Share

V - SLEEPOVER

"What?!" Sigaw nito na kaagad kong tinakpan ang bibig nito.

"I-I don't know why, but in my dreams we're like a couple doing some sweet gestures and even..." napatingin ako kay Yerin,

"Even?" she asks, waiting for my response. Napapikit ako at sinabing

"Even sex." As I opened my eyes, I saw her reaction, wide eyes and mouth open, still not believing what I said.

"What the heck, Cali? It is true?" Nabigla kami ni Yerin ng bumukas ang pinto at pumasok si Cici na may dalang pagkain at juice. Dali-dali itong lumapit saamin at naki-chikahan din ito.

I nodded as a response, and minutes later, while recalling what happened in my dreams, I got frustrated.

"Did something happen between you and Axel?" Yerin asks. Napatingin ako kay Yerin at nagsasalitan ng tingin silang dalawa ni Cici.

"It was two nights ago," kwinento ko sa kanila ang nangyari ng gabing iyon at tinitigan nila ako na para bang may pino-process sila sa kanilang utak.

"You mean nung araw na pumasok kang walang tulog dahil ang rason mo ay nag-aral ka madamag?" Tanong ni Yerin

"When in fact you haven't slept because of that incident kiss?" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Cici. I nodded.

"Do you like him? Or do you have a crush on him?" Cici's asks. Nakakunot ang noo nito na tila gusto malaman kung may gusto ako kay Axel or wala.

Pero, may gusto ba ako sa kanya?

I like him because he's my brother?

I shook my head. "Bakit naman ako magkakagusto sa kanya, or can I say that I like him because he's my brother?" Sagot ko sa kanila. Ngumiti naman ng mala-demonyo si Yerin na sunod namang ginawa ni Cici.

"Nah, everyone loves their siblings. But in your case, don't us, Cali," Cici said while shaking her head.

"You liked him," Yerin teased.

"Yep, hindi maipagkakaila." Sunod na sabi ni Cici at kinuha ang phone nito.

"Hindi naman kayo magka-dugo ni Axel. Kaya hindi kayo magkapatid. If..." sabi ni Yerin.

"If magkaroon kayo ng kapatid sa mom mo and dad niya, that's the end game." At nag-apir pa nga ang dalawa sa sinabi nila.

"Hindi naman dapat ganyan para masabing hindi kami magkapatid. Our parents got married. Isn't it not the reason for us to be siblings?" Tanong ko sa kanila.

"Still, your mom and his dad don't have a child together, so the blood won't mix. There's still a chance, girl." Binato ko sa kanila ang teddy bear na katabi ko.

"Shut up, ginugulo niyo ako. Tsk."

Binalot ko ang katawan ko sa kumot at hindi na alam ang gagawin.

"Unless if he's your half brother," tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa ulo ko at napatingin kay Cici.

"Which is impossible since same sila ng age at isa pa nakilala lang ni Tita si Tito nung nag 8 ka?" hirit pa ni Yerin.

Do I really like him? Like something romantic, Ganon?

"I don't like this. This can't be happening." Sabi ko ng hinarap ko ulit sila. Napataas lang ng kilay si Yerin at busy naman sa pagkain ng chocolates si Cici habang nakadapa sa kama ko.

"Ano ba kasi nangyayari sa'yo at bakit ganyan ang napanaginipan mo?" Tanong ni Yerin.

Umiling ako dahil hindi ko din alam ang isasagot. "Lately kinakausap na ako ni Axel, naging sweet ito saakin na pinagtataka ko talaga. Kasi never na ginawa ni Axel saakin iyon." Napatingin ako sa kanila na parang naiiyak na.

"Ssh, it's fine. Tyaka hindi mo naman ikakamatay 'yan, kaya Chill. Or if you really want answers, just ask him, then problem solved." Sinamaan ko ng tingin si Yerin at nagtaas lang ito ng dalawang kamay as a sign of sumusuko na.

"And since we're now here, let us sleep here." Napahiga ako sa kama at nagtago sa kumot.

"Aahhh!" Napasigaw ako sa inis.

Napaupo ako ng may kumatok sa pintuan.

"Come in," sabi ko. It was Axel. Nakatingin ito saakin na kaagad kong iniwasan.

"Dinner's ready."

"Okay, Master. Magbibihis lang kami and bababa narin." Sagot ni Yerin na may malaking ngiti sa labi.

"What the heck are you doing, Yerin?" Kaagad ko siyang tinanong ng makaalis si Axel.

"What? Masama bang ngumiti?" Tanong nito.

"Nope, but your smile is the creepiest, sis," sagot ni Cici. "But I saw that you avoided his eyes." Sabi ni Cici saakin.

"See, hindi maipagkakaila." Pumunta na si Yerin sa banyo dahil naroon ang walk-in closet ko at naghanap ng susuotin na damit, lumabas naman ito suot ang night gown ko na minsan ko lang naman sinusuot.

Sumunod naman si Cici at simple pajamas lang ang sinuot nito.

Bumaba na kami at nagulat kami na nandito din ang barkada ni Axel.

"There you are! Ang tagal niyo gutom na ako!" Maktol pa ni Gian na nangunguna sa hapag-kainan.

Hindi ko pa nakikita si Kuya Ash baka nasa Manila pa ito. I saw mom's text: Kanina na hindi sila makakauwi ulit til next week.

"Edi sana kumain ka na kanina, ano." Saad ni Yerin na tumabi naman kay Gian, at tumabi din naman si Cici kay Yerin. Umupo kaagad si Charlie sa duol na kaharap ni Cici, kaya ang tanging bakante ay ang kaharap kay Gian at Yerin, means magkatabi.

Our table is an 8-seater, but hindi kami pwedeng umupo sa magkabilang dulo since it's my dad's position.

Umupo naman si Axel sa tabi ni Charlie, kaya it left me no choice, tumabi ako sa kanya.

Sobrang daming pagkain na nakahain sa lamesa.

There's a chicken curry, adobong manok, carbonara, butter-garlic shrimp, grilled fish and pork, and a beef steak.

Nagsimula na kaming kumain, at pagtingin ko sa dalawa ay naka smirk pa sila. Sinamaan ko sila ng tingin na kaagad din naman nilang iniwas.

Napatingin ako sa shrimp, takam na takam akong kainin iyon, but I'm allergic.

I'm allergic to seafood.

Nasa harapan ito ni Charlie, kaya medyo malayo ito saakin.

"Cici paabot," sabay turo ko doon sa shrimp, but instead, na si Cici, ang kumuha ay kinuha ito ni Axel.

Pero kaagad ding huminto ng makita niya kung ano ang pinapaabot ko, at binalik niya ito.

"Why would you eat that?" Tanong niya. Napanguso ako, at nilalaro nalang ang carbonara na nasa plato ko na.

"You're allergic to seafood; baka mamaya mapaano ka pa dyan." Yumuko nalang ako na para bang pinapagalitan ng nanay.

Napaangat ako ng tumikhim si Charlie. Kaya kumain nalang ako ng carbonara since I don't have the mood to try the other food.

Natapos narin kaming kumain kaya nag stay kami sa living area, while Ate Sarah cleans the kitchen.

"Mags-sleep over din kayo?" Tanong ni Cici sa dalawa, tumango naman ito dahil busy sila sa paglalaro ng ml.

Walang tv sa sala dahil hindi naman kami mahilig manood ng tv rito. We usually stay in the family room if we want to watch movies together.

"Let's play, truth or dare." Ramdam kong nakatingin saakin si Cici habang sinasabi niya ito, kaya napatingin ako sa kanya at kita ko na naman ang mala-demonyong ngiti nito.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status