Share

Chapter 4.2

Tinakbo ko ang kwarto nila ate at natigilan ako nang makita si Kyrous na nag-aayos ng higaan nila. Wala itong suot pang-itaas kaya kitang-kita ko ang matipunong likod at matitigas na braso niya.

Nang lumingon si Kyrous sa akin ay ngumiti ako. "Kuya, pwedeng pahiram 'yong phone ni ate?"

"Sure!" He took my sister's phone beside their bed and handed it to me.

"Thank you!"

Sinadya kong hawakan ang kamay niya nang abutin iyon sa akin kaya malawak ang ngiti ko nang bumaba. "Ate, ipaalam mo naman ako kay mama mamaya," pangungumbinsi ko sa kapatid nang balikan ko siya sa kusina.

"Para ba sa pag-film niyo?" tanong nito.

Tumango ako at sinimulang i-log in ang account sa Face Book app ni ate. "Oo."

"Wala si mama mamaya kaya papuntahin mo na lang ang mga kaibigan mo rito."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Talaga? 'Wag mo na lang pala akong isumbong!"

"Hindi p'wede, Scarlet. Tigilan mo 'yan! 'Di ba, magpapakabait ka na?"

Napanguso ako at napayuko. "Sige na, 'te. Pangit ang background di
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status