Share

Chapter 1: Him

An unknown number was calling me.

Noong una ay wala akong balak sagutin ito. Malay ko ba kung scammer ito na maniningil ng utang na hindi ko naman inutang, o 'di kaya naman ay death threats mula sa mga kaaway ko. Ngunit matapos ang ilang segundo, kusang gumalaw ang aking daliri upang sagutin ito.

“Sino 'to?” bungad ko sa kabilang linya.

“Zalaria, it's me.”

Napangiwi ako kasabay ng paglaylay ng aking balikat matapos marinig ang pamilyar na boses. Hindi ko na pala dapat ito sinagot.

“Why did you call?” diretsong tanong ko sa pakay ng aking magaling na ama. Hindi ko alam kung papaano niya nakuha ang numero ko dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman ito kailan man ibinigay sa kaniya.

“I want to offer you something,” he answered straightforwardly. Wala manlang kumusta o simpleng pagbati.

The side of my lip rose into a smirk. “Paano kung ayaw kong tanggapin?”

“Five million pesos.”

Napatanga ako.

Ano raw?

“I will give you five million pesos if you accept my offer.”

Five million pesos?

Napakunot ang noo ko bigla. Hindi ko kailangan ng ganoong kalaking pera mula sa kaniya ngunit napaisip ako kung bakit handa siyang maglabas ng ganoong kalaking pera.

“Still there?”

“Anong papagawa mo?”

“Will you accept it?”

Prente akong napasandal sa headboard ng aking kama. “Depende,” saad ko.

Nasa bakasyon ako ngayon mula sa aking trabaho and I am honestly getting bored. Halos hindi na ako lumabas ng bahay dahil wala naman akong importanteng gagawin maliban sa pamamalengke tuwing Sabado.

Baka ito na ang thrill na hiniling ko kagabi?

“Your sister is sick.”

Astean is sick?

“I want you to be a proxy of Astean in an upcoming masquerade party this weekend that she's supposed to attend to. Wala kang ibang gagawin kundi ang dumalo.”

Hindi ako nakaimik agad. Nasaan naman ang thrill sa bagay na 'to?

“You'll be accompanied by her fiancé, but he doesn't know about this deal or even about the illness of your sister.”

Astean is already engaged, huh?

I chuckled without any trace of humor. “I am sorry, pero, don't you think this is a stupid idea? Sa tingin niyo ba, tanga ang mapapangasawa ng anak niyo?”

Hindi ko man kilala ang lalaking 'yon, nasisiguro ko namang hindi siya tanga. Kahit sino naman ay hindi maloloko ng ganitong ideya, maliban nalang siguro sa bulag.

Pero, seryoso ba 'to?

“You'll be wearing a mask, Zalaria. Besides, your features are the closest to your sisterʼs, even your physique is almost the same to hers. Hindi ako makahanap ng iba na maaaring magpanggap maliban sa 'yo.”

Napairap ako sa kawalan. “Just don't insist on attending the party.”

“She must.” Ramdam ko ang diin sa kaniyang sagot. “It's the first time that she would meet her fiancé.”

“Just tell him she's sick.”

“He mustn't know.”

Kung ang nanay ko ay natatalo ko pagdating sa mga argumento, iba kapag ang tatay ko na ang kalaban ko. Hindi nakapagtataka na sa kaniya ko namana ang ugali kong 'to.

“We are hiding your sister's illness, Zalaria. Few people only knows about it. Her fiancé mustn't know about this because he might cancel the wedding. My plans for the company will be ruined.”

Kung may isang bagay man ako na maipagpasasalamat, ito ay ang pagiging anak sa labas ng tatay ko. I don't want to be a puppet of him just like what he's doing to my stepsister. Ginagamit niya lang ito upang makuha ang gusto niya.

“Deal.”

Hindi ako sigurado kung bakit ako pumayag sa planong 'yon. Maybe because I was bored? O baka dahil ito sa kagustuhan kong inisin ang aking tatay.

I don't know why but the idea of ruining the engagement came to my mind. Gusto kong inisin ang tatay ko at iligtas na rin ang kapatid ko kung sakali.

I know Astean as naive and weak. Nasisiguro kong pinilit lamang ito ng aming magaling na ama sa engagement na 'yon. I remember her telling me that she doesn't want to get married, all she wants to do is to be free forever and travel. That's it.

Hindi man kami malapit sa isa't isa, but I couldn't help but to pity the life that she has. She has everything that she needs, but not a single thing that she wants.

Matapos ang ilang araw simula ng aking pagpayag ay sunod-sunod na dumating ang mga bagay na kailangan ko para sa party. First, the invitation. Second, the set of fine jewelries. Lastly, the dress.

My father immediately sent me half of the five million after accepting his offer. Hindi ko tuloy maiwasang husgahan ang pag-iisip niya. Paano kaya kung hindi ko siya siputin? Nakakuha naman na ako ng pera.

But, no. I will attend the party. Not because I want to do my part on the deal between me and my father, but because I already planned something fun inside my head.

I wonder what it feels to ruin an arranged engagement. First time ko itong gagawin at hindi ko alam kung bakit hindi ako nag-aalala sa mga kahihinatnan nito, lalong-lalo na sa maaaring gawin ng tatay ko sa akin pagkatapos ng mga pinaplano kong gawin.

Ni hindi manlang ba niya naisip na maling-mali ang ginawa niyang pag-alok sa akin? It was like he told me the combination of codes in his vault of rare diamonds, and here I am, preparing to open it.

This should be the thrill I am looking for.

A thing about being an illegitimate child of Articus Severino is that I don't have the opportunity to experience the luxury and wealth he has, or at least the easiness of life that he's supposed to be giving me as his daughter.

I didn't experience to be pampered back when I was still a kid. Lumaki akong mulat ang mga mata sa sitwasyon ng buhay ko dahil hindi 'yon sinubukang itago sa akin ni Mama. Isa pa, nasaksikan ko kung paano kami itaboy ng magaling kong tatay nang malaman ng kasalukuyan niyang asawa ang tungkol sa amin.

We were dumped like old clothes he doesn't like to wear anymore.

“We are here now, Maʼam Astean.”

Seeing the luxurious place outside, napangiti na lamang ako nang mapait. I wonder how many dirty things people invited to this event did to have rare stones around them just to fit inside this place.

A butler that my father has assigned me opened the door for me. My father offered to give me bodyguards but I refused.

Wearing a fancy black stiletto shimmering in black stones and a maroon fitted gown emphazing my curves and exposing my back with a high slit on my left thigh, I stepped outside the limousine— setting the eyes of everyone on me as if I am a famous actress they didn't expect to see.

Sinigurado kong maayos ang pagkakatali ng maskarang tumatakip sa itaas na bahagi ng aking mukha. I was holding my purse tightly while walking. My father called me earlier, he informed me that he won't be able to come here with me because my sister was suddenly rushed to the emergency room.

Nasabihan naman niya ako tungkol sa mga taong nararapat kong ngitian at batiin, ngunit hindi ko makakailang nakalimutan ko na ang halos kalahati sa mga 'yon.

Hindi ako sigurado kung walang alam ang butler na pinasama niya sa akin kaya naman hindi ako makapagtanong dito. Ayaw ko namang magtaka siya kapag nagkataon. The only thing that my father told him was to take me to my sister's fiancé.

What's his name again?

“Your fiancé is now waiting for you, mi lady. Shall I lead you to him?” Deon said behind me. Dahil 'yon naman talaga ang ipinunta ko rito ay sinuklian ko siya ng isang tango.

Kahit na medyo marami na ang tao sa lugar ay hindi pa nagsisimula ang party. Halos lahat ng nadaraanan ko ay napapatingin sa akin. I had to control myself so that I wouldn't roll my eyes or look at them sharply.

I should act as Astean Severino. Kind, sweet, and pleasing to others. Kahit labag sa loob ko ay nginingitian ko ang mga ngumingiti sa akin because that is what my sister would do if she's the one who's here tonight.

Malawak ang lugar. There were circular tables around surrounded with chairs decorated in a fancy way. Eleganteng-elegante ang dating ng lugar maging ang mga tao sa paligid. May mga chandeliers din na nakasabit mula sa ceiling na halatang milyon ang presyo.

Deon guided me towards the elevator. Pinindot niya ang twentieth floor. Ilang hallways at pintuan pa ang dinaanan namin nang tumigil kami sa harap ng isang itim na pintuan. Room 507. The door is glossy that you could even see your reflection on it.

“He's inside, mi lady.”

Kumunot ang noo ko nang binuksan lamang ni Deon ang pinto para sa akin. Umakto siya na tila hinihintay niya akong pumasok.

“You won't come in with me?”

He looked down as he shook his head lightly. “My apologies, mi lady, but Señor Davion doesn't allow anyone to go inside aside from his fiancée.”

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng kaba. Papasok ako nang mag-isa? Ano naman kaya ang gagawin ko sa loob? Hindi naman yata namin ito napag-usapan ng magaling kong tatay, ah?!

I slowly took steps to go inside. It was quiet— tanging ang tunog lamang ng aking sapatos sa tuwing tumatama sa mamahaling marble na sahig ang maririnig. Deon carefully closed the door after I successfully got inside.

A set of leather sofa and a glass center table welcomed my sight. It was a bit dark, the only light illuminating the place was the chandelier hanging in the middle of the white expensive ceiling.

I took steps forward. Inilibot ko ang paningin ko at dumapo ito sa matipunong bulto ng lalaki na nakatayo at nakaharap sa glass wall. Nagsalin ito ng wine sa hawak nitong babasaging baso bago lumingon sa akin.

His eyes slowly scanned me, from my head down to my toes, then back to my face. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa naging paraan ng pagtitig niya sa akin. Malumanay ngunit may diin. Ang mga mata niya ay blangko ngunit matalim kung makatingin.

Hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala ang sarili kong huminga habang nakikipagtitigan sa kaniya. Gusto kong umatras nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin habang umiinom sa hawak niyang baso ngunit ayaw ko namang magmukhang natatakot.

He placed the bottle of wine and the empty glass he was holding above the center table before walking towards me. Kalmado ang kaniyang mga hakbang na nagpakaba sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.

Hindi ko man gustong aminin ngunit baka hindi ko kayanin ang presensya ng lalaking 'to. Sobrang lakas, yung tipong manghihina ka kahit wala naman siyang ginagawa na dapat mong ikapanghina.

Hindi ko napigilang makagat ang ibabang labi ko nang dahan-dahan niyang hawakan ang kaliwang kamay ko bago inilapit sa harap ng kaniyang labi upang marahang halikan.

Ilang beses akong napamura sa isip ko.

Ito dapat ang unang pagkikita ng kapatid ko at ng lalaking 'to, hindi ba? Bakit may paganito agad?!

He stood straight in front of me. “You made me wait for too long.”

Huh?

“P-Pero hindi pa naman nagsisimula ang party, ah?”

Matangkad siya, dahilan kung bakit kailangan ko pang tumingala upang makita ang mukha niya ng maayos.

“I said I want to meet you an hour before the party starts.”

Wala namang sinabi ang magaling kong tatay tungkol diyan.

Wala sa sariling napalingon ako sa orasang nakasabit sa pader. Napakagat nanaman ako sa labi ko nang makita na pati ang orasan ay tila gawa pa yata sa tunay na ginto.

“I am sorry...” I mumbled. Fifteen minutes na lamang at magsisimula na ang party.

Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko, only to see him staring darkly at my lips. Because of that, I unconsciously lowered my gaze to his sultry lips.

Saka lamang ako napaiwas ng tingin nang dahan-dahan siyang gumalaw. I held my breath nervously when he possessively enveloped his right arm on my waist, caging me beside him.

Ramdam ko ang init ng kaniyang kamay sa bewang ko na dahilan upang manghina ang mga binti ko. Ilang beses ulit akong napamura sa isip ko dahil doon.

Hindi ko na tuloy alam kung makakalakad pa ako nang maayos ngayon.

Ano ba 'tong pinasok ko?!

My goal is to ruin the engagement, not to be lured by this man!

“Let's finish our commitments for tonight. I want to know you deeply after.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status