Share

Chapter 5

Kinaumagahan ay tinawag si Annie ng kasambahay para kumain kaya sumunod ito sa dining room at naupo sa may dulo ng mesa. Si Chase naman ay nasa kabisera. Nakita ni Annie ang masasarap na pagkain sa harap ng mesa na agad niyang ikinagutom kaya nagsimula na siyang maglagay ng pagkain sa kaniyang plato.

"Oo nga pala, I'll be leaving manila later this afternoon and you're coming with me," saad ni Chase habang kumakain.

"Saan ka pupunta? at saka... bakit kasama ako?" tanong naman ni Annie.

"I'm going to batangas and I'll stay there for a week. You're coming with me because Dr. Soriano will also be in batangas, posibleng doon niya gawin ang IVF," paliwanag ni Chase.

Tumango tango naman si Annie bilang tugon niya.

"Oo nga pala, diba simula na yung groceries sa mga magulang ko?" tanong ni Annie nang maalala niya ang kaniyang ina.

"Yes, pinadalahan ko na sila ng groceries kay Alvin and may kasamang cash worth 10,000. I also told Alvin na once magtanong ang nanay mo sabihin na nasa 30,000 ang sweldo mo at confidential ang trabaho mo," sagot ni Chase.

Ngumiti naman si Annie sa kaniya saka masayang kumain.

---

Kinabukasan, maagang pinagising ni Chase si Annie upang maghanda ng mga damit para sa pagalis nila papuntang batangas. Matapos magayos ng gamit ay lumabas na si Annie suot ang floral na mini dress na nabili niya sa ukay ukay noon.

"What are you wearing?" nakakunot ang noo na tanong ni Chase nang makita niya si Annie.

"Diba sabi mo sa batangas tayo pupunta kaya eto, Floral," sagot ni annie.

"Hindi tayo sa beach pupunta. We'll stay at a hotel," sabi ni Chase saka sumakay ng sasakyan habang umiiling.

"Ay, akala ko sa beach.." dismayadong bulong ni Annie sa sarili bago sumakay. 

Inirapan ni Chase si Annie saka umiiling na naglakad papunta sa driver’s seat ng kaniyang sasakyan. Si Annie naman ay sa passenger’s seat umupo at nagsuot ng seatbelt. 

“Safety first!” sambit ni Annie. 

Chase groaned out of frustration bago nagdrive. It will be one hell of a ride for him dahil sa maingay niyang katabi.

“Pwede ba magtanong?” tanong ni Annie nang makapasok sila sa expressway.

“Shoot.” matipid na sagot ni Chase habang nag-fo-focus sa pagda-drive.

“May part sakin na gustong maging close sayo pero may part din na nagsasabing wag na lang kasi walang magandang idudulot sa buhay ko.” Mahabang litanya ni Annie.

“Better choose the second part because I also don’t want to be bothered by you.” Masungit na sagot ni Chase sa dalaga.

Umirap si Annie sabay bulong sa sarili “Sungit.”

Ilang oras ang nakalipas sa tahimik nilang byahe, nakarating sila sa batangas ng mas maaga sa inaasahan. Dumeretso sila sa Hotel na tutuluyan nila para magcheck-in. Manghang-mangha si Annie sa itsura ng hotel dahil sa mga makabago nitong teknolohiya na ngayon pa lamang niya nakita. Kahit na malapit sila sa manila ay hindi naman siya nagiikot kaya hindi siya nakakakita ng ganito.

“We’ll stay here for two weeks, I have business here kaya ikaw na muna bahala sa sarili mo while I’m gone. Babalik rin ako mamayang gabi,” paliwanag ni Chase saka lumabas ng kwarto. 

Natigilan si Annie sa narinig. Hindi niya akalain na siya lang pala mag-isa ang mananatili sa loob ng kwarto maghapon. Napakaboring naman, isip niya.  

“Bakit kasi isinama-sama pa niya ako, wala naman pala ako gagawin dito” pagmamaktol ni Annie. 

Kinuha niya ang cellphone niya nang marinig niya itong tumunog. Binasa niya ang text ni Chase. 

“One more thing, don’t leave the hotel. Hindi ka pamilyar sa lugar, baka mawala ka.. psh! Ano ako bata?” pinatay ni Annie ang cellphone niya at isinilid ito sa maliit niyang sling bag saka lumabas ng hotel. 

“Ma’am do you need a car service?” tanong ng receptionist sa kaniya nang mapansin siyang palabas ng hotel. 

“No, thank you.” Nagmadaling lumabas si Annie ng hotel at naglakad palayo. 

Sa di kalayuan ay nakita niya ang isang mall kaya pumasok siya dito at nagikot-ikot. Maraming magagandang shops sa loob ng mall. Gustuhin man ni Annie na bumili ay hnd niya magawa dahil wala siyang hawak na pera. 

“Ano ba yan, dapat pala nanghingi ako ng pera sa mokong na ‘yun,” saad ni Annie sa sarili. Pinili na lamang ni Annie na lumabas ng mall nang makakita siya ng mga pinto. 

Paglabas niya ay bumungad naman sa kaniya ang maraming mesa at mga upuan. Ito pala ang foodcourt ng mall. Nakakita si Annie ng isang maliit na stall na nagbebenta ng ice cream rolls at natakam siya rito. Ito lamang ang kaya niyang bilhin sa ngayon. Pagka-abot ng magtitinda sa kaniya ng order ay umupo siya sa bakanteng upuan na malapit roon. Habang kinakain ang ice cream ay may natanaw siyang eskinita na maraming tao ang pumapasok. 

Siguro may mga tindang street foods doon? Isip niya.

Hindi nagtagal ay naubos niya ang ice cream na kinakain. Itinapon ang lalagyan sa basuran saka nagtungo sa eskinita na kaniyang tinitingnan. Nasa kabilang kalsada ito kaya dumaan siya sa fly-over para makarating dito.

-

“It was nice meeting you, Mr. Dela Vega.” sabi ng lalakeng nasa edad kwarenta kung susuriin. Nasa restaurant sila ng hotel na tinutuluyan ng matanda.

“The pleasure is mine, Mr. Hernandez.” sagot ni Chase.

“I would love to invite you and your wife for dinner some other time. You should see my ranch,” sabi ni Mr. Hernandez na ikinatulala ni Chase. 

Isang family man si Mr. Hernandez at ang malaman nito na wala pa siyang pamilya sa edad niya ay malaking kasiraan sa imahe niya. Kakapirma lamang nito ng investment sa Dela Vega Services at hindi niya kayang madismaya ito kaagad.

“I’ll tell my wife about that. Alam niyo naman kailangan natin ng approval mula sa kumander,” sagot ni Chase ska tumawa ng mahina.

“At kailangan ko rin ipaalam muna ito sa kumander ko. I’ll call you, Mr. Dela Vega. Thank you!” Tumayo ang matanda at saka umalis.

Naiwan si Chase sa restaurant hawak ang isang folder. Tumingin siya sa kaniyang wrist-watch at nakitang malapit na mag-7 ng gabi. Naalala niya si Annie na iniwan niya sa hotel. Inayos na niya ang kaniyang mag gamit at saka umalis sa restaurant. Halos kalahating oras rin ang byahe niya mula sa hotel na tinutuluyan ni Mr. Hernandez sa hotel nila. 

-

“Aaaaaah!” matinis na tili ng isang dalaga ang maririnig sa maliit na eskinita.

“Alam namin na hindi ka taga-rito kaya kung ako sayo ibigay mo na mga gamit mo!” matapang na sabi ng isang lalakeng nakasuot ng sandong itim. Marami itong tattoo sa braso nito.

“Wala po akong pera mga kuya.. Nakikita niyo ba itong bag ko?” sambit ni Annie sabay angat ng maliit niyang bag.

“Ano sa tingin niyo ang maiilaman ko dito?” sarkastikong tanong niya.

Nagkatinginan ang tatlong lalake na nasa harap niya.

“Pare, mukhang wala ngang laman.. Ang liit ng bag eh,” bulong ng isa sa kasama.

Tumingin kay Annie ang lalakeng nasa gitna at ibinaba ang mga mata nito sa binti ni Annie. 

“Hubad,” utos nito kay Annie.

“Ha?” 

“Sabi ko, MAGHUBAD KA!” sigaw nito. 

Niyakap ni Annie ang sarili at mangiyak-ngiyak na tinitigan ang tatlong lalake habang iniisip na sana nakinig siya kay Chase. Kung hindi sana siya pumunta sa eskinitang nakita niya, hindi sana siya mako-corner ng mga lalakeng ito. Maya maya pa ay may malakas na tunog ng sirena ang narinig kasunod ang maliwanag na ilaw ng sasakyan mula sa likod ng mga lalake. Tatakbo na sana ang tatlo pabalik ngunit isang lalake ang humarang sa kanila at pinagsusuntok sila isa isa. Pinipilit ni Annie na tanawin ang mukha ng lalake pero hindi niya ito makita dahil sa ilaw.

Nang matapos ang pakikipaglaban nito ay lumapit ito sa kaniya a nagulat ito sa nakita. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status