Share

Chapter 6

Ace POV

I think I already love her. I've fallen so deep. The first time I saw Arabelle, nagustuhan ko agad siya pero hindi ko pinapahalata. Wala akong ibang pinagsabihan kahit si Chance na bestfriend niya. Nung mga oras na yon, parang gusto kong suntukin si Chance dahil niyayakap niya yung babaeng gusto ko. Inakala ko pa nga non na may relasyon sila, nasa isip ko na mali man para sa iba pero aagawin ko siya kay Chance. Good thing nalaman ko na magkaibigan lang pala sila. Dahil kung nagkataon handa akong sirain ang pagkakaibigan namin ni Chance mapunta lang sakin si Arabelle.

Not until last week, nagkaron nako ng tapang na lapitan siya dahil nalaman ko na maraming lalaki ang umaaligid sa kaniya. Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba.

"Hey dad sorry I'm a bit late." paghingi ko ng paumanhin dito pagpasok ko ng opisina niya.

"It's okay son, pero san ka ba galing at nalate ka? Hindi ka naman ganito." sinang ayunan ito ni mommy na kalalabas lang sa mini kitchen ng opisina ni daddy. Nandito din pala siya akala ko kasi kasama na naman niya ang mga amiga niya.

"I was with someone. She's a little bit busy so I waited for her para sabay kaming mag lunch. Baka kasi hindi na naman siya kumain." ilang minutong katahimikan kaya nag angat ako ng tingin sa kanila. Parehas silang nakatulala sakin kaya natawa ako.

"Son is that really you?" naguguluhang tanong ni mommy.

"Yes mom ako to, why?" natatawang sagot ko sa kaniya.

"You're in-love son." sabi naman ni daddy.

"Yes dad I definitely am." proud kong sagot sa kaniya. I am proud about my feelings for Belle. She's someone you should be proud of.

"So who's that girl?" nanliliit ang matang tanong ni mommy.

"Arabelle Lastimosa. Don't worry ipapakilala ko siya sa inyo one of these days. I'll ask her muna if payag siya then tingnan natin kung maiisingit niya."

"Oh my god binata na talaga ang anak natin." naluluhang sabi ni mommy.

"I agree, pero son kayo na ba?"

"Not yet dad, but I'll make sure na sakin lang ang bagsak niya. I won't let her to be with other man's arms. She's mine and mine alone." humalakhak si dad kaya natawa din ako.

"That's my son."

"Mag ama nga kayo, pareho kayong baliw. Ganyan na ganyan din ang daddy mo sa akin noon. Pero anak, hinay hinay lang sa pagiging possessive baka mamaya eh masakal siya sayo."

dahil sa sinabi ni mommy ay bigla akong kinabahan. Naisip ko yung nangyari kanina at narealize ko na baka tama si mommy. Baka nasasakal na pala sakin si Belle hindi pa kami.

Tatlong oras na akong pumipirma sa mga dokumento at ngayon pa lang ako natapos. Kinuha ko ang cellphone ko dahil may nagnotif. Nakita ko ang text ni Belle, nagpapasundo siya sa condo ni Chance.

"Mom, dad mauna na po ako. Susunduin ko pa si Belle." paalam ko sa kanila.

"Take care son, yung pangako mo ha? Dalhin mo siya sa bahay." tumango lang ako at hinalikan si mom sa pisngi bago lumabas ng kumpanya.

Habang nag mamaneho ay naglalaro pa din sa isip ko ang sinabi ni mommy kanina. I should ask her dahil baka nasasakal na nga siya sakin. Mas mabuting maagapan ko agad bago pa dumating ang araw na mawala siya sakin.

Pagdating ko sa tapat ng condominium tower ni Chance ay naghihintay na siya sakin. Agad siyang sumakay pagkakita sa kotse ko. Pumasok siya at humalik sa pisngi ko bago kinabit ang seatbelt niya.

Fuck, I really love this girl. She really knows how to melt my heart.

"Hey are you okay? Alam ko namang tahimik ka talagang tao but you're extra quiet now, is there any problem?" nag aalalang tanong niya kaya itinabi ko muna ang kotse para mas makaag usap kami ng maayos. Hinarap ko siya at handa nang pag usapan ang kanina pang gumugulo sa isipan ko

"Nasasakal ka na ba sakin? Sa pagiging possessive ko towards you?" malamig kong tanong sa kaniya. Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko bago magsalita.

"What makes you think that way?" hinaplos niya ang pisngi ko kaya bumuga ako ng hangin. Kung ipagpapatuloy niya pa yan baka hindi kami makapag usap ng maayos.

"Nakausap ko sina mommy kanina. Alam niya na ang tungkol sayo." panimula ko, mataman siyang nakikinig.

"Then mommy mentioned na wag daw akong masyadong maging possessive sayo dahil baka daw masakal kita and who knows baka bigla mo na lang akong iwan. And I don't want that." naiiyak kong sabi sa kaniya. Tangina, nakakabakla pero wala akong pakialam. Kung si Arabelle ang pag uusapan wala akong hindi gagawin wag niya lang akong iwan.

"Wag ka ngang mag isip ng ganyan. Hinding hindi mangyayari yon. Hindi kita iiwan." paniniguro niya at pinunasan ang luhang hindi ko namalayan na tumulo na pala.

"Promise?" parang batang tanong ko sa kaniya at sumisinghot pa.

"Promise, cross my heart." niyakap ko agad siya at umiyak sa balikat niya. Hinagod niya naman ang likod ko.

"Shhh tahan na, hindi mangyayari kung ano man yang iniisip mo okay?" tanging tango lang ang naisagot ko sa kaniya. Ilang minuto din kaming nasa ganung posisyon hanggang sa nagpasya na akong kumalas. Pinunasan niya naman ang mga natitira pang luha sa pisngi ko. Hinalikan niya ang dalawang mata ko kaya nakapikit ko iyong dinama.

I'm really lucky to have her in my life. I'm so lucky na nakita ko siya nung gabing yun.

Habang nagmamaneho papunta sa restaurant na kakainan namin ay sinabi ko sa kaniya na gusto siyang makita nina mommy.

"Hmm 'kay. I'll check my schedule then titingnan ko kung kelan pwedeng isingit. " sabi niya habang nagcecellphone.

"Okay I'll tell them." nilingon ko siya pero tumango lang siya.

"Why are you so busy with your phone? Magkasama tayo bakit nandyan ang atensyon mo?" medyo inis kong tanong sa kaniya. Binaba niya naman ang cellphone niya at hinarap ako.

"Sorry okay? Hinanap ko kasi sa internet ang mga magulang mo. I just want to know kung anong klaseng magulang ba sila."

"Hmm, why don't you ask me instead? Ako ang anak nila mas kilala ko sila kesa sa mga lumalabas sa internet."

"Okay. So anong ugali na meron sila? Oofferan ba nila ako ng 10 million para layuan ka?" natawa ako dahil sa tanong niya. San niya naman napulot yon? Imposibleng gawin ng mga magulang ko yan.

"Baby it's very impossible for my parents to do that. Pero kung sakali nga, what if bigyan ka nila ng 10 million in exchange of you staying away from me?"

"Sasabihin ko doblehin nila." natatawang sagot niya kaya kumunot ang noo ko at inis siyang tiningnan.

"What? Tatanggapin mo talaga yung pera at iiwan ako?" galit kong tanong sa kaniya at binitawan ang kamay niyang hawak ko kanina. Niyakap niya ako patagilid at nilagay ang baba niya sa balikat ko kahit natatawa pa din.

"Oo tatanggapin ko yung pera pero hindi kita lalayuan. Gagamitin natin yung pera kapag nagtanan tayo." mas lalong lumakas ang tawa niya kaya natawa din ako.

"What a clever woman." nakangising sabi ko pero kinindatan niya lang ako. I'm so happy to be with her.

"By the way, from now on I'm officially courting you." deklara ko.

"May magagawa pa ba ako? Kahit naman humindi ako tutuloy ka pa din." nakairap niyang sabi.

"Good thing you know."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status