Share

Kabanata 6

Pagpasok palang sa hospital room ni mama ang masayang mukha niya agad ang bumungad sa akin. Alalay niya ang isang nurse habang naglalakad ng dahan-dahan. Tagal na rin pala ng madalaw ko si mama dahil naging abala din kasi ako kay Jayden.

"Anak, mabuti naman at napadalaw ka? Ang akala ko ay tuluyan mo na akong nakalimutan. Maayos kana man ba sa bahay ng asawa mo?" nagulat pa ako sa tinanong ni mama dahil wala pa akong nababanggit sa kanya tungkol kay Jayden.

Inilagay ko muna sa ibabaw ng lamesa ang mga dala kong pagkain para kay mama. Ang iba dito ay galing sa pera ni Jayden kaya kahit labag sa kalooban ko ay dinala ko na rin. "Anak, kumakain kaba ng maayos doon? Hindi ka naman ba nagiging sakit sa ulo ng asawa mo?"

"Nay, naman, kailangan ba ako naging sakit ng ulo sainyo? Tapos magiging sakit ng ulo din ako sa asawa ko? Malabo iyon nay dahil ayoko maging pabigat,"

"Mabuti naman anak dahil napakabuti ng asawa mo. Utang na loob ko sa kanya kung bakit nagiging maayos na ako kahit papano," sumilay pa ang matamis na ngiti sa mukha ni mama na kay tagal kong hindi nasilayan.

"Kumusta ka naman nay? Masaya kana man ba dito? Hindi ka naman naiinip? Baka naman po nagiging makulit ka sa mga nurse dito," inalis pa no Amanda ang takas na buhok ng ina na tumatabon sa napaka-payat na mukha ng ina.

"Anak, alam ko ang na sa isip mo at gusto ko lamang sabihin sayo na ayos lang ako. Huwag mo na akong iisipin pa. Ang unahin mo ang asawa mo dahil siya na ang may karapatan sayo ngayon,"

"Nay, hindi naman kita pwedeng hayaan at pabayaan ng basta-basta. Maayos po kami ni Jayden at wala po kayong dapat na ipag-alala,"

Tumayo muna ako sandali upang ilabas ang mga pagkain sa plastik. Isasalansan ko ang mga ito sa maliit na refrigerator dito sa loob ng silid ni nanay. Pero naramdaman ko siyang tumayo kaya naman mabilis ko siyang nilapitan upang alalayan.

"Sabihin mo ako nay kapag tatayo ka, paano kung bigla ka na lang matumba huh? Ang tigas talaga ng ulo ni nanay," sabi ko pa pero tinawanan lamang ako ni mama.

Parang musika ang mga tawa niya ngunit tangis naman iyon para sa akin. Hindi ko na kayang makita pa na nahihirapan si mama. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat, lalo na ang maginhawang buhay.

"Anak, i-kwento mo naman kung paano mo nakilala si Jayden? Wala ka kasi nasasabi sa akin na may nobyo ka. Ang tanging alam ko lang ay ang subsob mo sa trabaho dahil sa mga gamot ko."

Ano nga ba ang dapat kong sabihin sa kaniya? Na binayaran ako ni Jayden upang maging pekeng asawa niya? O kailangan ko rin ito itago kay mama?

"Kuya siya ni Dinah nay at matagal na kami magkakilala. Nahulog ang loob namin sa isa't isa at basta na lamang nagpakasal. Pasensya na nay at hindi ko agad nasabi sayo." Umiwas pa ako ng tingin kay nanay dahil ayokong makita niya na nagsisinungaling ako.

"Iyon nga ba ang totoong nangyari, anak? Bakit pakiramdam ko ay hindi? Anak, nanay mo ako at alam kong alam mo na nakakaramdam ako kapag may gumugulo dyan sa isipan mo,"

"Nay, ayos lang po kami ni Jayden. Hindi naman mahalaga kung paano kami nagkakilala hindi ba? Ang mahalaga lamang sa amin ay masaya kami atsaka n-nagmamahalan," ani ko kahit na ang bawat salitang lumabas sa bibig ko ay pawang mga kasinungalingan lamang.

I'm sorry, nay, pero ito lamang ang tanging alam ko para mapagamot pa kita ng matagal. Kung kailangan kong tiisin ang lahat ng sakit na si Jayden ang may dala gagawin ko.

"Ohh siya at kung iyan talaga ang magpapasaya sayo. Halika at akoy tulungan mo sa pag-eensayo dahil araw-araw ko ito kailangan gawin." ani pa ni inay kaya naman nakahinga ako kahit papano.

Nagkwentuhan pa kami ni nanay ng kung anu-ano at sabay na kumain. Nang mga sandaling iyon pakiramdam ko nakalimot ako pansamantala sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Naging masaya ako kahit saglit lang. Kaya naman ng makita ko na madilim na sa labas ng hospital bumalik ang lahat ng lungkot na nakalimutan ko lamang kanina.

"Anak, mag-iingat ka sa pag-uwi huh. Hindi kaba susunduhin ng asawa mo? Napakadelikado na kasi sa labas anak,"

"May driver ako nay kaya wag ka ng mag-alala dyan. Basta ang mga hinabilin ko sayo ay 'wag mo kakalimutan. Aalis na ako, nay, mag-iingat ka dito. Dadalawin kita sa susunod na linggo." sabi ko saka na lumabas ng hospital.

Isang kasinungalingan na namanang sinabi ko kay nanay. Mag-isa lamang akong uuwi ng bahay dahil hindi ko nasabihan ang driver na sunduhin ako. Sobrang dilim pa naman ng labas at wala na din ang mga sasakyan o taxi na napapadaan dito.

"Anong gagawin ko? Hindi naman pwede na bumalik ako ulit sa loob dahil makaka halata na si mama," ani ko pa sa aking sarili.

Saka ko lamang naalala ang selpon na binigay sa akin ni Jayden. Hinanap ko ang pangalan niya sa contact list ko. Isang ring pa lamang at mabilis niya itong sinagot.

"Where are you? Bakit wala ka pa? Diyan ka ba matutulog?" nagulat pa ako ng salubungin ako ng mga tanong ni Jayden.

"Kasi, Jayden... hindi ako nakapagsabi kay manong na sunduhin ako ngayon. Pasensya kana kung tinawagan pa kita," ramdam ko ang kaba habang sinasabi iyan dahil tiyak na bubulyawan na naman niya ako.

"Stay there. " ani nito sabay patay ng linya. Hindi ko naman naunawaan ang sinabi niya kaya minabuti ko na lamang ang maghintay ng mga sasakyan na dadaan.

Hanggang sa isang itim na sasakyan ang tumigil sa harapan ko. "Get in," sabi ni Jayden. Nagulat man ay hindi ko pinahalata. Tahimik lamang akong sumakay sa loob ng sasakyan.

"Bakit mo ako sinundo?"

"Dahil gabi na at kaya mo bang umuwi?" balik tanong sakin ni Jayden. "Kaya ko naman umuwi saka dapat nagpapahinga kana nito."

"I'm not a child so please stop it," pagsasalita na naman niya sa wikang Ingles na hindi ko naman maintindihan.

"Tagalugin mo na lang dahil hindi ko maintindihan,"

"I don't want to," pagsasalita nitong muli ng ingles kaya naman naiinis ko siyang tinignan. Konti na lamang at mabubutas na siya sa talin ng mga mata ko.

"Stop staring at me like that, don't test may patient."

"Hindi nga kita maunawaan."

"Ang sabi ko huwag mo akong tingnan ng ganiyan. Para mo kasi akong iniimbitahan na halikan ka." walang prenong sabi ni Jayden na siyang nagpalaglag naman ng ibabang bibig ko.

"A-Anong sabi mo?"

"Nothing and shut up." turan niya sa akin kaya hindi na ako muling nagtanong. Kahit kating-kati akong tanungin kung anong ngini-ngiti niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status