Share

Chapter 3

"So ano tong naririnig kong chismis na may naghatid daw sayong poging lalaki kaninang umaga? At sumigaw pa daw na susunduin ka mamayang uwian para di ka mapahamak kasi di ka a daw niya nagiging girlfriend? Sinetch itey?" hayss eto ang ayoko kay Faye eh napaka chismosa kasi ni gaga. Lahat ng chismis sa loob man o labas ng campus alam na alam nito kaya kung gusto kong maging updated sa mga chika si Faye ang kailangan mo. At hindi lang siya tumitigil dun talagang inaalam niya bawat detalye ng lahat ng issue. Kaya pag tatanungin mo yan full details din ang ibibigay niya. Ika nga niya eh ampangit namang makichismis kung kulang kulang yung info. Sabagay may point naman siya.

"Ang chismosa mo talaga kahit kelan eh no? May chismis na bang nakalampas sayo? Parang wala a eh halos lahat dumadaan sayo walang nakakaligtas." may papout pout pa si gaga di naman bagay , choss HAHAHHAHA.

"Ihhh dali na kasi so ano ngang chika?"

"So eto na nga, diba si Ace ang naghatid sakin kagabi kasi siya yung nagmaneho nung kotse ko?" panimula ko

"Then?" attentive talaga si gaga nasakin yung buong focus niya ngayon.

"Then habang nasa byahe nakatulog ako tapos nagising ako na parang lumulutang ako turns out na kaya pala ganun ay dahil buhat niya ko paakyat sa kwarto. Tapos nung naibaba niya na ko sa kama sabi ko thank you then pwede na siyang umuwi. Eh ang kaso sabi kung pwede daw siyang sa condo matulog, siyempre nahihiya naman akong humindi kasi diba nagmagandang loob naman yung tao kaya pumayag ako. So sabi ko dun na lang siya sa guest room tabi sila ni Chance, nagulat ako nung sabi niya gusto niyang tumabi sakin. Well sakin okay lang naman wala namang malisya yon. Tapos nag half bath kami, then eto na nung tutulog na kami bes. Pinatay ko na yung isa then nung pagkahiga ko biglang pinulupot yung braso sa bewang ko. Siyempre di ako sanay sa ganon kaya pinilit kong tanggalin kaso ang gago tinulugan lang ako. Tapos kaninang umaga naman bago siya umalis para makapag bihis na ng uniform sabi niya susunduin niya daw ako para ihatid dito sa school akala ko nga eme eme lang yon eh pero hindi teh, talagang sinundo niya ko sa condo. Tapos yun nga kanina sabi niya susunduin niya ko mamayang uwian. Tumanggi ako kasi sabi ko baka hatinggabi na tayo makauwi kasi nga diba andami pang gagawin para sa darating na intrams then andami pa nating projects nagsabay sabay na. Pero di siya pumayag bahala siya."

"Naks haba naman ng hair ni ate gurl. Pero diba noon ko pa naman sinasabi sayo na may napapansin talaga ako sa lalaking yan."

"At paulit ulit ko ding sinasabi sayo na guni guni mo lang yon. Baka nga ngayon eh pinaglalaruan niya lang ako, given the fact na barkada sila ng mga cassanova at womanizer."

"Grabe ka naman dun sa tao. Alam mo sobra ka na sa pagiging judgemental. Epekto ba yan ng kakabasa mo ng mga fictional stories o dahil sa tambak na activities? Hay naku hindi na talaga ko magtataka kung balang araw tumanda kang dalaga dahil sa mindset mo na yan. Bigyan mo naman ng pagkakataon yung tao na patunayan yung sarili niya. Pagkakataon para patunayan na may mabuti siyang intensiyon sayo."

Parang may point siya. Pero masisisi niyo ba ko? Dahil sa mga past relationship ko parang hindi nako naniniwala sa love na yan. Kung naniniwala man ang laging nasa isip ko eh hindi magtatagal at maghihiwalay din naman dahil hindi maiiwasan na mayron at mayrong magloloko.

"Can you blame me? Alam mo naman yung mga pinagdaanan ko hindi ba?"

"Yes I know but still wag mong sarhan ang puso mo para sa ibang lalaki na gustong patunayan na hindi sila tulad ng mga lalaking naging karelasyon mo."

"Susubukan ko." yun ang huli naming pag uusap dahil gutom na daw siya kaya dumiretso na siya sa cafeteria samantalang ako naman ay nagpunta sa meeting room dahil may mga kailangan pa kaming pag usapan tungkol sa mga gagawin para sa darating na intrams.

"Good morning po Vice." bati sakin ng isang estudyante din dito, I think she's a junior student based na rin sa suot niyang uniform and id lace.

"Yes you need anything?" I don't know pero habang tinititigan ko siya parang may kamukha siya eh di ko lang masyadong mapoint out.

Inabot niya sakin ang isang brown paper bag.

"My kuya ask me to give you this since baka daw busy ka ulit at hindi ka makakain sa right time." kaya naman nangunot ang noo ko because I know Chance's sister and we're close kaya imposibleng kapatid to ni Chance.

"I'm sorry but can I know who your brother is?"

"Opps yeah I'm sorry too. By the way my name is Chanel Grace Perez. Younger sister of Prince Ace Perez." oh now I'm enlightened.

"Ow okay thank you. And please tell him thank you also."

"Sure po, sige po mauna nako may klase pa po kasi ako."

"Oh sure sorry for the disturbance." she just uttered it's okay then she started walking away.

Since pinadalhan ako ni Ace ng pagkain hindi ko na kailangang makisuyo pa sa kung sino mang pupunta ng cafeteria mamaya. Gutom na rin kasi talaga ko.

Pagdating ko sa office ay nandun ng lahat at ako na lang ang hinihintay.

"I'm sorry I'm late." hinging paumanhin ko sa kanilang lahat. Ako pa naman yung vice president tapos hindi ako makasunod sa simpleng instruction na dapat walang late at dumating bago ang time na binigay.

"It's okay Belle hindi pa naman nagsisimula ang meeting." si Elaine, the President of Sc and my friend also.

"Porket kaibigan yung president lagi na lang late sa meeting. Ginagamit yung pagiging magkaibigan." biglang singit ni Fiona, she really hate my gut ever since for I don't know the reason why. Mula nung mabuo ang officers ng SC ganyan na talaga siya laging galit sakin, magpaparinig ng kung ano ano. Pero kasi ang usap usapan she wants my position pero ang napunta sa kaniya is Auditor. Kaya ayon galit na galit siya. Kasalanan ko ba na mas gusto ako ng mga head na maging vp kesa sa kaniya? Dito kasi sa school namin, head ng school ang namimili ng mga uupo bilang officers ng SC unlike sa ibang school na students yung namimili through voting.

"Kung wala ka namang magandang sasabihin, better just shut your mouth because no one's asking your opinion here. And another thing is hindi ko ginagamit yung pagkakaibigan namin ni Elaine para lang hindi ako maparusahan kapag nalalate. And mind you, magkakaiba tayo ng schedule ng klase baka nakakalimutan mo. We have different schedules because we take different courses you understand?" inirapan ko talaga siya ng bonggang bongga. Rerebat pa sana siya kung hindi lang pinigilan ni Elaine. Kala niya aatrasan ko siya? Excuse me, wala akong inaatrasang laban. Lagi talagang gyera kapag may meeting eh kaya bihira lang kaming magsama sama sa isang meeting lalo na kung kami kami lang at walang kasamang mga prof and dean. Kahit yung ibang kasamahan namin ayaw sa kaniya eh dahil sa ugali niyang yan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status