Share

Special Chapter (SPG)

WARNING: SPG

"Mommy, let's go na po! Madami na pong fireworks sa labas!"

"Okay, baby!" Nagpatangay ako sa hila ng anak.

Alas onse pa lang pero ang ingay na. May malakas na tugtog mula sa speaker at videoke, torotot at samut-saring paputok. Naroon na si Kyrous na mabilis ngumiti nang makita ako.

"I'm excited for new year!" sigaw niya at nagtorotot kasabay ni Ace. Para siyang bata. E, malapit naman nang mag-kwarenta ang edad.

"Happy new year, ate!" bati ko sa kapatid at niyakap ito. Sunod ay ang asawa niya. "Happy new year, Androus!"

"Happy new year, Scarlet!" nakangiting bati nila sa akin.

Sunod ay yumuko ako kay Erin. Ang hinhin ng itsura niya. Para siyang anghel! "Happy new year, Erin!" Hinalikan ko ang pisngi niya. Napahagikgik naman siya at binati ako.

"Ma, happy new year po! Regalo ko pala," bati ko sa ina at ibinigay sa kanya ang pulang sobra.

"Salamat, anak! Nag-abala ka pa," aniya at unti-unting binuksan iyon. Nanlaki ang mga mata niya at inayos pa ang suot na may grado
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status