Share

Kabanata 7

Ava:

Gumising ako habang may masakit na likod at braso. Nasa kama ako kasama si Noah dahil ayaw niya akong iwanan pagkatapos namin manood ng TV. Ngumiti ako nang maalala ko na sinabi niya na sineseryoso niya ang trabaho niya at na siya ang mag aalaga sa akin sa buong gabi.

Medyo hirap ko siyang kinilos ng hindi ko siya ginigising. Alas otso na at kailangan ko maghanda ng agahan bago siya gumising.

Pagkatapos gawin ang aking morning routine, bumaba ako ng hagdan. Tumayo ako sa labas ng kusina habang iniisip kung paano ako gagawa ng agahan gamit ang isang kamay.

Habang hinahanda ko ang mga ingredient para gumawa ng pancakes, napunta ang isip ko sa mga alaala ng kahapon. Ang lahat ng nangyari ay tila panaginip lang at may parte sa isipan ko na iniisip kung nangyari ba talaga ito. Kung hindi lang dahil ang balikat ko ay may bandage at ang braso ko ay nasa isang sling, iisipin ko na isang masamang panaginip ang lahat ng yun.

Noong gumising ako sa hospital pagkatapos kong mawalan ng malay, nataranta ako. Kinumbinsi ako ng doctor at nurse na huminahon ako at sinigurado nila na ayos lang ang lahat. Sinabi niya sa akin na ang bala ay nakabaon sa balikat ko at hindi ito gumawa ng seryosong epekto. Maswerte ako dahil ayon sa kanila, kapag tumama ito ng mas mababa, ito ay tumama sa puso ko.

Tinanggal nila ang bala, nilinis ang sugat, tinahi ito at pagkatapos ay nilagay ang braso ko sa isang sling. Binigyan ako ng antibiotics at pain meds. Binigyan nila ako ng instruction na dapat manatiling nakataas ang braso ko hanggang sa susunod na appointment ko.

Habang nagluluto ako ng pancakes, naisip ko ang lalaki na sinubukan akong iligtas. Tinandaan ko na hanapin kung sino siya upang pasalamatan ko siya. Siya lang ang nandoon at sinubukan akong protektahan noong ang pamilya ko ay walang pakialam kung ligtas ako o hindi.

Naabala ang pag iisip ko nang marinig ko ang tunog ng mga katok sa pinto, iniisip ko kung sino ito.

Nagdududa ako na may kahit sino akong gusto kong makita ngayon. Ang mga pangyayari kahapon ay sumira sa lahat ng nararamdaman ko para sa mga taong itinuturing ko noon bilang pamilya.

Lumapit ako sa pinto at dahan-dahan ko itong binuksan. Nabigla ako nang makita ko ang lalaki mula kahapon ay nakatayo sa harap ng pinto. Ang unang napansin ko ay ang asul na mga mata niya. Ito ang pinaka kulay-asul na nakita ko.

Hindi ko ito napansin kahapon. Baka dahil nabigla ako sa sakit at gulat, ngunit ang lalaki ay gwapo talaga. At least six feet ang tangkad niya, maskulado pero hindi tipong bodybuilder, maganda ang panga at ang kutis niya. Ang dark brown na buhok niya ay nakaayos ng seksi na paran at ang kumpiyansa niya ay kumukuha ng atensyon.

“Hello,” Ang sabi ko ng namamaos.

Ngumiti siya sa akin at nabigla ako sa kagwapuhan niya. “Hello, pwede ba akong pumasok?”

“Oo, sige.” Ang sabi ko at umalis ako sa daan.

Pumasok siya at sinara ko ang pinto sa likod niya. Pinanood ko habang sinuri niya ang bahay ko.

“Maganda ang bahay mo,” Ang sabi niya ng may malalim na boses.

“Salamat,” Ang mahina kong sinabi. “Gumawa ako ng pancakes, gusto mo ba?”

Tumango siya at dinala ko siya papunta sa kusina. Bago pa ako bumalik para gumawa ng agahan, pinigilan niya ako, kaya lumingon ako para tumingin sa kanya.

“Hindi pa natin kilala ang isa’t isa, ako si Ethan.” Hinawakan niya ng dahan-dahan ang kamay ko, pagkatapos ay hinalikan niya ito.

Sa hindi malamang rason, namula ako. Hindi ako sanay sa ganitong klase ng atensyon at charm mula sa mga lalaki. Ako ang laging hindi pinapansin. Ang boring at hindi kaakit-akit na kapatid.

“A-Ako si Ava.” Ang hirap kong sinabi.

“Alam ko na yun, beautiful.” Ang sabi niya at kumindat siya sa akin habang umupo siya sa mesa sa gitna ng kusina.

Tumawa ako ng awkward dahil hindi ko alam kung paano ako kikilos. Puno siya ng masculine energy at sa akin ito nakatutok. Hindi pa ako napunta sa ganitong lugar noon. Nalilito ako.

“So, Ethan na walang apelyido… ano ang ginagawa mo sa libing ng tatay ko?” Ang tanong ko habang nilagay ko ang isang tasa ng kape at isang plato ng pancake para sa kanya.

Kumuha ako ng sarili kong plato at tasa, pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya. Tumawa siya at tumingin siya sa akin.

“Nireport ang isang pagbabanta, at dahil namaatay ang tatay mo dahil sa pagbabanta na yun, ang chief ay gusto kaming magbantay kung sakalin ang mga may sala ay may ginawa ulit sa nagluluksa na pamilya,” Ang sabi niya bago siya kumain.

“So, isa kang pulis? Hindi pa kita nakikita at halos kilala ko ang lahat.”

“Oo, isa akong pulis… kakalipat ko lang dito noong nakaraang mga buwan. Marami akong trabaho kaya wala akong oras makisosyo.” Ang sagot niya pagkatapos lumunok.

Ngumiti ako sa kanya. “Isipin mo na lang na isa ako sa mga kaibigan mo… Iniisip ko pa lang kung paano kita hanapin nitong umaga.”

“Para saan?”

“Para pasalamatan ka sa pagligtas sa buhay ko. Hindi ko maalala ang lahat, pero naalala ko na nilagyan mo ng pressure ang sugat at sumigaw ka para tumawag ng ambulansya.”

Naalala ko rin ang paraan kung paano ka tumakbo papunta sa akin. Naniniwala ako na kung hindi mo ako tinulak palayo, ang bala ay tumama na sa puso ko. Kaya utang ko sayo ang buhay ko.

“Ginagawa ko lang ang trabaho ko, pati hindi araw-araw na may pagkakataon na mapunta sa mga braso mo ang isang magandang babae kahit na nawalan siya ng malay kapag nakita niya ang sarili niyang dugo.” Ang panunukso niya habang ngumiti ulit siya.

Napunta ang dugo sa mga pisngi ko. Tumawa ako, sinusubukan kong itago ang kahihiyan ko. Sa paraan ng pagkilos niya, alam ko na isa siyang charmer. Halata ito sa ngiti at pagkindat niya. Ito rin ay isang magandang pagbabago sa buhay ko, matagal nang walang ganito sa buhay ko.

“At bakit ka naman pumunta sa bahay ko at paano mo nalaman kung saan ako nakatira?”

“Isa akong pulis, hindi ba? Madali lang para sa akin na hanapin ka. Para naman sa rason kung bakit nandito ako, gusto ko lang siguraduhin na ayos ka lang. Hindi ako nanatili sa tabi mo kahapon dahil tinawag ako para magbigay ng report. Bumalik ako sa hospital at sinabi sa akin na nakalabas ka na. Naisip ko na hindi tama na pumunta sa bahay mo ng gabi.”

Sa totoo lang, nalilito ako. Ang estranghero na ito ay nagpapakita ng mas maraming pagpapahalaga at pagmamalasakit kumpara sa kahit sinong tao sa buong buhay ko. Syempre, maliban kay Noah. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ako sanay dito.

“Salamat,” Ang sabi ko habang napuno ng emosyon ang lalamunan ko.

Tumingin siya sa akin ng kakaiba, ngunit hindi ko ito pinansin at binago ko ang pinag uusapan.

Pagkatapos, nag usap at kumain kami. Kakaiba na komportable talaga ako na kasama siya, pero hindi ko pa siya masyadong kilala. Wala akong maisip na kahit sinong nakasama ko ng ganito akong relax maliban kay Noah.

Makalipas ang forty minutes, umalis siya. Nagpalitan kami ng number, ngunit nagdududa ako na tatawag o magtetext siya kahit na maganda ang naging oras ko kasama siya. Hindi lang ako ang tipo ng babae na tinetext o sinasamahan ng ibang tao ng pangalawang beses.

Naghuhugas pa lang ako ng mga plato, nang may isa pang katok. Hindi pa nagigising si Noah at hindi ako nagmamadali na gisingin siya.

“May nakalimutan ka ba?” Ang tanong ko pagbukas ng pinto.

Nawala agad ang mga emosyon ko nang mapagtanto ko na ito ay si Roman at hindi si Ethan. Napuno ako ng sakit nang makita ang mukha niya. Naalala ko kung paano niya ako iniwan para iligtas ang mahal niyang Emma, nagdala ito ng mapait na lasa sa aking bibig.

Walang pagdududa na walang kwenta ako para sa kanya. Ipinakita sa akin ng kahapon ang poot niya sa akin at na wala siyang pakialam. Itinago ko ang sakit. Ikinulong ko ito kasama ang pagmamahal ko sa kanya sa kadulu-duluhan na parte ng kaluluwa ko.

Patay na si Rowan para sa akin, at hindi ko kailangan magmahal ng isang patay na lalaki.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status