NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.
After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da
EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka
A/N: Maaaring nabasa na ninyo ang story na 'to sa ibang platform sa ibang username pero ako pa rin po 'yon. I will delete my series there para mailipat dito. Hope you understand.*****AIRISH"DALIAN mong magbihis, Airish, sasayaw ka na," sabi ng katrabaho ko rito sa club. Nagbibihis na 'ko ng pang-sëxy na damit para sa gagawin kong sayaw mamaya.Nang makapagbihis, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng 'di kaaya-ayang damit. Wala akong choice, ito ang trabaho ko.Maya-maya nang ipatugtog na ang malamyang sayaw ay siyang paglabas namin ng dalawa ko pang kasamahan sa entablado, sumasayaw sa harap ng maraming tao.Hindi ko makita kung ano-anong mukha ang nasa club dahil sa ilaw na nakatutok sa 'min. Ganito ang trabaho ko tuwing gabi, sasayaw ng mabagal sa harap ng maraming tao habang nakadamit na halos kita rin ang dibdib ko at binti.May mga naghahagis ng pera sa entablado. May papel at barya. Habang sumasayaw, nakita ko ang dalawa kong kasamahan na nahuhubad na ng suot
AIRISHKINAGABIHAN, pagtapos kong maligo ay may inutos si lola sa 'kin."Apo, pakibukas naman yung tv oh? Gusto kong manood ng balita," sabi nito kaya kaagad kong binuksan.Sumakto ang channel sa isang balita dahilan at bigla naman nitong nakuha ang atensyon ko. "Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang lalaking matagal nang nagbebenta ng iba't ibang uri ng drögä sa bansa. Ayon kay insp. Jake Warren, matagal na nilang pinaghahahanap ang suspek dahil sa patong-patong na reklamo rito."Namukhaan ko rin ang lalaking nasa t.v. at may nakalagay na pangalan sa baba. "Jake Warren," sabi ko sa sarili ko dahil ang lalaking 'to ang pulis na nagtanong sa 'kin kagabi.May mga pulisya rin akong naabutan kagabi at inihatid nila ako rito sa bahay. Panay ang tanong nila sa 'kin kung pinagdiskitahan ba ako no'ng lalaking may pintura ang mukha pero nagsinungaling ako. Sinabi kong nakita ko lang silang dumaan at hindi nila ako pinagdiskitahan."Mabuti na lang at may magandang loob na nagsabi sa 'min
AIRISHBIGLA akong nagulat nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko at pilit na itinayo. Binitiwan niya ang baseball bat niya at inabot ang remote sa 'kin."Buksan mo," sabi nito kaya ginawa ko naman. Nang matapat sa mga channel na may balita, napahinto nalang ako dahil puro si Dean ang nasa issue."Hindi po namin sinasadya ang ginawa niyang pagtakas. Uulitin po namin, hindi po namin sinasadya. Mukha pong pinlano na niya ang mga 'yon kaya mabilis siyang nakatakas.""Tingnan mo? Ganyan sila kaböbø!" Tumatawa na sabi ni Dean."Ayon sa pulisya, hindi sila tumitigil sa paghahanap kay Dean Amresel. Kaya kung sinoman po ang nakakita sa kanya, itawag lamang sa mga numerong ito."Gustong gusto ko na siyang ipahuli at umalis na sa lugar na 'to. Alalang alala na 'ko kay lola."Ahh!" daing ko nang maramdaman ko ang mabilis niyang pagdilä sa pisngi ko."Psstt! Patulugin niyo na 'to," sabi ni Dean kaya may pumuntang dalawang lalaki sa kinaroroonan namin. Bigla nalang akong sinuntok ng isa dahila
AIRISHKAAGAD kaming nag-impake nang makauwi kami sa bahay. Sinabi ko sa mga pulis ang nangyari sa 'kin at nalaman nila kung saan nagtatago si Dean at ang grupo nito.Alam ko, ako ang sisisihin no'n sa pagsusumbong sa mga pulis. Pero kailangan ko 'yong gawin para sa kaligtasan ko--sa kaligtasan namin ni lola.Nakiusap din ako na bantayan kami ni lola, sinagot na rin nila ang sasakyan pauwi sa probinsya.Ngayon ay maraming nakapalibot na pulis sa bahay at naghihintay ang sasakyan na gagamitin namin pauwi sa probinsya. Kaagad kaming sumakay ni lola kaya kaagad din kaming umalis.Sana mahuli na si Dean at makulong na siya ng matagal.NARRATORPAGSAPIT ng hapon, pinuntahan nila Dean kung saan naroroon si Airish."Anak ng p*ta! Bakit wala yung babae rito?!" sigaw niya habang nananalisik ang mga mata niya sa galit. Nakita niya rin ang lalaking nakahandusay at wala nang buhay.Sinilip niya ang bintana nang makita naman niya ang lubid. Nakita niya na sa labas na nakahandusay narin ang limang l
AIRISH NANG sumapit ang gabi, naglinis ako ng sarili bago ako nahiga. Nag-cellphone ako saglit sa kama. Bago matulog nailagay ko ang cellphone sa bulsa ng padyama ko. Mahirap nang mawalan, 'no?.Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog, bigla akong nagulat nang may narinig akong sunod-sunod na putok ng baril. Napakunot ang noo ko at palihim na sumilip sa bintana. Nakita ko ang tatlong sasakyan at may bumababa ritong mga nakaarmas.Alam ko sina Dean 'yon!.Nakaramdam kaagad ako ng takot at kaba kaya tumakbo ako palabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay siyang pagpatay ng ilaw sa buong bahay. Malaki ang bahay kaya natatakot ako lalo't wala akong kasama rito sa loob.Nagulat ako nang makarinig ako ng nakakalokong tawa. Umalingawngaw ito dahil sa laki ng bahay.Dahan-dahan akong pumasok sa isang silid at may nakita akong cabinet. Binuksan ko 'yon at do'n ako nagtago. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang paghinga ko.Naririnig ko parin ang mga putukan ng baril sa labas ng b