Share

Chapter 4 Memories

Benj Pov.

"12th loop?"

" 12th loop means 12th chances see you in the second loop Benj"

" Tabi" malakas na sigaw sa paligid ko

" AHHH" sigaw ko ng makita ang papalapit na kotse sa akin napapikit ako ng mga mata habang hinihintay ang pagbangga ng sasakyan sa akin.

" Scretch" tunog ng biglang paghinto

" Magpapakamatay kaba?" Galit na sigaw sa akin nang minulat ko ang aking mga mata nakita ko ang kotse na nakahinto malapit sa akin.

" Iho ayos ka lang ba?"  Tanong ng isang matandang babae sa akin,  hinila niya ako palayo sa daan.

" Umupo ka muna dito"

Pinaupo niya ako sa bench pakiramdam ko nanginginig parin ang buo kong katawan. Inabutan niya ako ng tubig kinuha ko naman yun at iniinom.

" Maraming salamat" saad ko

" Muntik kana kanina masagasaan mabuti nalang nagawang mag preno ng driver sa susunod mag iingat ka" paalala niya.

"Maraming salamat po"

" O siya maiwan na kita dito" paalam niya bago umalis kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tiningnan ang oras at taon.

August 13, 7:00 pm taong 2012 ibig sabihin bumalik ako dalawang taon matapos ang first loop.

Mayroon akong remaining 12 chances to save him ang unang loop ay walang kinalaman sa incidente 2 years ago. Malaki ang pinagkakaiba ng dalawa namatay si Nick dahil sa tama ng bala sa ulo niya ang nangyari naman sa unang loop nalunod siya. Imposibleng mangyari yun dahil magaling lumangoy si Nick mas lalong  lumalakas ang kutob dahil sa sinabi ng batang babae na hindi nagpakamatay si Nick.  Kung mayroong gustong pumatay sa kanya sino yun? Bakit gusto siyang patayin? Yun din ba ang dahilan kung bakit may baril si Nick sa condo niya? Arrghh sobrang daming tanong sa isip ko na kailangan ng kasagutan pero Isa lang ang malinaw I need to save him.

Tumayo ako sa bench para mag- ikot ikot sa park napako ang paningin ko ng makita ang isang wishing fountain.

FLASHBACK  ( 7 years ago)

Pagkatapos ng klasse dumadaan ako ng park para bilhan ng pagkain si Mommy ipinagbubuntis niya ang bunso kong katapid kaya mayroon siyang pagkain na gustong kainin.

" Kuya pabuli ng  kwek kwek" sabi ko sa Mamang tindero

"Iho Ilan ba ang bibilhin mo?" Tanong niya

" 25 pcs po" tugon ko

Pagkatapos kong bumili natuon ang attensyon ko sa mga taong nagkukumpulan sa gitna ng park. Lahat sila nakapalibot sa harap ng isang wishing fountain.

" Ang sino man humiling sa wishing fountain lahat ng hiling nila ay matutupad" sabi ng isang lalaki ang ibang tao ay kumuha ng barya at inihagis sa wishing fountain bago pinikit ang mga mata nila.

Ngumiti ako saka kumuha ng barya sa bulsa ko ginaya ko ang ginawa ng iba, hinagis ko rin ang barya sa wishing fountain at humiling.  Hiniling ko na sana maging maayos ang pagbubuntis ni Mommy pagmulat ng aking mga mata isang lalaki ang nakatayo sa harap ko na nakangiti habang nakatitig sa akin siguro magkasing edad lang kami.

" Hi I am Nick" pakilala niya sabay abot ng kanyang kamay

"Hello I'm Benj" sabi ko bago nakipagkamay sa kanya doon nagsimula ang lahat.

Isang linggo matapos ko siyang makilala may bagong lipat sa school sa namin. Hindi ko akalain na makikita ko ulit siya nagsimula kami sa pagiging magkaibigan at hindi ko akalain na ganoon ako kabilis nahulog ang loob ko sa kanya. Pero hindi madali sabihin ang nararamdaman mo sa isang tao lalong lalo na kapag parehas kayo ng kasarian. Mayroong mga matang panghusga na nakatingin sa paligid mo kaya mas pinili kong itago ang nararamdaman ko.

  After 1 year

(  Irish birthday party)

Sabay kaming pumunta ni Nick sa isang birthday party ng kaibigan namin. She is childhood besfriend of Nick at talagang malapit sila sa isat isa mas malapit pa siya kay Nick kumpara sa akin. Sa kalagitnaan ng party nagulat kami ng nakatuon ang ilaw sa kanilang dalawa hawak ni Irish ang isang microphone habang si Nick ay nakatayo sa harap niya.

"She is planning to confess"

" Really I'm so excited"

Yan ang mga bulong bulungan ng mga kaibigan ni Irish

" Nick.... I just...."

" Irish stop it hindi ko gusto marinig ang mga sasabihin mo" pagputol ni Nick sa sasabihin niya.

" But...." mukhang maiiyak na siya

" I'm sorry kaibigan lang ang tingin ko sayo" walang pag alinlangan na sabi ni Nick.

" I know" this time umiyak na si Irish binaba ni Nick ang hawak niyang juice at naglakad papalapit sa akin.

" Let's go" sabi niya bago ako hinila palabas ng venue

" Sandali tama bang ginawa mo yun?" Tanong ko kaya tumigil siya sa paglalakad saka tumingin sa akin.

" I love someone" sabi niya na ikinagulat ko

" Really sino?" Curious kong tanong

"He is standing in front of me"

" Huh!! Standing in front of you which means.." sabi ko habang itinuturo ang sarili ko.

" Ang slow mo" saad niga na may pang aasar

" Sandali bakit ako?" Naguguluhan kong tanong oo may gusto ako sa kanya pero hindi ko inaasahan na ganoon din siya sa akin.

" Hindi ko alam basta masaya ako kapag kasama ka, nagseselos ako kapag may ibang taong nagpapangiti sayo, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Gusto kong palagi kang nandiyan sa tabi ko bawat segundo. Yun lang ang dahilan na maibibigay ko sayo" napatakip ako ng mukha matapos marinig yun.

Napaka sweet ng mga sinabi niya kaya uminit bigla ang mukha ko.

" Benj I love you" sabi niya ngayon hawak hawak na niya ang kamay ko.

Nang magkatitigan kaming dalawa hindi ko na napigilan na sabihin din sa kanya ang nararamdaman ko.

" I love you too Nick" sabi ko na nakangiti bigla niya nalang ako niyakap habang umiiyak.

" Why are you crying?"

" Nothing masaya lang ako" tugon niya he is so warm masarap siyang yakapin. Palagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam na mayakap siya ng sobrang higpit at ngayon hindi ako makapaniwala na nangyari to.

We become lover pero inilihim namin yun sa mga magulang at kaibigan namin hangang sa umabot kami ng isang taon. Ipinagdiwang namin ang first anniversary sa park kung saan kami unang nagkita.

" Can I hold your hand?" Tanong niya inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid maraming tao ang nakatambay sa park kaya umiling iling ako.

Bigla niyang hinawakan ng sobrang higpit ang kamay ko kahit na tutol akong gawin niya yun.

" Dont mind them" sabi niya

" Baka may makakita sa atin" masyado akong praning ayaw kong malaman ng iba ang relasyon namin para narin sa kapakanan naming dalawa.

" Please ngayon lang hayaan mo akong hawakan ang kamay mo sa harap ng ibang tao" pakiusap niya.

" Okay"

Isang simpleng date pero sobrang saya naghabulan kami sa park, kumain ng mga street foods, nag uusap ng mga walang kabuluhang bagay. Standing beside each other sapat na yun para sa amin. Mabilis na lumipas ang mga oras na hindi namin namamalayan.

" Nick kailangan ko ng umuwi" sabi ko ng mag aalas kwarto na ng hapon.

" Sandali mayroon akong regalo para sayo" sabi niya mayroon siyang inilabas na box sa bulsa niya.

" Ano yan?"

" Open it" sabi niya kinuha ko ang box na hawak niya isang kwentas na nasa loob ng box na mayroong pendant na letter N.

" Ang ganda" nakangiti kong sabi

" I'm glad na nagustuhan mo akin na ilalagyan ko sa leeg mo"  ibinigay ko sa kanya ang box habang nilalagay niya ang kwentas sa leeg ko hindi ko maiwasang malungkot.

" I'm sorry wala kasi akong gift para sayo" saad ko habang nakayuko.

" Ayos lang sapat na para sa akin sapat na nasa tabi kita thank you for loving me Benj" niyakap niya ako pagkatapos sabihin yun.

" Thank you for loving me too" bulong ko sa tainga niya

" Anong ginagawa niyo?"  Naitulak ko si Nick ng marinig ang boses ni Gray.

" Gray, Trisha, Samantha" sabi ko ng makita silang nakatayo sa likod namin.

" Confirm they're dating" nakangiting sabi ni Trisha

Tumayo ako at inalalayan si Nick na tumayo, napaupo kasi siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya. Alam kong mangyayari din ito mukhang kailangan na namin sabihin ang totoo. Hinawakan ko ang kamay ni Nick ng sobrang higpit.

" Were boyfriends" walang pag alinlangan kong sabi

Nagtinginan silang tatlo bago nagpakawala ng mga ngiti

" Alam namin" sabay sabay nilang sabi

" Huh!! paano?"  Gulat kong tanong

" Kahit na hindi niyo sabihin naramdaman namin na mayroong something sa pagitan niyong dalawa"  tugon ni Samantha.

" Hindi kayo galit?" Tanong ko

" Bakit kami magagalit masaya kami para sa inyong dalawa at isa pa hindi masama ang magmahal"  sabi ni Trisha.

Lumapit ako at niyakap silang tatlo sobrang saya ko dahil tanggap nila kami ni Nick.

" Maraming salamat" naiiyak kong sabi

" You're welcome suportado namin kayo"

Simula noon hindi na namin kailangan itago ang relasiyon namin sa kanila. Hangang sa dumating ang araw na dinala ako ni Nick sa bahay nila akala ko pupunta lang kami sa bahay ng kakilala niya hindi sumagi sa isip ko na ipapakilala niya agad ako sa pamilya niya.

" Ito ba si Benj?"  Tanong ng Mommy niya

Tumayo si Nick na nakatingin sa akin

" Magkakilala kayo?"  Tanong ko

" Ako mga pala ang Mommy ni Nick" tugon ng babae

" M- O- M-M-Y??" Gulat na gulat kong sabi

" Benj this is my mother, mom this is my boyfriend"

Niyakap ako ng Mommy niya at mainit na tinanggap sa kanilang bahay. Hindi ko nakilala ng personal ang Daddy ni Nick dahil nasa ibang bansa ito. Hinatak ako ng Mommy ni Nick sa kusina kung saan siya nagluluto ng pagkain.

" Alam mo Benj ngayon ko lang nakita ang anak ko na ganyan kasaya" sabi niya habang naghahalo ng mga ingredient.

"Maraming salamat sa pagpapasaya sa kanya"

Ngumiti lang ako nahihiya kasi akong kausapin siya

" Mom baka kung ano ano na ang mga sinabi mo kay Benj" sigaw ni Nick mula sa sala  pinagbawalan kasi siya ng Mommy niya na pumunta sa kusina.

" Tita baka may maitutulong ako sayo" tanong ko

" Hmm.. marunong kabang magbalat ng sibuyas?"

Tumango naman ako bago kinuha ang kutsilyo at plato kung saan nakalagay ang sibuyas nagsimula akong magbalat habang nakikinig sa mga kinukwento ni Tita.

" Benj are you okay?"  Tanong niya

" Opo medyo napaluha lang ako" tugon ko naman kinuha niya ang sibuyas sa harap ko.

" Ako na ang bahala dito" sabi niya ibinaba ko ang hawak kong kutsilgo bago pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.

" Mom anong ginawa mo kay Benj?" "

" Ayos lang ako dahil to sa sibuyas na binalatan ko" tugon ko hinila niya ako paalis ng kusina at pinaupo sa sofa.

Bumalik siya sa kusina at kinausap si Tita rinig na rinig ko na pinagalitan niya ang Mommy niya dahil napaiyak ako nito. Tinulungan ko si Tita na ipaliwanag sa kanya ang lahat pero galit parin siya.

Pagdating ng second anniversary namin buo na ang desisyon ko na sasabihin narin kina Mommy at Daddy ang tungkol sa relasyon namin ni Nick.

" Ayos ka lang ba?"  Tanong ni Nick nasa loob kami ngayon ng kotse dinala ko siya sa bahay para ipakilala sa mga magulang ko.

" Ayos lang ako" tugon ko

" Benj kung hindi ka komportably hindi kita pipilitin" sabi niya habang hawak ang kamay ko.

" No let's do this"

Sabay kaming bumaba ng sasakyan habang naglalakad kami papasok ng bahay mas lalo akong kinakabahan. Plano ko munang sabihin kay Mommy bago sabihin kay Daddy hindi ko kasi alam ang magagawa niya sa akin kapag sinabi ko sa kanya. Pero si Mommy alam kong matatanggap niya agad kami ni Nick. Huminga muna ako ng malalim bago kami pumasok sa loob.

" Mom" sigaw ko ng makapasok kami sa loob

" Benj nandito kami sa kusina"

Pumunta kami ni Nick sa kitchen area nanlaki ang mga mata ko ng makita si Daddy at Venice. Kumpleto sila ngayon sa bahay kaya mas lalo akong kinabahan.

" Kuya bakit ganyan ang mukha mo?" Natatawang tanong ni Venice.

" Hmmmm.."

" Hello po Ma'am & Sir I am Nick kaibigan ni Benj" sabi ni Nick kaya napatingin ako sa kanya.

" Wow ang gwapo mo Kuya Nick" saad ni Venice

" Hello Nick tawagin mo nalang kaming Tita at Tito" nakangiting sabi ni Mommy.

" Make yourself at home" sabi naman ni Daddy

" Thank you po" magaling na sabi ni Nick

" Kailangan niyo ba ng tulong?"  Tanong ko

" Hindi na asikasuhin mo nalang si Nick" tugon ni Mommy

Sabay sabay naming kumain ng lunch masayang nag- uusap sina Venice at Nick nakisali rin si Mommy sa kanila, si Daddy naman tahimik lang.

" Benj kaya mo yan kailangan mong sabihin sa kanila" nasa isip ko.

" Mom, Dad, Venice may sasabihin ako" seryoso kong saad napatingin silang lahat sa akin pati na si Nick. Ibinaba niya ang kamay niya at hinawakan ang kamay ko.

" Mom, Dad si Nick ay.......... ay....... boyfriend ko"  sabi ko na nakapikit ang mga mata hinintay ko na sisigaw sila dahil sa gulat pero katahimikan ang namayani. Minulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang kanilang reaksyon.

" Son.... bakit saan ako nagkulang sayo?" Tanong ni Daddy na napatayo sa kanyang inuupuan.

" Dad I'm sorry" umiiyak kong sabi

" I am upset talo na tuloy ako" nadidismaya niyang sabi

" Huh!!" 

" Yehey panalo kami ni Mommy" tuwang tuwa sabi ni Venice

" Anong ibig mong sabihin?"  Taka kong tanong

Nagsitigil silang tatlo at tumingin sa akin

" Pumusta kasi si Daddy na wala pa kayong relasyon kami naman ni Mommy pumusta na you're officially on" paliwanag ni Venice.

Halos nabunutan ako ng tinik sa dibdib

" Paano niyo nalaman?" Tanong ni Nick

" Hmm... nabasa namin ang messages mo sa cellphone ni Nick" sagot ni Daddy

" Hindi kayo galit?" Tanong ko

" Ang mahalaga masaya ka" tugon ni Mommy

" Thanks Mom, Thanks Dad"  lumapit ako at niyakap sila ng mahigpit. Napakaswerte ko dahil tanggap nila kaming dalawa.

       END OF FLASHBACK

Ang mga alaala namin ay mananatili sa puso at isipan ko. Kumuha ako ng barya at inihagis sa wishing fountain. Kahit na impossible gusto kong hilingin na makakasama ko siya habang buhay.

" Benj is that you?" 

Nagulat ako ng makita ang isang babae na nakatayo sa tabi ko.  Sinubukan kong kilalanin ang mukha niya pero hindi ko talaga matatandaan kung sino siya.

" Who are you?" Tanong ko

" Hindi mo ako nakilala I am Kathlyn"

" Kathlyn ikaw na ba talaga yan?" Di mapakaniwala kong tanong.

Siya ang dati kong kalaro noong bata pa kami pero nagkahiwalay kami dahil lumipat siya ng school pagtungtong namin ng highschool. Sobrang laki ng kanyang ipinagbago mas lalo siyang gumanda.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status