Share

Chapter 5

"Wooohhh!!! Go baby!!!" sigaw ko. Tumitingin sakin ang ibang estudyanteng nandito pero wala na akong pakealam. Siguro nasa isip nila na ang oa ko dahil training lang naman to. E ano naman? supportive girlfriend bakit?

Nandito ako ngayon sa natatorium. Nung sinabi ni Gabriel na single si Steven ay dumeretso ako dito. Sakto naman dahil may training pala sila. Ako lang magisa ang pumunta dahil nagugutom daw si Macy, susunod nalang daw sya.

"Go Steven! Sunod ako naman sisirin mo!" sigaw ko ule. May narinig akong mga tumawa dahil sa sinabi ko. Okay lang yan di naman nila ako kilala.

Napatigil ako sa pagchicheer nang may tumayo sa harapan ko. Si Veena. Di ko sya pinansin at tinagilid ang ulo ko, di ko kase makita si Steven.

"Umalis ka kaya jan, diba?" sabi ko dito nang mapansing wala syang balak umalis. Di ko makita yung baby ko.

"Can you minimize your voice? Nangingibabaw boses kanina pa." Sabi nya habang nakataas ang kilay sakin.

Huminga ako ng malalim. "Ah sige bubulong nalang ako, para marinig ni Steven na chinicheer ko sya." Sarkastikong sabi ko dito at umirap.

"Hindi nya kailangan ng magchicheer sa kanya." Sabi nya, halatang nagpipigil. Ngumiti pa ito ng peke sa akin.

"Ewan ko sayo, umalis ka nga dito pwede? Papansin ka sakin? O baka naman kay Steven papansin ka?" Kompronta ko sa kanya. Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Kita sa mga mata nya ang inis sakin pero di ako natatakot. Gosh sino basya?

"Excuse me? For your in----"

"Wow mas bumilis ka ng 0.7 seconds Steven!" Sabay kaming napatingin ni Veena sa sumigaw. Nakangiti ito ng malaki habang nakatingin kay Steven na nakangiti rin. Kita sa mata nito ang kasiyahan.  Nakatayo sila sa gilid ng pool at nagpupunas sa towel si Steven.

Tinulak ko sa gilid si Veena at lumapit kay Steven. Nang makalapit ako ay agad ko itong niyakap. Naramdaman kong nanigas ito at napasinghap.

"Congrats Steven! Ang galing mo!" Sabi ko pagkabitaw ko sa kanya. Nakatunganga parin ito at tila di maproseso ang nangyari. Magsasalita sana uli ako nang biglang sumingit si Veena.

"Congrats Steven." Nakangiting sabi nito. Nung tumingin ito sakin ay umirap sya. Aba't!

Nang tumingin ako uli kay Steven ay nakatingin ito sakin. Walang ekspresyon sa muka nito. Nahiya naman ako bigla. Dapat ba di ko ginawa yun? Nabigla lang naman ako. Nadala ng bugso ng damdamin.

Yumuko ako. "Sorry, nabigla lang hehe." sabi ko habang pinaglalaruan ang daliri ko. Nakakahiya ata, tangina mo talaga Phoebe.

"Una na ako Steven, keep it up! Makakapasok ka sa national team kung ipagpapatuloy mo yan." Rinig kong sabi nung coach nila. Nagpasalamat dito si Steven at umalis na.

Nakayuko pa rin ako. Di ko alam san ako titingin. Kinakabahan ako kasi walang ekspresyon yung muka nya kanina. Umalis nalang kaya ako na parang walang nangyari? Oo ganon nalang ang gagawin ko.

Tatalikod na sana ako para umalis pero biglang nagsalita si Veena. "Tara kain tayo? My treat, pacongrats ko na sayo." Sabi nito.

"Sure bihis la---"

"Di pwede!" pigil ko sa anomang sasabihin ni Steven. Napatingin silang dalawa sakin. Nakataas ang kilay sakin ni Veena samantalang  magkasalubong ang kilay ni Steven.

"Bakit di pwede?" tanong ni Steven sakin.

"A-ah a-ano k-kase."

"Pwede kanang umalis Phoebe." Tinignan ko nang masama si Veena nung sabihin nya yun. Sya kaya umalis dito. Paepal e.

"Bakit di pwede?" Ulit ni Steven. Nakatingin ito sakin ng parang naiinip.

"May n-naghahanap sayo, p-pinapatawag ka sakin." sabi ko.

"Who?" tanong ni Steven.

"B-basta nakalimutan ko, dalhin nalang kita sa k-kanya." sagot ko. Tinignan lang ako nito sa muka kaya napayuko ulit ako. Ano bayan kinikilig ako tangina.

"Importante ba yan?" singit ni Veena na nakakrus ang mga braso.

"Kausap kaba? Papansin ampota." huli na nung marealize ko ang sinabi ko. Shocks kaharap ko pala si Steven! "Char. Joke lang ha ha." Dagdag ko. Tinignan lang ako ni Veena halatang gusto akong saktan.

"Hintayin mo ko dito magbibihis lang ako." Sabi ni Steven at nagsimulang maglakad.

Tinawag sya ni Veena pero di sya nito pinansin. Natawa naman ako dahil don. Kala mo a. Kaya di rin ako naniwala na magjowa sila kase di naman sweet si Steven sa kanya. Sinamaan ako ng tingin ni Veena pero di ko nasya pinansin. May sinabi ito pero di ko naintindihan at umalis na sya.Umupo uli ako sa upuan. Hintayin ko raw si Steven sabi nya. Sya nagsabi, kinikilig ako!

"Sino ba naghahanap sakin?" Inip na tanong sakin ni Steven.  Tumigil ito sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa mata ko habang magkasalubong ang mga kilay.

Umiwas ako ng tingin dito dahil parang nanlalambot ako sa tingin nya. Kinikilig talaga ako pag nakatitig sya sakin.

"Basta malapit na tayo." sabi ko at naglinginga sa paligid. Walang estudyante sa hallway ng 3rd floor sa building namin.

"Kanina mo pa sinasabi yan, ilang room na rin ang tinitignan mo."

"Basta! malapit na tayo, sumunod ka na sakin." Sabi ko at naglakad na.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala naman kasi talagang naghahanap sa kanya, sinabi ko lang yun para di nya makasama si Veena. Di ko naman napagisipan yung sinabi ko tuloy di ko alam san pupunta.

Mukang naiinis na rin sakin si Steven dahil mahigit sampung room na ang pinuntahan namin. Sinisilip ko kasi kung may tao o wala. At sa lahat ng sinilip kong room, puro may mga iilang estudyante.

Naglakad lang ako nang naglakad habang nakatingin sa mga bintana ng room. Napatigil ako ng makitang may room na nakasarado at may nakapaskil na 'under constraction'. Eto nayon!

"Ano? nasan na Phoebe?" rinig kong tanong ni Steven mula sa likuran ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng malaki. "Dito!" Hinila ko ang kamay nya at pumasok kami sa bakanteng room. Wala ngang tao rito.

Pagkapasok namin ay nakita kong walang nakalagay na aircon. Baka ito ang inaayos.

"Are you sure? No ones here." Sabi ni Steven nang mapansing kami lang ang nandito. Nilibot nito ang mata sa loob ng bakanteng silid.

"A-ano, b-baka umalis na?" Sabi ko. Tinignan ako nito. Agad naman akong napaiwas ng tingin.

"Seryoso kaba?"

"Oo nga! B-bat naman ako

m-magsisinungaling diba?"

"Phoebe."

"Meron nga naghahanap sayo kanina! K-kalbo sya, tapos m-mataba. Oo yun!"

"Ah si Jonel? Pinsan ko."

"Yun nga! naalala ko na, hinahanap ka nya"

"Talaga lang huh?" Tumaas ang kilay nito.

"Kulit mo naman Steven e. Si Jonel nga yung naghahanap sayo, sabi nya sakin pinsan ka daw nya kaya nagmagandang loob ako na tawagin ka." sabi ko at may pagirap pa. Kahit na sa loob loob ko ay kinakabahan ako.

"Wala akong kilalang Jonel, Phoebe. Lalo na wala akong pinsang Jonel pangalan."

"H-huh?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Nahuli nya ako.

"Youre lying." sabi nito at tinalikuran na ako. Nagpanik naman ako kaya tumakbo ako sa pintuan para isara ang pintuan at di sya makalabas.

"Steven." Sabi ko habang nakatingin sa muka nyang seryoso ngayon.

"Ano bang gusto mo?" tanong nya sakin.

Di ako nakasagot agad dahil titig na titig ako sa muka nya. Ang gwapo nya talaga. Napakakinis ng mukla. Wlang ka porespores. Bumaba ang tingin ko sa labi nya. Napalunok ako dahil parang ang sarap halikan non. Mapula at mukang malambot.

"Wanna kiss?" Napatingin ako sa mata nya at nakitang nakatingin ito sa labi ko.

"Kiss lang?" Tinignan ako nito sa mata. Halatang nagulat sa sinagot ko sa kanya. "Hina mo naman." Kala mo a.

Nanlaki ang mata ko dahil bigla nga akong hinalikan nito. Ang bilis non. Nagdikit ang labi ng namin ng ilang segundo bago nya ito galawin. Di ako nakasagot agad sa mga halik nya dahil sa gulat. Rinig na rinig ko rin ang pagkabog ng dibdib ko. Napakabilis non.

"Kiss me back." bulong nya sa labi ko at sinunod ko sya. Hinalikan ko sya pabalik. Kusang umangat ang kamay ko sa leeg nya. Ang mga kamay naman nya ay nasa bewang ko humahagod.

Hindi sya ang first kiss ko. Nakalimutan ko na kung sino. Basta sa bar yun. Uso kasi yung '5 seconds walang malisya' doon. Pero masasabi kong iba ito sa lahat ng halik na naranasan ko. Masyado itong masarap sa pakiramdam at napakasaya sa puso. Dahil siguro mahal ko sya.

Tumigil lang kami nung maubusan kami ng hininga. Parehas kami ngayong hinahabol ang hininga namin. Nakayuko ako dahil bigla ako nakaramdam ng hiya. Samantalang sya ay titig na titig sakin. Nakakailang pero kinikilig ako!

"Phoebe." sya ang pumutol ng katahimikan sa loob ng silid na ito.

"B-bakit?" tanong ko habang nakayuko parin. Di ko magawang tumingin sa mata nya. Di parin ako makapaniwalang n*******n ko si Steven. Pakiramdam ko nananaginip ako.

"Now, padaanin mo na ako." Gulat akong napatingin sa kanya.

"Ganon nalang yun?!" Oo alam kong kiss lang yun, sa panahon ngayon wala ng halaga yun sa karamihan. Pero iba sya sakin! Mahal ko sya!

"Yes?" nalilitong sabi nya. Gosh, alam kong gantong klaseng lalaki sya pero masakit pag sakin nya gagawin yun.

"Alam mong gusto kita! Di ako papayag na ganon nalang yun Steven!" Sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakealam kung magmuka akong tanga at desperada sa harapan nya. Basta di ako papayag ng ganon nalang yun.

"So what do you want me to do then?"

"Be my boyfriend." Taas noong sabi ko sa kanya. Yung puso ko parang lalabas na dahil sa kaba. Pero di ako mahihiya, alam naman talaga nyang gusto ko sya!

"That's it?" balewalang tanong nya.

"H-ha? Ano, s-syempre dapat m-mahalin mo rin ako." Nauutal kong sabi. Nabigla ako sa sinabi nya kanina.

"Okay."

"Okay?"

"Im your boyfriend now." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya samantalang sya ay parang wala lang. Na akala mo wala syang pakealam sa nangyayari ngayon.

"Seryoso ako Steven!" sigaw ko dahil parang ginagawa nyang biro ang lahat.

"I am serious." Sabi nya sa matigas na boses at tinignan ako ng seryoso sa mata. Bigla naman nagwala ang mga paruparu ko sa tiyan.

"S-so tayo na?" Paninigurado ko dito, mamaya jinojoketime ako e. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa mga pangyayari.

"Oo nga," natawa sya ng mahina. "Padaanin mo na ako, don't worry paglabas natin dito tayo parin." Kinilig naman ako sa sinabi nya kaya umalis na ako sa kinatatayuan ko para padaanin sya.

Paglabas namin sa pintuan ay nagulat kami dahil may nakatayong guard doon. Nagkatinginan kami ni Steven.

"Anong ginawa nyo jan sa loob? Akin na mga id nyo."

Hinawakan ni Steven ang kamay ko at hinila ako patakbo. Narinig ko pang sumigaw ang guard pero di na ito humabol samin. Di naman nya kami makikilala sa dinamidaming estudyante rito.

Habang tumatakbo ay tumatawa kaming dalawa. Tunay man o peke wala na akong pake. Basta boyfriend ko na si Steven.

_________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status