Habang naglalakad palabas tinawagan ko si Gray para ipagawa sa kanya ang mahalagang bagay.

" What's up Bro may kailangan ka?" Tanong niya sa kabilang linya.

" Na saan ka ngayon?"

" Nandito sa... football field" nauutal niyang tugon

" Umalis ka diyan mas ipapagawa ako sayo"

" Ohh tungkol ba yun sa anniversary niyo ni Nick sabihin mo lang handa akong tumulong"

" Good ngayon gusto kong lumabas ka diyan sa school at pumunta ka sa condo ni Nick hanapin mo kung may nakatagong baril sa loob ng kwarto niya" 

" Sa- sandali baril? Papasok sa condo ni Nick?" Naguguluhan niyang tanong.

" Oo dapat hindi niya malaman ang pagpasok mo sa condo niya"

" Bakit ako papasok sa condo niya Benj malalagot ako kapag ginawa ko yun" pagtutol niya takot talaga siya kay Nick.

" Alam ko pero malalagot karin sa akin kapag hindi mo ginawa ang mga sinabi ko huwag mong hintayin na kailangan kong gumawa ng dahas para mapapayag ka" sabi ko na may pagbabanta bigla naman siyang natahimik.

" Hayy! ano ba yan oo na papayag na ako mas nakakatakot ka kaysa kay Nick" naiiyak niyang tugon.

" Mabuti ginawa mo ang tamang desisyon gaya ng sinabi ko hanapin mo kung mayroon siyang baril sa condo niya pag nakita mo dalhin mo sa akin ng palihim"

" Okay sige gagawin ko na" tugon niya

" Good maraming salamat"

Pagkatapos ko siyang makausap dumeretso ako ng school para puntahan si Nick.  Hinanap ko siya sa football field kung saan ko sila huling nakita ni Irish dati tumigil ako sa paglalakad ng makita siya. Buhay talaga siya hindi ko maiwasang maiyak ng makita siyang nakaupo sa isang bench.

Umagos ang mga luha sa mga mata ko dahil sa sobrang saya.

" Benj kumalma ka lapitan mo siya at yakapin ng sobrang higpit" bulong ko sa sarili pinunasan ko muna ang mga luha sa mata ko bago lumapit sa kanila.

" Nick" tawag ko kaya napalingon siya sa akin

" Benj" gulat niyang sabi tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.

" Magpapaliwanag ako" kinakabahan niyang sabi bago tumingin kay Irish.

" Alis na ako" saad ni Irish mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at dali daling naglakad paalis.

" Sandali saan ka pupunta?" 

Tumigil siya sa paglalakad saka lumingon sa akin.

" Benj pasensiya na mayroon lang kaming pinag usapan" paliwanag ni Nick.

" Bumalik ka dito"  sabi ko

" Benj...." 

" Nick diba wala namang namamagitan sa inyong dalawa bakit ka nanginginig?"  Natatawa kong tanong na ikinagulat niya.

" Hindi  ka galit dahil kinausap ko siya?" Tanong niya na nakaturo kay Irish. Umiling iling lang ako bago umupo sa bench.

" From now on you can talk to her kahit saan o kailan mo gusto"

" T-A-L-A-G-A "  dahil sa gulat niya napatayo pa siya sa bench.

Tumango ako bigla niya nalang ako niyakap dahil sa tuwa.

" Thank you I love you and happy 6th anniversary" bulong niya sa tainga ko.

" Yun lang wala ba akong ibang reward?" Bulong ko pabalik

" Anong gusto mong reward ibibigay ko" he said using a seductive tone.

" Nothing" sabi ko na ikinadismaya niya

" Benj thank you" sabi ni Irish na nakaupo sa tabi ko kinuha ko ang kamay niya at hinawakan yun ng mahigpit.

" I'm sorry" seryoso kong saad nakita ko na bigla siyang napaiyak.

" Can I hug you?" Tanong niya tumayo ako sa bench at niyakap siya ng mahigpit.

Masaya akong makipag ayos sa kanya wala naman siyang ginawang masama. Isa pa ayaw kong nawala si Nick dahil lang sa di pagkaintendihan naming dalawa. As much as possible hindi ko papayagan na mangyari ang mga bagay na pwedeng magbigay sa kanya ng dahilan para magpakamatay.  Ito ang 6th annivesary naming dalawa at gagawin itong memorable at masayang araw hindi katulad ng dati.

" Nick halika kana" sigaw ng mga ka team niya

Hinatak niya ako papalapit sa kanya sabay nakaw ng isang halik sa labi.

"I'll go ahead" sabi niya bago tumakbo sa field

Sa kalagitnaan ng laro nakatanggap ako ng message kay Gray.

"I found the gun pabalik na ako diyan"

" Alright magkita tayo sa labas ng school" I replied

" Irish maiwan muna kita babalik din ako mamaya"

Naglakad ako palabas ng school para salubungin siya sa parking lot. Suot suot niya ang isang makapal na jacket habang naglalakad papalapit sa akin. Agad ko siyang hinila papunta sa isang park katabi ng school namin.

" Akin na yan" sabi ko na nakalahad ang aking kanang kamay.

  Dahan dahan niyang inilabas ang baril sa jacket niya habang nanginginig ang kanyang mga kamay.

" Maraming salamat" sabi ko bago yun tinago sa likod ko

" Sandali nga lang bakit may baril si Nick sa drawer ng room niya?" Tanong nito habang nakahawak sa dibdib.

" For protection I guess" tugon ko

" Grabe nakakatakot yun" napaupo siya sa sahig matapos maibigay ang baril na pinakuha ko.

" Siya nga pala pumunta ka sa resort mamaya yung malapit sa bahay nasabihan ko na rin ang iba through text message"

" Okay" tugon niya na nakaupo parin

" Bago mag 4 pm dapat lahat kayo nandoon na" tumango lang siya bilang tugon.

" Tara na nga nasa gitna  pa ng game si Nick ngayon" sabi ko inalalayan ko siyang tumayo at hinila pabalik ng school.

Bago kami pumasok nilagay ko muna ang baril sa loob ng sasakyan ko na nasa parking lot.  Pagdating namin tapos na ang laro kaya bumili ako ng tubig para ibigay sa kanya.

" Congrats sa inyong lahat" pagbati ko ng manalo sila sa laro.

"Thank you ang sweet naman ng boyfriend ko" nakangiti niyang sabi matapos kong ibigay ang hawak kung water bottle.

Fast forward

2:00 pm apat na oras bago mangyari ang incidente

Pagkatapos ng game bumalik si Nick, Gray, at Irish sa kani kanilang classroom ako naman dumeretso sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Dumaan ako kay Manong Daniel para ibigay ang students pass ng school. Pagkatapos ko yung maibigay dumeretso ako ng resort malapit sa bahay namin. Gusto kong siguraduhin na magiging maayos ang lahat. Pagdating ko sinalubong ako ng mga staff at organizer na naghanda ng preparation para sa araw na to. 

"  Sir mayroon po ba kayong ipapadagdag?"  Tanong ng babaeng kausap ko sa telephono kanina.

" Maglagay ng kulay asul na desenyo mas marami mas maganda" sabi ko

" Okay Sir sasabihan ko sila" tugon niya

Bumalik ako sa kotse pagkatapos kong masigurado na maayos naman ang lahat. Pagpasok ko sa loob kinuha ko ang baril na nakita ni Gray sa condo ni Nick. Halos doon na ako tumira sa condo niya pero hindi ko man lang nakita to dati.  He is really intended to hide this gun from me. At bakit mayroon siyang baril?

4:00 pm dalawang oras matapos ang incidente

Nasa harap ako ng school para sunduin si Nick nagulat siya ng makita na naghihintay sa labas ng school. Hindi ko siya masisisi sa loob ng anim na taon ni isang beses hindi ko to ginawa.

" Anong ginawa mo dito?"  Tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin.

" Bakit masama bang sunduin ang boyfriend ko" nakangiti kong tugon.

" Hindi pero...."

I kiss him on his cheek bago ko siya hinila papasok ng sasakyan.

" Sandali saan tayo pupunta?"  Tanong niya nilapit ko ang mukha ko sa kanya saka sinagot ang tanong niya.

" Heaven" pabiro kong sabi kinurot niya ang pisngi ko ng ilang beses kaya yun namula na parang kamatis.

" Sino ang nagturo sayo?" 

" Ikaw" tugon ko at pinaandar ang engine ng sasakyan

Pagdating namin sa resort kumuha ako ng tela at piniringan ang mga mata niya. Hawak hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami papasok sa loob. Nag aabangan sa amin ang mga magulang namin at mga kaibigan na inimbitahan ko para sa annivesary naming dalawa.

" Nick nandito na tayo" sabi ko bago tinanggal ang piring sa mga mata niya.

" HAPPY 6TH YEAR ANNIVERARY" sigaw nilang lahat

" Surprise" sabi ko nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya

" Hinanda mo to?"  Tanong niya tumango naman ako bilang tugon.

" Thank you" saad niya bago  ako hinalikan sa labi

" Youre welcome" tugon ko palihim kong kinuha ang singsing na binili ko. Lumuhod ako sa harap niya at inilabas ang singsing. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang hawak ko.

" Nick please wear this ring as a sign of my love as for today, tomorrow and to eternity" naiiyak kong sabi habang inilagay ang singsing sa daliri niya.

" Ako dapat ang gumagawa nito because I'm you're husband" napangiwi ako matapos marinig ang sinabi niya.

" It's my turn" inalalayan niya akong tumayo pagkatapos siya naman ang lumuhod.

" Benj please wear this ring as a sign of my love forever" sabi niya habang sinusuot ang singsing sa daliri ko.

" By the power bested upon me I pronounce you husband and wife" sigaw ni Gray nagtawanan ang lahat kasabay ng mainit na pagbati nila sa amin.

Nagsimula ang kasiyahan mayroong nagkakantahan, kumakain at nagtatawanan para sa akin ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

5:30 pm 30 minutes bago ang incidente

" Everyone lets enjoy the sunset"

Napatingin kaming lahat sa paglubog ng araw sinandal ni Nick ang ulo niya sa balikat ko habang nilalaro ang aking mga daliri.

" May problema ba?"  Tanong ko umiling iling lang siya pero kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya.

" I don't know pero parang..... may kakaiba akong nararamdaman" paliwanag niya

" Dont worry everything is fine" sabi ko dahil ngayon wala na siyang dahilan para tapusin ang buhay niya.

5:50 pm 10 minutes bago mangyari ang incidente

" Son halika muna dito" tawag ni Daddy

" Nick dito ka muna" tatayo na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

" I love you" sabi niya na nakangiti

" I love you too" tugon ko bago umalis lumapit ako kina Daddy na masayang nag- uusap sa kabilang table.

Lumingon ako sa pwesto ni Nick at nakita ko parin siyang nakaupo.

5: 58pm 2 minutes before the incident

"Tulong si Nick" sigawan mula sa tabi ng dapat kumaripas ako ng takbo matapos kung narinig ang sigawan.

" Huwag naman sana" bulong ko sa sarili habang tumatakbo.

" Anong nangyari ?"  Tanong ko ng makita ang katawan ni Nick na nakahiga sa gilid ng dagat nasa ibabaw niya si Gray na nagkokonduct ng CPR sa kanya.

6:00 pm

" Nick wake up" sigaw ko hinawakan ko ang kamay niya at pinakiramdam kung mayroon pa siyang pulse rate pero hindi na yun tumitibok.

" Benj hindi na siya humihinga" sabi ni Gray umagos ang mga luha sa mga mata ko bago niyakap ang katawan niya.

" Mayroon bang nakakaalam sa inyo kung bakit siya napunta sa gilid ng dagat?" 

" Ang sabi niya kakausapin niya lang si Irish nagpaalam siya sa akin kanina" tugon ni Jake ang team captain ng football team.

" Nick anong nangyari answer me please?" Pakiusap ko sa kanya.

Biglang naglaho ang katawan ni Nick na yakap yakap ko kanina.

" Nick.. Nick" tawag ko sa kanya ng paulit ulit

" Benj" nagpakita ulit sa akin ang batang babae

" Na saan si Nick?" 

" Calm down tapos na ang first loop ibig sabihin nabigo kang iligtas siya" paliwanag niya.

" Hindi siya nagpakamatay this time nalunod siya akala ko maging maayos na ang lahat" umiiyak kong sabi.

" Huwag kang mag aalala mayroon kapang natitirang 12th loop"  sabi niya.

" 12th Loop?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status