Share

Ex-Husband's Regret
Ex-Husband's Regret
Penulis: Evelyn M.M

Kabanata 1

Bumaba ako ng kotse at mabagal akong naglakad patungo sa mansion. Nanginginig ang mga kamay ko at pawis ang katawan ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko. Na nakipag-divorce na ako sa kanya. Ang patunay nito ay nasa loob ng handbag ko. Nandito ako para dalhin ang final papers sa kanya at para sunduin si Noah.

Pagpasok ng bahay, sumunod ako sa mga tunog ng mahinang boses ngunit huminto ako sa paglalakad nang malapit na sa kusina.

Naririnig ko sila ng klaro at ang narinig ko ay nagpalamig sa aking kaluluwa.

“Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit hindi po kayo pwedeng tumira dito kasama namin ni mommy?” Tinanong ni Noah sa tatay niya.

Nilagay ko sa dibdib ko ang nanginginig kong mga kamay. Nabasag ang puso ko sa kalungkutan sa boses niya. Gagawin ko ang lahat para sa kanya, pero hindi maiiwasan ang divorce na ito.

Isang pagkakamali ang kasal namin. Ang lahat ng tungkol sa amin ay isang pagkakamali. Natagalan lang ako bago ko nakita ang katotohanan.

“Alam mo kung bakit Noah, hindi na kami magkasama ng nanay mo,” Ang boses niya ay mahina habang sumagot siya.

Kakaiba talaga. Na sa panahon ng kasal namin, kahit minsan ay hindi niya ako kinausap ng malambing. Lagi itong malamig. Laging walang emosyon at simple lang.

“Pero bakit po?”

“Nangyayari lang ang mga bagay na ito,” Ang sabi niya.

Naiisip ko na nakasimangot siya. Habang sinusubukan niyang ipaintindi kay Noah upang hindi na ito magtanong pa. Ngunit anak ko si Noah. Nasa dugo niya ang interes para malaman ang mga bagay at pagiging mapag tanong.

“Hindi niyo po ba siya mahal?”

Tumigil ang paghinga ko sa simpleng tanong. Napaatras ako at sumandal sa pader. Mabilis ang tibok ng puso, hinihintay ang sagot niya.

Alam ko ang sagot niya. Dati ko pang alam ito. Ang lahat maliban kay Noah ay alam ang sagot.

Ang katotohanan ay hindi niya ako mahal. Kahit kailan. Klarong klaro ito. Kahit na alam ko ito, gusto ko pa rin marinig ang sagot niya. Sasabihin niya ba sa anak namni ang katotohanan, o magsisinungaling siya?

Kilnaro niya ang lalamunan niya, halatang pinapatagal ang oras. “Noah…”

“Dad, mahal niyo po ba si mommy o hindi? Ang tanong ulit ni Noah, tila naiinip.

Narinig ko siyang huminga ng malalim. “Mahal ko siya dahil binigay ka niya sa akin,” Ang sagot niya sa huli.

Isa itong panunuyo at hindi isang sagot.

Pumikit ako dahil sa dami ng sakit na dumadaloy sa akin. Sa buong pagsasama namin. Masakit pa rin. Nararamdaman ko na nababasag ulit ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit may maliit na parte sa puso ko na umaasa na magiging iba ang sagot niya.

Hindi niya pa sinabi ang tatlong salita na yun sa akin. Maging noong nagpakasal kami o noong isinilang ko si Noah, kahit makalipas ang maraming taon o noong sumiping kami sa isa’t isa.

Pinigilan niya ang sarili niya sa buong panahon ng kasal namin. Binigay ko sa kanya ang lahat ko pero wala siyang binigay sa akin na kapalit maliban sa sakit.

Kasal kami, ngunit sa halip na dalawa, tatlo kami sa kasal namin. Siya, ako, at ang taong mahal niya. Ang babae na ayaw niyang bitawan ng siyam na taon.

Napuno ng luha ang mga mata ko, ngunit pinusuan ko ang mga ito. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong habulin ang lalaking hindi ako gusto.

“May nagsabi na ba sayo na hindi tama ang makinig sa pag uusap ng iba?”

Tumunog ang malalim na boses niya sa tahimik na lugar. Naistorbo ang pag iisip ko. Tumigas ang mga balikat ko at pumasok ako sa kusina.

Nakatayo siya sa malapit sa counter ng kusina. Ang aking ex-husband ngayon, si Rowan Woods.

Ang mga gray na mata niyang mapanglait ay nagpatigil sa sa akin sa lugar.

Tumingin ako sa anak ko. Ang aking pride and joy. Ang tanging magandang bagay sa buhay ko. Ang gwapong itsura niya ay mula sa tatay niya. Siya ay may brown na buhok at matalas na gray na mga mata.

“Hello,” Ngumiti ako ng maliit.

“Hi mommy,” Nilagay ni Noah ang kalahating ubos na sandwich niya at bumaba siya mula counter. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako. “Namiss ko po kayo.”

“Namiss din kita, mahal,” Hinalikan ko siya sa noo bago siya lumayo sa akin at bumalik sa pagkain niya.

Tumayo ako ng awkward. Dati kong bahay ito, pero ngayon ay sa tingin ko ay parang hindi ako mula sa lugar na ito. Na para bang hindi ako nararapat dito.

Ngunit sa katotohanan, dati pa naman ganito.

Alam man o hindi, binuo niya ang bahay na ito habang iniisip ang babaeng yun. Ito ang dream house ng babaeng yun, lahat hanggang sa color scheme.

Ito na dapat ang unang indikasyon na hindi niya planong kalimutan ang babaeng yun. Na hindi niya ibabalik ang pagmamahal ko sa kanya.

“Ano ang ginagawa mo dito?” Ang tanong niya ng naiirita at tumitig siya sa relo niya. “Nangako ka na hindi mo aabalahin ang oras namin ni Noah.”

“Alam ko… kakakuha ko lang ng divorce certificate kanina at naisip ko na dapat ko ibigay ang kopya sayo habang sinusundo si Noah.”

Ang mukha niya ay may malamig na ekspresyon at nakasimangot siya. Tuwing nakikita ko siya na ganito, nababasag ang isang piraso ng puso ko. Minahal ko siya simula pa noong nakilala ko siya, pero walang kwenta ito para sa kanya.

Paulit-ulit niyang binasag ang puso at kaluluwa ko. Nagpatuloy akong magmahal sa kanya. Kumakapit ako dito. Iniisip ko na magbabago ang mga bagay, pero hindi ito nagbago.

Noong nagpakasal kami, naisip ko na makakatanggap na ako ng pag ibig. Ang pag ibig na inaasam ko simula pa noong bata ako. Nagkamali ako. Sa huli ay isang masamang panaginip ang kasal. Lagi akong nakikipaglaban sa multo ng nakaraan niya. Sa multo ng babae na hindi ko mahigitan kahit na akong pagsisikap ko.

Hinimas ko ang dibdib ko. Sinusubukan bawasan ang sakit sa loob nito.

Wala itong naitutulong. Masakit pa rin kahit na maraming buwan na kaming hiwalay.

“Noah, pwede ka bang bumalik sa kwarto mo? Kami ng nanay ko ay may kailangan pag usapan,” Ang sabi ni Rowan habang kagat ang ngipin, ang salitang nanay ay lumabag sa bibig niya ng may pagkasuklam.

Tumingin siya sa pagitan namin bago siya tumango.

“Wala pong mag aaway,” Ang utos niya bago siya umalis.

Sa oras na malayo na siya para marinig ang pag uusap, hinampas ni Rowan ang counter sa galit. Ang gray na mga mata niya ay malamig habang nakatingin siya sa akin.

“Pinadala mo na lang sana ang mga yun sa opisina ko sa halip na abalahin mo ang oras ko kasama ang anak ko,” Ang sabi niya habang galit. Ang mga kamay niya nagbola at para bang handa na siyang maging malupit sa akin.

“Rowan…” Nagbuntong hininga ako, hindi kayang kumpletuhin ang sasabihin.

“Hindi. Hinding hindi! Binaliktad mo ang buhay ko noong nakaraang siyam na taon, ginawa mo ulit ito noong humingi ka ng divorce. Paraan mo ba ito para saktan ako? Ang ilayo ako sa anak ko dahil hindi kita kayang mahal. Congrats Ava, kinamumuhian na kita.”

Mabilis ang paghinga niya sa oras na tapos na siya. Ang galit na mga salita na lumabas sa bibig niya ay parang mga bala na bumabaril sa akin. Naramdaman ko na tumagos ito sa puso ko. Ang bawat salita ay dinudurog ang basag ko nang puso.

“A-Ako ay…”

Ano pa ba ang sasabihin ko kung ang lalaking mahal mo pa rin ay sinabihan ka na kinamumuhian siya nito?

“Lumayas ka na lang ng pamamahay ko… Dadalhin ko pauwi si Noah kapag tapos na ang oras ko kasama siya,” Ang galit niyang sinabi.

Ibinaba ko ang divorce certificate sa counter. Hihingi sana ako ng tawag nang magring ang phone ko. Nilabas ko ito mula sa bag ko at tiningnan ang caller ID.

NANAY.

Ayaw ko itong sagutin, ngunit hindi siya tumatawag maliban kung ito ay isang mahalagang bagay.

Nag swipe ako ng screen at dinala ang phone sa tainga ko.

Nagbuntong hininga sako. “Nanay…”

Hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na tapusin ang sasabihin ko.

“Pumunta ka sa hospital, ngayon na! Binaril ang tatay mo,” Ang balisa niyang sinabi bago niya ibinaba ang phone.

Dumulas ang phone mula sa kamay ko. Natulala sa gulat.

“Anong meron?” Tumunog ang boses ni Rowan at bumalik ako sa sarili.

Mabilis ang tibok ng puso ko, hindi ako lumingon habang pinulot ko ang phone ko at sinagot ko siya.

“Binaril ang tatay ko.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status