Share

Chapter 2: Drunk

Indistinct whispers can be heard the moment we stepped our foot inside the hall. The party has officially started. Imbes na nasa harap at sa nagsasalita nakatuon ang atensyon ng mga tao, sa direksyon naman namin sila nakatingin.

This time, sigurado akong hindi ako ang nakaagaw ng kanilang pansin kundi ang lalaki na kasalukuyang nakapulupot ang braso sa bewang ko. The way he enveloped his arm around me was territorial like he already claimed me as his.

Wala na rin sa tabi ko ang butler na kasama ko kanina. This man talked to him before we headed here.

Ilang beses kaming huminto sandali sa tuwing may mga taong babati sa kaniya and those people didn't fail to throw me a curious glance, indirectly asking my sister's fiancé the question 'who is she?'. Kahit labag sa loob ko ay nginingitian ko ang halos lahat sa kanila para naman wala silang masabi.

Kaya lang, ni isang beses ay hindi manlang nagsalita ang lalaking 'to tungkol sa kung sino ako at bakit niya ako kasama. He would just nudge the curious look on their faces before proceeding to walk.

Dahil doon ay nainis ako. Hindi ba niya gustong makilala ang kapatid ko ng iba bilang fiancé niya? Bakit hindi manlang niya ako ipakilala?

Wala sa sariling napahawak ako sa daliri ko kung saan nakasuot ang singsing na ipinasuot sa akin ng tatay ko. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang engagement ring na ipinadala ng lalaking 'to sa kapatid ko.

Sa totoo lang, kating-kati na akong hubarin ang singsing sapagkat hindi naman ako sanay magsuot ng ganito.

“Saan mo ba ako dadalhin?” May bahid na inis ang boses ko nang itanong ko 'yon, dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad at gano'n din ako.

“You'll be staying with me tonight.”

Napataas ako ng kilay sa narinig. “Did I tell you that?”

Despite of the mask, kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya sa tanong ko. “You agreed when I talked to you last week, Astean.”

So they already talked?

“I am changing my mind. Uuwi ako nang maaga.”

Ang usapan, aattend lang ako. Hindi ko kailangang magpalipas ng gabi kasama siya. I also thought that by refusing and annoying him, matu-turn off siya at aayawan na niya ang kapatid ko.

Pero nakailang reklamo na yata ako sa kaniya habang naglalakad kami ay hindi pa rin nagbabago ang reaksyon niya sa mga sinasabi ko.

“Hmm? Are you hungry?” kalmadong tanong nito sa akin matapos mapaalis ang kumakausap sa kaniya.

Everytime someone approaches him, he would show no interest to talk. Kaya naman hindi nagtatagal ng minuto ang usapan. At sa tuwing iniinis ko naman siya, nananatili siyang kalmado.

“No, and you're boring.” The words escaped my mouth unconsciously. “This is boring.”

Nakita ko kung paano bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya. He stopped walking, kaya napatigil din ako. Tumingin nang malalim sa akin ang kaniyang mga mata na sinabayan ko naman.

He leaned closer to me until his body almost touched mine. Sobrang lapit niya na dahilan upang maramdaman ko ang init ng katawan niya. He then leaned down until his lips were closer enough to my left ear to whisper.

“Wanna ditch the party? I know a place here.”

Ang buong lugar ay lalong umingay nang may magsalita sa harap. Indistinct chatters could be heard anywhere and it annoyed me very much, plus the laughter that my ears could not take.

Idagdag ko pa ang mga matang hindi tumigil sa katitingin sa direksyon namin na para bang kami ang nasa entablado at nagsasalita.

“Your father wouldn't know.”

Hindi ko na pinatagal pa ang pag-iisip ko. Tumango ako sa kaniya bilang sagot.

Ngumisi siya bago ipinulupot ang kanang braso sa bewang ko. “I'll take you home before midnight.”

He took me inside an exclusive mini bar inside the same place. Ilang hallway pa ang tinahak namin matapos sumakay muli ng elevator bago kami nakarating dito. Iilan lang ang taong makikita sa loob maliban sa bartender. Gaya naming dalawa, mukhang galing din sila sa party dahil sa mga suot nila.

The music wasn't that loud and the lights were on chill. I couldn't call the place boring because it was way peaceful than where we are earlier.

However, may isang problema. Hindi ako sanay uminom.

Lumapit agad kami sa counter at umupo. He immediately ordered drinks for us and I let him dahil wala naman akong alam sa mga alak.

We started drinking together. I honestly don't drink, but the drinks here tasted so good. Parang juice lang ang iniinom ko dahilan upang 'di ko namalayan na napaparami na pala ang inom ko. I looked beside me and saw him looking intently at me.

“Won't you take your mask off?” His voice was husky. Tila nalulunod na rin ang sistema niya sa alak dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Napalunok ako dahil sa 'di malamang dahilan bago umiling sa kaniya. Hindi pa rin naman niya tinatanggal ang sa kaniya.

I asked for another glass before glancing at him again. He was still staring at me. Doon ko napansin ang kulay ng mata niya dahil sa ilaw na tumatama rito. Hindi ko ito napansin kanina noong nasa kuwarto pa kami dahil sa dilim, ngunit ngayon ay napagmamasdan ko na ang pares ng kulay abo niyang mga mata.

“Why did you agree on this engagement? Are you aware that the benefits are all on my side?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong 'yon.

Nanliit ang aking mga mata nang tumawa lang ito ng bahagya. “Hindi ka ba takot magamit?”

“I am aware about your father's intention.”

Umirap ako. “Naman pala, why did you agree then? Magulo na nga ang buhay ko, mas lalo pang gugulo.”

“I have my own intention too.”

Napataas ang kilay ko.

“I want a wife,” maikling saad niya.

“I don't want a husband. Ang tatay ko lang ba ang nag-alok sa 'yo ng ganito?”

Umiling siya bago muling uminom sa kaniyang baso. “There is a lot, actually.”

Oh? Naman pala?

“But my secretary chose you.”

Napamura ako bigla na dahilan upang pagtaasan niya ako ng kilay. “Watch your words, lady.”

Napaismid ako. “May oras ka pa para itigil 'to. Marriage is a serious matter, tapos secretary mo lang pala ang pumili ng mapapangasawa mo?”

Kawawa naman pala ang kapatid ko rito. Gamit na gamit.

“Hmm? How did your mind change? The last time we talked, you even agreed with your father to move the wedding two months from now.”

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Astean agreed to move the wedding two months from now?! Mali bang naisip ko na hindi niya gusto ang bagay na 'to?

Napakunot ang noo ko. “May sakit ka ba?” Kailangan na ba niya ng magmamana sa kayamanan niya?

“I already told you, I want a wife. I want to have my own children while I am still young. I want to watch and help them grow while I am still able to.”

Isn't he in love?

Napaisip ako kung wala manlang ba siyang natitipuhan na iba at sa ganitong paraan niya piniling matali. Imposible rin naman na walang nagkakagusto sa lalaking 'to. Sa hitsura niyang 'yan? Sigurado akong madami ang humahabol sa kaniya.

He took more shots. Nakakaadik ang lasa ng iniinom ko kaya naman humirit pa ako ng ilang baso. After multiple shots, tumigil lang ako nang makaramdam ako ng pagkahilo.

Pinili ko na lamang tumingin sa katabi ko na tila lasing na dahil sa hitsura niya.

“Hey...”

He closed his eyes before looking up while removing his mask. Dahil nga nakatagilid siya mula sa akin, kitang-kita ko kung gaano kaperpekto ang hugis ng mukha niya. The god that sculpted his face did it flawlessly.

Nakita ko na ang mukha nito kanina, pero iba pa rin pala kapag malapitan. Napamura ako sa isip ko dahil sa hitsura niya.

Ang pogi.

“Are you drunk?” tanong ko rito. Mapupungay ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. “I think so,” he answered with his husky voice. “I don't really drink.”

“Then why did we go here?!”

“I remember you told me you like to drink.”

Napahinga ako nang malalim. Right, my sister loves to drink.

He stood up, making me stand up too. Kahit lasing siya ay nagawa niya pa ring tumayo nang maayos. He then took a step closer to me, making me step back.

“Hmm? Are you uncomfortable with me?”

Agad akong umiling bilang sagot. “Y-You're drunk. Mamaya matumba ka... hindi kita kaya.”

He chuckled. “Ayaw mo ba akong saluhin?”

Napakagat ako sa ibabang labi nang marinig ko siyang magsalita ng tagalog. I don't know but with his deep and husky voice, I found it hot.

“Hindi kita kaya.”

He gave me a gentle smile. “I won't fall. I'm sorry I got drunk. I don't think I can take you home in this state.”

Tumango ako bilang pagsang-ayon. “It's fine. Magpapahatid nalang ako—”

He suddenly grabbed my arm and pulled me closer to him, dahilan upang halos tumama na ang mukha ko sa matipuno niyang dibdib.

“Stay with me for tonight, Astean.”

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakasalita agad dahil doon. I started feeling his warm breath tingling the skin of my neck.

“I want you to stay.”

He started placing soft kisses on my neck, making me curse inside my head multiple times. Nanghihina kong tinulak ang dibdib niya upang malayo siya sa akin. I took a deep breath before talking. “I'll take you to your room. Lasing ka na.”

“Hmm.”

Hindi ako nahirapan sa pagpunta namin sa elevator dahil hindi naman siya naging pabigat. Ni hindi ko nga siya hinawakan habang naglalakad kami dahil hindi naman siya nahihirapang maglakad. Mabuti na lamang at matino siya malasing, kung hindi ay pareho kaming babagsak. He was just following me silently habang ako naman ay nahihilo na rin. Nararamdaman ko na ang epekto ng mga ininom ko kanina.

He was silent inside the elevator. Kaming dalawa lang ang nasa loob at ultimo pahinga ng isa't isa ay naririnig namin. I started feeling the tension rising between us nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

“I have been wanting to say this since earlier...” Agad akong nanghina nang yakapin niya ako mula sa likod. “You look gorgeous.”

His warm breath was touching my neck, at hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilan nang sinimulan niyang halikan ang batok ko.

Napapikit ako dahil sa ginagawa niya. I should've stopped him right now... but I like it. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng alak o ano, pero gusto ko ang ginagawa niya sa akin. His lips went up to bit my earlobe na nagpasinghap sa akin.

“Your dress... I want to rip it.”

What the fuck?

“Stay with me for tonight, hmm?”

Halos pasalamatan ko lahat ng mga santo nang tumunog ang elevator at bumukas, dahilan upang matigil siya sa ginagawa niya.

“Let's go,” namamaos kong saad.

Habang naglalakad kami patungo sa unit niya ay biglang nag-vibrate ang cellphone na nasa loob ng purse ko. Agad ko itong inilabas at napamura ako sa isip ko nang makitang hindi ito ang ordinaryo kong cellphone.

Sinamantala ko ang pagkakataon na nauunang maglakad sa akin ang lalaki. I answered the call from the unknown number. Bilang isa sa mga rules, hindi ako agad nagsalita. Hinintay ko munang mauna ang nasa kabilang linya.

“What the fuck are you doing in that hotel, Alari?”

Boses pa lang, kilala ko na kung sino ito.

“What's up?”

Hindi ko alam kung bakit 'yon ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Alam kong hindi dapat 'yon ang isinagot ko dahil hindi basta-bastang tao ang kumausap sa akin.

He is fucking higher than me as an assassin.

Pero okay lang, close pala kami.

“Fucking listen and understand what I will say, Alari.”

Napalunok ako dahil sa seryoso at nagbabanta niyang boses.

“There's a set up happening right behind you. Room 500. They got three of our assassins. Remember the mission we had two months ago? The group you killed? Nalaman nila na ang grupo natin ang gumawa niyon. Hindi ko alam kung anong ginagawa niyo sa hotel na 'yan at nandiyan kayo ngayon but I need you to fucking hide, Alari. Namataan ka na ng mga miyembro nila kanina pa.”

Lumingon ako sa kuwartong nasa likod ko. Tama siya, it's room 500. He's probably watching me now through the CCTVs.

“H-How about them?”

“Our team's now on the way to save them. May palabas mula sa elevator na kagrupo nila. You can't be seen. Kilalang-kilala ka na nila. Fucking hide now, Alari. Palabas na—”

Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay agad kong hinarap ang lalaking kabubukas lang ng pinto ng unit niya. Saktong pagharap ko ay ang pagbukas ng pinto sa likod ko at ang paglabas ng grupo ng mga lalaki mula sa elevator.

I am here as my stepsister, hindi nila puwedeng malaman na ako ito. So to save my character from their suspicions, I tiptoed and kissed the man in front of me.

Ramdam ko ang pagkagulat nito ngunit wala na siyang nagawa nang itulak ko pabukas ang pinto upang makapasok kaming dalawa nang hindi pa rin pinuputol ang aming halikan.

I was about to pull away already when I successfully closed the door, but he didn't let me. Instead, he deepened the kiss.

His right hand enveloped my waist while his other hand grabbed a handful of my hair to control the angle of my head so he could kiss me better and deeper.

Habol-habol ko ang hininga ko nang putulin niya ang halikan namin. Akala ko tapos na, pero tinanggal niya lang ang mask na muli niyang isinuot kanina. Akmang hahalikan niya nanaman ako nang iniwas ko ang mukha ko, dahilan upang tumama ang basang labi niya sa pisngi ko.

“Let me breath...”

He chuckled sexily. “Wanna spend the night with me? Hmm?”

Naramdaman ko ang paggalaw ng mga daliri niya upang tanggalin ang pagkakatali ng masakara ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang magpaubaya sa sandaling 'yon.

Hindi pa ako puwedeng lumabas.

I had no other choice. I quickly turned off the lights by pressing the switch I found near me before he could even untie my mask.

I felt him smirk against the skin of my cheek. “You chose this. Hindi ka makakalabas dito nang hindi ko naaangkin.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status