Hello po. Susubukan ko laging mag-update daily kahit na medyo busy. May mga iba rin po akong story na pwede ninyong basahin. Completed na po ang mga iyon. The Twin Mistake with Mr. CEO at Primo's Bride. Maraming salamat po sa pagbabasa.
"Is it true? Is it real? As in?" Iyan agad ang bungad sa akin ni Kelsy. Basta na lang ito pumasok sa kwarto ko ng walang kaabog-abog.I rolled my eyes because of her asking me as if I did something she can't believe."What?" tamad na tanong ko habang nakasandal sa hamba ng pinto ng bathroom ko.Kalalabas ko lang ng bathroom at kasalukuyan kong tinutuyo ng maliit na tuwalya ang buhok. Matapos namin mag-usap ni Sir Alejandro, yes sir. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na tawagin siya ng ganoon dahil magiging amo ko na siya. Ihinatid ako ni Ferdinand sa condo ni Kelvin. Kinuha ko lang ang bag na dala ko ng lumuwas ako ng Maynila at umuwi na agad ng San Isidro. Tenext ko na lang si Kelvin para magpaalam, sanay naman na ito na para akong kabute na susulpot bigla at biglang uuwi kaya hindi ko na siya hinintay pa.Nang makarating ako ng bahay ay ang unang bungad ni mama ay kumusta ang lakad ko. That's why I told her that I got a job and I need to move out in two days. Nagtungo agad ako
Linggo ng hapon ay nagdesisyon na akong lumuwas ng Maynila para bukas ng umaga ay sa condo na lang ako ni Kelvin susunduin ni Ferdinand gaya ng napag-usapan. Magco-commute na lang sana ako pero tinawagan ni mama si Kelvin para sunduin ako at dahil Linggo at wala itong pasok ay mabilis naman itong sumunod."Mag-iingat ka doon. Huwag magpapalipas ng gutom. Saka lakasan mo alarm mo nang magising ka kaagad, tulog mantika ka pa naman. Baka palagi kang late sa trabaho kapag nagkataon. Habaan mo ang pasensya mo sa trabaho, tandaan mo mahirap magtrabaho na may hindi ka kasundo," sunod-sunod na paalala ni mama habang hawak ang dalawa kong kamay."Ma, she's old enough," ani ni Kelvin habang nagsasakay ng mga gamit ko. "Alam ko, pero this is her first time na magtrabaho at malayo sa amin ng matagal. Saka alam mo naman edad lang tumatanda dito sa ate mo," sagot ni mama na ikina-ismid ko. Akala ko pa naman concern siya sa akin kaya puro siya paalala. Iyon pala batang paslit pa ang tingin sa akin
"Ano bang kailangan n'yo sa akin?" tanong ko sa kanila nang magsimula nang umandar ang kotse. Pero tila walang balak sumagot sa akin dahil parehong tikm ang bibig ng mag-ama. Ano ito basta na lang nila ako isasama kung saan nila gusto? Hindi maari." Sir, care to explain?" baling ko kay Alejandro na abala sa pagmamaneho."This kid wants to see you. I just drive her because she keeps on bugging me," sagot nito pero nasa pagmamaneho pa rin ang atensyon.Inirapan ko siya mula sa rearview mirror, wala akong pakialam kahit makita pa niya ang ginawa ko. Hindi naman ako aware na sunod-sunuran siya sa anak niya."Anong kailangan mo sa akin? Masyado ka bang excited na makita ako?" nakangising tanong ko kay Antalia na abala sa paglalaro sa tablet na hawak nito."Don't flatter yourself too much. I was just bored so I used you as an excuse to go out," sagot nito pero sa nilalaro pa rin nakatutok ang mata."Sinungaling ka. Sabihin mo na lang kasi na gusto mo akong makita. Mula ng magkita tayo daig
Matapos kung mabayaran lahat ay lumapit sa akin ang mag-ama.Ibinalik ko kay Alejandro ang card niya ang at resibo ng mga pinamili nila. Kumunot ang noo nito nang tingnan ang resibo. “I gave you my card to pay for everything, including your groceries,” saad nito habang nakatingin sa cart na may lamang mga nakapaper bag na mga pinamili namin. “I have my own money. I bought grocery for my brother and you are not my sugardaddy to pay for it,” sagot ko. “Do you want me?” Namula ang mukha ko ng marealize kung ano ang ibig sabihin nito pero agad kong hinimig ang sarili ko. Mauubusan ako ng dugo kapag ito ang kausap ko. “No thanks, you are not my type,” maarteng saad ko bago nagsimulang itulak ang cart para iwasan ito. Akala ko ba masungit ito base na rin sa mga larawang nakikita ko sa internet. Bakit ngayon parang sobramg layo nito mula sa mga nababasa kong article sa kanya. May dual personality ba ito? Mabilis namang kinuha na naman ni Alejandro ang push cart na tulak ko at siya na
Monday hindi pa sumisikat ang araw pero gising na ako. ALas cinco y medya pa lang. Maaga akong gumising. Hindi dahil excited ako kundi dahil balak kong mag-almusal muna bago umalis. Mabuti na lang at nag-grocery ako kahapon kaya may mga pwede akong lutuin ngayon. Si Kelvin kasi hindi naman talaga sa hindi siya maalam magluto, tamad lang siya mag-grocery. Mabilis akong bumangon at naghilamos bago nagtungo sa kusina. Napangiti ako nang buksan ko ang ref. Hindi na puro tubig lang ang nakikita ko. Kumuha ako ng tatlong dalawang itlog at tocino. Nagsaig na rin ako bago nagsimulang mag-prito. Gumawa rin ako ng soup para naman hindi puro prito lang ang ulam sa agahan. After thirty minutes ay tapos na ako, naihanda ko na rin ang mesa, nakapagtimpla na rin ako ng dalawang kape para sa amin ng magaling kong kapatid. Nagtungo ako sa sala para gisingin si Kelvin dahil nga nandito ako sa sofa bed ulit siya natulog pero wala na ito roon kaya nagtungo ako sa kwarto. Maaring nasa bathroom na ito
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas ako ng kwarto. Masyado pang maaga pero abala na ang lahat sa kani-kanilang gawain. Dahil bago lang ako hindi ko alam ang gagawin ko. Siguro mas tamang makipagkaibigan muna ako sa mga tao dito. Bumaba ako first floor dahil nga second floor pa ang kwarto ko. Ibig sabihin araw-araw akong aakyat baba sa mataas na hagdanang nandito. Muli ako napatingala sa chandelier na talaga namang agaw pansin palagi. Tunay kaya ang mga parang diyamanteng nakalawit dito? Napangiti ako ng makita ko ang isang babaeng papalapit sa may pwesto ko. Kailangan kong maging friendly para makusundo ko silang lahat. Kahit na hindi naman ako friendly dati. "Hi, I am Katarina," nakangiting bungad ko dito. May dala itong isang malaking laundry basket na wala namang laman. "Alam ko. Narinig ko kanina, hindi naman ako bingi," sagot nito bago ako nilampasan. Wala na akong nagawa kundi sundan ito ng tingin. Ano naman ang problema noon? Bakit parang galit agad sa akin wal
Gusto kong tumulong kay Manang Rita pero mukhang walang balak ang matanda na utusan ako. Hindi naman ako makagalaw dahil hindi ko naman alam kung ano ang pwede kong gawin na papayagan niya ako. "Pinapatawag ka ni Sir," ani ni Joana na kapapasok lang ng kusina. Matapang pa rin ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Ano naman kaya ang problema ng isang ito. Tila may galit na agad sa akin wala pa naman akong ginagawa sa kan'ya. "Bakit raw kaya?" tanong ko. Nandito na kasi kanina si Alejandro, wala naman itong nabanggit. "Pumunta ka na lang sa office niya. Ang dami mo pang tanong," yamot na sagot nito. "Joana," singit ni Manang Rita habang may pagbabanta ang tinging ibinibigay sa huli. "Kadarating pa lang ni Katarina ngayong araw. Maging mabait ka sa kanya." Hindi naman umimik si Joana pero nakita ko itong umismid muna sa akin bago lumabas ng kusina kaya lihim akong napairap. Kung ano man ang problema niya sa akin wala akong alam at dahil wala naman akong ginagawang masama kaya w
"KATARINA!" malakas na sigaw ang narinig ko mula sa ibaba. Mabilis akong nagtungo sa may hagdan. Nakita ko si Antalia mula sa baba na malaki ang ngiti habang hawak ang bag nitong de-gulong. Kumaway ito sa akin.Bumaba ako ng hagdan para salubungin ito. Kinuha naman ni Fernan ang bag nito para i-akyat sa itaas. Hindi na kasi bumalik kanina si Fernan kaya hindi ako nakasama para sunduin siya. Kaya ang nangyari maghapon lang ako dito sa bahay na walang ginagawa. Kulang na nga lang maghanap ako ng mga langgam at magbilang s a pagkabagot ko."I thought you did not come. You did not come with Kuya Fernan when he fetched me on school," nakasimangot na saad nito ng makalapit ako sa kanya."I was about to, but I know you like me too much," saad ko habang nakangisi dito.Mataray na umirap naman ito sa akin bago pinag-cross ang mga braso. Umariba na naman ang katarayan nito."Don't be silly. I just need a slave that's why I asked my dad to hire you."Ginulo ko ang buhok niya dahilan para tingn