Share

Chapter 2. Loop

Benj Pov.

Dalawang taon na ang nakalipas simula nang mawala siya parang tumigil ang mundo ko pagkatapos niyang magpakamatay. Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa akin nagpakamatay siya siguro kung hindi ako nagselos maaring buhay pa siya.

Isang linggo matapos ang incident inilibing ang bangkay ni Nick pero hindi ako dumalo dahil hindi ko siya kayang makitang ililibing. Para akong dinudurog ng ilang milyong beses kapag naiisip ko na wala siya. Nagkulong lang ako sa loob ng kwarto,  hindi kumausap ng kahit sino kahit na mga magulang o kapatid ko. Para sa akin isang malagim na bangungot ang nangyari sa amin, minsan iniisip ko kung sana isa lang yung masamang panagip na kapag nagising ako nawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Took.. took.. took..

" Kuya dinalhan kita ng pagkain" tawag mula sa labas ng room ko. Dalawang taon na araw araw akong dinadalhan ng pagkain ni Venice dito sa condo ko.

Lumayas ako ng bahay dahil sa pressure na ibinibigay ng mga magulang ko. Gusto nilang maging maayos agad ako kahit na hindi ko pa kaya masyadong masakit ang mga nangyari at tanging panahon lang ang makakahilom sa malalim na sugat sa puso ko.

" Kuya miss na kita" narinig ko ulit ang kanyang paghikbi tumayo ako at binuksan ang pinto.

" Halika ka" sabi ko bago siya niyakap ng sobrang higpit parang kailan lang malaki na siya.

" I'm sorry kung napapabayaan kita patawarin mo si Kuya" umiiyak kong sabi habang yakap yakap parin siya.

" Huwag kang humingi ng tawad Kuya naintindihan kita nandito lang ako palagi para sayo " tugon niya tanging siya at si Gray nalang ang handang dumamay sa akin.

" Sige na umalis kana baka magalit si Daddy at Mommy kapag nagtagal kapa dito"

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin pinunasan ko ang mga luha sa mga mata niya bago siya makaalis.

" Magpakatatag ka babalik ulit ako bukas" nakangiti niyang saad tumango ako at bumalik sa loob ng kwarto.

Binuksan ko ang ilaw sa loob at inikot ikot ang tingin sa buong paligid. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano yun kagulo matagal tagal na rin akong hindi makapaglinis kaya sobrang dami ng alikabok. Napangiti ako bigla kapag nalaman ni Nick na ganito ang ayos ng kwarto ko sigurado papagalitan niya ako.  Dinampot ko ang walis at nagsimulang maglinis inayos ko rin lahat ng mga kalat sa loob.

" Nick I'm sorry napapabayaan ko na ang mga gamit na ibinigay mo" bulong ko habang hawak hawak ang isang teady bear na regalo niya nang 5th anniversary namin.

Matapos kung pulutin ang mga kalat sa sahig hinawi ko ang malaking kurtina na nakatabon sa window ng condo ko. Nang tumama ang liwanag ng araw sa aking mga mata napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag. Dalawang taon na rin akong hindi nasisilakan ng liwanag mula sa araw nataktakpan kasi yun ng makapal na kurtina na inilagay ko bilang panharang sa bintana ng condo.

"  Goodmoring Nick" bulong ko sa hangin saka nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.

Naglakad ako papunta sa veranda at pinagmasdan ang buong paligid.

" Happy 8th anniversary Nick" bulong ko ulit habang nakatingala sa langit unti unting umagos ang luha sa mga mata ko.

Yakap yakap ko ang sarili habang patuloy na umiiyak.

" I miss you so much hindi mo lang alam kung gaano ko gusto na makita at mayakap ka pero kahit sa panaginip hindi mo ako dinadalaw. Para akong mababaliw Nick pakiusap kahit minsan lang gusto kong naramdaman ang presensiya mo"  humahagolhol kong saad ilang sandali pa naramdaman ko ang pag ihip ng malamig na hangin.

Ngumiti ako ng bahagya ng maramdaman na parang mayroong yumakap sa aking likuran. Tumagal yun ng ilang segundo at alam kong siya yun.

" Thank you and I love you Nick " 

Bumalik ako sa loob ng condo para maligo pagkatapos kong naramdaman ang presensiya niya para akong nabuhayan ng loob. May kung anong pwersa ang tumutulak sa akin na kumilos. Pumasok ako sa banyo at hinayaang mabasa ang katawan ko ng malamig na tubig. Nang humarap ako sa malaking salamin nakita ko ang sarili ko na ibang iba sa dating Benj. Sobrang haba ng buhok at bigote ko sa mukha,  namumugto ang mga mata ko, sobrang laki din ang pinayat ko. Kinuha ako ng shave at sinumulang alisin ang mahabang bigote sa mukha ko. Pagkatapos kung maligo simulan ko na ring gupitin ang mahaba kong buhok.  Habang naggugupit napatingin ako sa mga bruises, scratch sa kamay ko ito ang dulot ng mga ginawa ko noon. I tried to commited suicide pero sa tuwing gagawin ko yun naliligtas ako ni Mommy at Daddy.

Pakiramdam ko ang kamatayan mismo ang umiiwas sa akin. Nang makita ko ang mga luha sa mga mata ni Mommy at Venice doon lang ako natauhan napaselfish ko dahil nagdudusa sila dahil sa akin. Especially my little sister nagkaroon siya ng truama ng makita akong duguan sa kwarto ko. Nagsimula akong kamunghian ni Daddy dahil sa mga pinagagawa ko kaya nangako ako sa kanila na hindi na ako magpapakamatay.  Pero kailangan kong lumayo sa kanila kumuha ako ng condo para magkulong at para maghilom ang sugat sa puso ko. Pero sadyang mahirap kalimutan ang lahat until now hindi parin ako buo siguro nasa process pa ako ng paghilom. Hindi ko rin alam kung kaya ko bang kalimutan si Nick dahil para sa akin siya ang buhay ko.

Tumingin ako ulit sa salamin at tiningnan ang bagong ayos ko.

" Hindi na masama" saad ko bago kumuha ng damit sa drawer. Plano kong lumabas ngayon para pumunta ng cemetery gusto ko siyang dalawin.

Sinuot ko ang damit na ibinigay niya isang buwan matapos siyang nagpakamatay. Binilhan niya ako ng damit basi sa paborito niyang kulay pero ayaw na ayaw ko sa kulay asul kaya hindi ko isinusuot. Pero ngayon tingin ko maganda ang kulay na asul dahil napakapayapa tingnan. Lumabas ako ng condo at nagmaneho papuntang sementeryo pero bago yun dumaan muna ako ng tindahan para bumili ng bulaklak at kandila.  Nang nakalipas ang limang minuto narating ko ang cemetery dahan dahan akong naglakad papasok habang bitbit ang mga dala ko. Pakiramdam ko sobrang bigat ng mga hakbang na ginagawa ko ito rin ang unang pagkakataon na dumalaw ako sa kanya o makita ang puntod niya.

         Nick Perez

Born December 20, 1990 - Died August 13, 2012

Nagsindi ako ng kandila sa puntod niya nilagay ko rin ang bulaklak na binili ko. Pinikit ko ang aking mga mata at nag alay ng dasal para sa kanya.

" Happy 8th anniversary Nick mayroon pala akong ibibigay sayo"  inilibas ko ang singsing na binili ko pa  2 years ago  na hindi ko naibigay sa kanya dahil sa mga nangyari.

" Nick isusuot ko ang singsing na to tanda ng pagmamahal ko sayo. Pinapangako ko na mamahalin kita hangang sa huling hininga ko" sambit ko bago sinuot ang singsing sa daliri ko ang kapares nito  nilagay ko sa taas ng puntod niya.

Humiga ako sa tabi ng puntod niya habang nakatingala sa langit. Habang nakatingin sa kulay asul na kalangitan hindi ko siya maiwasang maalala na kung dahilan bakit ulit kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Bigla nalang ako nakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa pag iyak pinikit ko ang aking mga mata at natulog sa tabi ng kanyang puntod gaya ng ginagawa ko dati nang buhay pa siya. Ang matulog sa tabi niya habang kayakap siya ay pinakapaborito kong gawin dati.

Fast Forward

" Benj wake up" I heard a gentle voice na tumatawag sa akin na miss ko ang boses na yun.

Nang buksan ko ang aking mga mata nakita ko siyang nakatayo sa harap ko.

" Nick" sabi ko habang gulat na gulat inilahad niya ang kanyang kamay at inalalayan akong tumayo.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang umiiyak.

" I miss you so much"

" I miss you too" tugon niya hinawakan niya ang mukha ko. I miss his hand na palaging humahawak sa aking mukha. His soft and warm hands, his gente voice, his hug and kisses.

" Masaya akong dinalaw mo ako" saad niya kaya mas lalo akong napaiyak.

" I'm so sorry.. Im really sorry" paulit ulit kong sabi

" Huwag kang humingi ng tawad dahil wala kang kasalanan kaya huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. Tandaan mo palagi mahal na mahal kita" sabi niya bago ako hinalikan sa noo.

The next thing I knew nanaginip lang pala ako para sa akin yun ang pinakamagandang pananginip ko sa loob ng dalawang taon.

" Thank you Nick" bulong ko bago pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.

Napatingala ako bigla sa langit ng makita ang magandang kulay kahel na kalangitan. Sobrang ganda ng sunset na nagdagdag ng ibang kulay sa asul na langit. 

" Benj" may narinig akong boses mula sa likuran ko boses na huli ko pang narinig 2 years ago. Boses ng isang tao mahalaga sa buhay ni Nick.

" Tita" sabi ko ng lumigon ako sa kanya tatanggapin ko kung magagalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit nagpakamatay si Nick..

" I'm glad to see you here" saad niya bago ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.

" Tita I'm sorry" sambit ko habang umiiyak parin

" Don't say sorry hindi mo kasalan ang mga nangyayari at walang gustong mangyari yun"

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

" Stop crying baka magalit si Nick dahil pinaiyak kita" pabiro niyang sabi kaya napangiti ako ng bahagya.

Nang bumitaw kami sa pagkakayakap sa isat isat she started to talk about Nick.

"Alam mo ba naaalala ko dati ng una kang ipinakilala ni Nick bilang boyfriend niya diba nagbalat ka ng onions dahil doon naiyak ka habang nagbabalat at ng makita ni Nick na may mga luhang lumalabas sa mga mata mo agad siyang tumakbo papalapit sayo dahil akala niya inaway kita" pagkukuwento niya.

" Opo naaalala ko po yun" tugon ko na nakangiti

" Alam mo ba inaway niya ako ng makaalis ka kahit na ilang beses kong sinabi na hindi kita inaway pero ang naging tugon niya sa akin.. kahit na dahil nagawa parin kitang paiyakin" dagdag pa niya.

Biglang gumaan ang loob ko dahil masarap sa pakiramdam na mayroon akong nakakausap na taong sobrang lapit sa kanya. 

Bago gumabi umuwi na din kami hinatid ko muna si Tita sa bahay nila bago dumeretso sa condo. Habang tinatahak ko ang daan pauwi isang park ang nakakuha ng attensiyon ko. Hininto ko ang sasakyan sa katabing parking space at bumaba ng sasakyan.  This is where our story begin dahil dito kami unang nagkakilala ni Nick. Lugar na puno ng mga masasayang alala naming dalawa, dito kaming unang nag date, dito namin pinagdiwang ang unang monthsary and anniversary naming dalawa. Seeing this place it bring back our memories.

Tatawid na sana ako sa kabila ng may nakita akong batang babae tumatakbo siya patawid habang ang mga sasakyan ay patuloy na humahaharot sa kalsada. Mabilis akong kumilos para itulak ang bata sa gilid bago pa siya masagasaan ng paparating na truck. Ngumiti ako ng makita siyang ligtas habang nakahandusay sa sahig naramdaman ko ang malakas impact ng pagkakabangga sa akin. Hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko habang iniinda ang matinding pagkahilo.

" Nick " bulong ko bago pinikit ang aking mga mata

" Benj gising... Benj gising" isang maliit na boses ang tumatawag sa akin.

Nang maiulat ko ang aking mga mata isang batang babae ang nakita kong nakaupo sa tabi ko. Sandali siya ang batang babae na niligtas ko kanina mabilis akong bumangon at sinuri ang katawan ko wala akong nakitang mga gasgas, hindi rin ako nakaramdam ng matinding sakit sa katawan, big sabihin?

" Huwag kang mag alala hindi kapa patay maligayang pagdating sa lugar kung saan tinatawag na loop"

" Huh!!?" Naging reaksiyon ko saka inikot ikot ang tingin sa buong paligid. Sandali ito yung park na pupuntahan ko sana bago nangyari ang aksidente.

" Ate" tawag ko sa babaeng dumaan sa tabi ko

" Hindi ka niya naririnig dahil nasa loob tayo ng loop"  paliwanag ng batang babae.

" Sandali ano ba ang loop?" Kunot noo kong tanong

" Loop tell secrets, unfold truth,  offer opportunity to change the past and solve conflict" tugon niya

Sobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari at sa mga sinasabi niya.

" Kung hindi pa ako patay mas mabuti pang patayin mo nalang ako para makasama ko na si Nick sa kabilang buhay"  pakiusap ko sa kanya.

" Ano gagawin mo akong kriminal alam mo ang sama sama mo" taas kilay niyang tugon.

"I'm sorry" mahina kong saad

" Don't worry may gusto akong itanong sayo" seryoso niyang sabi.

" What is it?" 

Rinig na rinig ko kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang itatanong niya.

" Naniniwala kabang nagpakamatay siya?"  

" Huh!! Si Nick ba ang tinutukoy mo?"

" Yes I am referring to your lover who died 2 years ago"

" Ang sabi ng mga nagpulis nagpakamatay siya kaya naniwala ako" tugon ko

" Naniwala ka dahil sinabi nila kahit na mayroong pagdududa sa puso mo mas pinili mong maniwala, nakakalungkot isipin yun" sabi niya parang alam niya ang mga nangyari.

" Sandali sino kaba?" 

" Maaaring isa akong multo, maari ring isa akong anghel o di kaya demonyo, pwede ring tagasundo ng kaluluwa ng mga namayapa. Nasa sayo kung ano ang gusto mong itawag sa akin"

" It doesn't matter gusto kong malaman ang tungkol kay Nick"

" Okay I will tell you the truth hindi siya nagpakamatay" walang pag alinlangan niyang sabi.

" What? What does it mean?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status