Share

Kabanata 11

AIRISH

Maya-maya'y nag-impake na kami ni lola nang bigla naman itong magsalita, "Hija, sasama ba tayo sa kanya?" tanong nito dahilan at kaagad akong napatingin sa kanya.

Palagay ko, hanggang ngayon ay wala pa ring tiwala si lola kay Eljoe dahil sa mga sumbong ko ritong pananakit niya sa 'kin noon.

Hinawakan ko si lola sa kamay bago sumagot.

"O-Opo, lola. At tsaka isa pa po, wala na tayong ibang pwedeng matakbuhan."

Napatingin nalang ito sa ibang direksyon. "Inaalala lang naman kita, apo," sabi niya at tumingin sa 'kin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Apo, matanda na 'ko. Mamamatay rin ako anumang araw at oras dahil manghihina rin ako. Pero ikaw, bata ka pa't walang asawa. Gusto kong maramdaman mo na totoo ang pagmamahal na binibigay sa'yo ng nasa paligid mo. Ayokong masaktan ka," sabi pa ni lola sa 'kin.

Napangiti lang ako sa kanya ng mapait. Si lola kahit kailan, ako parin ang iniisip.

"Nakahanda na ba kayo?" tanong ni Eljoe nang makapunta sa kinaroroonan namin. Napatingi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status