Share

Chapter 1

Nagising ako dahil may kalabit ng kalabit sa balikat ko. Di ko ito pinansin at nagkunwaring tulog parin. Please Im too sleepy, let me sleep for pete sake! Ginalaw ko ang balikat ko para sabihin na wag akong gisingin kaso ayaw talaga tumigil ng kakakalabit!

"Ano ba Macy?! dedede kaba? nakakaasar ampota." singhal ko rito nang inangat ko ang  ulo ko.

"Te kasi, baba tayo. Nagugutom ako." sabi nito sakin at nagpuppy eyes pa. Di ka cute pls lang!

Di ko sya pinansin at nagheaddown ule sa desk ko. Matutulog ako dahil wala naman kaming klase ng dalawang oras. Absent daw si Mr. De Castro, prof namin sa Accounting. 

"Dali na Phoebe, tas daan din tayo sa pool malay mo nandon si----" di na nya natuloy ang sasabihin nya dahil tumayo na ako at hinila na sya papuntang cr para syempre magayos.

"Pahiram nga ako ng eyelash curler mo, dali." sabi ko kay Macy na natatawa tawa ngayon.

"Pagdating talaga kay Steven nawawala lahat ng katamaran mo sa katawan e no?" sabi nito at inabot sakin ang hinihiram ako.

"Of course! Sya kaya source of motivation ko." ngingiti ngiti kong sabi.

Steven Montero, 3rd year bs in Business Management, swimmer. Nakilala ko sya nung nagenroll kami ni Macy dito. Sya yung nagturo samin kung nasan ang library. Nagkataon lang yon dahil sya yung unang estudyante na nakita namin.  Ayon yung unang beses na nakita ko sya. Pangalawang beses ay yung nagbar kami ni Macy at pinagtanggol nya kami sa bumastos sa amin. Doon ko rin nalaman ang pangalan nya. At pangatlong beses ko syang nakita nung minsan na tumambay kami ni Macy sa pool nung 1st year. Don ko lang rin nalaman na swimmer pala sya! at ang ganda ng katawan nya! Ang tangkad nya, 6'2. At di mo rin maikakaila na gwapo sya, maputi at makinis.

At nung nagtama ang mata namin non ay naramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko, with that I knew, that Im drowning in his gaze.

"Malandi ka."

"Maganda naman."

"San banda?"

"Kaya mo nga ako kinaibigan dahil maganda ako diba? ikaw nagsabi nyan." tawa ko.

Naalala ko nung Gr 11 kami. Tumabi sya sakin at tinitigan ako for 10 minutes. Nailang na ako sa kanya kaya kinompronta ko sya. Tapos tinanong nya ako kung pwede daw kami maging magkaibigan. Wala naman kaso sakin dahil wala rin naman akong ibang kaibigan non kaya pumayag akong maging kaibigan sya. Tinanong ko rin sya bakit nya ako gustong maging kaibigan, ang alam ko kasi ayaw nila ako lapitan dahil ang taray ko raw tignan. Ang sagot nya sakin ay "Maganda ka kasi, at ang magagandang katulad mo ay nararapat lang na maging kaibigan ang magandang tulad ko." Natawa ako ron kaya simula non kami na ang magbestfriend hanggang ngayon na 2nd year college na kami. Pero maganda talaga si Macy. Yung ganda nya ay mukang inosente at mahinhin, but ofcourse i know better. At ang sakin naman ay matapang tignan at m*****a.

"Mas maganda parin naman ako kesa sayo." ay ayaw magpatalo ng isang to a?

"Kaya pala nagkagusto sakin yung crush mo?" Humalakhak ako nung makitang nainis sya sa sinabi ko.

May naging crush kasi sya nung 1st year college kami, sobrang nagpapansin sya doon. Natatawa nalang ako pag naaalala kong umiyak sya dahil ako yung chinat ng crush nya. Pero syempre di ko pinatulan yun. Di ko type!

"Di ka parin napapansin ni Steven." Sabi nya at mukang proud pa sya sa sinabi nya. Sinabunutan ko sya at tumawa lang sya. "Ano? kala ko ba maganda ka?" dagdag pa nya. Binato ko sa kanya ang eyelash curler nya at natatawa tawa nyang binalik yon sa bag nya.

"Ediwow."

Pumunta kami sa isang cafe dito sa loob ng university. Buti nalang at wala masyadong estudyante. Umupo ako sa bakanteng table at si Macy ang pinagorder ko. Tumutol pa sya dahil gusto nyang samahan ko sya pero dinilaan ko lang sya. Sya kaya nagpapasama!

Mayamaya ay umupo na sa tabi ko si Macy at may bitbit na red velvet cake. Yes my favorite!

Agad akong kumain nito. Wala pa yung milktea dahil pineprepare pa.

"Anong inorder mo sakin?" tanong ko rito. Baka kung ano nanaman inorder nya para sakin!

"Wintermelon." tawa nya. Sabi na e.

"Nakakainis ka." Alam naman nyang pearl milktea lang ang gusto ko!

"Oh bakit? edi sana sumama ka umorder." Tinarayan ko nalang sya. Ewan ko ba bat kami tumagal nito e puro naman kami bangayan.

Nanahimik nalang kaming dalawa nung tinawag na ang pangalan nya para kunin ang order. Habang umiinom ay nagscroll scroll nalang ako sa i*. Si Macy naman ay puro selfie, lahat ata ng pangyayari sa buhay nito inistory nya e. At tama nga ako, nag story sya sa i*. Picture ko yun habang nag nagccellphone, at may caption syang 'wintermelon sya ih' with haha emoticon pa. Nakatag ako ron '@p_hoe_be'.

Nagtingin pa ako ng ibang story at naginit ang ulo ko nung nakita ko ang story ni Veena, ang nalilink na babae kay Steven. Ang story nya ay picture ng pool, yun lang yung kita sa picture pero tinag nya si Steven! 14 mins ago lang pinost yun. Papansin talaga tong babae na to! Wala namang Steven sa picture peri tinag nya? ano para isipin lalo ng mga tao na kayo?! bwisit!

"Bee, tignan mo story ni Veena." mukang nakita rin siguro ni Macy yung nakita ko.

"Nakita ko na te. Bwisit talaga yang babae na yan. Sarap sabunutan tangina." Nakakagigil kase talaga! Naiinis ako!

"Tara na sa pool?" tanong ni Macy.

"Talaga."

Veena Chua, 3rd year architecture. Swimmer rin sya kagaya ni Steven. At kasama silang dalawa sa swim team ng university. Iisa ang circle of friends nila kaya lagi silang magkakasama. Wala naman akong pake sa kanya nung una dahil mas maganda at sexy naman ako sa kanya. Saka kaibigan lang naman. Pero 4 months ago may nagpost sa page ng university ng picture ni Steven at Veena. Bagay daw! At ang mga ibang estudyante naman ay nagsicomment ng support daw sila sa dalawa. At simula non, shiniship na sila ng mga ibang estudyante. Ampotangina.

Eto namang si Veena kinareer! Talagang pinanindigan yung issue. Pero di talaga sila! Tinanong ko yung isa nilang kaibigan na nilalandi ako, si Gabriel, at sinabi nya na di raw sila dahil focus si Steven sa career neto at kaibigan lang ang tingin ni Steven kay Veena. Kaya simula non nagiinit na talaga ang ulo ko pag nakikita ko si Veena. May gusto kasi sya kay Steven! Papansin!

Nakarating na kami sa pool ni Macy. May mga ibang estudyante rito pero kakaunti lang. Hinanap ng mata ko si Steven at agad ko naman itong nakita. Nakaupo sya sa gilid ng pool habang nakikipagtawanan sa isang lalaki roon. Nakashorts lang si Steven at may twalya na nakasabit sa leeg. Puwesto naman kami ni Macy sa malapit sa kanila.

Nang makaupo kami ay agad kong nilabas ang cellphone ko at pinicturan ng palihim si Steven, kinikilig ako shet. Picture lang ako ng picture at nagstory rin. Kita sa story ko ang likod ni Steven.

"Wow lakas ng loob a." siko sakin ni Macy, nakita nya siguro ang story ko. Wala namang ibang nakasulat roon, picture lang talaga.

"Shut up." sabi ko dahil mukang lulusob nanaman sa tubig si Steven dahil hinubad nya ang shorts nya ay nakacycling nalang. Narinig ko naman na bumungisngis ang babaeng nasa kaliwa ko. Nilingon ko ito at tinignan ng masama.

"Ano meron te?" tanong ko rito. Inanto kinikilig kilig pa.

"Wala po, sorry." sabi nya at umalis. Buti naman!

"Huy te ano jowa ka?" Di ko na pinansin si Macy at pinanood na si Steven lumangoy. Ang bilis nya talaga. Nakakaamaze.

"Go baby!" sigaw ko, tumawa naman si Macy sa gilid ko at ang iba naman ay tumingin sakin kasama na si Veena na nasa baba naming upuan. Tinarayan ko ito at napanganga sya.

"Gaga ka talaga." tawa ng tawa si Macy sa gilid ko, ayan! nageenjoy sya pagnagmamaldita ako!

200m freestyle ang ginawa ni Steven at mabilis nyang natapos yun. Galing ng baby ko! Pagahon nya sa tubig ay lumapit sa kanya si Veena at inabot kay Steven ang towel.

"Psh, kailangan iabot? kaya nya kunin magisa yung towel nya te, papansin ka talaga." bulong ko.

"Selosa yarn?" asar sakin ni Macy. Totoo naman kasi! bat nya pa iaabot diba? papansin lang?

"Manahimik ka Macy nababadtrip na talaga ako." sabi ko sa kanya pero tinawanan nya ako kaya kinurot ko sya sa bewang. Napasigaw sya dahil don kaya tumingin sa gawi namin si Steven at sakin sya nakatingin, sakin! Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa kilig.

Nawala ang tingin sakin ni Steven nang may sabihin si Veena sa kanya. Tumawa naman si Steven dahil sa sinabi ni Veena. Nakakainis! ano ba pinaguusapan nila!

"Tara na nga!" sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig nila. Di nako tumingin sa gawi nila Steven at naglakad na palabas, sumunod naman sakin si Macy na tumatawa parin.

"Bee, baka nga sila talaga." Sabi ni Macy sakin nung makalabas sa kami sa indoor swimming pool. "Kase ang komportable nila masyado sa isa't isa, saka nananahimik lang si Steven, malay mo lowkey lang sila?" dagdag pa nito.

"Di nga raw diba?!" sigaw ko sa kanya. Naiinis parin ako kay Veena papansin.

"Malay mo di lang nila sinasabi sa friends nila." napaisip ako dahil don. Pwede ngang di alam si Gabriel ang totoo.

"Mauna kana sa room." sabi ko kay Macy. Tinanong ako nito kung san ako pupunta pero di ko na sya sinagot. Naglakad nako papunta sa  Manalo Building, kung saan naroon ang mga archi students para puntahan si Gabriel.

I dmed Gabriel when I reach the lobby. Nagantay ako ng limang minuto bago ko sya nakitang tumatakbo papunta sakin. Nakangiti ito at mukang excited na nandito ako.

"Hi Phoebe." bati nya sakin. Umupo naman sya sa tabi ko.

"Si Veena ba at Steven?" Tanong ko, nabigla naman sya at iniwas ang tingin sakin. Nagtagal bago sya tumingin sakin at sumagot.

"Y-yes."

Tangina. Tangina mo Veena!

____________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status