Share

Chapter 5 Second Loop

Benj Pov.

Mabilis akong bumaba ng hagdan pagdating ko sa baba nakita ko silang kumakain ng almusal.

" Benj hindi kaba papasok?" Tanong ni Mommy

" Mom may gagawin ako kita nalang tayo mamaya" tugon ko bago lumabas ng bahay. Time check 7:00 am, august 13, 2010 bumalik ulit ako 2 years ago this is my 2nd loop on friday.

Bago dumating ang araw na to matagal kong pinagplanuhan ang mga gagawin ko. Tinungo ko ang resort kung saan nakahanda ang anniversary surprise sinabihan ko ang organizer na hindi matutuloy ang surprise namatay si Nick sa pagkalunod kailangan ko siyang ilayo sa tubig para hindi na yun maulit. Sunod kong pinuntahan si Gray sa kanyang condo nagulat siya ng makita akong nakatayo sa pintuan ng condo niya.

" Benj anong ginagawa mo dito?" Tanong niya mukhang kagigising lang niya.

Pumasok ako sa loob para kausapin siya

" Huwag ka munang pumasok sa school ngayon may ipapagawa ako" nakangiti kong sabi.

Umupo siya sa harap ko at nakinig sa mga sasabihin ko

" I'm counting on you"

" Leave it to me" tugon niya

Umalis agad sa condo niya para puntahan naman si Nick sigurado hindi pa siya nakaalis sa condo. Pagbaba ko ng sasakyan nakita ko siyang pawis na pawis tuwing umaga kasi nag jogging siya bilang morning exercise.

" Benj anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ng makalapit sa akin.

" Gusto lang kita makita " tugon ko yayakapin niya na sana ako pero lumayo sa kanya.

" Maligo ka muna" saad ko umiba ang expression sa mukha niya na mayroong pagtatampo.

" Yayakapin kita mamaya pagkatapos mong maligo" nakangiti kong saad.

Tumango siya bago hinawakan ang kamay ko pumasok kami sa loob ng condo niya. Habang nasa bathroom siya kinuha ko ang pagkakataon para hanapin ang baril na nakatago sa kanyang drawer. I will confront him baka makuha akong lead or clue mula mismo sa kanya. Pinakuha ko na yun kay Gray pero kailangan kong makasiguro na wala na talaga yun sa condo niya.

Naghalungkat ako sa drawer niya sa pinakailalim nakapa ko ang isang baril iba yun sa ginamit niya 2 years ago, bumili kaya siya ng bago?.

" Benj anong ginagawa mo diyan?"

" Para saan to?" Tanong ko habang nakataas ang baril na hawak ko.

" Ibaba mo yan" sabi niya lumapit siya sa akin at inagaw ang baril.

" Bakit may baril ka?" Tanong ko ulit

" For protection talamak ang nakawan ngayon" tugon naman niya habang ibinabalik ang baril sa drawer.

Pakiramdam ko mayroon siyang tinatago sa akin. Gusto ko siyang tanungin pero alam kung magagalit siya. At baka uulitin niya ang mga nangyari dati.

" Hindi kaba papasok?" Tanong niya umiling iling lang ako bilang tugon.

" Can I stay here?" Nakita ko naman na kumunot ang noo ko

" Ofcourse bakit kapa nagtatanong" natatawa niyang sabi

" See you later I'll go ahead" paalam niya bago ako hinalikan sa noo.

Nakalimutan niya ba na 6th anniversary namin ngayon? Biglang bumukas ang pinto at pumasok ulit siya sa loob.

" Benj happy 6th anniversary I love you" sabi niya

" Happy 6th anniversary Nick and I love you too" tugon ko kumaway siya bago ulit sinara ang pinto.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa bawat loop na pinupuntahan ko nababawasan ang pangungulila ko sa kanya. Hayyst!! Wala akong oras na dapat sayangin kailangan kong malaman kung mayroon ba talagang taong gustong pumatay sa kanya. Kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa bulsa ko at sinumulang kumalap ng mga information. Una kong tinawagan si Jake ang team captain ng football team.

" Hello Benj may kailangan ka?" Tanong niya sa kabilang linya.

" Hmmmm..mayroon ka bang alam na taong.....nakaalitan ni Nick?"

" Wala naman bakit?"

" Sigurado kaba?" Tanong ko

" Oo naman mabait kaya ang boyfriend mo" tugon niya

" Sige maraming salamat Jake huwag mong ipaalam sa kanya na tumawag ako sayo" pakiusap ko.

" Okay bye"

Ang sumunod kong tinawagan ay ang bestfriend niya

" Hello Benj" naramdaman ko ang pagkagulat sa boses niya. Ito kasi ang unang beses na tinawagan ko siya.

" I have something to ask" panimula ko

" Okay go on" sabi niya

" May alam kabang taong nakaalitan ni Nick dati?" Tanong ko.

" Wala naman hindi marunong makipag-away si Nick" tugon niya.

" Maraming salamat huwag mo sanang sabihin sa kanya na tumawag ako" sabi ko bago binaba ang phone.

Si Gray ang sumunod kong tinawagan kahit na labag sa kalooban ko.

" Hello Benj hindi ko pa natatapos ang ipinapagawa mo" sabi niya sa kabilang linya.

" Hindi yun ang itinawag ko may itatanong lang ako sayo" seryoso kong saad.

" Okay ano ba yun?"

" May kilala kabang taong nakaalitan ni Nick?" Tanong ko

" Hmm.. oo " walang pag alinlangan niyang tugon

" Sino?" Curious kong tanong

" Ako, magkaribal kami sa pagiging gwapo sa building namin" sabi ko na nga ba wala akong mapapalang matinong sagot sa kanya.

Walang pasabi ko siyang binabaan ng phone nakakasira talaga siya ng araw. Tinawagan ko lahat ng mga malalapit sa kanya pero pareho pareho lang ang sagot nila, walang taong kaalitan si Nick dahil mabait siya alam ko yun kaya nakakagulat na mayroon taong gustong pumatay sa kanya.

Isang tao nalang ang alam kong nakasagot sa tanong ko, tinawagan ko si Tita ang Mommy ni Nick. Nagriring lang ang phone niya at walang sumasagot. Sinubukan ko ulit this time sinagot na niya ang tawag ko.

" Tita goodmorning" bati ko sa kanya

" Benj napatawag ka?" Tanong niya sa kabilang linya

" Hmm.. Tita may itatanong lang sana ako tungkol kay Nick"

" Benj kung may ginawang katarantaduhan yang ang anak ko huwag kang mag alinlangan na bigyan siya ng malakas na suntok" sabi niya kaya napatawa ako ng bahagya.

" Huwag kang mag alala Tita mabait po ang anak niyo"

" Ganoon ba mabuti naman ano nga pala ang itatanong mo?"

Natahimik ako ng ilang segundo hindi ko kasi alam kung paano siya tatanungin.

" Benj nandiyan kapa ba?"

" Tita kasi...may tao bang..... nakaalitan si Nick dati?"

" Huh!! may kaaway si Nick?" Sigaw niya kaya napatakip ako ng tainga.

" Tita wala pong kaaway si Nick" sabi ko bago pa siya magwala.

" Mabuti naman akala ko nagrerelbe na siya" napakamot ako ng ulo mukhang walang patutunguhan ang naisip kong ideya.

" Tita pasensiya na po sa istorbo maraming salamat sa pagsagot sa tawag ko"

Mukhang kailagan kong mag proceed sa plan B.

Kring... Kring....

Biglang tumunog ang cellphone ko tumawag si Gray

" Hello Benj nakahanda na ang lahat" sabi niya

" Thank you kita tayo mamaya" matapos kong maibaba ang cellphone ko tiningnan ko ang oras, 12 pm na ng hapon.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at lumabas ng condo. Pinuntahan ko ang isang necklace shop, this time isang kwentas ang bibilhin ko at hindi singsing. Pagpasok ko sa loob sinalubong ako ni Tita Lemon ang may ari ng shop na kaibigan ni Mommy.

" Tita good afternoon" bati ko bago siya niyakap

" Benj buti naman napadaan ka dito" sabi niya na may pagkagulat.

" Tita kailangan kong bumili ng necklace para kay Nick kaya naisip agad kita" nakangiti kong sabi bigla niya nalang kinurot ang pisngi ko kaya napasigaw ako.

" Kung hindi dahil kay Nick hindi ka mapapadaan dito" saad niya na mayroong pagtatampo.

" Ofcouse" sabi ko na may halong pang aasar

" Ang sama mo" sabi niya na nakasimangot

" I'm sorry Tita Lemon ngayon ang pinaka espesiyal na araw sa buhay ko pwede mo ba akong tulungan?" Pakiusap ko sa kanya habang nagpapacute.

" Oo naman ako ang bahala sayo" nakangiti niyang tugon

Ipinakita niya sa akin ang mga bagong labas na necklace, isang couple necklace ang nakakuha ng attensiyon ko na mayroong sun and moon pendant. Simple lang ang design pero mas maganda ito para sa akin.

" Tita kukunin ko to" sabi ko sabay kindat

" Okay ilalagay ko lang to sa box" sabi niya bago umalis sa harap ko.

Nabili ko ang necklace sa halagang 50 thousand pesos

" Tita thank you aalis na ako" sabi ko bago lumabas ng shop

[Limang oras bago mag 6:00 pm]

Ang sumunod kong pinuntahan ay isang coffee shop kung saan kami magkikita ni Blue. Kaninang umaga ko lang siya tinawagan mabuti nalang wala siyang mission kaya nakipagkita siya sa akin. Pagdating ko nakita ko siyang nakaupo habang umiinom ng kape. Umupo ako sa harap niya, ibinaba niya ang hawak niyang baso bago tinanggal ang kanyang suot na sombrero.

" Napag isipan mo na ba ang alok ko?" Tanong ko sa kanya kinuha niya sa bulsa ang kanyang baraha at sinimulan yung laruin.

" Oo naman at pumapayag na ako" tugon niya bago nilagay ang joker sa harap ko.

" Kunin mo yan bilang tanda ng kasunduan natin" sabi niya at tumayo sa kanyang kinauupuan.

Kinuha ko yun bago nilagay sa jacket ko

[Dalawang oras bago mag 6:00 pm]

Isang oras matapos kong makipagkita kay Blue dumeretso agad ako sa school sa ganitong oras lumalabas si Nick. Nakita ko siyang naglalakad kasama si Irish.

" Nick" tawag ko habang nakataas ang kanang kamay makita ko kung paano umiba ang expression sa mukha niya.

" Benj" lumapit siya sa akin at iniwan si Irish na walang pasabi.

" Bakit ka nandito?" Gulat niyang tanong

" Bakit hindi ba ako pwedeng pumunta dito?"

" Hindi yun ang Ibig kong sabihin" paliwanag niya habang nakataas ang dalawa niyang kamay.

" It doesn't matter may pupuntahan tayo" sabi ko bago hinila ang kamay niya papasok sa sasakyan.

" Saan tayo pupunta?" Tanong niya habang naglalagay ng seatbelt.

" Secret" tugon ko kinuha ko ang tela na ipipiring sa kanyang mga mata.

" Sandali kailangan ba talaga yan?" Nakangiti niyang tanong ng makita ang hawak ko.

" Oo kaya huwag ka ng pumalag pa" tugon ko inilapit niya sa akin ang kanyang mukha habang nagpapacute.

Kinurot ko muna ang pisngi niya bago siya piniringan

" Aalis na tayo" sabi ko saka pinaandar ang engine ng sasakyan.

Pagdating namin inalalayan ko siyang bumaba ng sasakyan hawak hawak ko ang kanyang kamay habang naglalakad kami papasok. Napaka espesiyal ng lugar na to sa amin kaya alam kong matutuwa siya.

" Nandito na ba tayo?" Tanong niya habang naglalakad parin kami.

" Oo kunti nalang kukunin ko na yan ang piring sa mga mata mo" sabi ko pinaupo ko muna siya sa isang bench bago tinanggal ang piring sa mga mata niya.

" Surprise" sabi ko nakita ko ang pagkagulat sa pisngi niya nandito kami ngayon sa park kung saan kami unang nagkita.

" Naalala mo ba ang unang annivesary natin?" Umupo ako sa tabi niya habang nakatingin sa buong paligid.

" Ang ganda ng pagkakaorganisa ng buong lugar" sabi niya lahat ng mga pictures namin nakakalat sa buong park kasama na ang mga banner na may larawan naming dalawa.

" Tingnan niyo ang cute nila" isang grupo ng mga babae ang dumadaan sa harap namin.

" Oo nga sila kaya yun?" Tanong ng babae habang nakaturo sa banner.

" Confirm silang dalawa yan love wins talaga" singgit ng kasama nila.

" Bilang isang Yaio fan isa tong dream come true"

" Excuse me pwede bang makapag selfie sa inyo?" Sabay sabay nilang tanong nagtinginan kami ni Nick at nakita ko kung paano siya sumimangot.

Tumango ako at kinuha ang cellphone ng babae

" Pasensiya na kayo medyo masukit kasi ang boyfriend ko" bulong ko na ikinakilig nilang lahat.

" Ayos lang isang cold hearted at soft hearted bagay na bagay kayong dalawa"

Hinatak ko si Nick at nakipag selfie sa kanila pagkatapos agad din silang umalis.

" Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko ng makita ang pagkunot ng mukha niya.

" Paano kong magkagusto sila sayo" inis niyang sabi

Napakaseloso talaga niya pero dahil sa ugali niyang yan mas lalo ko siyang minahal.

" Tara na simulan na natin ang pamamasyal" sabi ko saka hinila ang kamay niya patayo.

Nakita ko si Gray sa di kalayuan habang sumesenyas. Naka thumps up ang isa kong daliri sinigurado ko na hindi yun nakita ni Nick. Bumili kami ng makakain sa mga vendors na naglalako ng pagkain sa park.

Nakakarelax ang tahimik na paligid, malamig ang simoy ng hangin, at makikita ang isang mini garden na puno ng mga sari saring bulaklak.

" Benj may sasabihin ako sayo" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

" Ano kasi..."

Tinitigan ko ang relo na suot ko alas singko na ng hapon isang oras nalang bago mag 6:00 pm kaya hindi ko maiwasang kabahan.

" Benj ayos ka lang?" Tanong niya hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko.

" Oo ano nga yun ang sasabihin mo?"

"Wala halika na "

Nagpatuloy kami sa pag- iikot hangang sa lumipas ang kalahating oras.

" Nick maupo muna tayo" sabi ko naghanap kami ng bench na pwedeng mauupuan.

" I have something to give you" inilabas ko ang necklace na binili ko.

" Kunin mo" sabi ko kaya kinuha niya ang box na hawak ko

Napangiti siya ng makita ang dalawang kwentas

" Couple necklace, saan dito ang akin?" Tanong niya

" Sayo ang mayroon pendant na araw" tugon ko

" Bakit?"

" Dahil ikaw ang liwanag na nagbibigay sa akin ng saya at pag asa" tumawa siya ng malakas ng marinig ang sinabi ko

" Hindi ko inaasahan na sasabihin mo yun" pabiro niyang sabi.

Kinuha ko ang necklace at nilagay sa leeg niya

" Thank you and I love you" bulong niya ngumiti ako bago siya hinalikan sa noo.

" You're welcome and I love you too"

Kinuha niya ang isang necklace at inilagay rin sa leeg ko

5:50 pm

Sabay naming pinanood ang nakahandang fireworks display marami ring nanonood na namamasyal sa park.

5:55 pm

Nagustuhan mo ba?"

Parehas kaming nakatayo habang magkahawak ng kamay na nakatingala sa langit.

5:58 pm

Nakatanggap ako ng message mula kay Gray

5:59 pm

Nagulat ako ng biglang natumba si Nick sa tabi ko dahil sa gulat hindi ako nagalaw nahagip ng mga mata ko ang isang taong nakasuot ng maskara, nakita ko rin na mayroon siyang hawak na baril.

" Nick" malakas kong sigaw

" Benj" narinig ko ang pagtawag niya kaya inilapit ko ang tainga ko sa kanya.

" Nick please huwag kang bumitaw" umiiyak kong sabi nakita ko ang mga dugo na lumalabas sa ulo niya.

" Tumawag kayo ng ambulance" sigaw ko sa mga taong nasa paligid namin.

" Benj tingin ko hindi ito ang unang beses na nangyari to pakiramdam ko ilang beses na akong namatay"

Yun ang huling sinabi niya bago siya nalagutan ng hininga saktong alas sais ng gabi. Sa ikalawang loop pinatay siya ng isang taong nakasuot ng maskara at wala ulit akong nagawa para iligtas siya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status