Marahang iminamaneho ni Fiona ang kanyang sariling sasakyan sa kahabaan ng kalsada. Alas-siyete na ng gabi at balot na ng dilim ang buong paligid. Iisang lugar ang tiyak niyang tinatahak.Papunta siya sa isang mamahaling bar sa may Makati City upang katagpuin ang kanyang mga kaibigan. Matagal nang nag-aaya ang mga ito upang magkita-kita sila ngunit ngayon lamang nagpaunlak si Fiona.Their family was facing a problem right now. Ang kanyang ama ay kinailangan dalhin sa ibang bansa ng kanyang ina at nakatatandang kapatid na si Lucas upang doon ay maipagamot. Jake, her father, met an accident six months ago. Everyone thought he was dead. But her family, especially her mother, still believed that Jake was still alive. Hindi kasi natagpuan ang katawan nito sa pinangyarihan ng aksidente.Hindi sila nagkamali. Napag-alamanan nila na sadyang inilayo sa kanila ang kanyang ama at naging madaling gawin iyon ng mga taong nandukot dito dahil sa ang kanyang ama ay nakaranas ng amnesia matapos bumulu
Mariin na ipinikit ni Fiona ang kanyang mga mata at mas ibinaon pa ang kanyang mukha sa malaking unan. Hindi niya pa nais na magising ngunit ang tunog ng teleponong nasa bedside table niya ay patuloy lang na gumagambala sa mahimbing niyang pagtulog.Hindi niya alam kung anong oras na ngunit kung pagbabasehan ang papasikat pa lang na liwanag mula sa terasa ng kanyang kwarto ay nasisiguro niyang maaga pa.Bandang huli ay naupo na siya sa kama bago inabot ang telepono at sinagot ang tawag."Hello," bungad niya sa halos inaantok pang tinig."Fiona," anito ng baritonong tinig mula sa kabilang linya. Isang salita pa lang ang binibigkas nito ngunit nakilala na agad ni Fiona ang nagmamay-ari niyon."Kuya Lucas," wika niya kasabay ng pag-ayos ng kanyang pagkakaupo. Isinandal niya pa ang kanyang likuran sa headboard ng kanyang kama. "K-Kumusta kayo nina Mama at Papa?""Maayos kami dito, Fiona. Bukas ay naka-schedule si papa na magpatingin ulit sa doktor," sagot nito sa kanya. Kahit papaano ay m
Hindi maitago ang pagkagulat ni Fiona nang masilayan ang mukha ng lalaking pumasok sa opisinang kinaroroonan niya. Dahan-dahan itong lumapit sa mesa kung saan siya nakapwesto habang ang mga mata ay mataman na nakatunghay sa kanya.Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking nakabungguan niya kagabi sa may entrada ng bar. Ito ang lalaking nakarinig sa usapan nila ni Marvin. At ito rin ang lalaking nanghusga sa kanya na ginamit niya lamang si Marvin para magkaroon pa ng maraming proyekto bilang isang modelo at endorser.Napatayo siya nang tuwid. "You were the man last night," she said. It was more of a statement than a question.Kaya ito naroon sa bar ay upang bantayan siya. Hindi ba at iyon ang sabi ng kanyang Kuya Lucas? Na nakasunod ito sa kanya upang masiguro ang kaligtasan niya? Kaya hindi na kataka-taka kung bakit nasa malapit lang ito nang nag-uusap sila ni Marvin. And that was the reason why he heard everything that they were talking about.Hindi sumagot sa kanya ang binata.
Pagkarating sa Vergara Catering Services ay agad na bumaba si Fiona mula sa sasakyan ni Randall. Kakahinto lang ng kotse nito sa may parking lot at ni hindi pa napapatay ang makina niyon nang buksan na niya ang pinto sa may panig niya.Ni hindi na niya hinintay pa na lumabas ito at pagbuksan siya ng pinto, tulad ng madalas gawin ng ibang bodyguard sa mga kliyente nila. For sure, Randall would never do that. Kanina nga pag-alis nila ay hindi na nito iyon ginawa. Alam niyang sa ugaling taglay nito ay hindi na niya ito dapat pang asahan na magpakita ng paggalang sa kanya.Randall was a walking red flag. Napakaantipatiko kausap! Sa bar pa lang ay napatunayan na niya iyon. Maging kanina sa kanilang kompanya ay ganoon din siya nito kausapin. At hindi niya lang maiwasang mairita kapag naiisip niya ang naging takbo ng pag-uusap nilang dalawa.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa establisimiyentong pag-aari ni Samuel. Maliban sa tumatanggap ng bookings sa iba't ibang okasyon ang Vergara Catering S
Mabilis na tumalikod si Fiona at naglakad na pabalik sa loob ng silid nito. Kahit hindi na niya tanaw ang dalaga ay hindi pa rin maalis ni Randall ang kanyang paningin sa may teresa sa silid nito.Nasa bahay nga siya ng mga Olvidares at mula sa araw na iyon ay doon na muna manunuluyan. Iyon ang naging usapan nila ni Lucas Olvidares. Iyon din ang instruction sa kanya ng boss niya na si Ronniel Certeza, ang may-ari ng security company na kanyang pinagtatrabahuan.Dahil nga sa alam na ni Fiona ang tungkol sa pagkakaroon ng bodyguard nito ay hindi na niya kailangan pang patago itong sundan saan man ito magpunta. Ayon kay Lucas ay maaari siyang tumuloy sa bahay ng mga ito upang mabantayan niya pa rin ang kapatid nito kahit pa gabi na.At ito ang unang gabi niya sa bahay ng mga Olvidares. Hindi siya dalawin ng antok. Malaki ang bahay ng mga ito at maganda ang guest room na ibinigay sa kanya. Anyone would really appreciate the room.Pero sa kung ano man kadahilanan ay hindi siya makatulog. Ma
Randall looked at the paper on his hand. Wala man tuwirang saad ngunit ramdam niya ang pagbabanta sa sulat na nasa papel.Napalingon siya kay Fiona. Nakita niya nang maglakad ang dalaga patungo sa salaming bintana ng opisinang kinaroroonan nila. Doon ay nanungaw ito at nakatalikod sa kanila. Hindi niya man makita ang ekspresyon ng mukha nito ay ramdam niya naman ang pagkabahala nito dahil sa natanggap na mga bulaklak."Ako na ang bahala sa sulat na 'to," wika niya kay Chloe na ang tinutukoy ay ang note na nasa bouquet."Ito pong bulaklak?""Just throw them, as what your boss wanted," tugon niya dito.Nang tumango si Chloe ay binigyan na niya ito ng daan upang makalabas ng opisina ni Fiona. Kinabig niya ang pinto pasara nang tuluyan itong makaalis. Then, slowly, Randall walked towards Fiona. Muli niya pang sinulyapan ang papel na nasa kanyang kamay nang magsalita siya."Do you have any idea who sent this?" usisa niya sa dalaga."I don't know," saad nito sa mahinang tinig habang nanatil
Malalim na napabuntong-hininga si Fiona habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng kanyang Kuya Lucas mula sa kabilang linya. Hindi niya pa maiwasang mapapikit nang magsunod-sunod ang naging habilin nito sa kanya."I said I am okay, kuya. Hindi ho ako nasaktan," giit niya pa dito."Kahit na, Fiona. Be careful next time. Paano kung sa susunod ay masaktan ka na nga? Paano kung sadya talaga ang paghagip sa iyo ng---""Kuya, baka hindi naman sinasadya. For all we know, baka nawalan lang ng kontrol panandali 'yong motor kaya muntik na akong mahagip," katwiran niya pa dito.Though deep inside, Fiona was also against on what she said. Maluwag ang driveway sa may harapan ng OMC bago pa man makarating sa may kalsada talaga. At kung nawalan man nga ng kontrol ang motorsiklo ay bakit normal naman ang takbo nito paalis matapos siyang mahatak ni Randall?Sa bagay na iyon ay napapaisip din siya.At nang daluhan sila ng guwardiya na nakatalaga sa harap ng kanilang kompanya ay sinabi nitong nakail
Dumating ang araw ng pagsisimula ng paggawa ng commercial ni Fiona para sa isang sikat na energy drink sa bansa. Bago iyon ay siniguro muna ng dalaga na tapos na nito ang ilang mahahalagang trabahong kailangan nitong gawin sa OMC bago maging abala naman sa pagiging endorser.And Randall can't help but to be amazed by the maturity of her. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon pero alam na kung papaano hahatiin ang mga oras sa mga gawain. Ang ibang dalaga na nakapasok na sa mundo ng pagmomodelo ay hindi na nanaisin pang maging abala sa ibang bagay at mas pagtutuunan na lamang ng atensyon ang nakukuhang limelight bilang isang modelo.But Fiona was one of the exceptions. Dahil sa wala ang pamilya nito ay naglaan pa rin ito ng oras para sa kompanya ng mga ito. At hindi maitatanggi ni Randall na sa bagay na iyon ay hinangaan niya ang dalaga.Isa lang ang hindi niya nagugustuhan dito at iyon ay ang laging pagsuway sa mga nais niya. Madalas pa rin ang pagpapalitan nila ng mga salita sa tuwing na