Share

Kabanata 5: Misunderstanding

Maaga akong gumising upang makapagluto ng almusal para kay Jayden. Ilang araw na rin ang lumipas simula ng manggaling kami sa bahay ng mommy niya na malugod akong tinanggap. Ilang araw na ang nagdaan ngunit tanda ko parin ang gabing umamin ako sa kaniya na mahal ko na siya. Ilang araw kaming hindi nagpapansinan at ilang araw ko na rin siyang iniiwasan marahil dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Pero napagtanto ko rin na hindi pwede ang ganito dahil kasalanan ko naman. Hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko.

“Aalis ka?” sambit bigla ng pamilyar na boses mula sa likuran ko. Napatigil ako sa pagluluto at hinarap siya saglit.

Bumungad sa akin ang bagong gising na si Jayden. Suot pa niya ang isang pares ng panjama na mas lalong nagpa-gwapo rito. Idagdag pa ang kagigising lang na itsura, sino nga bang hindi mai-inlove?

“I am asking you, aalis kaba? nakabihis ka, saan ka pupunta?” magkalasunod niyang tanong muli.

Umiwas na ako ng tingin ng mapagtanto kong matagal na pala akong nakatitig sa kaniya. Kamuntikan pang masunog ang niluluto ko kundi lang ako nastar-struck sa mukha niya.

“A-Ahh, Oo, dadalawin ko sana si nanay sa hopsital dahil ilang linggo ko na siyang hindi nakikita.” sagot ko.

“Ganoon ba? kailangan mo ba ng sasakyan? marunong ka mag-drive?” aniya muli sa akin.

Namula ako dahil sa sinabi niya, hindi nga ako marunong masiyado sa wikang ingles tapos ay magd-drive pa ng sasakyan? gusto ba niya akong matigok ng maaga?

“H-Hindi naman ako marunong magdrive ng sasakyan, Jayden.”

“My bad, magpahatid ka na lang sa driver ko para hindi kana mahirapan pa sa pagcocommute.” parang wala din nitong sabi bago dumiretso sa harapan ng refrigerator.

Binuksan niya ito at kumuha ng isang fresh milk at saka ko naman inabutan ng baso. Natapos na rin ako sa pagluluto kaya inilapag ko ito sa ibabaw ng lamesa. Isang simpleng pritong itlog, tocino, hotdog at fried rice ang niluto ko. Ito kasi ang pinakamabilis na pwede kong lutuin dahil ang plano ko ay maagang aalis. Ngunit paano pa ba ako aalis kung nasa harapan ko na naman ang isang ito. Napatitig akong muli sa mukha niya at naalala ko na naman ang gabing 'yon. Nag-init bigla ang pisngi ko at napababa ng tingin. Pinaglaruan ko ang mga daliri sa kamay habang hinihintay ang sasabihin pa sa akin ni Jayden.

“Akala ko ba aalis ka? ano pang ginagawa mo rito?” malamig na naman niyang sabi.

Napangusi ako ng wala sa oras. “Bakit ba ang sungit-sungit mo ang aga-aga? masama bang umupo rito saglit at titigan ka?” bigla ko ring naibulaslas.

“What do you mean titigan ako? hindi kaba nagugutom? beside, hindi ba aalis ka para puntahan ang mama mo? go ahead.” pagtataboy naman nito sa akin ngayon.

“Tungkol pala sa nasabi ko nung gabing nasa bahay tayo ng mommy...” sa wakas pagbubukas ko sa topic tungkol roon.

“How about it?”

“Gusto ko lang malaman kung galit kaba?” may kaunting kaba akong nararamdaman dahil hindi ko mabasa ang itsura ni Jayden.

Patuloy lamang kasi ito sa pagkain ng niluto ko at wala man lang emosyon ang mukha. Nakaramdam ako ng kaunting kahihiyan at kaba.

“Wala akong matandaan, ano bang meron?” mas lalo akong nagulat na may kaunting singhap pa. Dito ko napagtanto na wala man pala sa kaniya ang pag-amin ko.

Nalasahan ko ang pait sa bibig ko sa isiping ilang gabi akong puyat dahil sa kaiisip sa bagay na 'yon. Ngayon pala ay wala naman sa kaniya.

Hindi ko naitago ang dissapoinment ko at alam kong, alam niya 'yon. Hindi ako agad nakapagsalita iniisip ko kung ano ba ang dapat kong sabihin.

“Kung iniisip mo ang tungkol sa gabing umamin ka sa akin na mahal mo ako. Please, ipapaalala ko lang sayo nandito ka sa pamamahay ko upang maging pansamantalang asawa. Wala sa pinirmahan mong kontrata ang mahalin ako.” malamig nitong sambit sa akin na mas nagpabigat sa nararamdaman ko.

“Masama bang mahalin ka?” isang tanong na nagpahinto sa kaniya sa pagsubo.

“Yes, dahil hindi kita mahal.” matabang naman nitong sagot sa akin na mas lalong nagpabasag sa puso ko.

“Pasensya kana, aalis na pala ako baka mamayang gabi na ako makaka-uwi. Ipagluluto na lang kita mamaya at initin mo na lang kapag nagutom ka.” matabang ko rin sambit at tumayo na sa pagkaka-upo sa katuwid niyang upuan.

Tama nga siya isang kontrata lang ang namamagitan sa amin. Hindi niya ako mahal, ano ba kasing kahibangan itong iniisip ko na balang araw ay mamahalin niya ako? Pumayag lang naman ako sa kontrata na 'yon dahil sa malaking halaga ng pera diba? Pero gusto ko parin siyang mahalin kahit anong mangyari. Hindi na mahalaga kung mahal niya ako, ang mahalaga mahal ko siya. Tumungo na ako sa silid at kinuha ang maliit na bag na pinaglagyan ko ng mga paboritong pagkain ng nanay ko. Pero bago ako umalis tumungo muna ako sa kusinang muli upang magluto.

Nagluto na muna ako ng uulamin niya mamayang gabi. Adobong manok at isang chapsuy ang hinanda ko. Inilagay ko ang mga ito sa tupperware at inilagay sa loob ng refrigerator. Atsaka ako bumalik sa loob ng silid upang kuhanin ang bag ko.

Naabutan ko pa si Jayden sa may living room. Nagkasalubong pa ang mga mata namin at tulad parin ng palagi kong nakikita malamig at walang emosyon ang mga ito.

“Aalis na pala ako,” paalam ko.

“Take this para may pamasahe at maipambili ka na prutas sa nanay mo. Take care,” ani ni Jayden at inalahad sa harapan ko ang kumpol ng tig-isang libong pera.

“May pera naman ako, Jayden. Isa pa nakabili na ako ng mga paboritong pagkain ng nanay ko.” katwiran ko at tinitigan lamang ang pera na nasa harapan ko.

“Deal is deal, kaya tanggapin mo na ito bago pa magbago ang isip ko at huwag kang patuluyin sa hopsital ng nanay mo.” pananakot pa nito sa akin.

Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi niya. Ano bang palagay niya sa akin? mukhang pera? Sa bagay sa isip niya tinanggap ko ang trabahong ito dahil sa pera. Tinanggap ko ang perang nasa kamay niya at basta na lamang 'yon ipinasok sa bag ko. Naglakad na ako paalis ngunit muli siyang nagsalita.

“Ipapaalala ko lang sayo, Amanda. Kontrata lang ang meron sa atin at sana huwag mong bigyan ng ibang ibig sabihin 'yon.” sabi nito.

Napahawak ako sa naninikip kong dibdib, para niya akong sinaksak ng paulit-ulit sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Nasasaktan ako pero naiintindihan ko siya. Simula palang naman na pumasok ako sa sitwasyon na ito nilinaw na niya sa akin ang lahat.

Kontrata lamang ang lahat kaya ako narito. Balang araw ay matatapos ito at babalik kami sa umpisa na parang hindi kami magkakilala. Bumaling ako ng tingin muli sa kaniya ganoon parin ang itsura niya. Malamig at parang walang gana.

“Huwag kang mag-alala naiintindihan ko naman 'yon. Pero natatandaan mo ba ang mga sinabi ko ng gabing 'yon? mamahalin kita ng walang hinihinging kapalit na pagmamahal. Hayaan mo akong mahalin ka, Jayden. Hindi ko hiniling na mahalin mo rin ako pabalik. Aalis na ako.” mahaba kong lintaya bago tuluyang lumabas ng bahay.

Isang butil ng luha na naman ang nahulog sa mata ko. Mabilis ko 'yon pinunasan at pinilit ipagsawalang bahala ang bigat ng loob ko.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jasmine
update please ...
goodnovel comment avatar
Jasmine
more updated chapters please .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status