Share

CHAPTER 3

Chapter 3

FANTASSIA'S POV

BUMABA na ako at sa hagdan pa lang ay naaamoy ko na ang niluluto ni Kio.

Pagpasok ko sa kusina ko ay naabutan ko silang dalawa na nagtatalo sa harapan ng stove.

"Anong niluluto niyo?" Tanong ko at tiningnan ko ang mga platong nakahanda sa lamesa.

"Ayy gago! Para naman 'tong tanga nanggugulat na lang bigla!" Hiyaw ni Yuki nang mapaso ang labi niya sa tinitikman na fried rice.

"Ohh sorry," natawa na lang ako sa hitsura niya "bat ba tinitikman mo pa 'yan? Ayos na 'yan nagugutom na ako!" Sabi ko at sumubsob sa lamesa habang nakangusong tinitingnan silang dalawa na nagtatalo pa rin.

"Maghintay ka PO MAHAL NA PRINSESA! Sinasarapan ko pa PO kasi ang niluluto kong fried rice, nakakahiya naman PO sa inyo kasi nag-request po kayo na sarapan ko PO ang luto para sa inyo," Damang-dama ko ang sarkastiko sa boses niya habang sinasabi 'yon.

"Ikaw naman! Maghintay kang patay-gutom ka puro ka reklamo tapos sasabihin mo nagugutom ka, eh kung ikaw na kaya magluto dito, ano?!" Tinampal niya ang kamay ni Tashi na kumukuha ng slice ng ham, muntik pa tuloy mahulog sa sahig.

Pikon na naman 'tong hilaw na Hapon na'to.

"Ano bang niluluto niyo? Antagal naman ata niyan?" Pang-uusisa ko pa.

"Marami akong niluto, sa sobrang dami parang bibitayin na kayong dalawa ni Tashi, mga patay-gutom na reklamador sa buhay." Salubong na ang makakapal na kilay ni Yuki, konti na lang baka mahampas na niya kami ni Tashi ng sandok kaya tinawag ko si Tashi.

"Biatch, anong niluto ni Yuki?" Tanong ko habang nagtitimpla na ng kape para sa akin.

"Hmmm, fried rice na may ham, greenpeace, sliced-longganisa, sliced-hotdog with bacon." Sagot niya habang ngumunguya pa.

"Ehh anong ulam naman ang niluto niya?" Tanong ko pa dahil wala naman siyang binabanggit kung may niluto ba si Kio na itlog.

"Andiyan na nga sa friedrice ang mga ulam tapos maghahanap ka pa, patay-gutom kaba?" Si Kio ang sumagot habang hinahain ang friedrice na niluto niya.

"Bakit naman pinagsama-sama mo?" Nakakunot-noong tanong ko pa at sinimulan nang sumandok at tinikman ang niluto niya.

"Tinatamad na akong magluto ng marami kaya inisang luto ko na lang," sabi niya at umupo na sa gilid ko. "Tashi timpla mo nga akong kape para naman may magawa ka at hindi puro reklamo pero ang lakas naman lumamon." Sabi niya sinimulan nang sumubo.

Nasamid naman ako at dali-daling uminom ng tubig at natatawang tiningnan si Tashi na natigilan sa pagsubo.

"Oh bakit ako? Ehh ikaw ang iinom ng kape." Reklamo ni Tashi at akmang itutuloy na niya ang pagsubo nang agawin ni Kio ang plato niya.

"Oh sige, wag kang kakain ah." Sabi naman ni Kio at akmang tatayo na nang dali-daling inagaw ni Tashi ang plato niya at tumayo na rin.

"Ito naman hindi na mabiro. Oo na! Eto na oh." Bumalik na sa pag-upo si Kio habang nakangisi, napailing na lang ako sa kalokohan ng dalawang ito. Napatingin siya sa akin dahil sa pag-iling ko at tuluyan nang natawa kaya pati ako ay natawa na din at nag-high five pa kaming dalawa.

Nakasimangot na inilapag ni Tashi ang kape ni Kio at ang siraulo pangisi-ngisi pa, parang hindi napipikon kanina.

"Dōmo arigatōgozaimasu." Nakangising pagpapasalamat ni Kio sa nakasimangot na si Tashi.

"Dōitashimashite yarō." Sarkastikong sagot naman ni Tashi at inirapan pa ang pinsan.

Medyo naintindihan ko naman ang mga sinabi nila dahil minsan ay tinuturuan din nila ako mag-Japanese.

"Bakit ba ang aga-aga nandito kayo?" Tanong ko sa kanila habang ngumunguya ng pagkain.

"Bitch it's Saturday, shopping day remember?" Tashi answered while chewing her food

"Ohh yeah I forgot, what time is it?" I asked, damn I forgot to wear my watch.

Regalo pa sa akin ni Kio ang relo na 'yon noong 24th birthday ko, kaya wag ko daw iwawala at dapat daw palagi kong suot.

"Where's the watch that I gave to you on your last birthday?" Kio asked then looked at me while scanning my arm.

"Ahmm I left it in my room hehehe." Napapangiwi kong saad, kasi naman grabe kung makatingin akala mo naman may nagawa akong kasalanan.

Nilapag niya ang kutsara't tinidor at pinagsalikop ang dalawang kamay at tiningnan ako nang seryoso.

"Go to your room and get it." The authority on his voice made me stand up immediately and ran towards my room to get my watch.

Ano ba kasing meron sa relo na'to at kapag hindi ko suot ay grabe na lang kung makasermon ang hilaw na Hapon na 'yon. I mean alam kong mahal ang ganitong relo pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaksyon nila ni Tashi kapag hindi ko ito suot.

Ang sabi nila sa akin ay pinag-iponan nila ang relo na'to at hati pa sila sa pinangbayad, gosh ang yaman-yaman naman nila bakit maghahatian pa sila sa pangbayad?

Napatawa na lang ako sa huling naisip at dali-daling bumaba ng hagdan.

******

NAABUTAN ko sila na seryosong nag-uusap pero nang maramdaman nila na padating na ako ay bigla silang umayos ng upo at tiningnan ang braso ko na may relong suot.

"Ako na naman ang topic niyo, ano?" I joked and continued eating my food.

"Bakit ano naman ang pagkukwentohan namin sayo? Like kung paano ka makipag-make out sa mga handsome and hot bachelors? Like----." Hindi na ni Tashi natapos ang sasabihin nang tingnan ko siya ng masama. Akmang babatohin ko siya ng tissue nang biglang magsalita si Kio.

My god ito na naman po ang Father-Material namin ni Tashi na grabe kung makapag-bawal sa amin na makipag-flirt sa mga lalaki.

"What? Didn't I tell you already to avoid flirting with those assholes?" Napalunok ako nang tingnan niya ako gamit ang mapanuring mga mata.

"Mygod! Yuki we were just flirting last night and they didn't touched me. As if I would let them do that to me, geez." I said while rolling my eyes.

"Those assholes aren't just normal men Tassia, some of them are Celebrities and Business Tycoon. What if there is a gunman waiting for them and just shoot them suddenly and you happen to be with them and you get hurt? What will happen to you huh?" Salubong na ang kilay niya habang sinesermonan ako.

"Chill your ass Yuki, pinipili ko naman ang mga taong makakasama ko at hindi ako basta-basta nagtitiwala sa mga hindi ko kilalang lalaki." Sagot ko pero hindi pa din nawawala ang pagkakakunot ng noo niya.

"So you mean, you knew them?" He asked and then I nodded.

"Some of them were my flirts back then when we were in College. Remember those guys that you rejected for me 'cause you said I can't have a boyfriend at that time?" He frowned as if remember something or someone.

"Oh I remember some of them," Tashi answered out of nowhere "yung isa doon si Dixon Del Sierro diba? He's now a businessman, right?" She looked at me and then I nodded.

"Oh damn that bastard?!" Yuki dropped the spoon as if he remembered something annoying from the past.

"Ohh kilala mo?" Tanong ko.

"Hindi." Maikling sagot naman niya kaya binato ko sa kaniya ang tissue na nahawakan ko. Nasamid naman si Tashi sa isinagot ni Yukio.

"Tarantado! Ang OA mo kung maka-react ka sa mga sinasabi ni Tassia tapos hindi mo naman pala kilala, siraulo ka ba?!" Halatang naaasar na si Tashi.

Tumawa naman si Yuki bago muling nagseryoso. "But seriously speaking, avoid those kind of assholes. They're not good for your well-being." After saying that he left the kitchen.

"Siraulong 'yon hindi naman pala kilala yung sinasabi mong lalaki pero ang OA kung makapagreact." Bubulong-bulong na sabi ni Tashi.

"Akala ko naman seryoso na siya dahil sa reaksyon niya, pero napakasiraulo ng lalaking 'yon." Sabi ko habang napapailing.

"Pero ako kilala ko yung Dixon na 'yon. Gosh biatch he's hot as fuck." She exclaimed but I immediately covered her mouth, mahirap na baka marinig na naman kami ni Yuki.

"Yeah we met last night at the bar. He's still crazy over me so I let him kissed me and guess what?" Pambibitin ko pa habang nagtataas-baba ang dalawang kilay.

"What?" She excitedly asked

"We just kissed in his VIP room." Pangbabasag ko sa excitement niya.

Duhh as if naman na hahayaan kong may mangyari sa amin ng Dixon na 'yon.

"Letche ka! Magsama kayo ni Kio na parehas siraulo at walang kwentang kausap!" Napipikon niyang sabi at lumabas na din ng kusina.

Oh great, damn! Ako na naman ang maghuhugas ng pinagkainan ng mga hilaw na Hapon na 'yon!

Hindi talaga magandang pikonin at maasar ang dalawang iyon kapag nandito sa pamamahay ko at kumakain dahil ako lagi ang maghuhugas, mga letse! Sila na nga ang makikikain tapos ako pa ang paghuhugasin!

Niligpit at nilinis ko na ang lamesang pinagkainan at dinala sa sink yung mga plato, baso, kutsara at tinidor tapos ay sinimulan ko nang maghugas.

Nakasimangot kong kinukusot ng sponge ang baso nang may magsalita mula sa gilid ko.

"Ayos ka lang? Bakit nakasimangot ka?" It was Yuki and I know he's not worried because I can feel the teasing in his voice, arghh this asshole!

Tiningnan ko siya nang masama at pabalang na sumagot. "Ikaw kaya ang maghugas dito? Para hindi mo ako tinatanong kung okay lang ako!" I rolled my eyes when I heard his manly chuckles.

"Tch, ayoko nga mabasa pa ang damit ko, sayang ang OOTD ko," Nakangiwing sagot niya at lumayo sa akin ng kaonti dahil alam niyang sasabuyan ko siya ng tubig, "sige subukan mo akong basain isusubsob kita diyan sa sink." Pagbabanta niya, tumigil na ako at itinuloy ang paghuhugas dahil alam kong tototohanin niya ang banta.

Walang awa sa akin ang siraulong ito eh, I mean sa aming dalawa ni Tashi kaya minsan pinagtutulungan namin siya na asarin at tuwang-tuwa naman kami ni Tashi kapag nakikitang napipikon na siya.

Well, kasiyahan naming tatlo ang makitang napipikon o naaasar ang isa sa amin.

"Umalis ka na nga dito baka tuluyan na kitang basain ng tubig diyan." Pagpapaalis ko sa kaniya.

Pero ang siraulong hilaw na Hapon na ito hindi talaga nasasatisfy hangga't hindi ako nakikitang napipikon, paano ba naman bago tuluyang umalis ay kinuha ang isang basong nahugasan at nasalansan ko na ng maayos tapos ay nilagyan ng tubig at uminom. Alam ko namang hindi siya nauuhaw talagang sinadya niyang uminom para masabonan at mahugasan ko ulit ang baso. Alam din niyang maselan ako sa mga gamit ko at ayaw kong nadudumihan ang mga kagamitan ko.

Nakangisi niyang ibinalik sa sink ang baso habang nakatingin sa akin na may masamang tingin sa kaniya. Tumalikod naman siya habang sisipol-sipol pa.

"Siraulo ka talaga Yukio Shinoda!!" Nanggagalaiti kong sigaw dito sa kusina at napapadyak sa sobrang asar.

**********

SA WAKAS ay natapos na din ako maghugas ng mga pinagkainan at ang dalawang hilaw na Hapon ay napakasarap ng buhay habang nakahiga sa sofa ko at nanonood ng TV, akala mo naman sila ang nagbabayad ng bill ko!

Dumiretso na ako sa kwarto ko nang matapos ako sa paghuhugas ng plato at nagbihis na para sa pag-alis, naalala ko bonding day pala naming tatlo ngayon kaya ang gagawin namin ay magshopping.

Actually every Saturday or Sunday ang bonding naming tatlo na kahit may mga gawain pa sa trabaho ay ihihinto namin ang mga ginagawa para mabigyang time ang isa't-isa dahil kapag weekdays ay puro na naman trabaho.

Ang mga ginagawa naming bonding ay minsan lalabas kaming tatlo at kakain sa restaurant, magmomovie marathon sa mga bahay namin or magshoshopping, gaya ngayon napag-usapan namin noong Thursday na magshoshopping kami kaya heto ngayon nambubulabog ang dalawa at inistorbo pa ako sa tulog ko.

I just wore a high-waist fitted pants and sleeveless black croptop and for my foot I just wore one of my Saint Laurent leather ankle boots. I also put some light make-up to my face and red matte lipstick to my lips and last but not the least my chanel bag.

Pagbaba ko ay naabutan kong nagbabangayan ang dalawa habang hawak ni Yuki ang isang chocolate bar.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status