Share

Chapter 2

Nagising ako ng maramdaman kong parang lumulutang ako. Parang may bumubuhat sakin kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita kong buhat ako ni...... Ace? Oh shoot nakatulog talaga ako. Maybe because of too much tiredness kaya ganun.

"Ahm pede mo nakong ibaba kaya ko naman maglakad hanggang sa kwarto." mukhang nagulat siyang gising nako dahil bahagyang nanlaki ang mata niya pagkalingon sakin. Ay grabe siya, gulat na gulat gurl?

"No it's okay I know your tired." sagot naman niya sakin.

Pagkadating sa kwarto ay siya na rin ang nagbukas habang karga pa din ako, in a bridal style. Pagkalapag niya sakin sa kama ay nanatili pa din siyang nakatayo sa harapan ko kaya nagtataka akong napatingin sa kaniya.

"Ahm thank you sa paghatid. Sorry din sa abala pasensya na talaga. Pede na ka ng umuwi, thank you ulit." nakangiting pasalamat ko sa kaniya.

"C-can I ahm sleep here?" natatawa akong napatingin sa kaniya dahil mukha siyang hiyang hiya ngayon sa harapan ko. Namumula ang dalawang pisngi niya at hindi makatingin sakin ng diretso.

"I mean— " hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin niya kaya naman lalo akong natawa.

"Sure it's okay. Dun ka na lang matulog sa tabi ni Chance sa guest room. Malaki naman yon kaya sure akong magkakasya kayong dalawa kahit anlalaki niyong tao lalo ka na." natawa naman siya sa sinabi ko. Bakit? totoo naman ah? anlaki kaya niyang tao 6'5 ba naman ang height. Jusko nakakaloka nagmumukha akong dwende kapag itinabi sa kaniya. Isa rin yon sa dahilan kung bakit hindi ako naglalalapit sa kaniya eh.

"Ahm can I sleep here beside you instead?" gulat na gulat naman akong tumingin sa kaniya. What the hell? totoo ba to o nananaginip lang ako?

"W-what?" nauutal ko pang tanong.

"I said I want to sleep here beside you."

Sa huli ay pumayag na din ako. Bilang pasasalamat na din since ayon nga hinatid niya kami dito sa condo tas kinarga niya pa ko hanggang dito sa kwarto. Hindi naman ako malikot matulog at malaki naman itong kama kaya okay lang talaga.

"Do you have extra clothes?"

"Yes nasa kotse."

"Sige ako muna magha half bath habang kinukuha mo yung mga damit mo sa kotse." tumango naman siya at tumalikod na kaya pumasok na din ako sa banyo. Binilisan ko lang kasi nakakahiya naman kung maaabutan not kong nasa banyo pa din.

Paglabas ko ay saktong pasok niya sa kwarto.

"It's your turn na."

Tiningnan niya lang ako at diretsong pumasok sa banyo kaya naman humiga na agad ako sa kama.

"Come here, let's sleep. It's too late already." tumango naman ako at dahan dahan naglakad papunta sa kama. Medyo naiilang pako because this is my first time sleeping with a man in one bed. Sanay kasi ako na puro babae ang kaibigan at mga pinsan ko. May mga lalaki akong pinsan pero hindi kami natutulog na magkakasama sa kama.

"Ahm good night." sabi ko pagkatapos kong patayin ang lampshade.

Nagulat ako ng paghiga ko ay bigla siyang umisod palapit ang niyakap ang bewang ko. Napahawak ako sa dibdib niya dahil sa gulat.

"W-what the hell are you doing?" yan tuloy napa high pitch yung boses ko.

"Shhh let's sleep I know you're tired."

"How the hell can I sleep if you're this close to me. Nakayakap pa yang mala bakal mong braso sa bewang ko." sira ba siya? pano ko makakatulog eh ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mga pabigla bigla niyang galaw.

"It's not my problem anymore. Basta ako matutulog nako." sasagot pa sana ako ng pagtingin ko sa kaniya ay nakapikit na siya. Naisip ko na baka pagod din siya kaya hinayaan ko na lang kahit medyo naiilang pako dahil sa posisyon namin. Maya maya pa ay narinig ko na yung hilik niya kaya naman kahit hirap ay pinilit kong makatulog.

Nagising ako dahil sa ingay ng pesteng alarm clock. Sino bang naglagay nito dito?

Pagtingin ko sa alarm clock ay alas singko na. Oh my god male late ako jusme. Babangon na sana ako pero hindi ko magawa dahil nakayakap pa din sakin hanggang ngayon ang braso ni Ace.

"Ace bumitaw ka na nga. Male late nako bumangon ka na diyan. Maaga din klase niyo diba?" paggising ko sa kaniya pero umungol lang siya.

"5 minutes more, baby." argh bahala ka diyan malate ka mag isa mo. Sapilitan kong tinanggal ang braso niya sa bewang ko kaya naman wala na siyang nagawa kundi bumangon. Masama pa niya kong tiningnan pero sinamaan ko ang din siya ng tingin kaya naman napairap na lang siya. Aba bakla ata ang gagong to daig pa babae makairap eh.

"Umuwi ka na. Wala kang uniform dito."

"Yeah. I'll fetch you at exactly 6:30 am. I'll be the one to drop you at school." what?

"And why would you do that?"

"Because I want to. And you can't do anything about it."

"Fine sige na umalis ka na. Kumain ka muna bago mo ko sunduin ha." napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.

"Yes, baby." bwiset na lalaking to pwede namang umalis ng hindi nagpapakilig eh. Pagkaalis niya ay dali dali na rin akong lumigo at nagbihis.

By the way I am Arabelle Lastimosa, 20 from Batangas but I'm in Manila right now. I'm taking a Civil Engineering kaya naman medyo stress ang  lola mo. Wala akong masyadong kaibigan bukod kay Chance at Faye. It's not that walang gustong makipag kaibigan sakin but I'm not comfortable to be friends with anyone except those two. May mga naging kaibigan ako dati bukod dun sa dalawa and it didn't end well. Akala ko tinuturing nila kong tunay na kaibigan but turns out that they are just faking their concerns towards me. In Tagalog mga plastik ang mga bruhilda.

Minutes later dumating nga si Ace para sunduin ako. By the way he's Prince Ace Perez. Sa pagkakaalam ko he's also 20 and he's taking Business Administration since marami silang negosyo all over the world.

"I thought you're just bluffing about what you said earlier na you'll fetch me but you're serious pala." sabi ko sa kaniya pagkaupo ko sa front seat. Pasensya na po medyo conyo nahawahan na ng mga kaklase tsaka Faye is also conyo din naman.

"Why would I bluff about that? And also I told you I'm serious."

"Yeah yeah whatever. Thank you sa pagsabay sakin para makatipid na din ako sa gastos."

"Welcome baby. And since ngayon lang kita nakausap ng matagalan, ngayon ko lang din nalaman na may pagka conyo princess ka rin pala no?" nakangiti siya ng mapang asar kaya naman sa inis ko hinampas ko yung braso niya kaya lang parang pinagsisisihan ko na ginawa ko yun dahil ako lang din naman ang nasaktan. Ang tigas ng braso niya mga dzaii palibhasa kasi batak sa gym eh.

"Hey stop that you'll just hurt yourself. And another thing is nagmamaneho ako baka mabangga tayo." di ko na siya sinagot at inirapan na lang. Tahimik kami hanggang sa makarating sa school kahit na minsan ay sinusubukan niyang makipag usap sakin. Bala siya diyan.

"HEY I'LL FETCH YOU AGAIN LATER ANONG ORAS ANG LABAS MO?" pasigaw niya ng tanong dahil medyo malayo nako sa kaniya. Binibilisan ko talagang maglakad dahil ngayon ko lang naalala na may meeting nga pala kami sa SC.

"WAG MO NAKONG SUNDUIN GABI NAKO MAKAKAUWI. TSAKA MARAMI PAKONG GAGAWIN BAKA HATINGGABI NA RIN AKO UMUWI." pasigaw ko ring sagot.

"STILL SUSUNDUIN PA DIN KITA DELIKADO LALO NA GABI NA BAKA KUNG ANO PANG MANGYARI SAYO DI PA KITA NAGIGING GIRLFRIEND." parang sira ang h*******k na'to nakakahiya sa mga nakakarinig na estudyante.

"HEH BAHALA KA SA BUHAY MO." inirapan ko siya saka tuluyan ng tumalikod dahil late na talaga ko sa meeting. Parang sira naman kasi syang agad pinapakilig ako.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status