AIRISH
BIGLA akong nagulat nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko at pilit na itinayo. Binitiwan niya ang baseball bat niya at inabot ang remote sa 'kin."Buksan mo," sabi nito kaya ginawa ko naman. Nang matapat sa mga channel na may balita, napahinto nalang ako dahil puro si Dean ang nasa issue."Hindi po namin sinasadya ang ginawa niyang pagtakas. Uulitin po namin, hindi po namin sinasadya. Mukha pong pinlano na niya ang mga 'yon kaya mabilis siyang nakatakas.""Tingnan mo? Ganyan sila kaböbø!" Tumatawa na sabi ni Dean."Ayon sa pulisya, hindi sila tumitigil sa paghahanap kay Dean Amresel. Kaya kung sinoman po ang nakakita sa kanya, itawag lamang sa mga numerong ito."Gustong gusto ko na siyang ipahuli at umalis na sa lugar na 'to. Alalang alala na 'ko kay lola."Ahh!" d***g ko nang maramdaman ko ang mabilis niyang pagdilä sa pisngi ko."Psstt! Patulugin niyo na 'to," sabi ni Dean kaya may pumuntang dalawang lalaki sa kinaroroonan namin. Bigla nalang akong sinuntok ng isa dahilan at kaagad akong nawalan ng malay."AHH!..." kaagad akong nagising at napaupo nang maramdaman ko na may nagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko. Nakita ko ang labas na maliwanag na. Nakita ko rin ang sarili kong nakakadena ang paa ko. Nakattali rin ang mga kamay ko sa isang bakal."Good morning, binibini! Kumusta ang tulog?" tanong ni Dean at may nilagay na upuan sa harapan ko at do'n siya naupo."Dean, pakawalan mo na 'ko rito," sabi ko habang nakatitig sa kanya. Hinilamos nito ang mukha niya at mukhang nainis sa sinabi ko."Hindi ba sabi ko, dito ka lang? Hindi ka na aalis dahil dito ka lang!" sigaw niya at hinagis ang boteng malapit sa kanya. Kaagad siyang lumapit sa 'kin at mahigpit na hinawakan ang buhok ko saka itinangad sa kanya."Dito ka lang," mariin niyang sabi at nilapit ang noo niya sa noo ko. "Dito. Dito. Dito. Dito. Dito! Maliwanag?" bulong niya at mabilis akong dinilaan sa pisngi. Nanghihina ako dahil sa mga natamo ko sa kanila. Hindi ako makatayo.Nakasandal ako sa may pader at isinandal ko rin ang ulo ko. Napapagod na 'ko."Mukhang maliit 'tong building natin, boss. Lumipat na kaya tayo?" tanong ng isang lalaking may pintura sa mukha. Tumingin sa kanya si Dean at saka sa 'kin.Ano na namang balak niyang gawin?."Pinturahan niyo yung mukha niyan. Hapon, aalis tayo," sabi nito bago naglakad palayo.Ano?!A-aalis?!Paano na ang lola ko!?Kinuha ng mga iba ang pinturang puti at kulay violet. Binuhos nila sa mukha ko ang puti bago ang violet.D-Dapat akong makatakas dito!NAGTULUG-TULUGAN ako ng tanghali dahil aalis din ako ngayon. Masisiraan ako ng ulo rito.Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tiningnan kung may mga nakabantay pa ba sa 'kin.Buti wala.Nakita ko lang ay ang lalaking papalapit sa 'kin na may dala ng pagkain sa plato.Tiyansa ko na 'to!Saktong sakto!Naramdaman ko ang paglapag ng plato sa unahan ko.'Lord, patawarin niyo po ako sa gagawin ko.'"Oh! Pagkain mo!" sabi ng lalaki, pero kaagad kong kinuha ang boteng binasag ni Dean kanina gamit ang paa. Inabot ko 'yon at sinäksåk sa dibdib niya. Tinakpan ko rin ang bibig nito gamit ang paa para hindi marinig ng iba.Nakita ko ang susing nakasabit sa may pantalon niya kaya inabot ko rin 'yon gamit ang paa ko. Buti ang pagkakakadena sa paa ko ay may haba kaya nagagawa ko ang mga 'to.Pagkasäks*k ko, kaagad ko namang hin*wa ang tela na nasa kamay ko. Kahit hindi ko abot, pilit ko paring ginagawa 'yon. Nabuhayan ako ng loob ng matanggal 'yon kaya kinuha ko ang susi at tinanggal ang kadenang nasa paa ko.Dahil hirap ako, dinahan-dahan ko parin ang paglakad at sinisigurong hindi nila ako makikita. Abandonado na 'tong building kaya kaagad akong sumilip sa may bintana. Nagtago ako kaagad ng may mga nakatambay pala sa mga gilid-gilid.Kaagad akong nag-isip ng paraan.Tiningnan ko ang lalaking pin*tay ko at kinuha ang bar*l no'n. Buti at may silencer.'Patawarin niyo po ulit ako,' sabi ko sa isip bago ko iputok ang b*ril sa mga nakatambay. Inabangan ko muna kung may mga lalabas pa pero buti ay wala.May nakita naman akong lubid sa may gilid kaya kaagad ko 'yong ginamit upang makababa. Mas lalo pa 'kong nabuhayan ng loob nang makababa ako, kaya kaagad akong tumakbo paalis.NANG makarating ako sa may palengke, pasimple akong dumukot ng dress na ukay-ukay at pumunta sa isang tabi at nagbihis. Suot ko parin kasi ang pang-sexy na damit sa club.Nang matapos ay nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad."Clown oh? Clown!" Tumatawang sabi ng mga bata sa 'kin. May pintura pa pala ako sa mukha. Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagpatuloy sa paglalakad.Panay ang tago ko saw bawat madaanan ko dahil pakiramdam ko, nasa paligid lang sina Dean at mga kasamahan niya para hulihin at pat*yin ako. Ilang sandali pa nang makauwi na 'ko sa 'min. Hinanap ko si lola sa loob pero hindi ko siya mahanap. Nang muli akong lumabas, nagulat nalang ako nang may biglang nagsalita."Sino ka? Airish?" paniniguradong tanong ng kapit-bahay namin nang makita ako."O-Opo. Bakit po pala wala si lola? Nasa'n po siya?" tanong ko rin. Pumasok kasi ako sa bahay at wala akong nakitang lola."Nasa pulisya. Nag-aalala na siya sa'yo kaya humingi siya ng tulong sa mga pulis. Saan ka ba kasi galing at bakit ganyan ang hitsura mo? Para kang clown," saad naman nito. Hindi ko na lang siya pinansin at kaagad na hinilamos ang mukha ko bago umalis.Nagpara ako ng trycicle para makarating kaagad sa istasyon ng pulisya. Pagkarating ko, pumasok ako sa loob at nakita ang lola ko."Lola!" sabi ko at kaagad siyang niyakap. Nagulat siya nang tawagin ko siya pero kaagad din niya akong niyakap."Apo, saan ka ba nanggaling?" Mangiyak-ngiyak na tanong nito sa 'kin. Hindi ko naman siya masagot-sagot."Saka ko nalang po ikukuwento, lola," tanging sabi ko lang."Apo naman, sabihin mo sa 'kin nang hindi na ulit ako mag-alala pa," sabi nito at hinaplos-haplos ang buhok ko.Napatulala akong saglit dahil sa pag-iisip ng paraan.Alam ko na."Lola, aalis po tayo," biglang sabi ko rito."H-Huh? Bakit? Saan naman tayo pupunta?" takhang tanong naman nito."Sa probinsya po," sagot ko. Tinitigan ko siya sa mga mata niya dahil bakas dito ang pagtatakha at pagkakaba niya.AIRISHKAAGAD kaming nag-impake nang makauwi kami sa bahay. Sinabi ko sa mga pulis ang nangyari sa 'kin at nalaman nila kung saan nagtatago si Dean at ang grupo nito.Alam ko, ako ang sisisihin no'n sa pagsusumbong sa mga pulis. Pero kailangan ko 'yong gawin para sa kaligtasan ko--sa kaligtasan namin ni lola.Nakiusap din ako na bantayan kami ni lola, sinagot na rin nila ang sasakyan pauwi sa probinsya.Ngayon ay maraming nakapalibot na pulis sa bahay at naghihintay ang sasakyan na gagamitin namin pauwi sa probinsya. Kaagad kaming sumakay ni lola kaya kaagad din kaming umalis.Sana mahuli na si Dean at makulong na siya ng matagal.NARRATORPAGSAPIT ng hapon, pinuntahan nila Dean kung saan naroroon si Airish."Anak ng p*ta! Bakit wala yung babae rito?!" sigaw niya habang nananalisik ang mga mata niya sa galit. Nakita niya rin ang lalaking nakahandusay at wala nang buhay.Sinilip niya ang bintana nang makita naman niya ang lubid. Nakita niya na sa labas na nakahandusay narin ang limang l
AIRISH NANG sumapit ang gabi, naglinis ako ng sarili bago ako nahiga. Nag-cellphone ako saglit sa kama. Bago matulog nailagay ko ang cellphone sa bulsa ng padyama ko. Mahirap nang mawalan, 'no?.Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog, bigla akong nagulat nang may narinig akong sunod-sunod na putok ng baril. Napakunot ang noo ko at palihim na sumilip sa bintana. Nakita ko ang tatlong sasakyan at may bumababa ritong mga nakaarmas.Alam ko sina Dean 'yon!.Nakaramdam kaagad ako ng takot at kaba kaya tumakbo ako palabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay siyang pagpatay ng ilaw sa buong bahay. Malaki ang bahay kaya natatakot ako lalo't wala akong kasama rito sa loob.Nagulat ako nang makarinig ako ng nakakalokong tawa. Umalingawngaw ito dahil sa laki ng bahay.Dahan-dahan akong pumasok sa isang silid at may nakita akong cabinet. Binuksan ko 'yon at do'n ako nagtago. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang paghinga ko.Naririnig ko parin ang mga putukan ng baril sa labas ng b
AIRISH NAGISING nalang ako ulit at nakita kong maliwanag na sa labas. Mabagal ang paglingon-lingon ko dahil sa sakit ng katawan ko. Buti nga't 'di pa 'ko namamatay.Napansin ko rin na nakahiga ako sa kama at mukhang kumpleto ang pagkaka-bandage sa 'kin.Totoo ba 'to?"Kumain ka na," sabi ni Dean dahilan at napatingin ako rito. Nasa may kabilang gilid siya ng kama at naka-topless. Mukhang bagong ligo dahil basa ang buhok nito.Napatingin lang ako sa kanya, gayundin siya sa 'kin."Ayokong kumain," dabi ko at inayos ang pagkakahiga ko."Hindi pwede. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo," sabi nito at narinig ko ang pagtayo niya. Lumapit siya sa 'kin at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang kutsara at platong may pagkain na nasa katabi kong mesa."Teka, umupo ka muna," sabi nito. "Kaya mo ba?" Tanong niya sa 'kin. Gusto ko sanang tumanggi pero baka bumalik 'to sa pagiging baliw niya. Kaya tumango ako bilang tugon.Tumayo siya at niyakap ako bilang alalay sa pag-upo sa 'kin."One, two, three," pa
AIRISH DUMAAN ang maghapon at naaasikaso naman ako ng mga kasamahan ni Dean. Kahit natatakot parin ako dahil sa mga may pintura nilang mukha, binabalewala ko nalang.'Di ko parin maigalaw ang leeg ko ng maayos. Masakit parin."Love," sabi ng boses ni Dean at pumasok sa kinaroroonan ko. Napatingin lang ako sa nag-aalala niyang mukha.Nakita ko na may dala-dala siyang bouquet of red roses."Happy anniversary, love," sabi niya nang pumunta siya sa tabi ko at umupo sa may gilid. Nilagay ang bulaklak sa tabi ko. Balak ako nitong halikan pero kaagad akong umiwas.Bakit ba sa 'kin niya binibigay 'to?.Hindi ako ang asawa niya."D-Dean, h-hindi ako ang asawa mo," sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon."Hindi. Asawa kita, Eloisa. Asawa kita," mariing sabi nito.Eloisa?.Hindi ako si Eloisa, ako si Airish."Hindi ako si Eloi---""Hindi mo na ba 'ko mahal? Bakit? nagbago ka na ba sa 'kin?" tanong nito na animo'y parang bata. Tumingin ako sa kanya kahit nahihirapan."Dean, hindi ako ang a
AIRISH NAPABUNTONG HININGA nalang ako dahil sa sinabi ni ate Maieth."Sabihin mo sa kanya, makakauwi na 'ko. Malapit na. Kapag tinanong kung saan ako ngayon, sabihin mo nasa Maynila at nagtatrabaho. Okay?" paalala ko.[O-o sige. Pero teka? Nasa'n ka nga ba?] tanong ni ate Maieth. Bago ko sagutin ang tanong ni ate, lumingon muna ako.Medyo nagulat ako dahil nakita ko si Dean na nasa likuran ko mismo at nakatitig sa 'kin habang may nginunguyang bubblegum."A-ahh... Basta, m-mag-usap nalang ulit ta---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang hablutin ni Dean ang cellphone at pinatay na ang tawag."Tapos na," sabi niya at tinabi 'yon sa bulsa ng pantalon niya."Dean. Ano ba? Kinakausap ko pa si ate Maieth," naiinis na sabi ko rito. Tumawa ito ng mahina at napailing."Tapos na," sabi niya lang bago naglakad palabas ng kwarto. Bago tuluyang umalis, lumingon muna ito sa 'kin. Kumindat ito at saka ngumiti."Love, babalik ako," sabi nito at saka sinara ang pinto at umalis. Napaupo nalang ako
AIRISH "Ahh!..." daing ko nang bigla niya akong dinapa sa kama matapos niyang tanggalin ang tali.Nakatingin ako sa may gilid ng mesang katabi ng kama. Nanghihina ako sa pinaggagagawa niya lalo na't masakit pa ang katawan ko.May narinig akong tunog ng bakal ng sinturon at parang tinatanggal niya ito. Tinaas pa niya ang may bandang balakang ko.Habang nakatitig ako sa gilid ng mesa, bigla nalang akong napapikit at napasigaw nang maramdaman ko ang sakit."Ahh! Dean! Tama na! Tama na!..." Mangiyak-ngiyak kong sambit habang nararamdaman ang dahan-dahang pag-uga ko sa kama. Napakapit ako ng mahigpit sa anumang makapitan ko.Habang umiiyak ay siyang pagramdam ko sa masakit niyang ginagawa."D-Dean... A-Ayoko na! Dean... T-Tigilan mo na 'to," sambit ko.Maya-maya, ang iyak at sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng panghihina ng katawan. Nakapikit ako habang humihinga ng malalim.Patuloy parin siya sa ginagawa hanggang sa alisin niya 'yon.Pinahiga niya ako sa kama at muli siyang pumaibab
AIRISH KAAGAD namang sinagot ni ate Maieth ang tawag.[Hello? Si---]"Ate Maieth, tumawag ka ng pulis. Ipapa-locate ko 'tong kinaroroonan nina Dean Amresel at ng mga kasamahan niya. Ipakita mo 'yon sa mga pulis. Dali! Ngayon na," mahinang sabi ko sa kanya. Baka marinig pa ako ng iba.[O-o sige, sige,] sagot kaagad nito kaya kaagad kong pinatay ang tawag.Pagtapos kong ipunta sa map ang lugar na 'to upang ma-locate, nilagay ko ang cellphone sa cabinet at mabilis pero maingat kong binasag ang kama."Hoy!" sigaw ng isang lalaking nakakita sa 'kin pero kusa ko siyang pinaputukan ng baril. Nang wala nang salamin ang bintana, tinuonan ko naman ng pansin ang mga kumot at tela na nasa kwarto at tinali-tali ito upang gamitin sa pagbaba ko.Nang makababa ako, kaagad akong nagtago sa may isang tabi at dahan-dahang umalis.Mukhang maganda ang bahay dahil may pa-pool pa ito. Kay Dean ba 'tong bahay?.Kaagad akong tumakbo nang makita ko ang mga nakatambay sa baba na umakyat sa taas. Maingat kong b
AIRISH Maya-maya'y nag-impake na kami ni lola nang bigla naman itong magsalita, "Hija, sasama ba tayo sa kanya?" tanong nito dahilan at kaagad akong napatingin sa kanya.Palagay ko, hanggang ngayon ay wala pa ring tiwala si lola kay Eljoe dahil sa mga sumbong ko ritong pananakit niya sa 'kin noon.Hinawakan ko si lola sa kamay bago sumagot."O-Opo, lola. At tsaka isa pa po, wala na tayong ibang pwedeng matakbuhan."Napatingin nalang ito sa ibang direksyon. "Inaalala lang naman kita, apo," sabi niya at tumingin sa 'kin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Apo, matanda na 'ko. Mamamatay rin ako anumang araw at oras dahil manghihina rin ako. Pero ikaw, bata ka pa't walang asawa. Gusto kong maramdaman mo na totoo ang pagmamahal na binibigay sa'yo ng nasa paligid mo. Ayokong masaktan ka," sabi pa ni lola sa 'kin.Napangiti lang ako sa kanya ng mapait. Si lola kahit kailan, ako parin ang iniisip."Nakahanda na ba kayo?" tanong ni Eljoe nang makapunta sa kinaroroonan namin. Napatingi