Share

Kabanata 2

“Kailangan kong umalis, pwede mo bang samahan muna si Noah? Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon,” Ang sabi ko ng walang ibang iniisip habang kinuha ko ang handbag ko.

“Sige. Pupunta ako doon sa oras na mapapunta ko ang nanay ko dito para bantayan si Noah,” Ang sagot ni Rowan, ngunit mahina ito dahil sa matining na tunog sa tainga ko.

Wala ako masyadong maintindihan habang nagpaalam ako sa anak ko at umalis. Pumasok ako sa kotse ko at nagsimulang magmaneho patungo sa hospital. Blanko ang aking isipan.

Habang lumalaki, masasabi na pinabayaan ako ng emosyonal. Ako ay isang bata na hindi masyadong pinakialaman ng mga magulang ko. Ang paborito ng tatay ko ay ang ate ko, si Emma. Dati niyang tinatawag si Emma na kanyang baby girl. Ang prinsesa niya. Ang paborito naman ng nanay ko ay ang kuya kong si Travis. Si Travis ang gwapo niyang anak. Walang may paborito sa akin. Ako lang si Ava.

Dati ko pa pakiramdam na walang may gusto sa akin. Hindi welcome. Hindi lang sa mga magulang ko kundi pati sa mga kapatid ko. Anuman ang pagsisikap ko, mabuting grades, sports, school clubs, lagi akong nananataili sa tabi lang. Pakiramdam ko na isang estranghero lang ako. Kahit kailan hindi naging parte ng isang malaki at masayang pamilya.

Pagkatapos ng nangyari noong nakaraang siyam na taon, ang maliit na relasyon ko sa pamilya ko ay tuluyan nang nawala. Halos hindi na ako kinakausap ni Travis at si tatay ay masama pa ang pakikitungo sa akin. Ganito rin si nanay. Kinakausap niya lang ako kapag may sinasabi siyang mahalaga sa akin. Ang babaeng kapatid ko lang ang tanging iba. Hindi pa kami nagkikita o nag uusap ng siyam na taon. Ang huling mga salita na sinabi niya sa akin ay patay ako sa kanya. Na wala na siyang kapatid na babae.

Ngayon ay narito ako. Nagmamaneho patungo sa hospital dahil ang tatay ko ay binaril at manhid lang ako. Kahit na nangyari ang lahat ng ito. Hindi ba’t dapat ay may maramdaman pa ako? Baka kalungkutan?

Ano ang dapat mong maramdaman kapag sinabi sayo na ang tatay mo na itinaboy ka ng buong buhay mo ay nakahiga at may bala sa loob niya? Ano ang dapat kong reaksyon? At kakaiba ba na wala akong nararamdaman?

Ang buong biyahe patungo sa hospital ay nag iisip ako. Iniisip ko ang kabataan ko at parte ng pagtanda ko. Ang sakit ay nandoon pa rin. Sa tingin ko ay ang sakit ng pagtaboy sa akin ng pamilya ko ay hindi mawawala kahit kailan.

Ito ako. Isang babaeng itinaboy. Una ay mula sa pamilya, pagkatapos ay sa asawa at mga biyenan. Ang tanging tumatanggap at nagmamahal sa akin ay si Noah.

Hindi matagal bago ako nakarating sa hospital. May isang main hospital sa lungsod na ito at alam ko na nandoon ang tatay ko.

Pagkatapos magpark, lumabas ako. Ang malamig na hangin ng gabi ay umihip sa buhok ko. Huminga ako ng malalim at tumayo ng diretso bago pumasok ng gusali.

“Hinahanap ko si James Sharp, sa tingin ko ay dinala siya dito dahil nabaril siya,” Ang sabi ko sa receptionist sa oras na dumating ako sa front desk.

“Ano po ang relasyon niyo?” Ang tanong ng receptionist.

“Tatay ko siya.”

Tumang siya. “Sandali lang po.” Huminto siya at nag-type sa kanyang computer, “Okay, nasa ER po siya, naghahanda po para sa surgery. Dumiretso lang po kayo, at sa dulo ay makikita niyo po ang emergency room. Nandoon po ang pamilya niyo.”

“Salamat.”

Tumalikod ako at sumunod ako sa mga utos niya. Mabilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang.

‘Magiging ayos lang siya. Gagaling din agad siya at babalik siya sa dating sarili niya,’ Ang bulong ko sa sarili ko.

Kahit na may problema kami, gusto ko na maging ayos lang siya. Baka nga hindi maganda ang pakikitungo namin sa isa’t isa, pero mapagmahal pa rin siya kay Noah, at ito lang ang hinihiling ko.

Binuksan ko ang pinto para pumasok. Agad kong nakita si nanay at si Travis na naghihintay sa upuan.

“Nanay, Travis.” Ang sabi ko bilang pagbati.

Pareho silang tumingin sa akin. Ang mga mata ni nanay ay pula mula sa kakaiyak at ang asul na sundress niya ay puno ng dugo. Tuyo ang mga mata ni Travis ngunit makikita mo pa rin na apektado siya dahil dito. Sinsusubukan niyang maging mahinahon para kay nanay.

Umupo ako sa tabi niya. “Ano ang nangyari at kamusta na siya?”

Ang mga tanong na ito ay nagdala ng sariwang mga luha.

“Binaril siya ng dalawang beses habang pabalik mula sa store, sa labas ng bahay natin. Tumawag ako ng ambulansa at agad namin siyang dinala dito. Sinabi ng doctor na ang isa sa mga bala ay tumagos sa baga niya at ang yung isa naman ay sa kidney niya. Naghahanda sila para sa surgery niya.” Pumiyok siya sa dulo.

Tumango ako. Gusto kong pagaanin ang loob niya. Gusto kong yakapin siya, ngunit sa tingin ko ay hindi ako welcome na gawin tio.

“Wag kang mag alala. Si tatay ang pinakamalakas na lalaking kilala ko. Magiging ayos lang siya,” Sinubukan kong palubagin ang loob niya.

Wala siyang sinabi. Nagpatuloy lang siyang umiyak.

Makalipas ang ilang minuto, nilabas si tatay. May suot siyang hospital gown at nakahiga siya sa isang hospital bed. Si Travis at si nanay ay agad na tumayo at lumapit sa tabi ni tatay.

Nanatili akong nakaupo. Sigurado ako na ako huling taong gusto niyang makita. Mas pipiliin niyang makasama si Emma.

Pinanood ko habang umiyak si nanay para kay tatay. Mahina na pinunasan ni tatay ang mga luha ni nanay ngunit patuloy ito sa pagtulo. May sinabi s tatay kay Travis at tumango si Travis. Puno ng determinasyon ang mukha niya. Bago pa nila dalhin paalis si tatay, nakita ko na inabot niya ang isang piraso ng papel kay nanay. Tumulo na naman ang mga luha sa mukha ni nanay dahil dito.

Hinalikan ni nanay si tatay at dinala na nila si tatay paalis. Sina nanay at si Travis ay bumalik sa kanilang upuan. Hindi kami nag salita habang naghihintay ng matagal.

Tumayo ako, naglakad, umupo ulit. Kumuha ako ng kape para sa lahat. Sa bawat lumipas na minuto, mas naging balisa kami. Makalipas ang dalawat kalahating oras, pumunta ang doctor sa waiting area.

Mula sa seryosong tingin sa mukha niya, alam ko na hindi umabot si tatay. Ito rin ang naisip ni nanay dahil mabilis ang paghinga niya.

“Siya ay nagkaroon ng cardiac arrest, sinubukan namin ang lahat ng makakaya namin, pero hindi namin siya nagawang iligtas. Patawad sa nangyari.” Ang sabi niya.

Ang tunog ng mga iyak mula sa bibig ng nanay ko ay puno ng sakit at lungkot. Sinalo ni Travis si nanay bago pa matumba si nanay at pareho silang lumuhod. Parehong umiiyak dahil sa nangyari.

Patay na si tatay at at alam ko na ibig sabihin nito, kailangan bumalik ni Emma.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status