Share

Kabanata 3: Family dinner

“Dinah, sure kaba na isasama niyo ako sa family dinner niyo?” pang sampu ko na atang pagtatanong ito.

Panay pa ang hila ko sa suot kong maikling dress dahil hindi ako komportable sa suot ko.

“Susundutin ko talaga ang mata mo kapag binuklat mo ulit 'yan! Hindi kita malagyan ng eyeliner dahil sa likot mo!” hasik niya kaya napalabi ako.

Siya kasi ang naglalagay ng make-up ko. Huling kita daw niya kasi sa make na ginawa ko ay sobrang pangit daw. Mukha daw akong aswang na sinuntok ng ilang beses.

“Saka isa pa asawa kana ni kuya diba? Kaya dapat lang na kasama ka,” dagdag pa niya.

Hindi na ako nagsalita at pinagmasdan na lang ang sarili ko sa harapan ng salamain. Simple lang ang make up ma ginawa niya sa akin. Basta na lang din inilugay ang buhok ko kaya mas lalong tumingkad ang mala nyebe kong balat. Napansin ko ang malawak niyang ngiti habang pinagmamasdan niya ako sa salamin.

“Ang ganda mo talaga,” puri niya.

Napangiti na lang din ako ng malawak ng sabihin niya sa akin 'yon. Ang swerte ko kasi may kaibigan akong hindi ako ni minsan pinabayaan kahit halos nagiging pabigat na ako.

“Ganito. Itong cellphone na ito ganito gamitin,”

Nagulat ako ng ipakita niya sa akin ang isang manipis na bagay na madalas kong nakikita sa mga mayayaman. Nagning-ning bigla ang mata ko ng makita kong ano 'yon. Cellphone, bagong labas na cellphone.

“Uy? Okay ka lang?” nag-aalala niyang tanong.

Nagtataka ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya.

“Oo naman nagulat lang ako ang mahal kasi niyan,” sabi ko at nginuso ang hawak niya.

“Mura lang 'to dapat nga 'yung limited edition binili ko kaso naubusan kaya ito na lang muna,”

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Parang pinamukha sa akin na mahirap talaga ako.

Itinuro niya sa akin kong paano gamitin ang cellphone na 'yon. Madali ko lang naisaulo ang mga tinuro niya at hindi ko na maalis ang atensiyon ko sa cellphone na ito lalo na ng matuto ako kong paano mag-selfie. Ito kasi ang unang beses na nagkaroon ako nito. Hindi ko kasi magawang bumili dahil nilalaan ko lahat sa gamot ni inay.

“Lets go, kanina pa naghihintay si Kuya Jayden sa baba,” sabi niya kaya ipinasok kona sa loob ng bag kong dala ang cellphone ko.

Paglabas ng kwarto sumalubong sa akin si Jayden na gwapong-gwapo sa suot niyang itim na tuxedo. Pareho kami ng kulay na suot. Nakaayos din ang medyo mahaba niyang buhok. Lalo pa nagbigay ng karisma sa kaniya ay ang matatalim niyang mata. Ako lang ba? O sadiyang napakagwapo niya kapag matalim ang mga tingin niya?

Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin. Ang pag-abot niya sa kaliwang kamay ko at may makinang na bagay na isinuot roon.

“A-Ahhh!” tili ko.

Napaatras pa ako at itinaas ang kamay sa ere upang mas mapagmasdan ang sing-sing sa kamay ko.

“Bakit mo isinuot sa akin ito?”

“Because you're my wife?”

Hindi ako masiyadong magaling sa wikang ingles pero pakiramdam ko naintindihan ko ang sinabi niya. Alam ko 'yung salitang wife kaya siguro ang sinabi niya ay dahil asawa niya ako?

“Gan‘on ba?”

“Pustahan tayo hindi niya naintindihan ang sinabi mo,” singit ni Dinnah.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Nakakahiya na malaman nitong si sungit na hindi ako marunong bumasa.

“What do you mean, Dinnah?”

Ito na nga ba ang sinasabi ko dahil sa kadaldalan niya.

“Hindi kasi siya marunong bumasa, kuya. Dahil nga palagi niyang inuuna ang pagtatrabaho halos hindi na siya nakakapasok,” paliwanag ni Dinnah.

Napayuko ako dahil sa kahihiyang nararamdaman. Paano kong ayawan niya na ang usapan namin? Paano kong maturn off siya? Kasi may asawa siyang tanga. Baka laitin din siya dahil sa akin? Paano na si inay?

Hindi ko na napansin pa ang lahat dahil bigla akong kinain ng mga naiisip ko. Nakaramdam ako ng mga hawak sa magkabilang braso ko at ang pagyugyog sa akin ng kong sino. Wala kong marinig, pakiramdam ko may malakas na vibration ang na sa utak ko ngayon.

“Kuya! Do something! Inaatake siya!” sigaw ng kong sino.

“Kuya! She's hurting herself!” paiyak na ang boses na iyon.

Pilit kong hinahanap ang pamilyar na boses na 'yon pero kinakain pa rin ako mga iniisip ko.

Basta naramdaman ko may humila sa akin at may malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Kasunod ng malambot na 'yon ang pagsirit ng kirot sa labi ko at doon ako nahimasmasan. Nakita ko ang sarili ko na nakakandong kay Jayden habang may dugo sa labi niya.

Naalarma ako dahil baka nasaktan ko siya ng mawala na naman ako sa sarili ko.

“N-Nasaktan ba kita? Pasensiya na... Na-trigger kasi ako,” paliwanag ko at pinunasan ang labi niya gamit ang nanginginig kong kamay.

Matapos kong gawin 'yon bumaling ako kay Dinnah na bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

“Tinakot mo kami!” singhal niya sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

“Sorry kasi... Ano... Ganito ako kapag nasobrahan sa pag-iisip ng negative,”

“Sorry kasi hindi ko dapat sinabi kay kuya 'yung tungkol sa...” nag-aalangan pa siya na sabihin 'yon.

Nginitian ko lang siya at in-assure na wala dapat siyang ihingi ng tawad dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi ako nakatapos dahil inuna ko ang pagpapagamot kay inay. Tatayo na sana ako mula sa pagkakandong kay Jayden ng mas higpitan niya pa ang pagkakayakap sa baywang ko.

“Stay still,” bulong niya na nagbigay ng matinding kiliti sa akin.

Para akong robot na napasunod niya kaya wala kong nagawa ng paandarin niya ang wheel chair niya palabas ng bahay. Sumunod kami kay Dinnah na nauuna sa amin.

Tahimik lamang ako habang nakahawak sa suot niyang tux dahil baka mahulog ako at mapilayan pa. Pagdating namin sa harapan ng sasakyan kusa na ako bumaba sa pagkakandong niya at naunang pumasok sa loob ng sasakyan.

Wala na rin nagbanggit ng tungkol sa nangyari kanina. Hanggang sa paandarin ni Dinnah ang sasakyan. Saka lang nagflashback sa akin ang lahat, kong saan lugar ang pupuntahan namin.

Kaya lalo akong dinamba ng kaba, upang malibang ang sarili kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagkalkal ng dapat kalkalin doon. Pero hindi parin talaga nito napawala ang kaba ko lalo na ng mabilis kaming makarating sa bahay ng pamilya ni Jayden.

“Relax. Mababait sina Tita at Tito,” pagpapakalma sa akin ni Dinnah.

Napansin ata niya ang takot sa mukha ko. Hindi naman ito ang unang beses na nakilala ko sila, kaibigan ko si Dinnah at naging madalas ako sa kanila. Ano kaya ang sasabihin nila dahil parang kailan lang nagpunta ako rito dahil sa problemang kinahaharap ko. Pero ngayon ay pupunta ako rito dahil asawa na ako ng anak nila. Hindi ko maiwasan makaramdam ng takot. Paano kong ayaw pala nila sa akin? Paano kong—

“Stop, stop thinking negativity. Mas lalo ka lang kakainin ng takot mo, isa pa kilala kana ng pamilya namin, Amanda.” sambit ni Dinnah sa akin.

Pero lalo hindi nakatulong ng mapansin ko ang isang mataray na ginang na naghihintay sa harapan ng pinto. Sa suot palang nito na magarang damit at ang nakataas niyang tattoong kilay mas lalo akong dinamba ng takot. Awtomatiko akong napahawak sa kamay ni Jayden na nasa tabi ko lang.

“Relax, wife. I'm here,”

Pagpapagaan niya sa loob ko bago kami tuluyang pumasok sa bahay na naging takbuhan ko noon. Ngunit sa pagkakataong ito, papasok ako sa bahay na iyon bilang parte ng pamilya nila kahit pansamantala lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status