Share

II - ASH

Last night was a nightmare for me.

I didn't sleep the whole night, dahil every time I close my eyes, naalala ko ang halikang naganap.

Nasa hapag-kainan na ako for breakfast, with mom serving us pancakes, hotdogs, toasted bread, and sunny-side eggs.

"What happened to you, Cali? You look pale and tired. Hindi ka ba nakatulog kagabi?" Tanong ni mommy. Napatingin naman ako kay Axel na busy sa pancake niya. Did he sleep well last night? Habang ako ay hindi nakatulog dahil sa nangyari? Ugh.

"Nag-review last night dahil may quiz kami ngayon," I lied. But the quiz part is actually true. I just didn't study much. Even though my eyes were wide open last night,. How am I supposed to study when that scene keeps appearing in my head? I’m going crazy.

"Ow, alright, finished your food at gumayak na kayo baka malate pa kayo sa klase niyo." Tumango ako at ng matapos ay kinuha ko nag ang bag ko na nasa living room at lumabas. Nakita kong nag-aantay na si Kuya Ryan sa labas.

"Good morning, Cali," bati ni kuya at binuksan ang pintuan ng sasakyan, binati ko din ito bago pumasok sa loob.

Sunod na pumasok sa loob at umupo sa passenger's seat ay si Axel. Ang weird lang, kasi lagi itong tumatabi saakin. Pero hindi ko na ito pinansin at kinuha ang phone ko.

Almost an hour bago kami nakarating sa school namin. Nagkatraffic kasi sa highway dahil may banggaan daw naganap.

Pagkadating namin sa school ay bumaba na kami ni Axel. Pagkalabas rin namin ay maraming nakatingin saamin.

Sino ba naman hindi mapapalingon kung ang nag-iisang Axel Caleb Tan ang makasalubong mo papasok ng school.

Everyone knows that Axel and I are stepsiblings, so hindi kami nagagawan ng issue. Kasi kung hindi nila alam, baka sabihing mag-syota kami. Ay wow, magsyota? Where did it come from?

"Cali!" Tumakbo ako papalapit kina Cici at Yerin. Kakarating lang din nila, kaya sabay na kaming pumasok sa school.

Our school uniform's kind of cute. We're wearing long sleeves in white with a maroon color. The collar and cuff are maroon colors, and the rest are all elegant white. May logo ng school sa right chest part na may name tag. We don't wear ID since our ID here is kind of like a bank card, pwedeng maging access card, and a bank card iyon, kaya pwedeng manakaw, so we keep it on our wallets. And we're wearing pleated skirts with a checkered pattern in maroon, paired with white long-knee socks.

"Oh, mukha kang multo," biro ni Yerin saakin. "Wala akong tulog kagabi,” sagot ko. Nakita ko namang naglakad na papasok ng classroom si Axel, I left a heaved sigh before entering the room too with Yerin and Cici.

Katabi ko sa upuan si Cici at sa harapan ko naman nakaupo si Yerin. Nasa backseats kami at tabi ng bintana. Nasa likuran ko naman si Axel.

"Did you study last night?" Tanong ni Cici. "A little,"sagot ko na ikinagulat naman nilang dalawa. “Konti? Tapos nagpuyat ka?" Hindi ko sila sinagot at pinatong sa lamesa ang ulo ko dahil sumasakit ito, inuuntog ko pa ito sa mesa para mawala ang sakit ng ulo ko, but I realize it didn’t help me. Mas lalo lang atang sumakit ang ulo ko.

Pero mas lalong sumasakit ulo ko sa tuwing iniisip ko si Axel na parang wala lang sa kanya ang nangyari kagabi. Bakit ba kasi ako affected? Dahil first kiss ko iyon? I was saving it for my prince charming! How could he steal that kiss from him?

"Here," napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang boses ni Axel. May dala itong bottled water na may medicine for headache, pati si Cici at Yerin ay nagulat sa ginawa ni Axel dahil alam nilang never na lumalapit si Axel saakin lalo na pag nasa school kami.

Tinanggap ko iyon at bumalik na siya sa upuan niya.

"Sumasakit ba ulo mo?" At mas lalong alam nila na sumasakit talaga ang ulo ko kapag wala akong tulog.

"Nope, I'm fine." Ininom ko ang kape at nag-review ng notes.

Buong morning class ay napaka-boring, like usual, palaging may tanong ang teacher namin, but laging si Axel at si Tasha lang ang nakakasagot. Nakakasagot rin naman ang iba, pero mas laging active silang dalawa.

Lunch break ay nagpunta na kami sa restaurant. Our school nga pala has three restaurants: a cafe resto and two buffet restos. Malalaki din ang loob ng restaurant to occupy a large capacity of students.

And our mode of payment, our IDs.

After we get our food, ay humanap na kami ng mauupuan. Laging sa may tambayan namin pero may nakauna so naghanap kami ng ibang mauupuan pero all are seated well, except for Axel's table, na kasama si Gian at Charlie, na best friends nito.

"Can we join?" Tanong ni Yerin. Each table can occupy 5–6 people. "Sure," sabi ni Gian at nag-wink pa kay Yerin. Napansin kong tahimik lang nakain si Axel.

"I heard na may laban kayo next week," panimula ni Cici. "Yes, kung okay sa inyo, you can watch our game." Sagot ni Charlie. “Sino ba kalaban?" Tanong naman ni Yerin. "The Aristotle Academy, Saturday." Sagot naman ni Gian habang nakikipaglandian kay Yerin.

Tahimik naman kaming kumakain ni Axel habang sila ay patuloy parin sa pagku-kwentuhan. Nang malapit na ko matapos ay biglang nanlalabo ang paningin ko, kaya napapikit ako, at doon ko ulit naramdaman na sumasakit ang ulo ko.

Nang mawala ang pagkalabo ng paningin ko ay tumayo ako, but it was my mistake.

I lost my balance and consciousness.

"Ano ka ba 'wag mong gisingin, kita mong kailangan magpahinga ng tao,"

"Girl, uwian na. Mas makakatulog ng maayos sa bahay si Cali ano ba."

"Teka hintayin nalang natin magising,"

"Oo nga, maawa kayo sa tao."

"Tsk. Ang ingay niyo umalis nga kayo rito."

"Not until hindi nagigising si Cali."

"Gising na ako," sabi ko at bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita ko sina Cici at Yerin na nakaupo sa magkabilang gilid habang nasa tabi naman ni Yerin si Gian at Charlie. Nasa may bandang pintuan naman si Axel, his hands are in his pockets, looking at me, expressionless.

"Sinong hindi magigising sa kaingayan niyo." Sabi ko sa kanila.

"Thanks God, you're awake!" Ang oa naman ng sinabi ni Yerin. Pero napatingin ako sa wall clock ng clinic at nakita kong malapit ng mag 5pm.

Lumabas na kami sa clinic at bumaba sa building, nasa third floor, kasi ang clinic katabi ng science lab.

Pagkadating namin sa baba ay wala na ngang masyadong estudyante except sa mga nagpa-practice ng sports.

4 p.m., kasi ang tapos ng class namin, kaya wala ng masyadong tao sa school ng mga ganitong oras.

"See you tomorrow, Cali!" Paalam nila Yerin at Cici at sumakay na sa kani-kanilang sasakyan.

Dumating si Kuya Rey at bubuksan ko na sana ang pintuan ng buksan ito ni Axel. Pumasok ako at tumabi siya saakin.

"If inaantok ka pa, you can sleep on my shoulder."

Why? Why are you being sweet, Axel? Hindi ka naman ganito dati. Bakit?

Pero nakauwi nalang kami ng bahay ay hindi ako nakatulog sa biyahe.

Pansin kong wala pa ang sasakyan ni mommy at daddy baka nasa work pa. Umakyat ako at pagkarating ko sa kwarto ay nagulat ako sa mga paper bags na nakapatong sa kama ko.

Puro iyon galing sa Louis Vuitton, Gucci, Chanel, Zara, and Hermés at Dior.

Pagtingin ko, there's a watch from Dior, bags from Chanel, Hermés, and LV, a belt from Gucci, and clothes from Zara.

"Ow nakita mo na pala," napatigil ako sa pagtitingin ng marinig ko ang boses ni Kuya Ash.

Nilingon ko ito at nakatayo sa may pintuan si Kuya Ash na hawak ang bottled water.

Tumakbo ako papunta kay kuya Ash at niyakap ito.

"Kuya Ash!" Napansin kong tumangkad lalo si Kuya Ash mas lalong pumogi.

Ginulo naman ni Kuya Ash ang buhok ko, "Hello, princess! Miss me?" Napakagat ako ng labi ng magtanong si kuya, niyakap ko ito muli at rinig ko namang napatawa si kuya.

"Miss you too, our Princess."

—————

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status