Share

Desiring His Ruthless Ways
Desiring His Ruthless Ways
Author: sshhhhin

Prologue

Scarlet's POV

"Scarlet, ito ang listahan ng mga umorder sa may third floor. Serve them now," utos ni Mr. Del Fuego, ang Manager namin ng mga kaibigan ko rito sa Club.

"Alright, sir! I'll go ahead," ngumiti ako, nagpapa-cute sa kanya at kinindatan pa. Nakita ko ang pag-ngisi at pag-iling niya kaya natawa ako. Baklang 'to!

Mabilis at maingat ang galaw ko upang makarating agad sa paroroonan. Hinanap ko ang table ng mga pagbibigyan at nilapitan sila.

"Welcome, Mr. Zamora. Here's your special order!" I greeted the first old man on the list while putting his drink, with ecstasy, on their table.

Uminom muna ang matanda at ngumisi bago humugot ng pera sa wallet. "One more order for tomorrow," aniya bago ibinigay sa akin ang tseke bilang bayad na nakasobre na. Pasimple ko iyong itinago sa loob pula at sexy na dress ko bago inilista ang order niya para bukas.

"Sure, sir! Thank you!" I blew a kiss for him before I left their table.

Ginawa ko ang trabaho at inayos muna ang sarili para hindi halata ang mga itinago ko sa ilalim ng suot ko. Mahirap na kung may makahuli sa amin.

"Hi, Mr. Amadeo! Here's your special order!" I greeted my last customer for tonight before I gave him his drink with cocaine.

"Oh thank you, milady!" He held my hand and kisses the back of it before he handed me the paymemt. "'Til next time, sweetheart." He even caressed the cheek of my butt as I turn my back on him.

I only rolled my eyes in irritation and smirks while holding the empty tray. Sa wakas, tapos na ang trabaho ko! Makakapag-party na rin ako sa ibaba!

"Mga pulis kami! Walang kikilos!"

Naalarma ako nang marinig ang katagang iyon. Kaagad akong tumakbo palabas sa backstage kung nasaan ang mga dancer at bumaba.

"Scarlet, akin na ang mga bayad nila!" nagmamadaling utos ng manager namin nang makasalubong ko ito. Ibinaba ko ang hawak na tray sa pinakamalapit na table at mabilis na kinuha ang mga sobre sa loob ng dress mo bago iyon ibinigay iyon sa kanya.

"Tumakas na tayo!" usal niya nang maipasok ang pera sa suot na jacket at hinila ako.

Tumakbo ako kasunod niya pero napahinto ako at napahiwalay sa hawak niya nang mapatid ako. "Ang bobo, Scarlet! Tayo, bilis!" bulyaw niya sa akin pero hindi pa ako nakakatayo ay mabilis niya siyang tumakbo dahil pumasok na ang mga pulis sa palapag kung nasaan kami.

Malakas ang kabog ng dibdib ko nang makita sila at nag-ambang tumakbo pero may kamay na pumigil sa braso ko.

"Where are you going?"

My mouth went dry as I heard a familiar deep and husky voice. Dahil sa kuryosidad, hinarap ko ito at gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang pamilyar na mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko nang manliit ang mga mata niya at bigla akong hinila palapit sa kanya.

"K-kyrous, ano ba?!" kahit gulantang pa rin, nagawa kong mag-reklamo dahil sa higpit ng hawak niya sa palapulsuan ko.

"Tatakas ka?" Ngumisi ito.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang bumalik sa sarili. Kailangan ko na ngang tumakas!

Binawi ko ang sarili mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya ako binitawan. Bagkus ay diniinan pa iyon.

"Bitawan mo nga ako!" tumaas ang boses ko at nagkasalubong ang mga kilay dahil sa iritasyon. Nasaksaktan na ako!

"Mr. Lorcan, do you know that girl?"

Napalunok ako nang may lumapit na dalawang 'di umipormadong pulis sa amin ni Kyrous. Ramdam ko naman ang pagluwag ng hawak niya.

"Nakita namin siya kanina, sir! Isa 'ata siya sa mga nagbebenta ng droga rito," dagdag pa ng isa.

My eyes widened as Kyrous inserted his free hand inside my top and wandered his hand.

"Manyak!" tili ko at hinampas ang kamay niyang ngayon ay nakahawak sa tuktok ng dibdib ko.

"Oh sorry, I thought it's a drugs," pang-aasar niya sa akin.

Tinignan ko ang dalawang pulis na nasa harap ko habang namumuo ang luha sa mga mata. "Sir, wala po akong ginagawang masam—" naputol ang pagtatanggol ko sa sarili nang maramdaman ang kamay ni Kyrous sa pang-upo ko.

"She's one of them. You can now arrest her," Kyrous annouced then he raised his hand while holding a small package of drugs.

Nanlaki ang mga mata ko at umiling. "Hindi po ako sa akin 'yan! Bitawan n'yo ako!" pagmamakaawa ko nang posasan ako ng isang pulis.

"May pruweba na kami, miss. Dadalhin ka na namin sa Presinto," sagot nito at isinama nila ako palabas ng Club.

Nag-init ang gilid ng mga mata ko nang mai-pasok ako sa selda matapos akong kuhanan ng litrato. "Pakawalan niyo ako! Wala po akong kasalanan!" pagmamakaawa ko at napatingin kay Kyrous nang pumasok ito habang nakapamulsa.

The side of his lips rose a bit as his eyes drifted on me. "Kyrous," I whispered his name. "Please..."

"Umamin ka na, Ms. Agape. Ituro mo na rin ang mga kasamahan mo para gumaan ang kaso mo," pangungumbinsi ng pulis na nagpasok sa akin rito.

"Wala nga akong alam sa pinagsasabi niyo!" pagmamatigas ko. "Please po, maniwala kayo sa akin. Hindi sa akin 'yung nakuha ni Kyrous," dagdag ko.

"Kung hindi sa 'yo, kanino?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ko alam!"

Napa-iling at napangisi na lang sa akin ang pulis na si Reynaldo. "Sayang ka," mahinang sabi niya sa akin bago siya tumalikod at naglakad palabas.

Napanguso ako at nanghihinang napasandal sa pader na nasa gilid ko dahil sa pagkadismaya. Isinandal ko ang ulo ko sa ibabaw ng naka-angat kong tuhod at pumikit.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano na ang pangrap ko? May tutulong ba sa akin para makalaya ako rito? Natatakot ako. Ayaw ko rito!

"Miss, baka gusto mong uminom muna."

Pagod kong tinignan si Reynaldo at napalunok nang makitang basa ang palibot ng bote ng tubig na inalok niya. Malamig iyon kaya agad napawi ang uhaw ko nang inumin. "Salamat po," paggalang ko dahil tiyak kong mas matanda siya kesa sa akin.

Ngumiti siya at hindi inalis ang malagkit na titig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Bigla ay gusto kong ibuhos sa kanya ang tubig na ibinigay niya. Umirap ako at kasabay no'n ay ang pagpasok ng pamilyar na lalake. Umayos ako ng upo dahil sa presensya niya.

"I would like to help her. How much does it take to free her?"

Napatitig ako kay Kyrous dahil sa sinabi niya. Tutulungan niya ako? Bigla akong nakaramdam ng pag-asa sa puso dahil d'on. Napahawak ako sa rehas at hinintay ang sagot ng pulis.

"Pag-usapan natin sa labas, Mr. Lorcan."

Tumayo ako at inayos ang suot habang naghihintay sa ng resulta. Komp'yansa ako na mapapalaya ako dahil si Kyrous 'yon, e! Alam ko kung gaano siya kamakapangyarihan.

"Makakalaya ka na, Ms. Agape!"

"As expected!" nakangiting bulong ko at lumabas kasama ng pulis. Naabutan ko si Kyrous na nakaupo sa swivel chair na nasa harap ng Chief Officer.

"Pumirma ka muna, Ms. Agape. Ipangako mo rin na hindi ka na babalik sa Club na iyon at magsumbong kung mayroon ka talagang nalalaman," wika ni Chief at inilapit sa akin ang isang papel na may nakasulat.

Binasa ko ng mabuti ang nakasulat roon at nang makitang makakalaya na ako ay pumirma agad ako at nag-thumb print.

"Promise, sir!" sagot ko at ibinaba ang dress nang tumayo na.

"Makakauwi ka na," wika pa nito dahilan para tumayo si Kyrous.

"Thank you, Cheif!"

Kyrous looked at me and his eyes darkened as. "You'll come with me," he said before he dragged me out of the Police Station.

"Ano? Bitawan mo ako! Ayaw kong sumama sa 'yo!" malakas na tutol ko nang pilit niya akong ipinapasok sa itim na kotse.

"Binayaran kita, Scarlet. Dumarami na ang utang mo akin kaya kailangan mo nang magbayad," mariing sagot niya.

Naramdaman ko ang biglaang pagkahilo kaya napapikit ako ng mariin at hindi na nakaangal. Ramdam ko ang titig sa akin ni Kyrous pero hindi ko na iyon nagawang tugunan dahil bumigat ang talukap ko at bigla akong nanghina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status