Dear Diary,Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine."Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito. Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito. Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-
Initsa ni Mico ang susi ng kanyang kotse sa isa sa mga tauhan nila rito sa Rancho. Kanina lang kasi ay tinawagan siya ng kanyang papa dahil may pag-uusapan raw sila nito kaya naman napilitan siyang bumyahe ng pagkahaba-haba pabalik sa Rancho nila. "Nasaan si papa?" Tanong niya sa dumaang kawaksi nila sa hacienda."Nasa may library po sila, señorito." Magalang na sagot nito sakanya. Sila? - pagtataka niya. Mukhang may bisita ang kanyang papa. Ikinibit balikat nalang niya iyon at umakyat na papuntang library. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob. Nakita niya roon ang kanyang papa at ang kanyang ninong Edgar na ikinagulat niya. "Ninong!" Tawag niya rito. Lumapit siya para yumakap sa papa niya at sa ninong niya. "Hindi niyo po kasama si Ninang Marilyn?" Pagtatanong niya nang maupo siya sa harap ng mga ito. "Alam mo naman iyong ninang mo.. ayaw sa mahahabang byahe. Nandoon at subsob sa trabaho sa Maynila." sagot ng kanyang ninong. Tumango-tango siya rito. "Napadalaw po ata kayo?"
"Bitawan niyo ko! I said, BITAWAN NINYO AKO!" pagpupumiglas ni Ellaine habang binubuhat siya ng dalawang tauhan na pinadala ng Daddy niya para sunduin siya. Hindi niya alam kung paano nila siya natunton. Ang utak talaga ng tatay niya sa isip-isip niya. She was busy dirty dancing at an exclusive club with some guy nang bigla nalang siya buhatin ng dalawang maskuladong lalaki sa magkabilang braso at inilabas sa club. Nanggagalaiti siya sa sobrang galit dahil napahiya siya sa mga tao sa loob ng club. Padabog na ipiniglas niya ang magkabilang braso sa pagkakahawak ng dalawang lalaking ito. "Siguro naman pwede n'yo na ako bitawan dahil nasa loob na ako ng bahay?" Mataray na sabi niya. Pinagpag niya ang dalawang braso na para bang may mikrobyong hatid ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid niya. Inis na hinarap niya ang dalawa at dinuro. "Both of you, are fired." Galit na sabi niya pero kahit anong response mula sa mga ito ay wala siyang natanggap. Nakita niya lang na yumuko ang mga i
"You've got to be kidding me, right?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ellaine habang nakahalukipkip siya sa loob ng sasakyan. Siya nalang ang naroon sa loob habang ang driver at si Johnny kasama ang mga sidekicks nito ay nasa labas na. "Hindi po ma'am. Dito na po talaga namin kayo ibababa." Sabi sakanya ni Johnny. Nilingin nito ang driver at ang mga sidekicks nito. "Sige na, ilabas niyo na ang mga gamit ni Ma'am Ellaine." Napalingon siya sa may likuran ng kotse at nanlaki nalang ang mga mata niya na isa-isa nang nilalabas ng mga tauhan nito ang mga Louis Vuitton luggages niya! "You can't be serious!" Sigaw niya sa mga ito. "Ma'am, bumaba na po kayo." Mahinahong pakiusap sakanya ni Johnny. She gasped in horror ng ilapag ng mga ito ang mamahaling mga luggages niya sa maalikabok,mabato at maduming daan!Napalabas tuloy siya bigla ng kotse at isa-isang pinagpag ang mga luggages niya. "Look! Dinumihan ninyo itong mga bags ko! Ang mamahal ng mga ito, tapos dudumihan niyo lang?!" Lingon n
Pagkamulat ng mata ni Ellaine ay napangiti nalang siya. She just had the worst nightmare ever! Ipinatapon raw siya ng Daddy niya sa Rancho nila Mico pagkatapos ang mas malala pa ay pinagkamalan niya raw si Mico na isang magsasaka! How embarassing is that? To think na mukha siyang taong grasa sa itsura niya sa panaginip! Good thing it's over!Umupo siya mula sa pagkakahiga at tsaka nag-unat. Ang sarap talaga matulog sa malambot niyang pink na kama--- Wait!Napalingon siya sa kamay niya. Sinipat ang pink na bedsheet. Bigla siyang napabalikwas kaya naman nahulog siya sa kama. Sapo niya ang kanyang balakang habang tinukod ang siko sa may gilid ng kama. Kailan pa naging pink ang kama niya?!! Sa pagkakatanda niya, kulay pula ang kama niya! And as if on cue, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang lalaking hindi niya inaasahan!There he was! Mico Illustre, leaning against the door frame in his white shirt and kakhi shorts. "Gising ka na pala, bumaba ka na at kumain na." Pagkasabi n
"ELLAINE MANANSALA, GUMISING KA NA!!!!! ISA!"Umikot ng higa si Ellaine at tinakpan ng unan ang tenga. Ang ingay ingay naman kasi! Kitang natutulog siya, mambubulabog pa!"DALAWA! ELLAINE!!!!"Inis na ginulo niya ang buhok niya. Padabog na tumayo siya at pupungay-pungay na binuksan ang pinto niya. Patay talaga sakanya ang pesteng nambubulabog.Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay niready niya na ang bibig niya sa pagsigaw. "BLOODY HELL! TULOG ANG TAO OH! ANG AGA AGA NAMBUBULABOG KA! ANG GANDA NG PANAGINIP KO, ANDUN NA EH! MANANALO NA AKO SA BIDDING, BUT NO! YOU JUST INTERRUPTED ME!" Pikit na sigaw niya sa taong nasa harapan niya. Antok na antok pa talaga siya. "Ang baho ng hininga mo." Bigla niyang minulat ang mga mata at nakita niya ang nakahalukipkip na si Mico habang nakangisi. Bigla niyang tinakpan ang bibig ng kamay niya. Huminga siya para maamoy ang hininga. Hindi naman mabaho! Sira-ulo 'to ah!Nameywang siya sa harapan nito. "Hoy! FYI, mabango ang hininga ko." Bumuga pa siy
"Here." Inabot ni Ellaine ang tubig na binigay ni Mico sakanya. Inisang tungga niya ang tubig. Ay! Grabe! Init na init na siya! Katatapos lang nila mag-harvest ng mga gulay at inilipat na nila Mico ang mga ito sa truck na siya daw maghahatid sa mga restaurants na sinusupply-an nila ng mga gulay at prutas. "Wala man lang thank you. Tsk tsk!" Sabi ni Mico at umupo ito sa may tabi niya. Inirapan niya lang ito at pinaypayan ang sarili. Anong oras na ba? Init na init na siya!"Hoy, anong oras na?" Baling niya kay Mico. Tinignan naman nito ang relong suot. "Quarter to eight." Sagot nito. Napabuntong-hininga nalang siya. Nanatili lang siyang tahimik at buti nalang hindi naman na nagsalita si Mico dahil baka maitulak niya ito. Maya-maya'y lang lumapit kay Mico si Manong Densio. Infairness sakanya naalala niya ang pangalan nito. All in all, si Manong Densio at Hannah na ang kilala niya. That's a big achievement for her. Dahil sa mansion nga nila, ni isang katulong wala siyang tinandaang p
"Wala parin ba si Ellaine?" Tanong ni Manang Ising - ang matandang kasambahay ng mga Illustre. Umiling si Mico bilang pagsagot. Six pm na ng gabi pero wala parin si Ellaine sa hacienda. Kanina pa siya naghihintay rito sa may front door. "Ipahanap mo na kaya siya kela Densio?" Suhestiyon sakanya ni Manang Ising. Huminga siya ng malalim bago hinarap si Manang. "Kapag wala pa siya pagkatapos ng sampung minuto ako na po mismo maghahanap sakanya." Sagot niya. Tumango lang si Manang sakanya at tinapik ang balikat niya. "O siya sige, kapag dumating na siya pakainin mo kaagad. Nakahanda na sa hapag ang mga pagkain.""Salamat po, Manang." Kanina niya pa gustong libutin ang buong rancho para hanapin ito. Pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang babalik rin ito. Hindi niya maiwasang maalala ang pagkikita nilang muli after thirteen years. At totoong nagulat siya sa nakitang Ellaine. She's not the sweet,innocent and simple girl that he used to know. She changed.Akala niya nung una