"You've got to be kidding me, right?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ellaine habang nakahalukipkip siya sa loob ng sasakyan. Siya nalang ang naroon sa loob habang ang driver at si Johnny kasama ang mga sidekicks nito ay nasa labas na.
"Hindi po ma'am. Dito na po talaga namin kayo ibababa." Sabi sakanya ni Johnny. Nilingin nito ang driver at ang mga sidekicks nito. "Sige na, ilabas niyo na ang mga gamit ni Ma'am Ellaine." Napalingon siya sa may likuran ng kotse at nanlaki nalang ang mga mata niya na isa-isa nang nilalabas ng mga tauhan nito ang mga Louis Vuitton luggages niya! "You can't be serious!" Sigaw niya sa mga ito. "Ma'am, bumaba na po kayo." Mahinahong pakiusap sakanya ni Johnny. She gasped in horror ng ilapag ng mga ito ang mamahaling mga luggages niya sa maalikabok,mabato at maduming daan!Napalabas tuloy siya bigla ng kotse at isa-isang pinagpag ang mga luggages niya. "Look! Dinumihan ninyo itong mga bags ko! Ang mamahal ng mga ito, tapos dudumihan niyo lang?!" Lingon niya sa mga ito. "Hey! Hey! Saan kayo pupunta?" Habol niya sa kela Johnny nang makitang pinapasok na nito ang driver at ang ibang tauhan niya.Pinigilan siya ni Johnny nang akmang lalapit siya sa may kotse. "Pasensya na po,ma'am. Napag-utusan lang po. Mag-iingat po kayo." Yumuko ito bilang paggalang at mabilis nang pumasok sa loob ng kotse at umalis na sila.They really left her. In this place called nowhere.Tulala lang siya habang pinagmamasdan ang sasakyan nila sa malayo. "AHHHH!!!!!!!! I HATE THIS LIFE! I HATE MY FUCKING LIFE!!!!!!" Sigaw siya ng sigaw sa may daanan. Nagpapapadyak siya sa maalikabok na daan. Pinagmasdan niya ang paligid kung saan siya binaba nila Johnny. She sighed when there's noone at the area. Puro puno at taniman lang ang nakikita niya sa magkabilang gilid. Hindi nga niya alam kung saan siya pupunta? Obviously, narito na siya sa rancho ng mga Illustre. Sa Hacienda kaya siya pupunta? Pero paano? Hindi na niya matandaan kung paano na ang papunta roon. The last time she went here is when she was five years old.Inis na nilapitan niya ang kanyang mga luggages. Isa pa palang problema, paano niya dadalhin ang mga ito?! She has two luggages and her Chanel bag! Padabog na itinaas niya ang mga handles ng luggages niya at isinukbit sa braso niya ang Chanel bag niya. Naglakad siya ng diretso, bahala na kung saan siya dalin ng kahabaan ng daan. Mga ilang minuto na siya naglalakad ng biglang lumubog ang takong ng pumps niya sa malambot na lupa."Oh no! Not my Christian Louboutin Bana Pumps!" Tumigil muna siya sa gitna ng daan at sinipat ang pumps niya na puno na ng putik. Napabuga nalang siya ng hininga. Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng mga malalakas na yabag. Nabuhayan siya ng dugo. Finally! May mga tao na! She can ask for their help. Papalakas na ang mga yabag ng mga ito pero habang papalakas ng papalakas, napapakunot nalang siya ng noo. "Wait.. yabag ng mga kabayo ito ah." Napagtanto niya. Tatabi na sana siya perp huli na ang lahat. Isang grupo ng mga kabayo ang mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon niya. Napasigaw siya ng sabay-sabay siyang dinaanan ng mga kabayo at dahil roon, tila nagka- sand storm sa paligid niya. Napaubo siya ng napaubo. Nang magsubside na ang mga alikabok, tumili nanaman siya ng mapansin ang dungis-dungis na niya at ang black Balmain dress niya ay naging dirty brown Balmain dress na!She groaned irritatingly. May ikakairita pa kaya siya ngayong araw?!Wala na siyang nagawa kundi tumayo na at kinuha na ang mga bags niya at naglakad nalang ulit. Buti nalang talaga walang masyadong tao at walang makakakita sakanya na ganito ang itsura.It's been twenty minutes, pero feeling niya limang kilometro na ang nilalakad niya. Pagod na pagod na siya, gutom pati. Simula kagabi pa siya hindi kumakain. Tapos, wala parin siya makitang hacienda o kahit na anong bahay sa paligid!Susuko na sana siya ng biglang may natanaw siyang isang lalaking sumusungkit ng mga mangga sa isang mataas na puno. Napangiti siya dahil sa wakas, may mahihingan na siya ng tuluyan! "Hey! Hey Mister!" Tawag niya rito. Mabilis niyang hinila sa magkabilang kamay ang dalawang luggages niya at mabilis na lumapit sa lalaking nakatingin na ngayon sakanya."Yes?" Tanong nito sakanya. Suddenly, she looked intently at this man. Infairness, ang gwapo nito. At kitang kita ang mga muscles nito sa suot nitong puting sando."Miss?" Untag sakanya nito. "Trabahador ka ba dito?" Tanong niya. Tila nagulat ang lalaki sa tanong niya. She saw him smirked. Ibinaba nito ang panungkit ng mangga sa tabi ng puno at humalukipkip. "Ako? Trabahador?" Tila amused na tanong nito sakanya. She raised her eyebrow at him at humalukipkip rin. "Bakit? Hindi ba?""Hindi." Mabilis na sagot nito. "Oh! Then you must be a farmer. Sabagay, mas mukha ka ngang farmer sa suot mo." Nakangising sabi niya. "Well, pakibuhat itong mga gamit ko ha. Mag-ingat ka, mahal ang mga iyan. God! Pawis na pawis na ako. Tsaka pagod na ako. Kailangan ko nang makarating sa hacienda at nang makapaligo na ako. Do you know how much trouble I got into as soon as I stepped on the land of the Illustre's? My God it's a nightmare! Good thing, I saw you. So, ihatid mo na ako sa hacienda -- HEY! I SAID IHATID MO NA AKO SA HACIENDA!" Napasigaw siya nang makitang sumakay ito ng mabilis sa kabayo nito dala-dala ang mga manggang napitas nito. "I'm talking to you! Inaanak ako ng may-ari ng rancho na ito, and I can get you fired!" Nakangising umiiling lang ito na parang hindi makapaniwala sa sinasabi niya. "HOY! ANO BA!" habol niya rito nang pinatakbo na ang kabayo nito. Napasalampak nalang siya sa maruming daan. Now what? Back to zero nanaman siya. She swears, na kapag nakita niya ulit ang lalaking iyon, makakatikim ito sakanya. Noone ever dared to ignore Ellaine Manansala!Ellaine looked at her Gucci watch and she's been sitting next to the mango tree for like, forty-five minutes already. Wala na siyang lakas para maglakad pa. Ang sakit na ng mga paa niya.Nagulat siya ng may isa nanamang kabayo na may sakay na isang matandang lalaki ang tumigil sa may harap niya. "Miss, bawal kayo rito!" Sita nito sakanya. "At bakit naman?" Pagod na sagot niya rito. "Trespassing po iyang ginagawa ninyo." "Look manong! Wala akong pakealam! Kanina pa ako lakad ng lakad, gutom na ako, I am fucking tired, my life's a mess and I'm stuck here in this nowhere land! And to think, Ako si Ellaine Manansala and this should not be happening to me!" Hysterical na sabi niya. "Kayo po si Ma'am Ellaine?""Bingi ka ba? Kasasabi ko lang 'di ba?" Pagtataray niya. Yumuko ito sakanya. "Pasensya na po señorita. Hindi ko po alam. Halina po kayo, at kanina pa kayo hinihintay ni señorito sa hacienda." Natulala nalang siya nang kunin na nito ang mga bagahe niya at itinali sa magkabilang gilid ng kabayo nito. Is he really taking her to the hacienda? Oh my! Kailangan pa pala niyang maging hysterical para lang makakarating lang sa hacienda. Inalalayan siya nitong makaakyat sa kabayo, at pumwesto naman ito sa likod niya. Hindi na siya nagreklamo sa posisyon nila dahil baka lang itapon siya nito pababa. Nang makarating sila sa may hacienda ay inalalayan siyang bumaba ni Manong. "Manong, sino palang señorito ang sinasabi ninyo? Si Ninong po ba?" "Hindi po. Si Señorito Mico po."When she heard Mico's name, she stopped walking.He's here? Why is he here?Ano na kaya ang itsura nito? Hindi na ulit niya ito nakita nung fourteen years old siya, simula nung..."Nandiyan na po pala si Señorito." Pukaw sakanya ni Manong. Tinignan niya ang front porch ng hacienda at naroon ang mga nakahilerang mga kawaksi. Nakasabdal naman sa hamba ng pinto ang farmer na nang-iwan sakanya kanina. Malalaking mga hakbang na pinuntahan niya ito. "You! How dare you leave me back there! Ang kapal ng mukha mo! Ipapasisante talaga kita kay Ninong!!!" Sigaw niya sa harap nito. "Señorita.." Tawag sakanya ng isang matandang kawaksi sa gilid ng farmer na ito."Ano'ng pangalan ng walang modong magsasaka na ito?!" Tanong niya sa mga kawaksi. "Señorito Mico, ito na po ang mga gamit ni Señorita Ellaine." Nakuha ng atensyon nila si Manong na dala dala ang mga gamit niya.Nandito na si Mico? Nasaan? Ano na kaya itsura nito? Nanlaki ang mata niya ng biglang nagsalita ang farmer na nasa harap niya. "Sige ho, salamat Manong Densio." Tinignan nito ang ibang kawaksi. "Iakyat niyo na ang mga gamit ni Ellaine sa kwarto niya."Napanganga siya sa nalaman. So, this farmer is Mico Illustre??!!!"I-Ikaw si Mico?!" Ngumisi lang ito sakanya. Pinisil nito ang baba niya. "The one and only, sweetheart."Oh God! This is not really happening! The next thing she knew, she collapsed in front of everyone. In front of Mico Illustre.------VOTE AND COMMENT!FOLLOW!Pagkamulat ng mata ni Ellaine ay napangiti nalang siya. She just had the worst nightmare ever! Ipinatapon raw siya ng Daddy niya sa Rancho nila Mico pagkatapos ang mas malala pa ay pinagkamalan niya raw si Mico na isang magsasaka! How embarassing is that? To think na mukha siyang taong grasa sa itsura niya sa panaginip! Good thing it's over!Umupo siya mula sa pagkakahiga at tsaka nag-unat. Ang sarap talaga matulog sa malambot niyang pink na kama--- Wait!Napalingon siya sa kamay niya. Sinipat ang pink na bedsheet. Bigla siyang napabalikwas kaya naman nahulog siya sa kama. Sapo niya ang kanyang balakang habang tinukod ang siko sa may gilid ng kama. Kailan pa naging pink ang kama niya?!! Sa pagkakatanda niya, kulay pula ang kama niya! And as if on cue, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang lalaking hindi niya inaasahan!There he was! Mico Illustre, leaning against the door frame in his white shirt and kakhi shorts. "Gising ka na pala, bumaba ka na at kumain na." Pagkasabi n
"ELLAINE MANANSALA, GUMISING KA NA!!!!! ISA!"Umikot ng higa si Ellaine at tinakpan ng unan ang tenga. Ang ingay ingay naman kasi! Kitang natutulog siya, mambubulabog pa!"DALAWA! ELLAINE!!!!"Inis na ginulo niya ang buhok niya. Padabog na tumayo siya at pupungay-pungay na binuksan ang pinto niya. Patay talaga sakanya ang pesteng nambubulabog.Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay niready niya na ang bibig niya sa pagsigaw. "BLOODY HELL! TULOG ANG TAO OH! ANG AGA AGA NAMBUBULABOG KA! ANG GANDA NG PANAGINIP KO, ANDUN NA EH! MANANALO NA AKO SA BIDDING, BUT NO! YOU JUST INTERRUPTED ME!" Pikit na sigaw niya sa taong nasa harapan niya. Antok na antok pa talaga siya. "Ang baho ng hininga mo." Bigla niyang minulat ang mga mata at nakita niya ang nakahalukipkip na si Mico habang nakangisi. Bigla niyang tinakpan ang bibig ng kamay niya. Huminga siya para maamoy ang hininga. Hindi naman mabaho! Sira-ulo 'to ah!Nameywang siya sa harapan nito. "Hoy! FYI, mabango ang hininga ko." Bumuga pa siy
"Here." Inabot ni Ellaine ang tubig na binigay ni Mico sakanya. Inisang tungga niya ang tubig. Ay! Grabe! Init na init na siya! Katatapos lang nila mag-harvest ng mga gulay at inilipat na nila Mico ang mga ito sa truck na siya daw maghahatid sa mga restaurants na sinusupply-an nila ng mga gulay at prutas. "Wala man lang thank you. Tsk tsk!" Sabi ni Mico at umupo ito sa may tabi niya. Inirapan niya lang ito at pinaypayan ang sarili. Anong oras na ba? Init na init na siya!"Hoy, anong oras na?" Baling niya kay Mico. Tinignan naman nito ang relong suot. "Quarter to eight." Sagot nito. Napabuntong-hininga nalang siya. Nanatili lang siyang tahimik at buti nalang hindi naman na nagsalita si Mico dahil baka maitulak niya ito. Maya-maya'y lang lumapit kay Mico si Manong Densio. Infairness sakanya naalala niya ang pangalan nito. All in all, si Manong Densio at Hannah na ang kilala niya. That's a big achievement for her. Dahil sa mansion nga nila, ni isang katulong wala siyang tinandaang p
"Wala parin ba si Ellaine?" Tanong ni Manang Ising - ang matandang kasambahay ng mga Illustre. Umiling si Mico bilang pagsagot. Six pm na ng gabi pero wala parin si Ellaine sa hacienda. Kanina pa siya naghihintay rito sa may front door. "Ipahanap mo na kaya siya kela Densio?" Suhestiyon sakanya ni Manang Ising. Huminga siya ng malalim bago hinarap si Manang. "Kapag wala pa siya pagkatapos ng sampung minuto ako na po mismo maghahanap sakanya." Sagot niya. Tumango lang si Manang sakanya at tinapik ang balikat niya. "O siya sige, kapag dumating na siya pakainin mo kaagad. Nakahanda na sa hapag ang mga pagkain.""Salamat po, Manang." Kanina niya pa gustong libutin ang buong rancho para hanapin ito. Pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang babalik rin ito. Hindi niya maiwasang maalala ang pagkikita nilang muli after thirteen years. At totoong nagulat siya sa nakitang Ellaine. She's not the sweet,innocent and simple girl that he used to know. She changed.Akala niya nung una
Nanatiling nakatayo lang si Ellaine at nakatulala lang sa pintuang nilabasan ni Mico. Nanlalagkit siya, her leg is hurt, and she's goddamn tired pero tila hindi niya iyon maramdaman. Hindi naman niya inakalang magbe-break down siya sa harapan ni Mico. Pero kasi, tila umaapaw na ang mga dinadala niya sa kanyang dibdib at saktong sa harapan pa ni Mico siya sumabog. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at pumunta nalang sa banyo para maligo. Pagkatapos ay sinuot niya ang roba at tinignan ang maleta niya. Habang naghahanap ng maisusuot, napansin niyang may nakalagay sa pinakailalim ng isa niyang maleta. Nagbadya nanaman ang mga luha niya sa nakita niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang picture frame na matagal na niyang iniingatan. Isang tao lang ang may alam sa picture frame na ito - si Manang Mildred. Ang kanyang yaya simula pagkabata. Hinaplos niya ang mukha ni Mico na nakaakbay sakanya. The picture was taken when she was twelve years old at seventeen naman ito. Graduation niya iyon. Na
Pagkagising ni Ellaine ay nagtaka siya nang mapansin niyang nasa kama na siya. Ang pagkakatanda niya ay nakatulog siya dahil sa kaiiyak at hawak niya ang picture frame nila ng Ate Elisha niya. Hinawi na niya ang comforter at tatayo na sana nang mapansin rin niya ang benda sa may binti niya. Napakunot ang noo niya at pilit na inaalala ang nangyari kagabi pero walang nangyari dahil sumasakit lang ang ulo niya sa kaiisip. May pumasok kaya sa kwarto niya? Pansin rin niya kasi na iba na ang damit na suot niya. Kagabi kasi ay nakaroba lang siya sa pagkakaalam niya. Huminga nalang siya ng malalim. Bahala na nga. Hindi nalang niya iisipin kung sino ang nagpalit at naglagay ng benda sa binti niya. Pagod narin siya kakaisip pa. At tsaka wala namang ring mangyayari eh. Naligo na siya at bumaba na sa kusina. Nagugutom narin siya. "Good Morning, señorita." Bati sakanya ng mga kasambahay na nakasalubong niya. Tinanguan niya lang ang mga ito at dire-diretso sa dining area. Papasok pa lamang si
Legend: **** - Past-----"Matulog ka muna. Malayo pa ang bayan eh." Sabi sakanya ni Mico. "No thanks. I had enough sleep last night." Tanggi niya rito. "Kung ganun, ikaw nalang ang magdrive. Inaantok kasi ako. Unlike you, I haven't got any sleep last night."Napatanga siya rito. Niloloko ba siya nito?"Gago ka ba? Matapos mo akong sapilitang gawing trabahador rito sa rancho mo, ngayon gagawin mo naman akong driver?!" Sigaw niya rito. Tinakpan naman ni Mico ang kanang tenga at kinuskos iyon na tila nabingi ito. "Grabe ka naman makasigaw. Pwede ka namang tumanggi ng maayos eh. No need to curse at me." Inirapan niya lang ito at pinokus ang tingin sa mga makikita sa paligid which is mga puno, taniman at mga bundok lang."How's your leg?" "Huh?""Nabingi ka ba sa sarili mong sigaw?" Natatawang sabi ni Mico at sinulyapan siya saglit.Pinalo niya ito sa braso. "Hey, baka mabangga tayo!" Suway nito sakanya. Inismiran niya lang ito. "Mababangga saan? Eh tayo lang ang sasakyan na dumada
Hindi alam ni Mico kung ano nangyari kay Ellaine. Bad mood nanaman. Bumuga nalang siya ng hangin at tsaka sinundan ito sa labas. "Ellaine.." Tawag niya rito pero hindi lang siya nito pinansin at palinga-linga lang ito sa paligid. Napapalatak nalang siya at hinila nalang ito. "Ano ba!" Singhal nito sakanya. "Alam mo, ang arte mo. Meron ka ba?" Biro niya rito. Hinampas naman siya nito ng malakas sa braso. "Alam mo ang bastos mo!""Ano'ng kabastos-bastos sa sinabi ko?" Manghang tanong niya rito. Patuloy lang niya itong hinihila. "Saan ba tayo pupunta?! Tsaka pwede ba! Bitawan mo ko, hindi ako aso mo at kung hilahin mo ay para akong alaga mo!" Sigaw nito sakanya. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Padabog naman nito binawi ang kamay. "Alaga kaya kita." Sabi niya rito. Gulat na napamaang naman ito sakanya. "What?!" Sigaw ulit nito. Naku, kung may masking tape lang siyang dala kanina niya pa nilagyan ang bibig nito. Napakaingay, nakakahiya sa mga tao. Pinagtitinginan pa