Share

Chapter 3

Sa bawat araw na dumadaan sa buhay ni Annie parang hindi na siya nakukuntento sa kinikita niya at parang medyo tinatamad na rin siya magtrabaho sa bar kaya naman napagdesisyunan niyang mag-resign na lang sa bar at maghanap ng ibang trabaho na may malaki laking sweldo.

"Uy.. mukhang may lakad tayo ngayon ah?" pagpansin ni Pam sa bihis na bihis na si Annie.

"May interview ako Ate Pam, nag-apply ako bilang dubber sa isang maliit na kumpanya.. Hindi pa naman sigurado kasi nga wala naman akong experience sa ganon, itatry ko lang muna," paliwanag ni Annie.

"Ahh.. Goodluck!" sabi ni Pam saka kumaway kay Annie na palabas na ng bahay.

Pumasok si Pamela sa kusina nila kung saan kumakain ng agahan ang boyfriend niyang si Ricky. Halos limang taon ang tanda ni Pamela kay Ricky at sa apat na taon nilang pagsasama ay hindi pa sila nagkaroon ng anak.

"Umalis ba si Annie?" tanong ni Ricky.

"Oo, may interview daw."

"Aba dapat lang na maghanap siya ng trabaho, tumitira at kumakain siya dito. Hindi pwedeng wala siyang ambag."

"Ewan ko ba diyan kay Annie. Ang ganda ganda ng trabaho niya sa bar eh, pakanta kanta lang siya dun, hindi pa nakuntento."

"Paano yun? may session kami mamayang gabi. Matagal na yung nakaplano. Dalhin mo na lang ulit si Annie sa bar mamaya."

"Bahala na mamaya. Susubukan ko siya tawagan"

"Ayusin mo yan ha, ayoko mapahiya kila Edmar." Uminom ng tubig si Ricky saka tumayo at umalis. Huminga ng malalim si Pamela saka nagpatuloy sa pagkain mag-isa.

Magandang babae si Pamela, maputi, matangos ang ilong, mahaba ang itim na itim nitong buhok, balingkinitan ang katawan at katam-taman ang laki ng hinaharap. Samantalang si Ricky naman ay gwapo, macho, kayumanggi at matangkad.

Nang una silang magsama ni Ricky, hindi niya pa alam na gumagamit ito ng ipinagbabawal na droga. Sa unang dalawang taon nila, napaka-sweet nito sa kaniya at halos hindi siya pinagtatrabaho, kahit langaw o lamok ay hindi siya nito hinahayaang madapuan.

Ngunit nang pumasok sila sa ikatlong taon nila, dito na nagsimula ang kalbaryo niya. Hindi na nagtatrabaho si Ricky at madalas itong lasing pag umuuwi ng bahay. Ang masama pa rito ay ang sobrang pagkahilig niya sa laman. Pag lasing ito ay hindi pwedeng hindi sila magtatalik, pag minsan pa ay nagigising na lamang si Pamela na nakapasok na si Ricky sa kaniya. Tiniis lahat ito ni Pamela dahil mahal niya si Ricky pero pinanghinaan siya ng loob nang malaman niyang kasabay ng pagiinom ay ang pagse-session ng magkakabarkada. Pag umuwi si Ricky ng sabog sa droga sobrang rahas nitong makipagtalik kay Pamela na nagreresulta sa napakaraming pasa sa hita, braso at leeg ni Pamela.

Sinubukan ni Pamela minsan na iwanan si Ricky pero nahanap siya nito at iniuwi muli sa bahay. Wala siyang narinig kahit isang salita mula kay Ricky pero simula noon ay mas madalas na siyang sinasakal nito habang nagtatalik sila at pag nagpupumiglas na si Pamela, saka siya nito bibitawan. Gustong gusto na ni Pamela umalis pero hindi siya makahanap ng rason at ng lakas ng loob para iwanan si Ricky dahil sa takot niya rito.

Ito ang dahilan kung bakit siya nagpasiyang magtrabaho sa bar bilang isang waitress.

Paminsan-minsan nagpapatable siya pero hindi alam ni Ricky ang tungkol doon. Pag minsan pag nagkukulang sila sa pera ay nagpapalabas din siya.

"Ricky, punta nako sa bar ha! Bahala ka na dito.." paalam ni Pamela saka lumabas ng bahay.

Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga kabarkada ni Ricky sa bahay nila, isinara nila ang mga pinto at bintana atsaka nagsimula.

=====

"I'm glad to inform you that you passed the interview. Paki-fill up na lang po nito and wait for our call kung kailan niyo ipapasa ang necessary documents na kailangan namin." Kinuha ni Annie ang form at inilagay sa plastic envelope na hawak niya saka nakangiting nagpasalamat sa babae bago lumabas ng opisina.

Tinitigan niya ang papel na nasa loob ng envelope atsaka masayang lumabas ng building. Sa offer na nakuha niya, pwede na siya umupa ng sariling bahay para hindi na rin siya nahihirapan makisama pero sa unang buwan ay kailangan pa rin niya maghanap ng perang ipangtutustos sa pamasahe at pagkain niya habang wala pa siyang sweldo. Buti at may kaunti siyang naipon sa pagkanta sa bar.

Tumingin si Annie sa cellphone niya at nakita ang oras, pasado alas siyete na ng gabi. Palibhasa nasa loob siya ng building kaya hindi na niya napansin na madilim na pala. Paglabas niya sa kalsada ay agad siyang pumara ng jeep. Sumakay siya at naupo sa may pinakadulong bahagi ng upuan.

Nang makarating ang jeep sa may kanto nila ay pumara siya at bumaba. Alas siyete pa lang pero kakaunti na ang tao sa kalsada nila, oras kasi ito ng pagkain ng hapunan ng karamihan.

Pagdating niya sa bahay nila Pamela ay nakita niyang sarado ang pinto at bintana pero hindi siya nagtaka dahil nga sa oras na ito ay nasa bar na nga si Pamela at si Ricky naman ay kadalasang umaalis din pag wala na si Pam.

Kinuha ni Annie ang kaniyang susi at saka binuksan ang pinto at pumasok. Hindi niya binuksan ang ilaw sa sala tutal naman ay dederetso na rin siya sa kwarto niya at hindi na kakain ng hapunan. Pagkasara niya ng pinto ay bigla siyang hinablot sa bewang ng hindi niya nakikitang tao pero alam niya na lalake ito. Niyakap siya ng lalake dahilan para madikit ang kanyang harapan sa likuran ni Annie at doon niya naramdaman ang matigas na ari ng lalake.

Nanlalaki ang mata ni Annie na naglakas loob apakan ang paa ng lalake at nagpupumiglas. Sa awa ng diyos ay nakawala siya at nagkaroon ng pagkakataon na tumakbo at buksan ang ilaw.

Bumungad sa kaniya si Ricky na namumula ang mata at parang wala sa sarili.

"K-Kuya Ricky," nanginginig na sambit ni Annie.

"Annie pagbigyan mo nako, matagal na rin kasi akong hindi tinatabihan ni Ate Pam mo eh. Sige na, ngayon lang to at sinisigurado ko sayo na walang makakaalam," hayok na hayok na sabi ni Ricky saka dahan dahang lumapit kay Annie na nasa may pintuan papasok ng kusina.

"Wag kuya Ricky.." naiiyak na sabi ni Annie habang umaatras.

Nang sinunggaban siya ni Ricky ay agad siyang tumakbo papasok sa kusina at dumampot ng kutsilyo na itinutok niya kay Ricky.

"Lumayo ka saken! Demonyo ka! Napakababoy mo! Pati ako na halos kuya na ang turing sayo pinagbabalakan mo!" sigaw ni Annie at iwinasiwas ang kutsilyo.

Nagulat na lamang si Annie nang may matangkad na lalakeng pumasok sa kusina at hinampas si Ricky sa may batok gamit ang dala nitong kahoy.

"Halika na!" aya ng lalake sa kaniya.

Hindi na nagdalawang isip pa si Annie, tumakbo siya at sumunod sa lalakeng hindi niya kilala hanggang nakarating sila sa may kanto kung saan nakaparada ang isang kotseng kulay itim.

Binuksan ng lalake ang pinto at pinapasok siya sa loob. Pumasok naman siya at huli na ng narealize niya na sumama siya sa hindi kilalang lalake.

"Wag ka mag-aalala, hindi ako masamang tao. Ako si Alvin, driver ako ni Mr. Dela Vega," pakilala ng lalake.

Doon naalala ni Annie ang mga sinabi sa kaniya ni Chase Dela Vega sa loob ng restaurant. Kahit hindi niya pa kilala ng lubusan si Chase, nagpapasalamat pa rin siya at pinapasundan siya nito sa tauhan niya dahil kung hindi malamang nagawa na ni Ricky ang masamang balak niya rito.

"Kuya maraming salamat at tinulungan mo ko ha. Ano na lang nangyari sakin kung wala ka dun," umiiyak na sabi ni Annie sa kaniya.

"Trabaho ko yun Ms. Annie, ang siguruhing ligtas ka," sagot ni Alvin.

"Salamat talaga.." pinipilit ni Annie na tumigil sa pagiyak niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status