Share

Chapter Four

"ELLAINE MANANSALA, GUMISING KA NA!!!!! ISA!"

Umikot ng higa si Ellaine at tinakpan ng unan ang tenga. Ang ingay ingay naman kasi! Kitang natutulog siya, mambubulabog pa!

"DALAWA! ELLAINE!!!!"

Inis na ginulo niya ang buhok niya. Padabog na tumayo siya at pupungay-pungay na binuksan ang pinto niya. Patay talaga sakanya ang pesteng nambubulabog.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay niready niya na ang bibig niya sa pagsigaw. 

"BLOODY HELL! TULOG ANG TAO OH! ANG AGA AGA NAMBUBULABOG KA! ANG GANDA NG PANAGINIP KO, ANDUN NA EH! MANANALO NA AKO SA BIDDING, BUT NO! YOU JUST INTERRUPTED ME!" Pikit na sigaw niya sa taong nasa harapan niya. Antok na antok pa talaga siya. 

"Ang baho ng hininga mo." 

Bigla niyang minulat ang mga mata at nakita niya ang nakahalukipkip na si Mico habang nakangisi. Bigla niyang tinakpan ang bibig ng kamay niya. Huminga siya para maamoy ang hininga. 

Hindi naman mabaho! Sira-ulo 'to ah!

Nameywang siya sa harapan nito. "Hoy! FYI, mabango ang hininga ko." Bumuga pa siya sa harap nito. 

Natawa naman si Mico. "Alam mo ba kung ano ang itsura mo ngayon?"

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumakbo sa harap ng salamin. Shit lang talaga! Pangalawang beses na ito na humarap siya kay Mico sa hindi kaaya-ayang itsura. Napapikit siya ng mariin. 

"Ano ba ang kailangan mo?!" Mataray na tanong niya rito. 

"I told you last night, be up at six am. Five thirty na po, maligo ka na at magbihis. Sumunod ka sa may vegetable farm maghaharvest tayo."

"What? Ayoko nga sabing magtrabaho!" Inis na sabi niya rito. 

Ngumisi lang si Mico sakanya. "And I told you before that there's nothing you can do about it. You have nothing. You have to work for you to live. Dahil hindi lahat ng kailangan mo ihahain sa'yo. Tandaan mo, Ellaine. Nasa puder na kita, hindi ako ang parents mo. Kung gusto kitang pagtrabahuin, dapat gawin mo." Sabi nito habang matamang nakatingin sakanya. 

"Aalis ako rito!" Dabog niya. 

Tumawa naman si Mico na parang isang kahibangan ang sinasabi niya. "Nagpapatawa ka ba? Ano sa wala kang pera at kotse ang hindi mo maintindihan? Paano ka makakauwi? You know that our ranch is private. Wala kang makikitang pakalat kalat na tao o sasakyan. Anim na oras ang layo ng bayan. Kaya mo lakarin iyon?"

Naiinis siya rito dahil tama ito! Pinipigilan na niya ang sarili na sabunutan ang buhok nito. Lumapit sakanya si Mico. 

"If you really want to get out of here, you should follow my orders. That's the only way, you can go home." He leaned forward at her. He patted her head like she was the same girl back then. "So be a good girl, sweetie. Six am, dapat naroon ka na sa farm. Okay?"

"I SAID DON'T CALL ME THAT!" 

Pero itong si Mico, tinawanan lang siya. Tumalikod na ito at nilagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay. 

"See you, sweetie!" Pahabol na sabi nito bago isara ang pintuan niya. 

"AHHH! DON'T CALL ME THAT!"

-------

Kanina pa nakatulala kay Ellaine sina Mico at ang mga trabahador sa loob ng vegetable farm. She just rolled her eyes behind her sunglasses. Naiirita siya kay Mico. Ang dami-dami niya naman palang trabahador, bakit kailangan pa siya nitong isama? 

Besides, ang dumi-dumi kaya! Ang putik! Ang init pa! Lalo na kapag pinagsama-sama ang amoy ng mga pawisang trabahador!

She lifted her forefinger to brush her nose. Kanina pa siya rito, pero maglilimang minuto na ay nakatayo parin siya. 

Finally, mukhang natauhan naman na si Mico at nilapitan siya ng iiling-iling. "What are you wearing, Ellaine?" Manghang tanong nito habang isa-isang tinignan nito ang suot niya. 

"My farming clothes." Simpleng sagot niya rito. 

"Makakapagtrabaho ka ba sa suot mong iyan?" Gulat na tanong ni Mico. 

"Of course. Pipitas lang naman ng gulay, hindi ba?"

What is the problem of her clothes?

She's wearing her Balmain embellished tank top, Balmain studded cargo pants and her Christian Louboutin tuba boots. Well, ito lang ang nakita niya sa wardrobe niya na close enough sa 'farming'. Buti nga hindi na siya naglagay ng make-up and jewelries dahil baka humulas at mawala lang. 

"Bahala ka nga. Oh, ito ang basket. Pitasin mo ang mga kamatis na okay na." Pag-aabot nito sakanya ng isang basket. 

Inis na kinuha niya iyon mula rito. Pagkakuha niya ay bumalik na si Mico sa ginagawa.

Nilibot naman niya ang paningin sa farm, at napansin niyang nakatingin parin sakanya ang ibang trabahador. Hinarap niya ang mga ito at inalis ang glasses niya. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay. "What?"

Mabilis pa sa alas kuwatrong iniwas ng mga ito ang mga tingin nila. 

"Tch." Napaismid nalang siya sa mga ito. Isinuot niyang muli ang glasses niya at hinanap ang mga kamatis. Para siyang supervisor sa ginagawa niya dahil lumalakad lang siya at isa-isang dinaraanan ang mga nagtatrabaho. 

"Nasaan na ba ang mga kamatis na iyon?" Tanong niya sa kanyang sarili. 

Kanina pa siya paikot-ikot sa buong farm pero wala siyang makitang kamatis. 

"Saan ka ba pupunta, Ellaine? Sabi ko mamitas ka na ng mga kamatis." Paglapit sakanya ni Mico. 

"Nasaan ba kasi ang mga kamatis?" Naiinis na niyang tanong. Grabe, pinagpapawisan na siya hindi pa man siya nagsisimula sa trabaho. 

Napabuga nalang ito ng hangin. "Hannah." Tawag nito. Nakita naman niyang tumayo iyong babaeng mukhang lalaki na nakita niya kagabi.

"Bakit?" Nakangiting tanong nito. 

Naningkit ang mga mata niya rito. May kakaiba sa ngiting iyon, isip niya. 

"Pakisamahan nga itong si Ellaine, at ipakilala mo sakanya ang mga kamatis." 

Tumango lang si Hannah at inaya na siya. "Halika na, Ellaine."

Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. "Close tayo? Miss Ellaine ang itawag mo sa'kin." At nauna na siyang naglakad. Pero napatigil siya nang mapagtanto hindi nga niya pala alam kung nasaan naglulungga ang mga kamatis. Inis na nilingon niya si Hannah na kausap pa si Mico. Bigla siyang nakaramdam ng inis sa mga ito. 

"Hannah! Ano ba?! Halika na! Ipapakilala mo pa ako sa mga kamatis hindi ba?" Sarcastic na sabi niya. Inirapan niya si Mico nang magtama ang mga tingin nila. 

Nagpaalam naman itong si Hannah at naunang maglakad. 

"Dito nakatanim ang mga kamatis." Turo niya. 

Tumango lang siya rito. Kinuha na niya ang basket at nag-umpisang mamitas ng kamatis. 

"Gusto mo ba ng tulong?" Magalang na tanong nito sakanya. 

"No need. I can handle it. Umalis ka na." Sagot niya habang busy sa paminitas ng kamatis. 

"Ah, ganoon ba? Sige, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka." Mahinang sabi nito bago umalis. 

God! She is starting to hate that girl! Her pa-good girl attitude is getting on her nerves! At tsaka, hindi siya bulag para hindi mapansing may gusto ito kay Mico!

How pitiful! 

"Ah, Ma'am Ellaine. Ayos lang po ba kayo?" Bati sakanya ng isang lalaking trabahador. Napatingin siya rito. Ano ba'ng sinasabi nito?

"What?" Takang tanong niya rito. 

Hindi ito nagsalita bagkus ay tinuro niya ang tanim na kamatis. 

Bumalik ang tingin niya sa tanim at nakita ang gutay gutay na tanim ng mga kamatis. Maski ang kamatis na hawak niya ay napisa na pala niya! 

Napapikit nalang siya ng mariin. This is so not happening again!

---------

VOTE AND COMMENT!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status