Share

III - STAY

"I heard na nag collapse ka daw sa school kanina," napatingin ako kay Kuya ng magsalita ito. Nasa may living room kami at kumakain ng chocolates na dala niya rin from the UK. I can say na mas masarap talaga ang chocolates sa UK.

"Don't eat too much sweet, princess." Tumango ako sa sinabi ni Kuya. Binalik niya naman ang kanyang tingin sa iPad, mukhang busy dahil nakasuot pa ito ng eyeglasses.

"Nagpuyat kasi kagabi kuya," sagot ko sa kaniya, napansin kong tumingin ito saakin, pero nabaling ang atensyon nito kay Axel na papababa ng hagdan.

"Axel, may chocolates dito." nakatitig ako kay Axel at bigla kong naalala ang nangyari sa restaurant kanina.

After I lost my consciousness, naalala ko na napadilat ako habang tumatakbo ito at buhat ako. It was Axel. He carried me all the way to the clinic.

"No thanks, I'm good." Dumiretso ito sa kusina, kaya napatingin ako kay Kuya Ash na muling nabusy sa kanyang iPad.

"Are you staying here, or are you going back to the UK again?" Tanong ko sa kanya.

"I'll be back again in a week; I just had matters to attend to. And of course, I went home to see my princess." Napangiti ako sa sinabi ni kuya. Even if we're not blood-related, they're really treating me like their sister. And I'm really grateful for that.

"But..." muli akong napatingin kay kuya ng magsalita ito. "I'll be home at your debut. Hindi pwedeng ma miss ni kuya iyon." He winked.

"Oh my god! Nakalimutan ko tungkol doon!" Ginulo ulit ni kuya ang buhok ko.

"And Aaron is coming home with me too. So please make sure you're the prettiest at your debut, okay?" Tumango ako.

Si Kuya Ash ang nagluto ng dinner dahil matatagalan daw sila mommy ng uwi.

After dinner, ay ako ulit nag insist na mag-hugas, pero inagaw saakin ni Axel.

"Stay put, you still have a wound. Baka madagdagan kapag ikaw pa ang naghugas," he said bluntly. Napairap ako sa sinabi nito.

"What? May sugat ka? Let me see." Kumaripas ng takbo papalapit saakin si Kuya Ash at kinuha ang kamay ko.

May bandaid pa nga pala ito at hindi ko pa tinatanggal simula kaninang umaga ng matapos akong maligo.

"What happened?" Tanong niya at tinignan si Axel. Tinaasaan lang ni Axel si kuya ng kilay.

"I told you to take care of our princess!" Nagulat ako sa sinabi ni kuya, kaya siguro iba ang kinikilos ni Axel towards me ay dahil habilin pala ito sa kanya ni kuya.

Nilinis ni kuya ang sugat ko kahit na okay narin naman ito.

Pumasok na ako sa kwarto at humiga sa kama. Naalala ko nga pala na hindi ako nakapag-quiz kanina dahil nasa clinic ako ng buong hapon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may notif rito.

Pagka open ko, sobrang dami ng chats sa group chat namin. I started the video call.

"May quiz ulit bukas, ask mo nalang si Axel sa notes." Sabi ni Yerin habang nag-skin routine.

"Grabe alala ni Axel sa'yo kanina. Mabuti nalang ay nasalo ka niya kaagad bago ka tuluyang matumba." Sabi ni Cici, kumunot ang noo ko.

"Si Axel?" Tanong ko sa kanila, inirapan naman ako ni Cici. "Ay hindi si Gian," sarkastikong sagot nito.

"Kung hindi lang kayo magstep-sibs baka isipin namin na may gusto sa'yo si Axel." Sabi ni Yerin.

"Oo nga. Hindi ka niya iniwan sa Clinic kanina. Yes, unfortunately, hindi din siya naka take ng quiz kanina. But Gian lend him notes for the quiz tomorrow." Saad ni Yerin at may kinuha ito somewhere in her room since nawala ito sa harap ng camera.

"Did he stay there for the whole afternoon?" Hindi mapakaniwalang tanong ko sa kanya.

"Yes, gurl. Naabutan nga namin na nakatulog si Axel. Nakayuko sa higaan mo." Sabi ni Yerin.

"I need to go girls!" Paalam ko sa kanila at inend na ang call.

Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Axel sa kwarto niya. Paglabas ko ay naabutan ko si Kuya Ash na may dalang box na hindi ko alam kung anong laman.

"Saan ka?" Tanong nito. Tinuro ko ang kwarto ni Axel na nasa tapat ng kwarto ko.

"Manghihiram lang ng notes kay Axel, kuya." Sagot ko. Tumango ito. "Okay, 'wag magpupuyat." At bumalik na ito sa kwarto niya na katabi sa kwarto ni Axel.

Kumatok ako sa pintuan ni Axel, pero walang sumasagot or nagbukas.

"Im coming in," paalam ko. Pagbukas ko ng kwarto niya ay sobrang lamig ng air conditioning.

My room's theme is white minimalist, and Axel's room is the opposite of mine. It's super dark here, and the only light he has is from the lamp on his study table. But overall, it's clean and neat. Parang hindi kwarto ng isang lalaki. But knowing Axel's personality, alam kong hindi niya hahayaang magulo ang kwarto nito.

Wala ito sa higaan niya, siguro bumaba. Lumapit ako sa study table niya para hanapin ang notes na sinasabi nila Yerin.

But I got stuck with the pictures beside his bed. There's a frame on it—a family picture. Hindi ko naalala na nakita ko ito noon, kaya nagtataka ako kasi sa pagkakaalala ko, tinago ni daddy lahat ng pictures nila.

Kinuha ko ang frame para tignan ng mas malapitan ang nasa picture.

Napangiti ako ng makita ko na ang liliit pa nila sa picture, especially Axel. Katabi din ni daddy ang naunang asawa nito na kamukhang-kamukha ni Axel. Pero nagtataka ako kung sino ang batang babae na katabi ni Kuya Aaron, magkasingtangkad lang sila at kamukhang-kamukha nito.

I didn't know na may kapatid silang babae.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan galing sa banyo, kaya kaagad ko ng binalik ang frame sa side table at hinarap si Axel, pero nagulat ako ng makita kong naka topless si Axel na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa pang-ibaba nito.

Hindi ko alam na may abs pala siya, since hindi halata sa kanya.

Hindi ko alam, pero nate-temp akong hawakan iyon.

No, Cali!

"What are you doing here?" Tanong nito na siyang nagpabalik saakin sa realidad. I can sense that he's mad at me for getting in his room without his permission, but I can also feel that he's trying to compose himself as usual.

"I'm sorry, I thought nasa baba ka since walang sumasagot noong kumatok ako. I'll be back after you change." And I immediately left the room.

Kaagad akong humiga sa kama ng makarating ako sa kwarto.

Ramdam kong umiinit ang mukha ko sa nakita ko, kung kaya ay tinago ko ang mukha ko sa unan.

Ilang minuto ng nagdaan ay hindi parin nag cha-chat or text si Axel, or kaya kumatok sa pintuan ko ay wala.

Gusto ko sanang balikan siya, pero bumibigat na ang takulop ng aking mga mata.

Nagising ako ng bandang alas-onse na ng gabi. Napabangon ako ng makalimutan kong hiramin kay Axel ang notes para sa quiz bukas. Pagkakaalam ko ay gising parin siya ng mga ganitong oras, kaya tumayo ako at pumunta sa kanyang silid.

Kumatok ako ay walang sumasagot; naghintay ako ng ilang minuto ay hindi rin bumukas ang pintuan. Kaya naisipan kong pumasok.

"I'm coming in," said Ko. Pagkapasok ko ay sobrang init naman sa kwarto ni Axel. Napansin kong naka off ang aircon na siyang pinagtataka ko dahil ni kailanman ay hindi niya pinapatay ang aircon ng kwarto niya kung nasa bahay lang din naman siya.

Sobrang tahimik ng kwarto, at wala siya sa kwarto, kaya kumatok ako sa banyo, baka nandoon lang siya, walang sumasagot. Kaya lumabas ako at bumaba para hanapin siya sa baba, pero hindi ko siya nakita. Nagpunta ako sa labas, sa may pool, pero wala rin siya.

Where is he?

Bumalik ako sa loob at kinatok ko si Kuya Ash.

"Yes, Cali?" He asked after he yawned. It's clear that he is too tired, yet he managed to get up to open the door.

"I'm sorry, Kuya, but did you see Axel? He's not in his room.".

"Are you sure?" Kinusot niya naman ang kanyang mata at lumabas ng kwarto tyaka naglakad papasok sa kwarto ni Axel.

"Let me grab my phone," aniya tsaka lumabas ng kwarto.

Napatingin ako sa banyo at naaninag ko sa baba ng pintuan ang ilaw. Lumapit ako roon at binuksan ang pintuan.

Then I saw Axel lying on the floor.

"Kuya Ash! Axel's here!" Sigaw ko, rinig ko namang tumakbo si kuya pabalik rito at nakita niyang nakahiga sa sahig ng banyo si Axel.

N*******d pa ito, pero nasa kanyang bewang parin ang tuwalya. Wait...

Did he not change since I left?

Did he collapse here? Why?

Binuhat ni kuya si Axel at inilapag sa kama, kumuha ito ng damit at binihisan niya ito habang ako ay naiwan sa banyo. Nang sinabi ni kuya na nakabihis na si Axel, ay pinuntahan ko sila sa may kama.

"Sobrang init ni Axel." Aniya, nilagay ko sa ulo niya ang palad ko at pinakiramdam ito. Mainit nga siya.

Bakit siya nilalagnat?

Humikab naman si Kuya Axel na halatang antok na antok pa.

"Gustuhin ko man na alagaan si Axel tonight, but I have meetings tomorrow; could you take care of him for me?" Tumango ako sa sinabi ni kuya. "Good girl," tyaka niya ginulo ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"Goodnight, princess. If you're both tired tomorrow, don't go to school at baka mag collapse na naman kayo. Take care of your health first, okay?" Tumango ulit ako sa sinabi ni kuya at bumalik na ito sa kwarto.

Binuksan ko ang aircon, hindi masyado malamig para hindi siya ginawin.

I went to the bathroom to get a small basin and face towel para ipunas sa kanya para kahit paano ay mapawi ang pagkainit ng katawan nito.

Bumaba ako at nagpunta sa pantry dahil nandoon ang medkit, kumuha ako ng gamot para sa lagnat at bumalik sa taas.

Pagkapasok ko sa kwarto ni Axel ay payapa itong natutulog.

Umupo ako sa tabi niya at ginising siya para paiumin ng gamot, nagising naman ito pero halata talaga sa kanya na pagod na pagod ito.

"Take your medicine first before going to sleep," ani ko sa kanya. Umupo ito at kinuha ang gamot na nasa kamay ko tyaka ininom ito, uminom narin ito ng tubig at ilang saglit lang ay humiga ulit ito.

It's so rare to see Axel get sick. Kaya pag nagkasakit talaga siya ay matindi talaga, na inaabot ng ilang araw bago mawala ang lagnat nito.

Pagkahiga niya ay pinunasan ko siya ng basa na tuwalya. Dala ko rin ang termometre na nakita ko sa medkit at inipit ko iyon sa kilikili niya.

Nang tumunog ay nalaman kong 38.1 degrees ang lagnat nito.

Babalik sana ako sa banyo para palitan ang tubig ng bigla akong hawakan ni Axel sa kamay.

"Stay..." mahinang saad nito, pero sapat na para marinig ko.

——————-

Disclaimer:

This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status